Chapter 55

Ethan's Pov
again, lol.
"Bro, tara mag bar. Isama mo yung girlfriend mo"
Isang masamang tingin naman ang naabot nito sa akin, gago. Si thalia? Papasamahin kami sa bar, ulol.
Baka kung sino-sinong lalaki lang ang lumapit sa kaniya.
"Hoy gago axle, huwag mo ngang yayain yan. May date pa daw sila 'nong gf niya" sabad ni clevi sa usapan.
Nakatingin lang siya sa kasama niyang babae, i think her name is Jane or Jade? Ito yung palaging nakakaaway ng mga kaibigan ni thalia. I also don't want her presence, napaka arte niya at isa pa, mukhang hindi rin naman siya type ng kaibigan ko.
"Inggit ka? Tara date tayo" mapang guyong aniya naman ni axle.
Nakaupo sa tabi ko si drew habang abalang abala sa pag tetext. Para siyang kinukuryente sa sobrang kilig.
Bago pa man kami makaalis, may isang lalaki na ang lumapit sa amin. Naka tuxedo ito habang tuwid na tuwid ang tindig. Sa tingin ko ay nakita ko na 'to, hindi ko lang alam kung saan.
"Didiretsuhin na kita hijo, hiwalayan mo si Thalia.... hindi ka makakabuti sa kaniya, iwan mo na siya. Nasasaktan lang siya ng dahil sayo" walang pasabing aniya. Straight to the point nga ang gago!
"Paumanhin po pero, sino ka ba, ha? Nababaliw ka na ba?" Hindi ko mapigilan ang sariling maiduro 'tong lalaking nasa harap ko.
Baliw amputa!
Nakita ko naman ang pag kabigla sa kaniyang mukha dahil sa aking inasta. Napaubo siya ng kaunti. Sugar daddy ba ito ni thalia? Tangina, talagang yung mamamatay na yung pinili niya ha?!
Isang linggo pag katapos 'non. Nabalitan ko kay mommy na nalulugi na ang kumpanya, kaya naman agad akong pumunta 'don sa lalaking kumausap sa akin.
Pumayag ako sa gusto niya. Nag hanap ako ng ibang babaeng pwedeng ipalit kay thalia, lahat ng kagaguhan ginawa ko.
"Saan ka pupunta? Wag mo akong iiwan babe please"
Para namang mawawala yung jowa ni sachi. Napaka arte talaga ng babaeng ito!
Pupunta at susunduin ko na sana si thalia ng makita kong susundan ni sachi yung boyfriend niya. Simula 'nong mag ka boyfriend itong isang 'to palagi na siyang ganiyan.
"You should sleep na hindi maganda sayo ang mapagod" i said. May sakit kasi siya dahil nag paambon sila ng magaling niyang jowa.
"Babe where are you going dito ka muna please" parang tutang nag mamakaawa si sachi sa boyfriend niya.
Bago pa man ako mag alboroto dito, umalis na ako para sunduin na si thalia.
[Sir, paakyat na po si ma'am thalia] agad naman akong pumwesto 'nong marinig ko yung sinabi ni manang.
Today is my birthday, at ngayong araw na ito naisipan kong hiwalayan si thalia. Nag patulong ako sa mga kaibigan ko para lang maging mas mukhang totoo yung mga mangyayari, kinausap ko pa si kim na tulungan ako sa plano ko.
Kim and i we're bestfriend since birth. Alam kong nagustuhan niya ako noon pero nireject ko siya. But now nandito siya kasama ko.
Wala ng pumapasok sa utak ko 'nong mga oras na 'yon. Gulong gulo na ako, tangina!
Nang marinig ko ang yabag sa labas ay agad naman akong sumenyas at nag salita.
"Game" agad namang kinuha ni axle yung papel na babasahin niya.
Tangina ang mga gago! Nag gawa pa ng script para raw hindi kami mag kamali sa sasabihin namin!
"Bro padating na ata sweety babe mo" kilig na kilig na sabi ni clevi.
Tangina, pag tapos nito uupakan ko talaga sila!
"Sino yon?" Tanong ko sa mga ito.
"Si Thalia diba yung girlfriend mo" may facial expression pa si axle 'nong nag sasalita siya.
"Hindi ko yun girlfriend" sambit ko. Fuck I'm sorry.
"Hindi ko naman yun Mahal tama na yung tatlong bjwan, sawa na ako tss. Tsaka sino ba yung nakakatagal sa ugali nya? Kaya nga hindi ko na sya kinausap eh HAHAHA bahala syang mag pakatanga" dugtong ko pa sa sinasabi ko.
Nagulat kaming lahat dahil sa sobrang bilis ng pagpasok ni thalia. Nakita ko pa ang pagtingin niya sa itinago kong papel sa likod ko.
"Kanina ka p-pa ba d-d-dyan?" Utal utal na tanong ni drew.
"Happy birthday love and belated 3rd monthsarry" parang hangin lang si drew sa kaniya. Iniiwasan niya ang tanong nitom
Nakita ko naman ang pagtingin nito sa akin, kaya naman agad ko siyang sinulyapan ng walang ekspresyon sa aking mukha.
"Hmm blow mo na yung candle. Mag papanggap nalang akong walang narinig" parang dinudurog ang puso ko dahil sa mga narinig. Love, please.
"Stop this shit, tama na tapos na tayo" Sigaw ko sa kaniya.
Bakas ang gulat sa kaniyang mukha 'nong sabihin ko ang mga bagay na 'yon.
"Nag bibiro ka lang diba? Ikaw talaga hahaha hindi magandang biro yan hipan mo na tong kandila masamang magbiro lalo na kapag birthday sige ka" aniya habang pahikbi hikbi.
"Stop. This. Shit. Hindi na kita gusto break na tayo, kaya lang naman kita niligawan noon dahil nakipag break sakin si Kim at ngayong bumalik na sya makikipag hiwalay na ako sayo!" Galit na sigaw ko habang yakap-yakap si kim. I'm sorry love, but please stop this now. Nasasaktan ka na.
"Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong nito sa akin. Parang may parte sa akin na gusto ng itigil itong kabaliwang 'to pero kapag naaalala ko na aalis na siya hindi ko na mapigilan na masaktan siya.
Tiningnan ko ito sa kaniyang mata bago muli akong nag salita.
"Hindi" Simpleng aniya ko. Tangina ko, mahal ma mahal kita thalia.
"Totoo ba yung mga ngiti at saya na ipinakita mo sakin tuwing tayong dalwa lang?" Umaasang tanong pa nito.
Oo, lahat 'yon totoo thalia.
"No. Ilang beses ko pabang sasabihin na palabas lang yon? Tsaka break na tayo kaya please umalis kana kaya kong icelebrate ang birthday ko kasama si kim." Pilit ko siyang pinagtatabuyan.
Agad naman niyang nabitawan ang cake. Ang akala ko ay aalis na siya ngunit nag kamali ako.
"No please love ano kaba diba napag usapan na natin toh noon yung mga importanteng araw sa atin tayong dalwa ang mag kasamang icecelebrate yon?" Humahagulgol na aniya bago ako yakapin.
"Stop ganyan ka naba kadesperada sakin? Umalis kana!!!" Sigaw ko pa.
"It hurts. It hurts so bad" ramdam ko ang sakit sa kaniya habang sinasabi niya 'yong mga bagay na 'yon.
Pilit ko naman siyang hinahatak palayo sa akin.
"It's hard to find happiness when you feel like you've failed,or that you're never going to get what you want" aniya bago kumalas sa yakap.
"Ikaw ang kasiyahan ko eh. Sabi mo hanggang dulo na tayo. Ang tanga ko dahil naniniwala ako sa bawat sinasabi mo" dagdag pa niya habang pinupunasan ang luha sa kaniyang mga mata.
"Goodbye and be strong" ayon lang ang nasabi ko.
"You're the one who is leaving and you tell me to be strong? Well it's so hard to say goodbye,but I'll always cherish the time we had" sa pag kakataong ito tuluyan na siyang umalis.
From: Love🖤
Paalam mahal ko. Masaya ako para sa inyo:)
Lalo akong napaiyak ng marecieve ko ang text na 'yon. Tangina. Ang gago ko!
^^^
"Dre, hinahanap ata ng bebelabs mo yung mga kaklase niya"
Agad akong napatingin sa kinaroroonan ni thalia. Mukhang hinahanap niya nga ang mga kaibigan niya. Agad naman akong nag iwas ng tingin mg makita ko siyang palapit sa amin.
Nakaupo kami dito malapit sa room nila. Ang gusto ko kasi ay makita pa rin siya kahit wala na kami.
"Hi kuya pwede pong mag tanong san po pumunta yung estudyante dito sa section na toh?" Agad nabuhay ang dugo ko ng marinig ko anh boses niya.
Teka lang, tinawag niya ba akong kuya?!?
"Nasa hall sila" Walang emosyong sambit ko.
Agad naman akong napatingin sa tiningnan niya. Nakatingin siya sa aking necklace, parang gusto niyang kunin 'yon.
"Are you going to stare at my necklace?" Pinipilit kong sungitan siya kahit sa loob ko ay nagui-guilty ako.
Tiningnan niya lamang ako ng walang ekspresyon bago nag salita "How i wonder sinuot mo kaya yung couple bracelet na ibinigay mo sa akin" oo, at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin 'yon. "Maganda sya btw pero sabi nga nila hindi lahat ng maganda kailangan" alam kong yung tungkol sa amin na yung pinopoint niya, pero hindi ko naman siya masisi.
Pinanood ko lang siya na tuluyang mag lakad palayo sa akin.
"Okay class next week we will be having a bigtime visitors so i want you to clean the campus and please fix your attitude" panay ang pag sasalita ni dean. Alam ko namang ang mahal ko yung bisita niyo.
Nakita ko ang pagtingin ni thalia sa gawi namin, kaya naman no choice ako kung hindi ang tingnan nalang ang buong mukha ni kim.
:)
Dahil hindi ako nakapag post ng ilanh araw dahil nawalan kami ng wifi, 3 chapters para sa inyo!

Komento sa Aklat (33)

  • avatar
    BARREDOBLESSIE

    nice

    30/12/2024

      0
  • avatar
    Iza Tatel

    ❤❤❤

    10/11/2024

      0
  • avatar
    Ethan Garrick Geranca

    hi vdjdjd

    28/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata