"I'm so happy that you're back" "You should also stop doing that" Bumitaw na siya ng yakap sakin. "Doing what?" Tanong ko at bigla nalang niya tinakpan ang dalawang tenga ko. "Giving me hope" Ha? Ano daw? "What? Pinags-Ouch!" Hinila nalang bigla tenga ko. "Nothing, gotta go." "Wait ihahatid na ki--" "I can drive now." Seryoso sabi niya pero hindi ko siya pinansin at naghanap ng masusuot na tsinelas oh sapatos. "Gabi na masyado at baka malig--" "Echo" pigil niya sakin. Tumayo na ako at nagpunta sa pinto. "What? Okay let's go" "I will really appreciate if you can now stop treating me like a child" Napakunot lang ako ng noo. "Of course not, I'm concern." "Bakit ka concern? Ganito kaba sa lahat ng kilala mo?" Nag isip ko, not always. "Sa iba yeah, but you're much special. Oh tara na" Ang dami namang tanong nito. "How special?" "Ampon ka ng pamilya namin eh. Oh what? Iiwan kita dyan sige" Sabi ko pero hindi siya agad naka react at natahimik lang. Problema nito? "Fu**. Nagbago na isip ko. Bukas nalang ako pupunta sa inyo. Kainis." Padabog niyang binato ang hawak na bag at nagpunta na sa kwarto niya. "Dora!" "Stop calling me Dora! Boplaks na na inlove sa straight na duwag!" Whaa. Sumosobra na siya. "DORA THE EXPLORER! PAN DE COCO! NPA! REBELDE! AHM AHH KAWALING MUNTIK MASUNOG!" Sigaw ko at narinig ko nalang bigla ang tawa niya. "Your little insults never change. By the way, wala naman siguro kayong ginawang milagro ni Ruzena dito ano? Sa room ko I mean" |・ω・) Sumilip pa ulit yung ulo niya sa pinto. "Wala! Hindi nga siya pumupunta dito eh. It's clean. Don't worry" Inis na sabi ko. Totoo yon, talagang sa office lang kami. Hindi din sa Hotel. Dinaig pa kasi niya teenager na may strict na magulang. May curfew kumbaga. "I'm just making sure, baka makakita ako ng panis na gatas eh" Mabilis na sabi niya at nagsara na ng Pinto. "The F? Matulog kana nga!" Sigaw ko. Di padin pala talaga nagbabago. Pumasok nalang din ako sa sarili kong kwarto na katapat lang ng kwarto niya. But Pfft. Ngayon nalang ulit naging maingay ang bahay na to. Nakaka miss pala talaga hahahaha "Goodnight Universe" It's 8am ng magising ako. Fu** napasarap ata tulog ko. May meeting ako ng 8:30! Lagot na naman kay Gramps. Mabilis na akong naligo at nagbihis. Paglabas ng kwarto ay naabutan ko pa si Pandora na nagluluto. "Dora I lock mo tong bahay ha!" Oh sh** heels ko asan naba. "Kumain ka muna" "Later, ahm w-wait. Susi ng kotse ko nakita mo? Ahm how about my heels? Tas yung bag ko puhmph" "Eat this French toast first. And sit down" Sinubo nalang sakin bigla tas pinahawak niya ang isang baso ng gatas at tinulak pa ako paupo sa side ng sofa. "L-lacher n-na i-im L-la ugh wow ang sarap nito ah" Natigil ako dahil masarap ang bigay niya. Wow, ang lambot lang ng tinapay. "Nag groceries ako kanina so stop eating noodles. May sinulat akong simple recipe sa kitchen, you should try cooking sometimes. Wag kang tamad. And Echo, ilang beses ko ba sasabihin na sa pinto palang mag hubad kana agad ng sapatos oh ano. Tas ilagay mo dito sa cabinet" Sabi niya habang tinuturo sakin ang gagawin. Nahanap niya yung fave heels ko. "Noted" "Your key holder is here. Bulag kaba? And your bag, wag mong kung saan saan binabato" Natawa nalang ako. Lumapit na siya dala ang mga hinahanap ko. "Stop laughing, I'm not gonna be your maid again. I talked to your Gramps already. Na move ng 10 ang meeting nyo, so eat first" "Pfft I never treated you as a maid. Dika lang talaga mapakali before. I want more, meron pa?" Ang sarap na niya magluto ah "Yeah right, alagain ka lang kasi. How's the milk? May nilagay akong ibang ingredients dyan eh" "Yeah it's good, sakto ang tamis. Lasa ko din yung Vanilla."Nagpunta muna siya sa kitchen. At pagdating ulit ay may dala na siyang damo. "Muka ba akong kambing?" "Try it" Nagtusok na siya ng kung ano at pilit na dinidikit sa labi ko. "Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga green. Ugh eaww, ilayo mo nga yang salad. Dora!" "It's for Ruzena. Gumagawa ako ng menu para sa Party nila. Ayaw mo tumulong?" HUH? "B-Bakit a-ako pa" Yumuko nalang ako. Isip bata na kung isip bata. "Say ahh. Echo Isa! May lakad pa ako mamaya, bilisan mo" "W-wait ahm Ahhmmppphh w-wachts D-Dhssora!" Bigla nalang sinubo sakin yung tinidor. "You still act like a child when it comes to food" "And you still act like a mother. Tss, anyway it's good. Add it to the menu" Tumango naman siya at may sinulat sa isang notebook. Wow she's seriously a career woman now. "Dora your achievements are amazing" "Simpleng bagay" ayun lang. Mahangin "Close kayo ni Gramps diba? Ahm pwe-" "No. Alis nako. May french toast pa sa kusina. Ubusin mo muna at maghugas ka ng pinggan bago umalis" mabilis na sabi niya na singbilis din ng kanyang pag alis. Hilig mang utos hmp. Habang nasa kotse ay tinawagan ko na muna si My loves. Pero naka ilang ring na eh wala padin. Nauwi na naman tuloy sa text ang good morning ko. Gusto ko pa naman naririnig boses niya, hays. Pagdating sa airport ay dumiretso na agad ako sa meeting room and. . . . "Hi Peeps. I'm not late right? " Si Kuya Zeev si Dad at si Gramps nalang ang andito. "No, seatdown" Ay Whe? Eh asan na yung iba? Naupo nalang ako sa pinakadulo malayo sa pinaka Boss. "Ahm Yes Gramps?" "I'm retiring" Whaaaaa tatlo kaming halos lumuwa ang mata. "But Dad you're still young" "Tsk I'm tired. Bahala na kayo dito" Like a boss na sabi ni Boss sabay alis. Halaaaa "What the hell? Ano yon? Parang umayaw lang sa ML ah" Sabi ni Kuya Zeev. "Nako bahala kayo dyan. Bata pa ako so labas ako sa respo--" "Zeev take the hospitals, Echo sayo ang airport at mga cruis ships. Yung car company sayo nadin. Isama mo nad--" "Teka teka teka bakit ako lahat!? Si Kuya Hospital lang eh siya itong genius. And you Dad?" Reklamo ko na agad. There's no way I can handle all of it. "I'll support you my beautiful children" Nakangiting sabi ni Dad sabay alis. "Congratulations Sis, take care of o-- hahahahaha ayaw mo non? Igagalang kana pati ng mga Alexander, you're the Bo-- Bye!!" UGH! Tamad nga ako tapos bibigyan pa ng ganyan kalaking responsibilidad!? Kainis, panira ng plano sa buhay Pfft **KRIIINGGGGG **KRIIINGGGGG "Yes My loves? Good morning!" "Hey, I'm sorry hindi ko nasagot kanina ang tawag mo. Ahm Sabay tayo mag lunch?" Yun oh! "Where? Ako mag book or punta ka dito or punta ko dyan?" Excited as always syempre. "Hmm Sa--" "And hey Kapatid! Nagtatanong pala sila Mom kung kelan mo ipapakilala Jowa mo, break nadaw ba kayo?. Ilang taon nad--ohh is that her? Okay byee" Yung kuya kong Genius kuno bigla nalang bumalik at nagsabi ng kung ano! "I'm sorry" Si Ruzena na mukang guilty na naman. Hays, sa ilang mag attempt ko kasi na ipakilala siya ay hindi siya pumayag. Baka daw kasi unfair dahil hindi ko pa siya pinapakilala sa side niya. "It's okay, don't mind my Brother. So la--" "Sa inyo. Ahm pwede ba makikain ng dinner sa Mansion nyo?" Ano daw? "Baby what?" "I'm ready to meet your Family." Oh fu** "A-are you. . . . I mean you're not drunk aren't you?" Ito ang unang beses na nagsabi siya na ready na siya. "Hahahaha Baby I'm not. Bakit ba lagi mo nalang tinatanong yan sakin" At hindi ko na napigilan at napasigaw ako ng wala sa oras. "Hey Calm down hahahaha so ahm Anong dadalin k--" "Kahit sarili mo lang!" Baka hindi pa matuloy, sarili niya kasi hirap na siyang dalin. Mag bitbit pa siya nako nako nako hahahaha okay bad "Crazy, at least I nee-- ahm wait. . . . .Echo text mo sakin kung anong gift ang pwedeng dalin later okay?" Hmm another emergency, so aasa paba ako mamaya sa dinner? "Okay po" Nawala agad ang pagka excited ko. Is it sure this time? Sasabihin ko ba kila Mom? "So Echo narinig ko usapan nyo. So dinner later, nasabi ko na sa kanila. An--yah! Bakit ka nambabato dy-" "Baliw kaba!? Eh pano kung hindi matuloy? Argh! Kuya nakakainis ka talaga eh" Chismoso na nga pakialamero pa. "Ipagdasal mo lang talaga na matuloy mamaya kundi. . . .Argh! Tabi nga!" Binangga ko siya palabas. Ang pinaka ayoko pa naman ay ang na didismaya ang pamilya ko. Knowing them, specially my Mother. Magluluto yon ng sobrang dami na parang piesta. Hands on pa naman si Mom pagdating sa mga ganito. "Yah! Echo! You don't even trust your partner?" Hinabol niya ako at humarang sa daan. "It's not tha-- ugh it's nothing. Sorry din" "How many times is it?" Umiwas ako ng tingin. "Four" "Don't lie. Gumalaw tenga mo" agad kong tinakpan ang tenga ko "Seven" "Look at me first and say it again" Tinignan ko na siya. "Se-sev fu** Hindi ko na mabilang okay? Minsan nasa daan na kami but. . . . You know pangungunahan siya ng tak--" "You stupid fu***r! Come here and give me a hug" Sa pagyakap sakin ni Kuya ay gustong gusto ko ng umiyak. Pero lately, wala nadin. Nakakapagod nadin kasing maging malungkot. "I think it's real this time" Sabi ko. Ramdam ko ang pag himas niya sa ulo ko. Ahh Kahit ganito si Kuya love na love ko to. "I'll pray" "Thank you" A Moment Later "Summer, how about her family?" And here we are. . . . May VIP na nagrereklamo sa isang Hotel nila. Robbery daw. Worth 5 million dollars of jewels Isang babaeng room attendant ang suspect. The problem is, hindi nila ma contact ngayon dahil naka file ito ng leave for 5 days. Nandito kami sa office niya ngayon. "Ahm Ma'am sabi sa profile niya ay mag isa lang siya sa buhay. Na contact nadin namin mga malalapit sa kanya and wala ding idea kung asan siya ngayon." "Fu**! Is it sure that it's her?" "Ahm s-sabi po ng mga vict--" "I don't care what they said! I need the truth!" She's mad, and stress as fu** lumapit na ako sa kanya. "Ruzena calm down fir--" "How!? Argh the victim is one of our investors. She already contacted the press. And. . . The hot--" "I know, I'm sorry. But you need to calm down. Kumain ka nga muna. Kaninang umaga kapa hindi kumakain" Nilapit ko sa kanya ang inorder kong pagkain. "I'm sorry too. Hindi ko akalaing magkaka problema pa ng ganito" Ngumiti lang ako at magsasalita pa sana ng may biglang kumatok sa pinto. Sinabi lang na parating na ang Lolo niya. And a sign na need ko ng umalis. "I'm really really sorry. Prom--" "Shh okay lang, next time nalang pag okay na lahat. Kumain ka muna. Magagalit ako sige" Yumakap lang siya sakin. "I love you. Thank you for understanding" She said. "I need to go. Baka maabutan ako ng Lolo mo at mas lumala pa" Hinalikan ko muna siya sa noo bago ako umalis. Dumiretso na ako sa parking Lot at yun nga, nakasalubong ko ang Lolo niya. At halata ko na agad ang galit niya. Nakakatakot talaga ang halimaw nato. Muka palang eh. Kawawa na naman tuloy ang Baby ko. At kawawa nanaman din ako. Hays it's 3pm, hindi padin alam nila Mom na hindi na tuloy. Kainis kasi si Kuya eh. Tumawag nalang ako sa bahay. "Hello Mom? Ahm ano ka--" "Mga what time kayo makakarating? You mentioned before na favorites niya ang butterd shrimps right? Sakto coz that's my specialty. Excited na kami dito sa bahay pfft. Even your Grandparents is here" Napayuko nalang ako. Sh** "Mom, simple dinner lang kasi dapat eh. At bakit andyan pa sila Lolo at Lola? And don't tell me pati sila Gramps and Gramms?" Si Lolo at Lola sa side ni Mom. Sila Gramps naman sa side ni Dad. Super close kasi talaga ang Family namin. "Of course. Makikilala namin ang bagong member ng Family so dapat lang na kumpleto. So what ti-- wait wait, nasusunog na ang niluluto ko. Mga 8pm nalang kayo okay!? Bye" Oh sh** talaga. Umuwi nalang muna ako sa sarili kong bahay. Lagi ko nalang bang mararamdaman to? Disappointments . . . sadness . . .pain . . . loneliness? Nahiga ako sa sofa. It's funny, for the last years ang hilig ko na mahiga dito. Samantalang ayaw na ayaw ko dati dahil nasisikipan ako. Nakita ko na naman ang box ni Pandora. 'open it if feeling mo wala kang na rereceive na love' Stupid Dora. Curious na curious pa naman ako sa laman nitong box niya. *KRIIINGGGGG *KRIIINGGGGG "Hello?" "Hey Echo bag, sa bahay niyo na ako kakain mamaya. Hindi mo pa naman siguro sinasabi na nakauwi na ako right? I want to surprise them" Speaking of Dora. "Nah" Tamad na sabi ko. "What happened?" "Nah, it's Nothing, wag kana bumili ng kung ano at umuwi kana don. Malay mo ikaw ang ma surprise." Yeah, baka mabawasan pagka dismaya nila pag nakita si Dora. "Tell me" "Wal--" "Para kang tamad na lasing kung magsalita, so you're lying." Ano ba namang! Wala na talaga akong privacy. Alam na alam nila pag nagsisinungaling ako. No choice so sinabi ko nalang lahat. "Alam mong walang problema sa side ng mother mo kung hindi siya makakapunta. But your Gramps and Gramms. . . Echo babasagin nyo ba yung chance of approval niyo sa kanila?" I knowwwwwww argh "I'll m-make them understand. So ahm p-please? Baka naman mauuto mo sila Gramps oh" "Hays, may saltik din talaga minsan yang si Kuya Zeev eh. I understand so Don't cry" Nagpunas agad ako ng sipon sa sinabi niya. "I-I'm n-not crying k-*Hic k-kya. A-and it's not the first t- *Hic time. And her reason n-now is much more valid t-than before. So . . . So w-wala akong k-karapatang magalit, oh mainis, oh ma disappoint sa k-kanya " "Are you sad?" Pfft am I? Natawa ako mahina "Dora I'm crying. Am I sad? No. Maybe I'm happy?" Sarcastic na sabi ko. Narinig ko nalang ang pag buntong hininga niya. "Sleep for now, maaga pa naman. Bye" Magsasalita pa sana ako pero binaba na niya ang tawag. Argh! Echo minsan may saltik kadin talaga! But she's right, I need sleep dahil kumikirot na ng sobra ang ulo ko. Nagpadala nalang muna ako sa antok. **KRIIINGGGGG **KRIIINGGGGG **KRIIINGGGGG **KRIIINGGGGG "W-what? I'm sleepi--" "Where the hell are you!? Bakit nauna pa Girlfriend mo dito?" Agad akong napabangon. Ano daw? "What?" "Si Ruzena nandito na sa bahay. Asan ka?" Am I dreaming? "Kuya nakainom kaba?" Oh baka naman ako? "Idiot basta bilisan mo na. Garden party ang hinanda ni Mom. Congrats, they already like her" Oh sh** and oh fu**? Nagmadali na ako agad agad. Kapag lang talaga binibiro lang ako ni Kuya. Ililibing ko na siya ng buhay! But I think no. May mga missed calls si Ruzena sakin. And her text. 'Baby I don't know where you are, I don't know if you're mad. I'm really sorry. Nag text kasi sakin Kuya mo at naghihintay na sila so okay lang daw na mauna na muna ako. See you later, okay?' Tinawagan ko pa siya pero wala namang sumasagot. Na corner na ata. Teka ano bang nangyari? Natulog lang ako saglit eh. At hindi paman ako nakakapasok ay kita ko na ang kaguluhan nila, malapit lang kasi sa gate ang Garden so kita ko na agad sila. "Yah! Kuy--" "Finally! Oh Ruzena bebe mo dito n-" Tinulak ko lang si Kuya na yayakapin sana ako at lumapit kay My loves na nakikipag inuman na kila Mom at Ate Sidney. Mga baliw talaga. "Baby what happened? What abou--" "Shh it's all settled. Don't worry" "Really? How?" Ngumiti lang siya at yumakap sakin. "You don't gonna believe it. She's back and--" "Echo apo, mamaya na kayo. Ngayon mo na ngalang pinakilala eh. Mag uusap pa kami" Si Lola ko na hinila nalang siya bigla. Naloko na, anong kaguluhan to. "Apo so kelan ang kasal?" At ako naman ang hinila ni Lolo papunta sa grupo nila. "Lo naman! Ako muna" Reklamo ni Kuya Zeev "Mag propose ka muna!" Sigaw naming tatlo nila Gramps. Pfft they all look happy. Wow, hindi ko inexpect na mangyayari to ngayong gabi. Oh yeah where's Pan-- Nadako ang tingin ko sa labas ng Gate. May itim na kotse kasi sa gilid. "Ahm Kuya wait lang, lalabas lang ako saglit" Sabi ko at palabas na sana ng Gate ng biglang umalis ang kotse. "Hello Dora? Where are you?" Tinawagan ko na, sabi niya dito siya kakain eh. "Ha? Ahm. . . S-sa meeting lang. Why? S-sorry hindi ata ako m-makaka abot sa party nyo. Bukas nalang ako magpapakita sa kanila" "Are you crying? Hey, what's wrong?" Parang hirap kasi siya magsalita. "Yeah hahahaha. N-nag hihiwa kasi ako ng sibuyas. Ahm ano. . . we're trying a new recipe. Then mag dedecide kami kung anong ihahanda sa party ng mga Alexander" "Oh real--" "Echoooo, I miss you po My Echo" Oh gosh she's already drunk. Yumakap siya agad sa likod ko. "I have to go, enjoy" "Hey wait!" Binabaan na naman ako. "Who's that!? Nambababae kaba?" Humarap ako sa kanya. "Selosa. Do you really think lolokohin kita?" Natatawang sabi ko. "No. But I do think that one day, you'll wake up and leave me."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (32)
Stilw8tng
til now wala pa rin update,ganyan mga novel ninyo!
16/04
0
Bu Dang Pangilinan
kailan kaya tatapusin ni author yung story,ang ganda pa naman.
09/07/2025
0
l******p@gmail.com
My ultimate fave author 😊
Best of luck in your writing journey.
til now wala pa rin update,ganyan mga novel ninyo!
16/04
0kailan kaya tatapusin ni author yung story,ang ganda pa naman.
09/07/2025
0My ultimate fave author 😊 Best of luck in your writing journey.
04/10/2024
0Tingnan Lahat