logo text

Alexandra Perez

"Ang haba na ng buhok mo. Hindi ka magpapagupit?" Tanong sakin ni My loves habang sinusuklay ang buhok ko.
Nandito kami sa isang dressing room. Kakatapos lang kasi ng isang Photoshoot ko.
"No. I think I like my hair longer muna. Next year nalang ulit ako magpapagupit" Sanay kasi ata siya na hanggang taas ng balikat lang ang buhok ko.
"Hmm okay, but ahm My Echo? Ahm k-kasi ano"
"Iehh Baby naman, alam mo namang natatakot ako pag ganyan ka. What is it this time?" Hindi siya agad nagsalita at pinatong lang ang ulo niya sa balikat ko.
"Later, It's a blind date" Fu**!
"Ruzena it's the 3rd this month!" Tumayo ako agad at hinarap siya.
"It's just a dinner"
"Anong dinner? Last time after nyo mag dinner nanood pa kayo ng Cine! Tapos yung isa din nag carnival kayo. Not to mention that guy na muntik ng humalik sayo habang nasa arcade kayo! Fu**! Wag mo naman akong gawing Tanga!" Hahawakan na sana niya ang kamay ko pero umiwas na ako agad. Alam na alam niya kung paano palalambutin ang puso ko. Not now.
"Last na to. Nangako na si Lola na hindi na niya ako pakikialaman kapag pumunta ako ngayon. She's serious, this is the last time"
"Last time kasi siya na yung pakakasalan mo ganon ba!?"
"Don't shout. Baka marinig ka sa labas"  And now she's mad too. Walang linggo na hindi kami nagtatalo. Ugh fu** nakakainis!
"Talagang concern kapa sa ibang tao kaysa saking Girlfriend mo" Naupo na muna ako. Calm down.
"Of course not. Gusto ko lang protektahan kung anong meron tayo" What a fu** up excuse. Naupo din siya sa harap ko. Why? Bakit lagi ko nalang nararamdaman na mag isa lang ako sa relasyon namin?
"Don't go" Lumuhod ako sa harap at hinawakan ang dalawang kamay niya.
"Ako naman ang piliin mo oh. Kahit ngayon lang, ako naman"
"Echo stand up. Don't do this please" Dahil ayokong tumayo ay siya nalang ang lumuhod din sa harap ko.
"It's been 3 years. Kulang paba? Baka naman papasa na ako bilang Kaibigan sa mata ng pamilya mo"
"Ech--"
**KRIIINGGGGG
**KRIIINGGGGG
**KRIIINGGGGG
"Just answer it. I'm sorry, nag demand na naman ata ako ng sobra sobra" Sabi ko at tumayo na. Lalabas nadin sana ako ng bigla niya akong yakapin sa likod.
"Hello La? Y-yeah I received it. Ahm Lola I don't think makaka punta ak-- It's not that. Lola I already Told you, I'm in love with someone else. . . N-not now. . .But La I. . . I unde-- Sh** Echo" Sa pag I understand palang niya ay pilit ko ng inalis ang pagkakahawak niya sakin at lumabas ng kwarto.
"Echo! It's just a d--" natigil siya ng makitang madami ng tao. Humarap ako sa kanya.
"Yeah It is Ms. Ruzena Alexander. And here! It's a gift, Goodluck sa blind date. Advance gift ko sa kasal nyo" Hinagis ko sa kanya ang isang maliit na box.
"Whoa! Goodluck Ma'am!"
"Congratulations!" Nagsigawan at binati siya ng lahat ng nakarinig sa sinabi ko.
Umuwi nalang muna ko. Nakakapagod. Hindi ko alam kung sa trabaho oh sa buhay ko oh sa. . . .
Hays. Humiga nalang muna ako sa sofa. 3 years of in a relationship pero bakit parang wala padin kaming napupuntahan?
Monthsary pa naman namin bukas. At eto magka away na naman kami. Yung hinagis ko sa kanyang box eh regalo ko sana. It's a diamond necklace. Para kung maghirap, may isasanla kami.
Ugh fu**! I need sleep. Stop thinking Echo.
*KRIIINGGGGG
*KRIIINGGGGG
"H-hello?" Fu** this. It's 3am!
"Echo hi! I'm in a Bar right now an-"
"Yohan! My gosh kanino mo na naman nahingi cp number ko?" Dagdag pa sa isipin ang stalker nato. Ilang beses na ako nagpalit ng phone number eh. Hindi na kasi tatalab ang block sa kanya.
"Don't underestimate my source. I just lik-- wait wait wait. I just want to invite you really. Remember may upcoming 2 days event ang mga Alexander? Maraming sikat at malalaking pangalan sa iba't ibang business ang dadalo don"
"So?" Alam ko yon. Invited nga family namin eh. It's a party for big investors inside and outside of the country.
"There's a problem I heard" Maritos talaga to.
"Ano"
"Hindi na daw tuloy. Balita ko kaya lang naman napapayag ng mga Alexander na umattend ang mga big investors eh dahil nangako sila na aattend ang isang tao. Na siya din ang mag aayos ng party" Huh? Teka umatake pagiging chismosa ko. Bumangon na muna ako.
"Okay continue"
"Alexandra Perez. Do you know who she is?" Nag isip muna ako saglit. I think naririnig rinig ko na ang pangalan nito lately. Lalo na kay Gramps and kay Ruzena din.
"I don't know her but she's popular I think, pa mysterious kasi wala pa masyadong nakakakita sa kanya ng personal. So kilala mo?"
"Hmm she own a lot of popular restaurants, bars and gallery around the world. She's a pastry chef and a bartender. A photographer, a painter and ahm jewel designer? Ah yeah I heard she can sing too. Sideline model din pala" What the hell? Anong klaseng resume ang meron siya.
"Oh tapos? Na invite siya ng mga Alexander, what happened now?"
"Pfft hindi na daw tuloy, coz I heard tinanggihan ni Ruzena ang blind date niya kanina. He's close to Alexandra Perez, I mean really close. Nagsabi daw siya na kukumbinsihin si Alexandra na hindi na ituloy ang Event" Wait, hindi siya tumuloy kanina? At teka nalilito ako sa Alexander at Alexandra.
"That's stupid. I heard there's a contract already" Yun nga ang kinaka busyhan ni My loves lately eh.
"Wala, that's the other issue. Hindi pa pala pumapayag si Alexandra pero pinaalam na ng mga Alexander sa press na dadating siya" Oh sh** pero teka.
"Oh anong point mo. Bakit sinasabi mo sakin to?"
"Gusto mo mapalapit kay Ruzena right? You want her to be your friend. And she's here right now, lasing n--"
"Bakit ngayon mo lang sinabi! Where!?" Nagmadali na agad akong umalis para puntahan ang sinasabi niyang Bar. Bwisit, nagpasikot sikot pa siya!
"Echo bab--"
"Layuan mo ako Yohan at baka magdugo muka mo. Where?"
"Aww You never cha-- pfft pangatlong table sa right side" Sinabi niya din ng may mahawakan akong bote.
"Ruzena? Hey let's go home" Nakayuko nalang siya sa lamesa.
"E-echo?"
"Yeah it's me, uwi na tayo okay? Pasan ka sa likod ko" Pero hindi niya ako pinansin at hinila lang ako para yakapin.
"I'm s-sorry. I. . .I- im s-so sorry for being a coward"
"I'm sorry too. It's my fault"
"N-no, it's m-my fault. All of it. I'm so sorry Baby" To think na hindi siya pumunta kanina, ang gaan sa pakiramdam.
"Ihahatid na kita pauwi. Okay lang ba?" Bulong ko at tumango lang naman siya. 
"Echo! Hey, uuwi na kayo agad? Let's dri--whoa!" Same reaction. Fu** talaga, kainis kasing Yohan to. Nagpakita na naman. Binuhusan siya agad ni Ruzena ng alak sa muka.
"D-don't talk to my Echo. Y-your face creep me out. Sh-she. . . .she's m-minhmp" Tinakpan ko na muna ang bibig niya. I really really love what she's gonna say but. . . .ugh kainis. Gusto ko marinig!
"Yohan just move. She's drunk an-"
"No! This s-stalker think that h-he c-can seduce you pfft. B-baby tell h-him t-that. . .that you're mine" bulong niya, medyo malakas na ang tugtog kaya sure akong ako lang ang nakakarinig sa mga sinasabi niya ngayon.
"Pfft Yeah I will. Ahm Yohan?"
"Huh? W-what? Ha?" OH gosh, buti nalang at wala nadin sa wisho ang isang to. Umalis nalang kami.
Pagkasakay ng kotse ay binilan ko muna siya ng coffee mara mahimasmasan. Tahimik lang siya buong byahe.
"Ruzena nandito na tayo. Ahm kaya mo ba bang pumasok sa loob? Baka kasi makita k--"
"Come with me" Ha? Tama ba ako ng narinig?
"W-where? Ahm l-lasing kapa ata"
"I'm not. Let's go" hinawakan niya ang kamay ko pero. . .
"You're not sober. I. . . . I don't want you to regret it"
"As a friend. At lea--" Ngumiti lang ako.
"Next time. Go on, sleep for now" Friend :) Gusto ko nadin naman, pero ayokong ipakilala niya ako ngayong naka inom siya.
Hindi naman na siya nagpumilit at yumakap nalang sakin. Naiwan akong mag isa sa kotse. Fu**! Bakit tumanggi ako? Because she can't do this when she's sober. At ayokong samantalahin yon. I'm so stupid I know.
Umuwi nalang ulit ako. Now what? It's 5am. Matutulog paba ako?
Naupo ako sa sofa at napatingin ako sa Bigay ni Pandora na Box. At sa tabi nito ay ang isang pekeng lipstick.
"Hello Kuya Zeev?"
"Hello Echo? He's still sleeping" Si Ate Sidney. Bati na naman sila.
"Paki sapak naman Ate para magising, importante lang"
"Okay sure" Naghintay lang ako saglit at maya maya lang may narinig na akong dalawang malakas na sampal.
"Fu** B-babe yung palad mo g-gawa sa no! I'm kidd- outch argh! Hello! What's your problem!?"
"Kilala mo si Alexandra Perez?" Tanong ko agad
"Who? Ahh familiar yung name. She's famous, hindi ko palang nakikita sa personal. Why?"
"May picture ka niya? Number?"
"Wala. Babe ko lang ang babae sa phone ko. Anong paki ko kung sino yan. Are you gonna chea--"
"Kuya! Gusto ko lang tulungan si Ruzena"
"Oww, I heard that issue last night. Pfft That's a big problem" Isa pa tong kampon ng chismis eh.
"So matutulungan mo ba ako?" Hindi siya agad sumagot.
"Ahm No. Bye"
"Yah! Ugh kainis!" Mas marami kasi siyang source kaysa sakin. Hindi manlang ako matulungan kainis.
Hays, Alexandra huh.
Kinuha ko ang fake Lipstick na binigay sakin ng bata sa Greece. Am I wrong?
. . . . .
It's been 3 days. Pero hindi padin kami nagkikita ni My loves. Masyado siyang busy at walang time sakin. Ang dami kong time sa kanya pero siya. . . . Hays.
**KRIIINGGGGG
"Yes my loves! Hi! How are you? Kumain kana ba? Nakakatulog kaba ng maayos? Balita ko kay Summer masakit ulo mo kagabi. Uminom kaba ng gamot?" Sunod sunod na tanong ko.
"Hahahaha Echo I'm okay. Medyo busy lang, I'm sorry ngayon lang ako nakatawag. Ahm free ako mamayang gabi. Kain tayo sa lab--"
"Of course! Always free naman ako basta sayo" Yes! Sawakas!
"I know. Thank you for understanding. Ahm I need to go. I miss you Baby, see you later"
"I miss you to and I lo--"
Toot
Toot
Toot
"Sabi ko nga good bye"
-_-"May meeting mamaya. Anong sinasabi mong free ka dyan?" Ay oo nga, may bwisita na naman pala ako.
"Kuya Andyan ka naman eh. Kaya mo nayan. And please! Mag propose kana!"
"Eh pano? Nag away na naman kami. Nawala na naman ako sa momentum" Mapapakamot kanalang talaga sa katangahan nitong Kuya ko.
"Bahala ka sa love life mo Kuya. Wag mo ko idamay. Mas maayo--"
"Pfft feeling mo. Hindi nga kayo legal eh" Tinignan ko lang siya ng masama.
"Makikita mo, uunahan pa kita mag propo--"
"Buti kung mag Yes. Okay bye! Emotional damage achieved!" Nakatakbo na siya ng hawakan ko ang isang libro.
But anyway! May date kami! May date kami later!! Magpapa reserve ako sa mamahaling restaurant! Gosh I'm so happy
A
Few
Moments
Later
"W-what?"
"I'm really sorry, can we move our date tomorrow?" Natigil ako sa pag aayos ng flowers na binili ko.
"Why?"
"M-may kaila--"
"I asked why?" Alam ko ang tono ng boses niya pag may tinatago siya sakin.
"I need to talk to him. Gosh I'm sorry, siya lang may connection kay Alexandra. Damn that woman, we don't know a damn thing about her. So I nee--"
"Where" not again.
"Echo"
"Where. I swear Ruzena, send me the address" Hindi na ako mapakali. Fu** not this feeling again. Hinawakan ko ang puso ko. Calm down first.
"I will talk to yo--"
"Meet him and we're over" nasabi ko bigla.
"W-what? Echo it's for the com--"
"I don't care"
"Echo, stop acting like a child"
"A child!? Pu** halata namang may ibang intention yang kikitain mo! And I'm your girlfriend! 3 days mo kong hindi kinausap at naiintindihan ko kasi busy ka sa work mo. And kanina nag aya ka ng date. So nag handa ako. And now you're telling me na hindi na tuloy dahil makikipag date ka sa iba? Are you fu***** kidding me!?" Sh** I'm really mad. Minsan lang ako magalit but fu**! You will really feel it.
Natahimik siya kaya akala ko binabaan na niya ako. But no.
"You can't leave me" she said.
"Meet him and you'll see" I said seriously.
"Echo you know that I love you. This is nothing. It's a business dinner, kasama din si Alexandra so Please?" Gusto kong umiyak. Oh sh** umiiyak na pala ko fu**.
"Go"
"I love you" Narinig ko pang sabi niya. Really? Do you?
"Sana nga" Mahinang sabi ko at agad ng pinatay ang tawag.
Ilang saglit pa ay naka received ako ng text galing sa kanya. Address ng isang restaurant. Funny, dito din sana kami kakain.
Sumandal muna ako sa manebela ng kotse. I can't drive, lalo na't umuulan. Ang bilis ng tibok ng puso ko kaya naghintay muna ako ng ilang oras.
Fu** talaga. Ito nga ata ang ikamamatay ko.
Bago mag drive ay tinignan ko ang binili kong bulaklak. Bakit nga ba kita binili? As if I can give it to her in public. Nang makakalma na ang puso ko kahit papano ay nag drive na ako.
Pagdating, hindi paman din ako nakakababa ay kita ko niya sa bintana. She's eating, she's talking, she's smiling, she's laughing. Wow.
Ahh! Fu**! sh**! pu**! Ugh! Damn it! Hindi ko ma control ang emosyon ko at pinag hahampas ko ang manibela ng kotse. Sh**! They look normal.
Hahahahaha fu** ang ganda pa ng pwesto nila. Kapag kumakain kami sa labas laging nasa tagong lugar. Never kaming naupo malapit sa bintana. Okay lang sakin yon, baka nga naman kasi may makakita samin pfft. Hahahaha oh sh**
Sana hindi mo nalang sinabi kung nasaan ka ngayon.
*Knock!
*Knock!
Hindi ko pinansin ang kumatok sa bintana ng kotse ko.
*Knock!
*Knock!
*Knock!
Argh! Ano ba namang! Pagtingin ko ay isang babaeng maiksi ang buhok na nakasuot ng mask at eyeglasses ang kumakatok. May dala siyang mga tubig. Nagtitinda ata. Binaba ko nalang muna ang bintana ng kotse.
"What?"
"Tubig po 20 pesos lang" Hays.
"Here, keep the change. At umaambon,  magpayong ka ate." Binigyan ko siya ng 100 pesos, tutal kailangan ko din naman ng tubig para uminom ng gamot. Ugh fu** where's my medicine.
"Wala po akong payong eh" Ano bayan! Mga tao ngayon hindi alagaan ang sarili. Tinignan ko kung may dala akong payong. Wala. Argh! Kainis. Inalis ko nalang ang suot kong blazer at nilagay sa ulo niya.
"I told you to stop doing that" Huh? Nag English si Ate mo.
"Stop what?" Natawa lang siya at Inalis niya ang suot niyang mask at eyeglasses. Hazel Eyes.
"Being So Kind"

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    Stilw8tng

    til now wala pa rin update,ganyan mga novel ninyo!

    16/04

      0
  • avatar
    Bu Dang Pangilinan

    kailan kaya tatapusin ni author yung story,ang ganda pa naman.

    09/07/2025

      0
  • avatar
    l******p@gmail.com

    My ultimate fave author 😊 Best of luck in your writing journey.

    04/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata