Homepage/I'm inlove with you/
Chapter 13
CALLY AVIANA MORTIZ POV.
"Hay, grabe! Ang boring talagang mag lecture ni Miss!" Reklamo ni Cassy, "Nakaka antok, t*ngina"
Nakasakay na kami ngayon sa kotse ni Cathy, si Cathy nalang Ang hinihintay namin, may kinuha pa kasi siya sa locker niya.
"Hindi ka kasi nakikinig kaya inaantok ka." Sambit ko, nasa backseat ako, nasa shotgun seat naman siya.
"Nakikinig kaya ako." May kinuha siyang malaking chichirya sa loob ng bag niya, Vcut atah, binuksan niya Yun, "gusto mo?"
"No, thanks." Hindi ako mahilig sa mga ganyan pagkain, siya lang. Mas gusto ko Yung mga sweet food.
"Di Don't." Sabi niya bago kinain Yung Vcut.
Ngumuso nalang ako at tumingin sa bintanang naka sarado.
Nasan na kaya si Aze? Umuwi na kaya siya? Kinagat ko Ang lower lip ko at umiling iling. Siya na naman laman ng isip ko.
Nagulat ako ng biglang bumungad sakin Ang mukha ni Aze pag lingon ko ulit sa nakasaradong bintana. Siya ba talaga yan? O baka naman nagha- hallucinating lang ako. O baka nanaginip? O baka malabo na mata ko? Kinusot kusot ko Ang mata ko pero siya talaga, si Aze talaga, kumakatok siya sa bintana.
Kinagat ko Ang lower lip ko Saka lumingon Kay Cassy na kumakain parin ng Vcut, "Cassy, kumakatok si Aze."
"Edi pag buksan mo." Walang pakealam niyang Sabi.
Napa nguso nalang ako at pinagbuksan siya ng bintana, "anong kailangan mo?" Tanong ko sa kanya.
Para akong aatakehin sa puso ng ngumiti siya sakin, "sasama ako sa inyo." Aniya.
Binuksan niya Ang pinto, umusog ako para maka upo siya sa tabi ko, "Saan?"
Kumunot Ang noo niya, "sa bahay nyo?"
Ako din ay kumunot Ang noo, "bakit ka sasama? Anong gagawin mo don?"
"Ano ka ba, Cally Aviana. Syempre pupunta siya sa bahay kasi gusto niya," si Cassy ang sumagot, "kailangan ba may reason?"
Umiling lang ako at tumahimik na.
"Aze, you want?" Alok ni Cassy don sa Vcut na kinakain niya. Agad namang kumuha Don si Aze, mabuti nalang at dumating na si Cathy kaya nag drive na siya pauwi sa bahay.
"Cathy, Daan tayo don, oh." Sabi ko habang nakaturo don sa shop na may pangalang 'meet sweets'
"Sure."
Lumingon ako Kay Aze kung okay lang, ngumiti Sya sakin at ginulo Ang buhok pa Ang buhok ko kaya napanguso nalang ako. Pinarada na ni Cathy ang kotse niya, agad akong bumaba, nagulat pa ako ng bumaba din sila, balak ko sanang mag take out lang. Pero bago pa ako makapag tanong nagsalita na si Cassy, "libre mo kami."
I just nodded.
Pumasok na kami sa meet sweets shop, takam na takam na ako, umupo kami sa may bakanteng upuan at umorder.
"Aze Shin, why don't you have a girlfriend?" Biglang tanong ni Cathy habang naghihintay kami ng order namin. "I mean, sa Dami ng babaeng nagkakagusto sayo, halos lahat magaganda, sexy at matatalino. Wala ka man lang nagustuhan sa kanila, kahit Isa?"
"None." Tipid na sagot ni Aze, nakita ko sa gilid ng mata ko na sumulyap siya sakin. Kaharap ko kasi siya, sa tabi niya si Cassy, ako naman katabi ko si Cathy. Nakatingin lang ako sa glass window, pinapanuod ang mga tao at sasakyan na dumaraan.
"Why?"
"I like someone else." Sumulyap na naman ulit siya sakin habang sinasabi niya Yun. Parang may tumusok naman sa puso ko.
"Who? Care to tell us?" Naka-taas Ang kilay ni Cathy, "is that Cassy?"
"Hoy, bat ako nasali dyan sa usapan nyo?" Sabat ni Cassy.
Nakagat ko Ang lower lip ko.
Tumawa si Aze na Akala mo may nakakatawa, "No. She's just my Friend."
"Hmm, is that one of the girl who's crazy inlove with you?" Tanong na naman ni Cathy.
He shrugged, "I don't think so, maybe not?"
Naputol lang ang usapan nila ng dumating na Ang order namin.
"Grabe, Ang sarap pala nitong creampuffs?" Namamanghang tanong ni Cassy.
Aze chuckled, "Wala namang hindi masarap sayo."
Pabirong tinampal ni Cassy ang braso ni Aze, "Ang epal mo."
"Totoo naman."
Inirapan lang siya ni Cassy.
Looking at him now making my heart thump like crazy, Hindi ko namalayang muling bumalik itong nararamdaman ko. Muling nabuhay Ang pag ka-gusto ko sakanya.
Sino kaya Yung 'someone else' na sinasabi niya? Nagkagusto sa kanya si Aze, Ang swerte niya kung ganun. Maraming nagkakagusto kay Aze, kaya maswerte talaga Ang babaeng nagugustuhan niya, sa Dami ng nagkakagusto sa kanya, siya Ang pinili, siya Ang nagustuhan.....
Kinagat ko Ang lower lip ko nang makaramdam ng kirot sa puso ko. Nag focus nalang ako sa cake na kinakain ko kahit na medyo may mabigat sa puso ko. Mabuti nalang at favorite ko itong kinakain ko at matamis pa kaya kahit papano gumaan Ang nararamdaman ko bawat subo ko.
"Samahan nyo akong mag aral mamaya, please?" Sambit ni Cassy, pauwi na kami ngayon. "Baka biglang mag surprise quiz Yung professor naming masungit."
"Hindi kaba makakapag aral ng walang Kasama, Cassy?" Tanong ko, ako kasi sanay akong walang Kasama pag nag aaral, mas gusto ko Yun, baka kasi ma-distract ako kapag may Kasama. Umiling siya, "sige, sasamahan kita."
"Ako din, sasama." Sabi ni Aze, parang tinambol naman Ang puso ko sa tuwa.
"Dad!" Tawag ko ng makapasok kami sa bahay at nadatnan namin siya sa living room na nagkakape habang may binabasang papel. Nag kiss ako sa pisngi niya, ganun din ang ginawa nila Cassy at Cathy.
"Hello po, Tito." Magalang na bati ni Aze.
Nag angat ng tingin si Dad Kay Aze, "Ijo, kamusta?"
Ngumiti si Aze, "gwapo parin po, Tito." Sabay silang natawa sa sagot niya.
Nagtungo naman ako sa kwarto ko tsaka nilapag Ang bag ko sa kama at nagbihis ng pambahay. Nahiga muna ako sa kama pagkatapos at tumitig sa kisame.
Nandito si Aze sa bahay, Kasama namin siya mag aral, sa harap niya ako uupo para kapag nagsusulat o nagbabasa siya may chance akong matitigan siya, pwede din namang sa tabi niya.... Kaso baka mahalata niyang gusto ko siyang katabi, ayos na akong sa tapat niya ako uupo, hindi ako mag aral, titingnan ko lang siya, titigan ko lang ang gwapo niyang mukha.... Baka Hindi naman kasi mag su-surprise quiz Ang professor namin.
Hala! Bat ko ba iniisip Ang gagawin ko mamaya?
Napangiti ako at nagpagulong-gulong sa kama, "nababaliw na ako." Sabi ko sa sarili at nagpagulong-gulong ulit.
"What are you doing?" Dining kong tanong ng Isang pamilyar na boses.
Agad akong napatigil sa ginagawa at umupo, inayos ko pa Ang Suot kong damit na bahagyang nagulo bago ko tiningnan Ang nagsalita.
"W-why are you here, Aze?" Anong ginagawa niya dito? Nakasandal siya sa hamba ng pintuan ng kwarto ko at nakapamulsa. Ang gwapo niya......
Nabalutan agad ako ng hiya ng maalala Ang ginawa ko kanina. Kanina pa kaya siya diyan? Nagpagulong-gulong pa naman ako kanina na parang Tanga.
"What are you doing?" Tanong niya ulit. Hindi ko na nga pinansin kanina Ang tanong niya, inulit niya pa.
Napanguso nalang ako, "Nagpagulong-gulong." Yun naman talaga Ang ginawa ko kanina, nakita na niya nagtanong pa, "new hobbies ko."
Mahina siyang tumawa, "mag aral na daw Sabi ni Cassy."
"Sige, susunod nalang ako." Sabi ko pero Hindi parin siya umaalis, nanatili siya sa pwesto niya at pinalibot Ang tingin sa buo kong kwarto. Bigla akong nahiya, hindi naman Makalat Ang kwarto ko at maayos naman tingnan pero ewan. Bakit ba ako nahihiya? Basta pag siya Ang kaharap ko Hindi ko na maintindihan Ang sarili ko. Gusto ko parin pala siya......
"You loved books, huh?" Tanong niya.
"Oo. Sige na, alis na." Pagtataboy ko sa kanya pero di niya ako pinansin at naglakad Sya papasok at lumapit sa bookshelf.
"I loved books, too." Kapagkuwan ay sabi niya.
I bite my lower lip. He loved books? Nakakatuwa! "Talaga?"
"Yeah."
Pinanuod ko lang siya na kumuha ng Isang libro at binasa yun.
"I'm inlove with you. I love you, I love your smile, I love your voice, I love your smell. I love everything about you, baby." Sabi niya na nagpatigil sakin.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (734)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
𝙎𝙖𝙣𝙖 𝙖𝙡𝙡 𝙣𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙤𝙮𝙖𝙡 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖'𝙩 𝙞𝙨𝙖 𝙗𝙩𝙬 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙣𝙜 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮
22/07/2022
0love it, highly recommend
11/05/2022
0highly recommended! Super gandaaaa.
14/06
0Tingnan Lahat