Chapter 10

CALLY AVIANA MORTIZ POV.
Nasa labas palang ako pero rinig na rinig ko na Ang malakas nilang tawanan. Napatigil ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung bakit pero parang ayaw ko nalang Kumain. Akmang hahakbang na ako paatras ng magsalita si Yaya Danice sa likod ko.
"Bakit ka tumigil, Cally?" Nasa likod ko pala siya? "Pumasok kana, ikaw nalang Ang hinihintay nila."
Tumango ako at ngumiti sakanya, "Sige po, ah, teka, pakainin nyo nalang po si Chenny."
"Oh, sige, ako ng bahala sa aso mo."
Tuluyan na akong pumasok sa Dining.
"Hi." Mabilis ko namang nakuha Ang atensyon nila.
Magkatabi si Kuya Alexander at Cathy, nasa tapat nila si Cassy at Aze  na magkatabi din.
"Cally! Ang tagal mo naman." Reklamo ni Cassy, nakanguso pa siya.
"Kasi.... May ginawa pa ako." Ramdam kong nakatingin sakin si Aze kaya lumingon ako sa gawi niya. Hindi ko alam kung ngingiti ako sa kanya o ano pero sa huli I smiled at him, he smiled back.
"Upo na, Cally. Kakain na tayo." Sabi ni Cathy kaya naglakad ako papunta sa tabi niya, gusto ko Sana umupo doon sa tabi ni Aze, bakante kasi Yung nasa kanan niya kaso baka ayaw niya Saka nakakahiya.
Bahay naman namin toh, bat ako nahihiya?
Uupo na Sana ako sa tabi ni Cathy ng makita ko si Cassy na pinandilatan ako ng mata kaya nabitin Ang pag upo ko.
Kinuotan ko siya ng noo, nginuso niya Yung bakanteng upuan na nasa kanan ni Aze kaya napasulyap ako doon.
Ano bang problema nitong ni Cassy? May panguso nguso pang nalalaman?
Napasulyap ako Kay Aze na pasimpleng bumuntong-hininga habang nakatingin sa Plato niyang Wala namang laman.
Sumulyap ulit ako Kay Cassy.
"Doon ka umupo." Sabi niya ng walang boses kaya mas lalong kumunot Ang noo ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.
Ano bang problema nito? Kaya kahit naguguluhan ako, sinunod ko nalang siya. Naglakad ako palapit sa tabi ni Aze.
"Oh, Cally, bakit ka lumipat?" Takang tanong ni Cathy.
Umupo ako sa tabi ni Aze, "Kasi..... Gusto kong umupo sa tabi ni Aze." Hala! Nanlaki Ang mata ko sa sinabi ko at napatakip ng bibig.
Mabilis na nag angat ng tingin sakin si Aze na kagat kagat Ang lower lip niya. Parang pinipigilan Ang ngumiti.
Napa iwas ako ng tingin at umayos ng upo, "may itatanong kasi ako sakanya." Mabilis na Sabi ko para takpan Ang kahihiyang sinabi ko.
Ang Tanga parin naman ng sinabi ko. Pwede naman tanungin ko siya kahit andon ako naka upo sa tabi ni Cathy. Haist. Hindi na talaga nag iisip ng Tama Ang isip ko tuwing si Aze Ang kaharap ko.
"Asus, kunware kapa e." Tukso ni Cassy, "gusto mo lang tumabi Kay Aze, aminin mo na."
Ikaw kaya tong may kasalanan!
Ngumuso ako, "hindi naman e." Medyo lang hihi.
"Let's eat, guys." Napatingin ako Kay Cathy ng magsalita siya, ngumisi siya sakin, ganun din si Kuya Alexander kaya mas lalo akong napanguso.
"Yaya Rose, sabay na po kayo samin." Yaya ni Cassy.
"Naku, hindi na, Mamaya na kami." Pagtanggi ni Ate Rose.
"Kayo pong bahala."
Napatingin ulit ako kina Cathy ng lagyan siya ng pagkain sa Plato ni Kuya Alexander.
"Eat up." Boses iyon ni Aze na pumutol sa pag tingin ko kina Cathy, "Hindi ka mabubusog kung nakatingin ka lang sa kanila."
Nahihiya akong nagbaba ng tingin sa Plato ko at ganun nalang Ang gulat ko ng may pagkain na doon.
Lumingon ako Kay Aze, "ikaw ba naglagay nito?" Turo ko sa Plato ko.
"Yeah."
Kinagat ko Ang lower lip ko at tumingin ulit sa Plato ko, "S-salamat." Nag simula na akong Kumain.
"You're welcome."
Hindi na ulit ako tumingin sakanya dahil nahihiya parin ako sa sinabi ko kanina. Si Cassy kasi e pero too namang gusto ko umupo sa tabi ni Aze kaso nakakahiya paring aminin Yun sa kanila, sobrang nakakahiya! Ramdam kong nag init Ang pisngi ko. Kung Bakit ba kasi sinunod ko si Cassy at kung bakit bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko. Aish! Kahiya ka talaga Cally Aviana!
"Ano palang itatanong mo sakin, Cally?" Tanong ni Aze.
Wala palusot ko lang Yun.
"kasi, ahm.... Nakalimutan ko, Aze." Sana makalimutan mo na din na may itatanong ako kahit Wala naman talaga!
__________
MAAGA palang ay gising na ako, naghilamos muna ako bago lumabas ng kwarto Kasama si Chenny, papakainin ko kasi siya.
"Good morning, Mom, Dad." Nag kiss ako sa pisngi nila at nadatnan ko sila sa Living room, paalis na papunta sa company.
"Good morning." Mom greeted back habang inaayos Ang necktie ni Dad.
"Morning." Dad greeted back, "how's your sleep?"
Ngumiti ako Kay Dad, "Ayos naman po."
Tumango si Dad, "Kumain kana, aalis na din kami." Dad kissed my forehead.
"Take care po." Kumaway ako sa kanila.
"Bye, Aviana." Mom kissed my cheeks.
"Bye, Mom. Take care."
Nang umalis na sila ay pumunta na kami ni Chenny sa kusina, andon na Sina Cassy at Cathy, kumakain.
"Good Morning." I greeted at them, they greeted me back. "Yaya Rose, pwede po bang kayo na magpakain Kay Chenny?"
"Sige, ako ng bahala Kay Shenny." Kinuha niya sakin si Shenny, "Come here, Shenny. Papakainin ka ni Yaya Ganda."
Natawa naman ako, "Yaya, it's Chenny not Shenny."
Hanggang ngayon Shenny parin Ang pagsambit niya sa Chenny.
Kinurot ni Yaya Rose Ang pisngi ko, "Oo na, Shenny na kung Shenny."
Napanguso nalang ako, "Chenny nga po e."
Muli na naman niyang kinurot Ang pisngi ko, "Ang cute cute mo talagang bata ka." Sabi niya, "Sige na, Kumain kana."
"Okay po." Umupo ako sa tapat ni Cassy.
"Bakit late kanang nagising, ha?" OA na tanong ni Cassy, "alam mo ba kung anong oras na?"
"Cassy, you're over acting." Cathy rolled her eyes, "Just eat."
"Nagpuyat ka kagabi noh?" Hindi talaga titigil si Cassy sa ka OA-han nya. "Anong pinagpuyatan mo? O baka naman Sino?" Pinaningkitan niya ako ng mata.
Napanguso ako, "Ano bang pinag sasabi mo, Cassy? Ang aga aga pa kaya." Sumubo ako ng bacon.
"Kapag nauna akong nagising keysa sayo it's means late kana nagising." Sabi niya, "Sino iniisip mo? Yung crush mo noh? Magdamang mo siyang inisip?"
"Ha? what are you talking about, Cassy?" Kumunot Ang noo ko, "I don't have a crush."
"Weh? Talaga lang ha." Parang Hindi siya naniniwala, "How about Aze? Hindi mo ba siya Crush?"
"Oo nga, Cally. Aze is your Crush, isn't he?" Sumali na din si Cathy.
Bakit ba napunta Kay Aze at sa crush crush na yan Ang usapan? Paano napunta Ang topic na late nagising— kahit hindi naman, sa crush at Kay Aze.
Aze...... Talagang si Aze pa.

Komento sa Aklat (734)

  • avatar
    Celine_venuz

    𝙎𝙖𝙣𝙖 𝙖𝙡𝙡 𝙣𝙖𝙜𝙞𝙣𝙜 𝙡𝙤𝙮𝙖𝙡 𝙨𝙖 𝙞𝙨𝙖'𝙩 𝙞𝙨𝙖 𝙗𝙩𝙬 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙣𝙜 𝙨𝙩𝙤𝙧𝙮

    22/07/2022

      0
  • avatar
    EvansAndrea

    love it, highly recommend

    11/05/2022

      0
  • avatar
    Cairia Ramos

    highly recommended! Super gandaaaa.

    14/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata