logo text

Why Do You Love Him?

No
She said No
Bakit parang hindi ako nagulat? Hindi na ako ulit nagsalita pa. Pumikit na ako kahit alam kong hindi na ako makakatulog.
I don't want to think anything right now. I just want to take a rest and forget everything. . . . .
Nakatulog din ako ng hindi ko namamalayan. Pag gising ko ay 3:00 am na. Tinignan ko ang kabilang side ng kama. She's gone, as always.
At dahil mukang malakas naman na ay nagpasya na akong umuwi. I think I'm hungry. Sa bahay nalang ako nila Mom uuwi at I'm sure madaming pagkain don dahil kay Pandora.
Pagpasok ko sa Gate namin ay napansin ko ang isa pang kotse. Sa labas ay nakatayo ang isang lalaki, he looks familiar. Ah yeah, secretary ni Dora.
"Hey" Tawag ko sa kanya.
"Good midnight? My name is Rai" Nakipag kamay siya sakin kaya tinanggap ko ito.
"Echo. What are you--"
"Rai, mahilig ka sa Pizza diba? May nat- Echo, bakit umuwi ka ng ganitong oras? Are you okay?"Agad siyang lumapit sakin at binigay naman kay Rai ang dala.
"I'm okay. And you? It's still early, san punta nyo?" I said smiling
"Korea. Emergency sa isang store namin don. I'll be back tonight." Ahh
"Okay, be careful" Tipid na sabi ko at tumalikod na.
"Echo wait" Pagharap ko ay hinawakan niya bigla ang Noo ko.
"May sinat kapa. Bakit ka nag drive? At kita mo ang nipis ng suot mo oh. Kumain kana ba?" Napakagat ako sa labi ko. Sh** bakit naiiyak na ako?
"Echo. Kumain kana ba?" Umiling lang ako.
"Hays, Rai akin na nga yang Pizz--"
"Iehh Boss naman, hindi padin ako kumaka- sabi ko nga ito na" Tinignan lang siya ni Pan, natakot na.
"No, okay lang. Hindi din naman ako mahilig sa Pizza. Ahm magluluto nalang ako ng Noodles. And sure namang may natira pa sa loob" Tumalikod na ulit ako para pumasok sa loob. Medyo naawa kasi ako sa itsura ni Rai kanina.
Pero pagpunta ko ng kusina eh wala manlang natirang pagkain kahit ano. Kailangan pang magluto. Ayoko namang mang istorbo pa ng maid namin.
Hays. Naupo nalang muna ako sa sahig. What's wrong with my day. Exhausting.
"What do you want to eat?" Huh? Naupo din siya sa harap ko.
"I'll cook, kumain ka ng kanin. Hindi Noodles. So ano?" Why? Bakit bumalik pa siya.
"You should go. Emergency yon diba? Mag prito nalang ako ng itlog at hotdog. G- ouch." Pinitik nalang bigla ang noo ko.
"I know my priorities" Nakangiting sabi niya at tumayo na agad. Priorities. . . Ang sarap pala sa feeling.
"Yah. What the, Echo! Bitaw nga, magluluto ako" Niyakap ko ang binti niya. Bahala siya dyan. She's making me cry eh.
"She said No"
"What?"
"She said No. Alam mo ba kung gaano kasakit ang isang No? Sobrang sakit na hindi ako naiyak. Dahil hindi sapat ang isang luha para mapakita kung gaano ako nasaktan." At hindi ko na napigilan ang luha ko.
"It's just a what if but she still chose to break my heart. How I wish na sana nagsinungaling nalang siya. Hindi ba niya alam yung white lies?"
"Echo" Naupo siya ulit at pilit na ini angat ang muka ko para makita niya. Malamang pagtatawanan niya na naman ako kasi ang pangit ko umiyak. But no, pinunasan niya lang ang mga luha ko.
"Tell me, tingin mo ba mahal niya talaga ako? Mahirap ba akong mahalin? Pandora, bakit ang hirap hirap ata para sa kanya na mahalin ako?"
"What do you want to eat?" Huh?
"Dora naman ihh. N-nag da drama ako dit-"
"Pfft hahahaha I'm sorry. Hindi mo ata narinig pero tumunog kasi ang tyan mo. You're really hungry. Let eat first" Ayan tinawanan nga ako. Pfft natawa nalang din ako, may saltik din talaga minsan.
"I want omelet with fried rice. Then mushroom soup"
"Coming up. Maupo ka muna don" Excited na sabi niya. Sumunod nalang ako at naupo sa gilid ng counter so kita ko padin kung pano siya magluto.
"Paano ka gumaling mag luto?"
"Me? I'm still an amateur. Yung mga restaurants and bars na napatayo ko. It's not actually mine, tumulong lang ako. At Konti lang din ang shares ko. More like, connections is my specialty. I met a lot of people" Hmm nakinig lang ako sa kwento niya, kung paano niya na achieved ang iba't ibang profession niya.
It's amazing and sad at the same time. Wala manlang siyang day off para sa sarili niya. 4 years and a half, ano kayang pakiramdam niya sa panahong iyon?
"Here, ubusin mo na agad habang mainit" Hinarap niya sakin ang mala 5 star restaurant na niluto niya.
"Thank you. Ahm how about you?" Ngumiti lang siya at kumuha din ng upuan at tinignan ako.
"I'll be watching you •.~" She said with a wink.
Siraulo. At talagang dito na kami sa kusina. Hindi na nag aksayang pumunta ng dining area.
"You're not hard to love. So stop thinking negative." Panimula niya habang kumakain ako.
"Si Ruzena, mula noon hirap na talaga magpakita ng nararamdaman yon. She's not good with actions. She doesn't know how to express her true feelings. But trust me, mahal ka non. If not, hindi sana naging kayo."
"But sti- fu**, bakit ang alat ata nitong luto mo"
"Sobrang sugal ang ginawa niya for you, lahat ng sinasabi niya about sa mga Alexander. It's all true. They will never ever approve with your relationship." Hinawakan niya ang pisngi ko bigla kaya napatingin ako.
"She loves you, trust me" she said smiling.
"H-how sure are y-you?" Hirap na sabi ko.
"Echo you're the most wonderful person I've ever met. The world doesn't deserve you."
Sa sinabi niya, hinawakan ko din ang pisngi niya. She's crying too.
"You look sad" I said.
"Because you're doubting yourself. I'm thinking, what if you fell in love with someone who actually know how to express her feelings. Someone who will treasure you, someone who's proud to tell to the world that she loves you. Someone.  .  .  ." Muli siyang ngumiti at nilagay ang dalawang kamay sa tenga ko.
"Someone like me" Hindi ko narinig ang sinabi niya.
"So don't doubt yourself again okay? Ubusin mo na yan, and here. Uminom ka ng gamot at magpahinga kana agad."
"Na in love kana ba? Ahm you said my boyfriend ka. D-do you love him?" Tanong ko at bumalik na ulit sa kinakain. Ang alat na.
"We already broke up 2 years ago. He's a good guy, but I can't see my future to him. We are better as friends" Ohh, akala ko nagbibiro lang siya kanina sa phone.
"Minahal mo ba siya?"
"Ahm maybe? H-- yah, mabasag yung baso. Favorite yan ng Mom mo" ay, napalakas ata pagbagsak ko sa baso.
"Sorry. Mahina pa kasi pulso ko. So asan na siya? Magkaibigan padin kayo?"
"Ahh my ex? Papunta ng Korea, may emergency kasi sa isang store namin" Huh? Teka.
"Hahahahaha yeah he's my ex. Rai, my secretary. One month lang kami, why? Do you really think may panahon pa akong makipag relasyon sa dami ng ginagawa ko noon?"
"Eh bakit pinatulan mo yon?" Hindi agad siya sumagot at nag isip pa ata.
"Sinubukan ko lang. May narinig kasi akong balita, hindi ko nagustuhan so I tried to move on. It's stupid because hindi ko pala kaya" Naging seryoso siya bigla.
"So hindi ka pa nga na iinlove?" Tanong ko ulit.
"Bakit curious ka?"
"I'm just asking. Muka kasing may experience ka dahil tinutulugan mo ako"
"I'm in love with someone right now" Really?
"Kanino? Tutulungan din kita. I'll be the captain of your ship"
"Hahahahaha damn. Hindi na, I can manage. It's not even a ship." Sa kabila ng pagtawa niya ay kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Nainis ako bigla. Sinong may karapatang umaway kay Dora?
"You're sad because of that person. Sinasaktan ka niya. Mahal mo padin?"
"Because that person make me happy more than I make myself happy"
Biglang kumislap ang mga mata niya. She's sincere. She's happy.
"Bakit mo siya mahal?" Hindi ko mapigilang magtanong.
"I can give you a hundred reasons. Pero anong oras na kaya ubusin mo n--"
"I can give you a lot of time. Go on, tell me. Why do you love him?" Napailing lang siya at ngumiti din naman.
"Him. Pfft crazy, okay fine" May binulong pa siya. Ano daw?
"Ano? Lakasan mo hindi k-"
"I find my life so fun when I'm with him. He's too kind in his own good. He's selfless. He never judge and he always understand me. I love that I always find myself smiling when he's doing and saying something ridiculous coz he's cute and adorable. His little insults is funny, it makes me laugh and happy. We understand each other without talking. I love him because he give so much of himself to others. With him I can be myself. He makes my heart smile, I always miss him. He's always there for me no matter what. He's truthful and vulnerable with me. An-"
"Okay that's enough. Next time na yung iba" She's in love i get it now. Para kasi siyang timang habang nag sasabi ng reasons. Nakangiti pati mga mata niya. She looks beautiful.
"But he's taken. So sadgirl" ha!?
"Tanga nalang niya kung hindi kapa niya mahalin. At mas lalong napaka tanga niya kung hindi ka niya napapansin. Tsk. Sino bayan?"
"The love of my life? Don't mind it na nga, it's 5am. Magbibihis lang ako. Pagkatapos mo dyan eh mag hugas ka ng pinggan" Sabi niya at tumayo na para umalis. Hays, napa buntong hininga nalang ako.
"Sana sayo nalang ako na in love" Bulong ko.
"What?" Huh? Narinig pa pala niya.
"I wish that you're actually the woman I love right now. Then I'll steal you from him. I'll make you fall in love with me more than him"
"Should I be happy with what you said?" Tanong niya, hmm teka bakit nag iba ata mood niya.
"Of course. It's a compliment kaya, you deserve more. Ayokong nalulungkot ka. Ayokong mauwi kalang sa taong hindi nakikita lahat ng mga good qualities mo. Even the bad ones."
"Thank you"
"Hmm actually what if mag confess ako sayo, na I love you. Would you believe it? Would you be happy?" Curious na tanong ko. Ngumiti lang siya.
"No And Yes"

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    Stilw8tng

    til now wala pa rin update,ganyan mga novel ninyo!

    16/04

      0
  • avatar
    Bu Dang Pangilinan

    kailan kaya tatapusin ni author yung story,ang ganda pa naman.

    09/07/2025

      0
  • avatar
    l******p@gmail.com

    My ultimate fave author 😊 Best of luck in your writing journey.

    04/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata