logo text

Wish You Were Sobber

"Ruzena hey! Finally sinagot mo din. May bago akong ticket sa C-"
"I'm sorry Echo pero medyo busy kasi ako. I'll call you later" mabilis na sabi niya at binabaan na ako. It's been a week.
Isang linggo matapos kaming makita ni Alex. At ito nga isang lingo na niya akong iniiwasan. Argh pahamak kasing Alex yan eh.
Isang linggo ko na tuloy hindi nasisilayan ang ganda ng My loves ko. Kapag pumumunta naman ako sa office niya eh hinaharang na agad ako ng secretary niya. Ang hirap pa naman suhulan non. Pati mga pinapadala kong pagkain eh hindi manlang nakaka abo--
"Wazzup!! May pagkain naba tay--"
"Kuya Zeev! Bakit hindi mo sinabi saking aalis si Pandora!" Nakauwi din ang ugok.
"Huh? Eh akala ko alam mo na eh. Tsk move on, I'm hungry" Sabi niya at nilagpasan lang ako.
"Eh bakit ngayon kalang nakauwi? Alam mo ba kung saan nakatira si Do--"
"Echo" Natigil ako sa seryosong boses niya.
"I. . . .I'm just asking" Nakakatakot talaga to pag seryoso eh. Mas matanda padin kasi siya sakin ng tatlong taon.
"She can handle herself" Sabi niya lang at ginulo pa ang buhok ko bago maglakad paalis.
Alam ko naman yon. Naninigurado lang, tyaka malay ko ba kung masama din pala ugali ng mga relatives niya sa Father side. Pano kung maglayas ulit yon, san siya matutulog? Eh kung manigas siya sa lamig? Oh kaya dukutin ng mga sindikato tapos gawing pulubi oh kaya ibenta mga lamang loob. Tsk. Concern lang eh
"By the way, balita ko nahuli kayo ni Alex ah. So kayo na ni Ruzena?" Rinig kong sabi niya sa kusina" Lumapit nalang ako at nakihati sa kinakain niyang cake.
"No, nililigawan palang sana eh kaso pahamak na ang babaeng yon. Natakot ata si My Loves. At san mo naman nalaman yan? Talagang nagkabalikan na kayo ni Ate Sidney?"
"Sa ex mo" napahinto ako.
"Kay Kirsi?" Yeah my Ex. Kuno
"Nagkita kami sa US. I'm planning to propose to Sidney so I talked to her family but anyway, nabanggit nga ng sister niya na nagtatanong si Alex about you. Alam mo naman bibig non, so ayun. Nai chismis nadin sakin" What the.
"Wait, don't tell me madami ng naka--"
"Nah don't worry. Pinigilan na ni Ex mo. Sinabi niyang hindi ka niya kilala and her ex is someone else so natahimik na si Alex" -_- Hindi ko alam kung matutuwa ako na pati sa kanya na deny ako. Letcheng si Ex yan, hahampasin ko talaga yon pagnakita ko.
"How is she?"
"Your ex? Oww she's married"
"What!?" Nabagsak ko bigla ang hawak kong kutchara.
"Pfft what? Affected lang?"
"Bakit hindi niya sinabi sakin? I'm her best friend! Hindi naman porket nag break kami eh pati pagkakaibigan namin sira na! That's our promise. Argh lago--"
"I'm kidding. Pfft hahahahaha sinabi niya sakin na biruin kita na kasal na siya hahahaha tamang tama siya ng hula kung anong magiging reaction mo" -_- Pigilan niyo ko hahampasin ko ng baso to.
"But she's engaged. Pauunahin niya lang kaming makasal ng ate niya. Uuwi na pala siya next month. Tutulungan ka daw sa love life mo" Aba dapat lang. Naunahan pa ako tsk. She's my best friend na ex ko din. Mahabang kwento pero mas maharot pa yon sa maharot. Sinong malas na babae naman ang nauto non.
Ugh nevermind. Dagdag pa sa isipin, si My loves nga muna isipin ko. Pano ko ba siya mapapaibig?
Since hindi ko siya makausap ay gabi gabi nalang akong naglalagay ng pagkain sa ibabaw ng kotse niya. Late na kasi lagi umuwi tas hindi pa kumakain. Lagi naman niyang kinukuha iyon tas kakain muna bago umalis. Cute lang, sarap niya panoorin habang kumakain.
And now nag aabang na naman po ako sa parking lot at hinihintay siya. But. . . .  Ugh it's 1am! Hindi ba siya uuwi?
Nilalamok na ako dito sa gilid ng kotse niya. Milk tea, pizza at shrimps pa naman dala ko. Pumikit muna ako saglit dahil bibigay na talaga itong mata ko . . . . . .
"Echo, hey what the hell are you doing here again? Echo. Pst! Hey!" Pfft she's here. Syempre tulog tulugan muna tayo.
"Argh idiot. Ang lamok lamok dito eh" Sabi niya at naramdaman ko nalang na tumabi siya sakin. Kinuha niya din ang dala ko at nagsimulang kumain. Syempre ako itong maparaan, sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. Hindi naman siya kumibo.
"I'm sorry. Natakot lang ako, chismosa kasi ang babaeng yon. Ayoko lang na makarating pa sa mga relatives ko ang kung ano mang sasabihin niya." Wala pa ngang kami takot na siya, pano nalang kung
"Hmm ang sarap nitong pizza, san mo nabili?" Hindi ako sumagot at nagtulog tulugan lang. At mukang makakatulog na nga talaga ako dahil ang bango niya. Ang peaceful lang.
"Hey, ano bang nagustuhan mo sakin?" Everything about you
"Hindi ko alam kung anong nakita mo sa gaya ko. Dahil ako? Hindi ko gugustuhin ang sarili ko. There's nothing special about me Echo. No one actually like me"
"I do" I whispered
"No. Echo I'm not the same girl 5 years ago. I'm not the girl you like anymore" humarap ako sa kanya.
Finally. Natandaan niya din ako sawakas. We met 5 year ago, sa isang house party. I'm 16.
Hindi niya ako matandaan dahil mahaba pa ang buhok ko noon at nakasalamin. Medyo baby face din at pandak pa. Last last year lang naman kasi talaga ako nag bloom. Late bloomer ako okay?
Flashback
"Echo break na tayo. Nakita ka daw ni Alex may kayakap na babae. Alam mong ayoko ng player" Napatigil ako sa pagkain nitong Melon sa narinig ko sa best friend kong naging jowa ko last month lang.
"Kasi ikaw yung player? And Kirsi hindi ko yon nikayap. Hinalikan ko. . . . Sa cheeks" Sabi ko bago ipagpatuloy ang pagkain.
"Ganon na nga, and whe? Maganda ba? Pakilala mo k- anyway I'm really sorry. Minahhmpppp" Sinubuan ko na ng melon at kung ano ano pa ang sasabihin nito.
"I understand. Now chupi, sagabal ka sa pag chix hunting ko. Best friend parin tayo promise." Hindi ko din talaga alam at kung anong masamang usok ang nag udyok samin at pinatulan namin ang isat isa. Hays kami lang kasi ang bakla sa circle naming mga anak mayaman. No choice.
Tumabi na siya sakin ng upo at naki kain din.
"Who's your type?" Tanong niya.
"The serious and professional type of course. Yun bang masasabihan ko ng 'apakan mo ko ma'am' ugh hot"
"Ako aapak sayo you want? Sakto naka high heels ako. Halihmmppp pwe! Yah! Mga type mo matanda na, may asawa na yang tinititigan mo uhhmpp isa!"  Nilagyan ko ng tissue bibig niya. Admiration lang noh, di ko naman sinasabing papatulan ko.
Nakititig nalang din siya kasama ko.
"Yah! Nakaharang ka" Sabay naming sabi dahil may biglang humarang sa view namin.
"Hindi padin kayo break?" Si Marites nandito.
"Alex break na kami okay? Now chupi" Sabi ni Kirsi.
"Hindi ba kayo nahihiya? I mean I'm not homophobic but it--"
"Ahm Honey, we're not asking. And your but says it all. Bobo"
"What!?" Hala siya. Naghanap pa ng away ang babaeng kanal na to. Napairap nalang kami ni Kirsi. Alam na kasi namin ang mga susunod na mga linya niya.
Lahat ng mga panglalait at pag insulto kuno sa aming mga proud rainbow eh sasabihin niya. At hindi kami mali.
-_-
"Pigilan mo ko, ihahampas ko sa pader ang babaeng to" bulong ko kay Kirsi. Buti nalang at nasa labas kaming mga bagets at sa loob ang mga matatanda. Hindi rinig ang mga sinasabi niya. Pinagtitinginan na kasi kami.
"Ako ang pigilan mo at baka buhusan ko ng asido muka nito. Argh inaantok ako sa bobong to. " hanggang salita lang talaga kami. Sa tinagal tagal naming nakaka tanggap ng ganito eh nasanay nalang.
Wala din kasing dumedepensa samin bukod sa mga pamilya namin. But of course hindi naman lahat eh kita at rinig nila. Just like right now.
Pakakasalan ko talaga magtatanggol samin ngayon. Basta ba babae.
"Now what!? Natahimik kayo kasi tama ako! Nakakad-- O.O fu**! What the hell is your problem!" Whoa! May nagsaboy kay Alex ng juice.
"Can you just shut up? Nakaka rindi yang boses ipis mo"
"What!? I'm just saying the truth! Salo--" at isang malakas na sampal ang tumama sa pisngi niya.
"Ituloy mo. Hindi ko ata narinig masyado"
"Y-you. I said salo-- yah!! Bakit mo ba pinagtatanggol ang mga yan!" Damn! Umikot ata yung ulo niya.
"Of course not. Naririndi lang talaga ko sa boses mo"
"You're gay too aren't you? Pfft is it?" Oh no.
"Ahm ate okay lang. Sanay naman na kami" Ayoko namang madamay pa siya. Hindi biro ang discrimination na natatanggap namin sa social circle na to.
Pero sa halip na umatras ay ngumiti lang siya sakin.
"Eh pano kung oo, paki mo? Inggit kaba? Gaya kadin" Whoa
"Wh-what? Argh! Ruzena You're crazy!" Galit na galit siyang umalis. At nagtawanan lang ang mga nakapanood sa scene namin.
"Ahm ano a-ate baka kung an--"
"Pfft don't worry. Wala namang naniniwala sa kanya. And if meron man, so be it. Hindi yon ikakabawas ng pagiging tao ko. I have nothing to lose" Nakangiting sabi niya. Oh sh** ang ganda ni Ate.
"Ate wag kang ngumiti na iinlove ako. Baka ligawan kita dyan" nasabi ko bigla na kinatawa niya ng husto.
"Hey don't laugh po. It's true, I admire you. Ay wait, I like you na po. Pakasal na tayo"
"Hahahaha You're still under age. Court me when you're legal" Sabi niya at ginulo lang ang buhok ko. Hindi ako naka react agad hanggang makaalis siya. Oh gosh. Pati paglakad niya ang ganda tignan. And she's holding a wine, ang hot. Tapos she's talking to elderly pa na parang may seryosong pinag uusapan about business.
"K-kirsi. May bago na akong crush. What's her name? How old is she? Kirsi yah!"
"H-ha? Ah yeah what?" Nakatulog na pala ang baliw. Kaya pala nanahimik.
"Yun oh si Ate, kilala mo?" Tinignan niya din ang tinuturo ko.
"Oww, that's Ruzena Alexander. 19 years old and straight just to remind you. Why? Type mo?" Ngumiti lang ako.
"She's my goddess. My loves and My girl!"
Mula non tuwing may mga pa event mga mayayamang pamilya ay pumupunta ko para lang masilayan siya. She's friendly, kaya ang dami laging nakapaligid sa kanya, hindi tuloy ako maka porma.
Tapos ang tapang pa niya, sumasagot siya sa mga nakatatanda kung alam niyang sila ang mali. One time nakipag sagutan siya sa Lolo niya. Napa wow nalang kaming mga nanonood non. Katakot kasi yung Lolo niya noh.
And then just after 5 months na paghanga ko sa kanya, bigla nalang siyang nagbago. Hindi ko na siya madalas makita, at lagi nalang siyang tahimik.
Her older brother died.
End
And then yun nga, nagkita ulit kami sa CR ng school. Believe it or not hindi ko sya agad nakilala, 4 years ko din siyang hindi nakita eh. Kaya pala una palang crush ko na siya. Tapos naalala ko lang siya noong magtagpo na ulit ang landas namin sa mga events. And now, finally.
"You remembered?" Ngumiti lang siya.
"Noong nagkausap kami ni Alex. And Echo I'm not that girl anymore, you can stop now"
"What if I don't?"
"I'll just break your heart more" ngumiti ako at hinawakan ang pisngi niya.
"Baby don't underestimate my heart. Try me"
"I'm terrified. Echo I'm no longer that brave and strong woman you admired before. She's gone. Do you understand? She's go--" I don't care if she slap me after this. I kissed her.
"No she's not. You're still that girl. You're still my girl"
"You're making a mistake"
"Maybe I am? So can you please join me? If you do. It's not a mistake anym--"  Hindi ko na natuloy ng maramdaman ang labi niya. And I just automatically smiled. She's kissing me back, I know she'll regret this later but fu** she's kissing me!
"B-baby y-you taste like w-wine"
*beep *beeeppp
Sabay kaming natauhan sa narinig. Argh who the hell is that!? Agad akong napatayo. Kainis.
Tinignan ko si Ruzena na hindi padin nakaka recover. She's still thinking, oww here it is.
The regrets
"Pfft hahahahaha you're a terrible kisser" ha? Wha. . . T-teka huh?
"Let's practice some other time. I'll teach you okay? But first, move. I need to go" Tumayo siya pero na out of balance kaya napa upo ulit. Tumawa lang siya at tumayo na ulit.
"I. . . Wh-what ju--" Muli niya akong hinalikan kaya natahimik na ako ng tuluyan.
"I'll see you tomorrow. Wala akong gas so mag ga grab nalang ako"
"Ihahatid kita"
"Nah, baka ma distract lang kita. Tomorrow, okay?" Bulong niya sa tenga ko bago maglakad paalis.
Anong nangyari? Fu** hindi ako nananaginip right!? She kissed me! Ako hinalikan niya! Not just once but twice! Pfft hahahaha she kissed me! Walang mapaglagyan ang saya ko, but then.
Hinawakan ko ang labi ko. Nawala bigla ang ngiti ko ng maalala ang kanina.
She's a little drunk.
"Wish you were sobber"

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    Stilw8tng

    til now wala pa rin update,ganyan mga novel ninyo!

    16/04

      0
  • avatar
    Bu Dang Pangilinan

    kailan kaya tatapusin ni author yung story,ang ganda pa naman.

    09/07/2025

      0
  • avatar
    l******p@gmail.com

    My ultimate fave author 😊 Best of luck in your writing journey.

    04/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata