"I also think so. If I didn't know them, I'll assume that they're a couple" Natahimik lang kami sa sinabi niya. Is she serious? "Really? Oh Echo bagay daw tayo. Ligawan mo na kasi ako" At nakisabay pa itong isa. "I didn't say that" At muling tumahimik ang paligid. "Hahahahaha you guys are funny" Basag ni Colin sa katahimikan. "Excuse me, comfort room lang" Tumayo na si Ruzena at sumunod ako. "What was that?" Sabi ko pagkapasok na pagkapasok sa CR. Mukang wala naman ng ibang tao bukod samin. "Nothing" Simpleng sagot niya habang naghuhugas ng kamay. "Ruzena, at ikaw pa itong nagseselos? Eh kayo ni Colin itong mukang mag jowa dyan. Nahiya pa kayo dapat hindi nyo na ko sinama." "What? Kaibigan ko si Colin an-" "Pandora is also my friend" "Right. I'm sorry" Aalis na sana pero hinawakan ko ang braso niya. "Do you really think hindi ko napapansin ang closeness nyo kanina? Damn kahit hindi na kayo mag usap eh alam nyo na ang gusto ng isa't isa. You gave your foods to her, she gave you a medicine. You ordered her favorite foods. Bigla kang naging active ng duma--" "She saved me" "What?" "I'm left out okay? Kayong dalawa lang ni Colin ang nagkakaintindihan kanina. It's suffocating! So now kung nagseselos ka Kay Pandora. Sana dumaan man lang sa isip mo na nagseselos din ako" Mabilis na sabi ko at umalis na. "Ahm Colin? Una na muna ako, gabi nadin kasi. Can you do me a favor? Paki hatid naman si Ruzena sa bahay niya. To continue your lovely conversation, if you know what I mean" Bahala na sila. Hindi ko na tinignan si Ruzena oh hinintay ang sasabihin nila. "Echo!" Tinawag pa ako ni Pandora pero hindi na ako lumingon. "Nag groceries ako! Wala akong dalang kotse, madami yon hindi ko kayang bitbitin! Nasa 3A parking lot, paki uwi sa bahay ha!" Ugh! Bahala siya dyan. Dumiretso ako ng parking lot at sumakay ng kotse. Fu** ang layo na pala ng kinainan namin. Muntik pa akong maligaw. Kasalanan to n- hays, nino nga ba? Bakit ako nag walk out? Umaasa na susundan niya ako. Na for the first time, hindi ako yung maghahabol para ayusin namin to. But no. It's been 2 hours, pero wala padin siya. Is it really my fault? Eh normal lang naman ang actions namin ni Pandora kanina. Hays, speaking of Dora. Kita ko yung pinamili niya, katapat lang ng kotse ko. Tinawagan ko na siya agad. "Hoy Dora! Magtatayo kaba ng sari-sari store at ang dami mong binili? Hindi to kasya sa kotse ko!" "Iwan mo na. Nakausap ko na si Rai, susunduin niya ako mamaya. May dalang Van." "Where are you? Yung girlfriend ko tyaka kababata niya, umalis naba?" "I don't know. Ikaw itong nag walk ou-" "Pan, please? U-umuwi naba siya?" Sumasakit na itong ulo ko. Ayoko munang makipag inisan. Gulong gulo na itong utak ko kung ako ba talaga yung may kasalanan. "Umalis na." Ohh. "Echo?" Tawag niya ng matahimik ako. "Is it my fault?" I asked "Walang may kasalanan. Hindi lang kayo nagka intindihan. You guys should talk tonight. Wag nyo na patagalin, baka lumala payan bukas." "Yes, thank you. Ang tanong kung umuwi naba si--" "I don't think so. Bibili daw si Colin ng Gift sa Mom ni Ruzena eh" Nawalan ako ng gana. "Echo? Dyan kapa?" "Ha? Ah yeah, nakita ko na sila. Pauwi palang. Mang iistorbo ba ako? They look happy" Muka kasing ihahatid nga talaga ni Colin si Ruzena. Hindi ba niya nakita itong kotse ko? I'm still here! "Echo, alam mong ayoko masyadong nag didictate. M-makhes your own deshuisions, d-do what you w-wanch." Napahawak nalang ako sa batok ko. "Gosh, Dora. Lunukin mo muna yang kinakain mo. Don't tell me andyan kapa?" Hindi ko tuloy alam kung seseryosohin ko siya. "Sorry, natikman ko yung Fish fillet nila. Ang sarap so kinausap ko yung Chef. And tina try ko itong tuna nila now." Naging food lover na ang gaga. Napangiti nalang ako, buti pa siya walang problema. "Thank you. Mag uwi ka ng Tuna at patikim din. And contact your secretary, anong oras na oh." Narinig ko lang ang nguya niya so pinatay ko na ang tawag. Do what I want huh. Lumabas ako ng Kotse at nilapitan sila. "Oh hey, di pa pala kayo nakakauwi" "Echo. Yeah, bumili ng Gift" Sabi ni Colin. "Ahm Colin? Kay Echo nalang ako sasabay. Thank you for today" "No no no. Ahm may ibang lakad pa kasi ako. Nakita ko lang kayo so nag Hi nadin. Bye, Ruzena sabay kana sa kanya. I'm sure maram--" Natigil ako ng mapansin ang tingin sakin ni My loves. Oh sh** "But I think kaya ko namang I cancel ang lakad ko. Tara na madam, akin nayang bitbit mo. Hawakan ko nadin kamay mo ha. Baka mawala ka eh" She's mad. I mean mad mad. "Hmm okay, una ako. Thank you ulit for today" yayakap na sana siya kay Ruzena pero humarang ako at ako ang nayakap niya. Dadamoves kapa ha. Awkward lang siyang tumawa at umalis nadin. Naiwan kami ng Girlfriend ko. I'm still holding her hand. "Ahm so, saan tayo?" Kinakabahang tanong ko. "Hays, let's watch the movie" Masayang napatingin ako sa kanya. "Really? Pwede pa? Gabi na eh, late kana namang makakauwi. Oka-" "Pfft it's okay. Calm down, so ayaw mo?" Binuhat ko siya ng kaunti. "I love it! Wag mo bibitawan kamay ko ha" Masayang sabi ko. Hinawakan niya lang ang pisngi ko. "Sorry kanina. I'm just jealous" "Sorry din. I'm jealous too" Para kaming timang. Simpleng selos pinalalaki hahahaha. Binaba ko na siya ulit. Habang naglalakad papauntang cinehan ay nakasalubong namin si Dora na ang dami na namang Dala. "Uy bati na? Bilis ah, para kayong timang kanina. Enjoy the date" Nakangiting sabi niya. Tinignan ko lang siya at tinuro ang dala nito. Dalawang kamay niya may bitbit na mga supot, paperbag at ecobag "It's food" "Pan, buti at hindi ka tumataba" Comment ni Ruzena. "Nah, masipag lang din mag exercise. So una na ako" Aalis na sana siya pero kinuha ko muna halos lahat ng dala niya. "Ako na magdadala. Malayo pa parking lot dito" Hirap na hirap na kasi siya noh. Kawawa naman "Baliw kaba? Ano dadalin nyo yan sa date niyo?" Napaisip ako. Oo nga noh. Binalik ko ulit sa kanya lahat. "Nevermind then. Sige be careful, wag kang tatakbo. Lampa kapa naman. And please Dora, magtanong ka kapag hindi mo na alam kung asaang lupalop ka. Baby let's go." Hinila ko na ulit si My loves para umalis. "I'm not clum- ouch" Hindi ko na kailangang lumingon para malaman ang nangyari. Argh! Natapilok ang ate mo at napaluhod yung isang paa niya. "Apaka lamya mo talaga Dora! Ang bilis mo pa namang magka pasa. Purple na naman tuhod mo nyan." Agad ko siyang tinulungan tumayo. "S-shut up. Kasalanan ng sahig! Tsupi nga" Attitude! Siya na nga tinutulungan eh. Pfft pahiya onti, bilis maglakad eh "Lampa. Baby let's go na nga" Sabi ko at hinawakan ulit si Baby ko. Medyo natatawa lang siya. "She's not a child. Para kang nanay ni Pan" "Minsan kasi hindi marunong mag alaga ng sarili yon, parang ikaw minsan" Pinitik ko ang ilong niya. Mga pasaway. Holding hands padin kaming pumasok ng cine. Wow, atapang atao ata ni My loves ngayon ah. Horror itong pinapanood namin pero bakit hindi ata nasusunod plano ko. "Ahm Baby mag panggap ka namang takot dy--ahh! Pu. . . Pusang gala" May humawak bigla ng Binti ko. "Hahahahaha I'm sorry My Echo. You're so cute kasi." At ang salarin mga kaibigan. Niyakap niya nalang ako. "Wala namang takutan. Kapag ako inatake sa puso, sige ka. Wala ka ng future" Sa sinabi ko bigla niyang nilagay ang kamay sa dibdib ko. Uy tsansing "Are you okay? Fu** I forgot. How's your heart?" Nilagay niya ang ulo niya para pakinggan ang tibok ng puso ko. "Tumitibok pa naman at sinisigaw name mo •.~" Kinindatan ko pa siya ng tumingin na sakin hahahaha "S-shut up. Tara na nga, bakit ba kasi horror pinapanood natin." Tumayo na siya para umalis. "Ihh para matakot ka at mapayakap sakin" "Let's go home at yakapin mo ako magdam--" "Sabi ko nga tara na!" Sigaw ko na kina inis ng ibang nanonood hahahahaha sorry na, happy lang po. Lumabas na kami ng Cine pero nagpaalam muna siya para mag CR. Nagpaiwan nalang ako sa labas dahil may biglang tumawag. "Yes hello?" "Echo? Hey, it's me Rai. Secretary ni Pandora. Ahm just want to ask kung magkasama kay-" "No. Ang akala ko susunduin mo siya? Don't tell me wala pa siya sa Parking lot?" Ayan na nga bang sinasabi ko. Ugh "Ahm Y-yeah. Cannot be reach din kasi ang phone niya." "Naligaw na naman ang Dorang yan. Hahanapin ko don't worry. Try mo nadin malapit sa Parking Lot" "Okay, thank you" Pag patay ko ng tawag ay saktong paglabas din ni Ruzena. "Ruzena si Pa-" "Ahm Echo, sila Daddy at Mommy nandito din pala sa Mall ngayon. Tumawag sakin, sumabay nadaw ako ng uwi sa kanila" Pigil niya sa sasabihin ko. Mukang natakot na naman siya. Niyakap ko siya agad "They didn't see us. Don't worry and be calm. Go on, naiintindihan ko" Bulong ko sa kanya. "I'm sorry" Hindi ko alam kung ilang beses ko na narinig ang Sorry niya. At gaya din ng paulit ulit na sinasabi ko. "I understand" Hindi ko na binanggit si Pandora at baka dumagdag pa sa isipin niya ngayon. Hinatid ko siya kung asaana ng Mom and Dad niya. Pero syempre hindi na ako nagpakita. Hays, kahit kaibigan manlang oh. Sa kanila lang ako nakatingin hanggang makaalis sila. Now, Dora. Saan kana naman nag suot. Nilibot ko ang buong mall. Ugh, ang laki pa naman nito at ang daming pasikot sikot. Kahit ako naliligaw na eh. Pano pa kaya siya? Sumandal muna ako sa isang pader. Kanina pa ako naghahanap at nakakapagod na. "Man, did you see her? Yeah, yung madaming dala na naka upo sa sahig. She's beautiful, nakayuko lang kasi kaya hindi ko na pic--" "Where?" Singit ko agad. Si Dora yon I'm sure. "Excus--" "Yung babaeng tinutukoy mo. Where?" Mukang natakot naman siya at sinabi din kung asan ang tinutukoy niya. Napadpad ako kung saan ko hinatid si Ruzena kanina para makita ang mga magulang niya. Sa isang gilid na medyo tago ay may isang vending machine. Lumapit ako don at tinignan ang isang batang nakayuko habang nakaupo sa sahig. "Nauuhaw ako. Walang barya so ilibre mo muna ako" Dahan dahan naman siyang tumingin sakin. Sa halip na tumayo at gamitin ang vending machine ay nilagay niya yung kamay niya sa ilalim. May dinudukot ata. "What are you doing?" "W-wala na akong cash. N-nauuhaw din ako k-kaso yung last coin ko gumulong sa ilalim. L-let me just. . . Ugh konti nalang eh" Ugh Dora. Hindi ko alam gagawin ko sayo. "Wait, iaasog ko. Alisin mo muna kamay mo" Tumingin muna ako sa paligid. Wala namang bantay so Sinubukan kong i asog ang machine pero. . . "Ang hina mo naman Echo bag. Itagilid mo nalang" "Dora ka. Hindi ko nga matulak oh mahila, itagilid pa kaya? T-teka ugh" Sinubukan kong hilahin pero di naman gumalaw. Nagkatinginan kami ni Dora. "Humawak ka sa bewang ko. In 3, pull backwards. Okay?" Tumango lang siya. Yumakap siya sa bewang ko. "One, tw-- Dor- ouch. What the. Two palang siraulo ka!" Hinila na niya agad ako eh hindi pa nga ako nakahawak sa vending machine. Ang ending dalawa kaming tumumba. "Sorry po. Wag kasi pull! Push dapat. Di marunong. Tabi nga" "At bakit Push?" "Dahil mas madaming lumalayo kaysa napapasayo" Huh? Nu daw? "Huhugot ka pa. Di ka naman marunong. Okay Push forward in One, two threeeeeeeee ugh fu** gumagalaw ba?" Pilit naming tinutulak yung machine pero hindi manlang matinag. Mas lalo akong napapagod ugh. "Mama ano pong ginagawa nila? Hindi ba nila kita po na nakadikit yung machine sa sahig?" Nakatingin ulit kami ni Dora. "Kaya mag aral kang mabuti anak ha. Let's go" Sinilip ko yung ilalim. "Pfft. Stupid" Narinig ko nalang ang mahinang tawa nitong isa. Fu** ano ba itong pinag gagagawa namin pfft. "Fu** hahahahaha you're such an idiot pfft Dora." Natawa nalang din ako "Anong ako? Ikaw itong may idea niyan. Dinudukot ko na nga eh. Pfft fu** para kang tanga kanina hahahaha" Makapag salita parang hindi siya naging mukang tanga. "Are you okay now?" Tanong ko. Humarap siya sakin at ngumiti. "Yeah. Let's go home, next time na natin kunin yan. And ikaw na magdala ng mga binili ko" Utos niya at naglakad na paalis. "Wala manlang bang tubig dito!?" Umiling lang siya. Ugh ang dami naman nito kainis. Tumakbo pa ako para mahabol siya. "Don't mind them okay? You're Pandora Perez. You don't need your middle name" "I answered back and he almost slap me." Hindi ko mapigilang mapangiti. Matapang padin talaga at minsan matalas ang Dila. "Anong sinabi mo?" Huminto siya saglit at tinignan ako. Oww, I really love the way her eyes sparkle when she's proud and happy. "Don't touch me, peasant."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (32)
Stilw8tng
til now wala pa rin update,ganyan mga novel ninyo!
16/04
0
Bu Dang Pangilinan
kailan kaya tatapusin ni author yung story,ang ganda pa naman.
09/07/2025
0
l******p@gmail.com
My ultimate fave author 😊
Best of luck in your writing journey.
til now wala pa rin update,ganyan mga novel ninyo!
16/04
0kailan kaya tatapusin ni author yung story,ang ganda pa naman.
09/07/2025
0My ultimate fave author 😊 Best of luck in your writing journey.
04/10/2024
0Tingnan Lahat