Chapter 11

CALLY AVIANA MORTIZ POV.
"Hindi ko siya crush noh." Deny ko.
"Hindi mo siya crush kasi gusto mo siya o love mo siya?" Nakangising tanong ni Cassy.
"Kumain kana nga lang, Cassy." Ramdam kong nag init Ang pisngi ko.
Gusto? Love? Boring ba toh sa buhay si Cassy? Walang magawa kundi kung ano-anong itatanong. Hindi ko nga crush si Aze e kasi love ko siya.
Ha?! Ano?! Love ko?! Hindi! No! Aish! Anong love?! Nahahawa na atah ako Kay Cassy.
"Why are you blushing, Cally Aviana?" Nakangisi din si Cathy.
"H-hindi ako nagbla-blush noh!" Hinawakan ko Ang pisngi ko, "Ganito talaga Ang mukha ng cute."
Sabay silang dawa na natawa.
"Mas cute ako sayo." Ani Cassy.
Thanks God! Nasa cute na din ang topic.
"Pinaka cute naman ako." Sumubo ako ng kanin.
Nilunok muna ni Cass Ang pagkain na nasa bibig niya bago nagsalita, "Super duper cute ko!"
"Tss. Tumigil na nga kayo!" Saway ni Cathy, "Ako Ang Reyna ng ka-cute-tan."
Nang matapos kaming Kumain ay naligo na ako at nagbihis.
Nang makarating na kami sa school ay nagpaalam na kami sa isa't isa. Dumeretso na ako sa room ko, pagpasok ko ay umupo na ako sa upuan ko, Wala pa si Miss, andito na si Trace, nakasubsob Ang mukha sa desk, mukhang tulog.
Naalala ko kung anong maramdaman niya kapag nalaman niyang may boyfriend na si Cathy. Alam na kaya niya o hindi pa? Tatanungin ko siya mamaya. Hays, ano kayang mararamdaman niya? Hindi ko alam, ay teka. Bat ko ba iniisip kong anong nararamdaman niya?
Maya Maya pa ay gumalaw na siya at nag angat ng tingin tapos umayos ng upo.
"Gising kana?" Tanong ko, lumingon naman agad siya sakin, mukhang Hindi siya natulog, nakasubsob lang talaga Ang mukha niya sa desk.
"Uy, Cally! Kamusta?" Malapad siyang ngumiti.
"Ayos lang." Sagot ko. "Ikaw, kamusta?"
"Gwapo parin." Napa ngiwi ako sa sagot niya.
Iniisip ko na baka mawala yan mamaya Ang malapad niyang ngiti kapag sinabi ko sa kanya na may girlfriend na si Cathy.
Huminga ako ng malalim, "Ahm, Trace, alam mo na ba?"
"Oo! Matagal ko ng alam na gwapo ako." Proud na Sabi niya.
Napabuntong hininga nalang ako, "Hindi Yun." Puro naman siya gwapo e!
Kumunot Ang noo niya, "Ay, hindi ba? I thought we're talking about my handsome face?"
"May boyfriend na si Cathy." Deretsong Sabi ko.
Saglit siyang natigilan bago tumawa, "I know. Yun lang pala tinutukoy mo." Aniya, "Akala ko pa naman pinag uusapan natin dito Ang kagwapuhan ko. Ang sama mo, Cally."
Napakurap kurap ako bago natarantang tumingin sa kanya, "Ha? B-bakit? Sorry....."
Pinisil niya Ang pisngi ko, "joke lang."
Napanguso nalang ako.
"Mabuti nalang at hindi ako masyadong inlove Kay Cathy." Kapagkuwan ay Sabi niya, "kaya naka move on ako agad."
Agad agad? Mabuti na din Yun para hindi siya masyadong maapektuhan kapag nalaman niyang may iba na Ang hinahangaan o nagugustuhan niya.
"Good for you." I smiled at him.
Dumating na din si Miss kaya umayos na kami ng upo at nakinig lang sa kanya hanggang sa natapos na Ang klase.
"Lunch break na!" Masiglang Sabi ni Trace pagka labas namin ng room, "Tara na, Cally."
Tumango ako sa kanya, "sige."
Nag lakad na kami papunta sa cafeteria.
"Trace, Wala ka bang ibang Kaibigan sa mga classmate natin?" Tanong ko.
Napansin ko kasi, ako palagi Ang Kasama niyang Kumain minsan tuwing lunch break na, minsan naman Hindi kami sabay, imposible namang walang Kaibigan si Trace kahit isa sa mga classmate namin.
"Wala," sagot niya agad, "Nasa ibang building Ang mga Kaibigan ko, may iba namang nasa ibang school."
Tumango tango nalang ako at bumili na ng pagkain dahil nakarating na kami sa cafeteria.
"Grabe, Ang gwapo ko talaga." Sabi niya ng magtilian Ang mga babaeng nadadaanan namin.
Oo, gwapo nga siya pero mas gwapo si Aze sa kanya. Sana lunch break na nila at pumunta na siya dito sa cafeteria tapos sumabay siya samin sa pagkain. Hala! Ano ba tong iniisip ko?
Umiling iling ako para alisin Yun sa isip ko.
"Bro, sabay kana samin Kumain." Yaya nong studyanteng lalaki Kay Trace, hindi yata ako napansin.
"Hindi pwede, Kasama ko si Cally." Tanggi ni Trace. Kinagat ko Ang lower lip ko. So kung Hindi niya ako Kasama, doon siya sasabay mag lunch?
Lumingon sa gawi ko Yung lalaki, "oh, hi." I just smiled at him, "sayang Kasama pa naman namin si Maxine." Tinapik nong lalaki si Trace sa balikat bago umalis.
Sinundan ko ng tingin Yung lalaki hanggang sa maka upo siya sa table nila. May dalawang lalaki at dalawang babae siyang Kasama sa table. Sino kaya don si Maxine?
Tumingin ako Kay Trace, kita ko Ang pang hihinayang sa mata niya kahit nakangiti siya.
"Ahm, Trace, okay lang naman ako dito." Sabi ko.
"Huh?"
"Sige na, sumabay ka na don sa table nong nag Aya sayo." I smiled.
"Ayoko. Wala kang Kasama dito."
Bumuntong hininga ako, ano ako bata?  "Okay lang ako dito, kuya. Sige na."
Napa ngiwi siya ng tinawag ko siyang 'kuya'  "ayoko."
Nag puppy eyes ako sa kanya, "please, kuya..... Please."
He sighed deeply Saka lumingon don sa table nong nag aya sa kanya. Kita ko kung paano kumislap Ang mga Mata niya ng makita Yung Isang babae na Kasama nila, "okay lang ba?"
"Oo! Sige na! Alis na!" Pagtataboy ko sa kanya.
Kinuha niya Ang pagkain niya, "sige, bye baby girl."
Kumaway ako sa kanya, "bye-bye!"
Pagka alis na pagka alis ni Trace ay may biglang umupo sa harap ko, kung Saan naka upo si Trace kanina.
Gulat akong tumingin sa kanya, ganun na lang ang gulat ko ng makita kung Sino Yun.

Komento sa Aklat (734)

  • avatar
    Celine_venuz

    𝙎𝙖𝙣𝙖 𝙖𝙡𝙡 𝙣𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙤𝙮𝙖𝙡 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖'𝙩 𝙞𝙨𝙖 𝙗𝙩𝙬 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙣𝙜 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮

    22/07/2022

      0
  • avatar
    EvansAndrea

    love it, highly recommend

    11/05/2022

      0
  • avatar
    Cairia Ramos

    highly recommended! Super gandaaaa.

    14/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata