"The words 'Privacy' and 'Secrecy' have different spelling and meaning. Please read a dictionary" "Yo--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin ng may biglang tumawag. "Excuse me" "So what's your excuse this time? I'm listening" Nakangiti pang sabi ni Haven pero kanina pa umalis si Ruzena. "Ahm Wife she already left" "Ow. Kaya ayoko ng words na excuse eh. Hindi ko alam kung anong ibig nilang sabihin." Inosenteng sabi niya na parang nalungkot panga "Pfft hahahahaha My Haven I love you so much. Akin kalang ha. Pakasal na tayo bukas" Nang iinggit ba sila? -_- "I'm still here, ituloy nyo sa kwarto" Napayuko nalang ako sa lamesa. "I'm sorry. Nakialam ata ako" "No. I should be thanking you. Hindi ko alam na wala pa pala sa plano niya ang pakasalan ako" "You should figure it out Echo. Babalik na kami sa US next week. Thank you for letting us stay here." Tinignan ko sila. "Iiwan nyo nadin ako?" "Whaa Man ang drama mo hahahaha may girlfriend ka naman na ah. She's not gonna leave you. Wife kapit kana sa leeg ko. Let's go" Binuhat na niya si Haven. "Coz You're gonna leave her. You can't live being hidden forever" Habol ni Haven bako tumakbo si Kirsi. Narinig ko naman. Bakit ba sure na sure silang hindi ako ipapakilala ni My loves sa family niya? Na habangbuhay na itong set up namin. I can feel her love and sincerity so alam kong kaya niya akong ipaglaban. We will prove them wrong. Hinintay ko nalang si My Loves makabalik. "Echo I. . . . I'm sorry but I need to leave" "W-what? Why?" Hindi siya mapakali kaya hinawakan ko ang dalawang kamay niya. "Ruzena calm down. Anong nangyari?" "Ahm S-si Dad kasi dinala daw sa Ospital. Sabi nila hindi naman daw malala pero. . . I'm sorry I need to go" "It's our Anniversary" Mahinang sabi ko. Ang tagal kong pinaghandaan ito. "I'm sorry. Babawi ako Prom--" "Don't promise. You don't need to. Ahm then sasamahan na kita. May connection kami sa mga Hospital so I can hel--" "No. Just stay here. I'm really sorry" Pigil niya sakin. Gusto ko umiyak pero wala naman magagawa ang luha ko sa kanya. "Are you still scared? I understand, but at least ipakilala mo naman ako kahit kaibigan mo lang oh" Nilagay ko ang dalawang kamay niya sa pisngi ko. "Echo not now. Nasabi ko na kung ano ang ugali ni Lolo diba? Lahat ng nakapaligid sakin pinapa imbestiga niya. He'll know who you are, your background and I. . ." "You can't risk it? Then let them know. Malalaman din naman nila diba? Mapapaag--" "You don't understand. They will never approve in this kind of relationship. Lalo na si Lola." I don't know what to say anymore. Eh ano pa nga ba itong ginagawa namin. "Baby I'm just scared. Ayokong mawala ka sakin. I love you and we will tell them, just not now. Don't leave me please?" Then when? Kelan pa? Gustong gusto kong itanong sa kanya. Pero hindi ko alam kung bakit ngumiti lang ako at tumango. "I love you too, be careful. And if you want ihahatid na kita hanggang Hospital. Hindi ako magpapakita promise" "No need. Ang tagal mong inintay to. Enjoy it and I promise pag okay na lahat babalik ako. It's a one week vacation" Yumakap na siya sakin. How can I enjoy it? You're leaving me, again. Yeah, this is not the first time. Paulit ulit mo nalang akong iniiwan. Then you'll ask me not to leave you? Baby you're not one who's always walking away. "Go" Mahinang sabi ko at muli pa niya akong hinalikan bago tuluyang umalis. Dito na tumulo ang luha ko. Fu**! Argh! I need a drink. Inistorbo ko agad si Kirsi. Inis na inis pa siya sa walang tigil kong pagkatok pero bigla din akong niyakap ng makita ako. Hindi niya ako sinermonan. Nag kwentuhan lang kami. Inalala yung kabataan namin. I don't remember everything pero nagising kami na nakabaon sa buhangin. Pitong araw na ng umalis siya. At nandito padin ako mag isa. "Echo tara na sa loob. Malamig na oh. Tama na nga kakainom mo" Pigil sakin ni Kirsi. Nakaupo lang kasi ako sa harap ng dagat habang umiinom. "You should leave na. Baka maiwan kayo ng eroplano. Pakisabi kay Haven bawas bawasan niya pagiging Hell niya minsan hahahahaha" Aalis nadin kasi sila bukas. Iiwan nadin nila ako. Lahat nalang sila. "Echo gusto mo bang isumbong kita kay Kuya Zeev?" "Go away" "Don't worry Kirsi, ako nalang mag susumbong" Agad akong napalingon sa nagsalita. She's back. May dala siyang puting cake na may kandila pa. "Tsk. Ayusin nyo na yan. Ang drama nyo masyado hindi nadin nakakatuwa. Dinadamay nyo pa love life ko hays" Umalis nadin naman siya. At nag thumbs up lang sakin. Ngumiti lang ako. "Am I late?" "Super. Uuwi na ako bukas ng 7am" "Then, I still have 9 hours. Ako nag bake nito. Vanilla cake, your favorite" Nilapit pa niya sakin ang cake. Pero wala ako sa mood para mag blow ng candle so tinapon ko lang yon. "Hindi ako bata" "I'm sorry, ahm tikman mo naman bilis, may spoon sa gilid" excited na sabi niya. Yung mata niya talga. Ugh umiwas na ako. "Sinabi kong hindi ako mahilig sa matamis pero hindi ko naman sinabing mahilig ako sa maalat" Asin ata nilagay niya sa Cake. "What!? No way, patikim nga" Lumapit pa siya ng husto sakin. Isusubo ko na sana sa kanya yung spoon na hawak ko ng bigla niya akong halikan. Fu** "Y-yeah it's really salty. Wait aayusin ko lang. Patikim nga ulit" At muli niya akong hinalikan. Hindi ako maka react agad. "You're not moving again. Back to 5 naba?" Bulong niya bigla at naglakad na paalis. Tyaka ko lang na realize ang sinabi niya ng nakalayo na. "Ugh no way! Ruzena I'm 7 na diba! Come back here! Wala ng pagasa yang Cake!!" Hinabol ko siya agad at binuhat na parang sako. Nilagay ko siya sa balikat ko. "Yah! Yung cake Echo! W-wait wait malamig na yung tubig!!" Hindi ko siya pinansin hanggang mabasa kami ng tubig dagat. Napayakap lang siya ng mahigpit sakin. "Akala ko hindi kana babalik" Binaba ko na siya sa dagat. Hindi naman masyadong malalim. Hanggang bewang niya lang. "Nag promise ako diba? I'm here" Niyakap ko na siya agad. Yeah she's here. Yun naman ang importante. Binalikan niya ako. "I miss you" Bumitaw na ako para halikan siya. "I miss you too. And Happy Anniversary My Echo" Pinagdikit niya ang mga noo namin. I can't stop smiling. Ang sarap sa tenga. "Happy Anniversary" Mahinang sabi ko kasabay ng biglang paglitaw ng mga fireworks. Nagulat pa siya at hindi din napigilang mapatingin sa langit. I prepared it for her, kasabay sana ng dinner date namin. Kaso wala naman siya. Buti nalang at naisipan pang gamitin ni Kirsi. Sakto sa moment so I'll thank my best friend later. "Hey" Rinig kong sabi niya. "Hmm? Wy-- outch outch araayy M-my lovessss" Hila hila niya niya itong tenga ko. "Sino yung babaeng kasakasama mo daw kahapon?" "T-the who? W-wait sh** anong sinabi ni Kirsi? C-classmate ko lang! Outch. Baby masakit" Kainis na Kirsi yan. Tatamaan yon sakin. Binitawan na niya ang tenga ko pero yung mata niya grabe, kinakatay na ata ako. "S-sinamahan ko lang yon ano kaba. Alam mo namang patay na patay ako sayo tas mambabae pa ako?" "Name" Seryosong sabi niya. Fu** hindi ba alam ni kirsi na dragon ang girlfriend ko pag nagseselos? Ugh "I D-don't know" "Fine. I think she's still here" "My loves! Tinanggihan ko siya. Sinabi kong may pakakasalan na ako. That I'm already in love with this beautiful hazel haired girl" Niyakap ko na siya dahil talagang susugod siya. Hindi man halata pero selosa talaga ang girlfriend ko. One time, may nakita lang siyang lipstick sa damit ko eh halos ipatanggal na niya mga babae niyang model. Medyo flirty kasi talaga sila pfft. At may isang babae naman na binuhusan niya ng tubig kasi harap harapan ba namang nakipagharutan sakin. I really love it when she's jealous. "I'm sorry. I told you I'm possesive. Baka m iwan mo ko coz. . . Co--" "Dahil hindi mo ako kayang ipagsigawan? Don't worry, I can wait." "Don't leave me Echo. Please? Wag mo kong iiwan ha?" Baby ako dapat ang nagsasabi niyan sayo. I kissed her forehead. "I love you" . . . . . "Baby pa kiss na mabilis lang. Please? Charge lang" Kinukulit ko si My Loves pero tinutulak niya lang ako ugh. "Echo baka may makakita satin. Mag ayos kana. You're next" "Ihh Nasa ibang bansa naman tayo ah. It's our 2nd Anniversary na tas nag ta trabaho lang tayo" Nagpa cute na ako. Nandito kami sa Greece para sa isang photoshoot at fashion show. Medieval kasi ang theme kaya napadpad kami dito. Kasama ang iba pang model na mga taga iba't ibang bansa din. "Hahahaha Echo stop. Later okay? Turn around. Aayusin ko yang dress mo" "Kiss muna" Ngumuso na ako para ididikit niya nalang. Natawa lang siya hanggang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. "Sweet. More p-- outch M-ma'am masyadong malakas" Tinulak ba naman ako nag may biglang pumasok sa tent namin. Lumusot pa ako palabas. "Ms Alexander next model please" "Okay! Ahm ah. Echo come here. H-hindi pa maayos" Matatawa ba ako? Hays. Oo itawa nalang natin. "I'm sorry, bawi ako mamaya" Bulong niya habang inaayos ang suot ko. Aba dapat lang. Ginalingan ko nalang sa trabaho ko. It's just my part time job and hobby pero na enjoy ko nadin kasi. Madaming model at photographer ang nasa paligid. Competition din kasi ng iba't ibang agency. Hindi naman kailangang sumama si Ruzena pero dahil mapilit ako pfft wala siyang nagawa. Anniversary kaya namin this week at last day na namin. "Okay good! Good job Echo!" SAWAKAS! kapagod kaya ngumiti at mag pose. Tas ang sikip pa ng suot ko. "Thank yo--outch w-wait" Napatakip ako ng mata. May nag flash bigla. Sakto kasi sa sikat ng araw kaya nakakasilaw. Hinanap ko pa kung saan galing ang flash ng Camera hanggang mapansin ang isang matangkad na babaeng may maikling buhok. Nakangiti lang siya habang nakatingin sa Camera. "Hey! Do I know you!?" Sigaw ko kaya napatingin naman siya sakin. Wait ahm Hazel eyes, long and thick eyelashes, perfect eyebrows, red lips, short wavy hair, tall, brown skin and a deadly smirk. In short, she's beautiful, a fox, a seductress. The hell? Who is she? Lalapit na sana ako pero tumalikod na siya. "Wait!" Sigaw ko, ang dami pa namang tao. Ang bilis niya mawala sa paningin ko. "Yah! Ang ganda ng shade ng lipstick mo! Itatanong ko lang san mo nabili!" Hindi ko alam kung narinig niya oh naintindihan ba niya. Nasa Greece nga pala ako. Ang layo nadin kasi at tuloy tuloy lang siya sa paglakad. Ang dami nading tao. Likod nalang niya ang nakikita ko ng bigla niyang itaas ang dalawang kamay at. . . 凸 ( ) 凸 Nag F U bigla -_- bastos. She looks familiar, I don't know. Tss Nevermind. Pinuntahan ko nalang si My loves pero busy siya sa pakikipag usap sa ibang Boss. Naka receive nalang ako ng text sa kanya. Business dinner. Hindi kita masasamahan mamaya. Hintayin mo nalang ako sa room mo okay? Lagi nalang akong naghihintay po. Pero nag Okay lang ako with hearts and kiss emoji. Mag isa nalang akong naglibot. Oks lang since nakapaglibot na kami nitong mga nakaraang araw. Bali solo ko lang ngayon. It's 8pm so nagpasya akong kumain sa isang maliit na resto bar. Pero ang ganda, gusto ko yung makalumang architecture. Medyo madaming tao so siguro naman masarap pagkain nila dito. And I'm not wrong! Actually hindi ko alam kung ano tong mga kinakain ko. Pero masarap, yun naman ang importante hahahahaha and the drinks? Sakto lang ang timpla. Medyo may tama pero okay padin. "Echo! My my my my lovely Echo." Oh Fu** panira ng gabi. "Yohan You're drunk" Tumabi siya sakin bigla at inakbayan ako. Eh kung sabihin ko kayang babae din ang gusto ko. Titigil na ba siya? "I am not! T-tell me. Bakit ba ayaw mo sakin!? A-akin kana kasi! Akin kana lang! Akin ka lang!! *Bogsh!" Tulog. Isang lumilipad na tray po ang dumapo sa ulo niya. Natahimik ang lahat ng ilang mga saglit hanggang biglang tumawa nalang sila bigla. Huh? "Pfft Hahahaha that's our Goddess Alexandra! Cheers!" Rinig ko nalang may sumigaw na medyo may edad na lalaki. Iisa lang ang tinitignan nila. Sa isang bar counter. Yung Bartender ata yung bumato. Naka face mask siya at naka bucket hat na itim kaya hindi ko makita ang muka niya. Lalapit na sana ako para mag thank you ng tumawag na si Ruzena. "Yes My loves! Papunta na po. I love you" Masayang sabi ko. Buti naman at maaga siya natapos ngayon. "Hey! Thank you for helping! I love the foods and drinks!" Sigaw ko at aalis na sana ng harangin ako ng isang bata. May binigay siya saking maliit na box. "For you" Nakangiting sabi niya. "For me? Ahm thank you" Umalis na siya agad. Kanino naman galing to? Red lipstick? Binuksan ko ito pero nahalata ko agad na peke. Plastic lang. Yung parang pang display lang sa mga mall. Pero napansin ko ang maliit na nakasulat sa gilid. "It's Natural, Idiot"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (32)
Stilw8tng
til now wala pa rin update,ganyan mga novel ninyo!
16/04
0
Bu Dang Pangilinan
kailan kaya tatapusin ni author yung story,ang ganda pa naman.
09/07/2025
0
l******p@gmail.com
My ultimate fave author 😊
Best of luck in your writing journey.
til now wala pa rin update,ganyan mga novel ninyo!
16/04
0kailan kaya tatapusin ni author yung story,ang ganda pa naman.
09/07/2025
0My ultimate fave author 😊 Best of luck in your writing journey.
04/10/2024
0Tingnan Lahat