Chapter 48

Natasha's Pov
"Babe!"
Dali dali akong tumakbo sa kinaroroonan ni jaze. He's so handsome hayyy! Paano ko ba naakit yang ganyang kagwapong nilalang?
"I miss you" I said dramatically.
Nakayakap na ako sa kaniya ngayon. Ang bango bango niya talaga! In my whole life ngayon ko lang naranasan ang sumaya ng ganto. Yung binibigyan ako ng assurance yung ipinaparamdam niya na sapat ako.
"I miss you too, naayos mo naba lahat ng bagahe mo?" Tanong niya sakin. Ilang taon na pala akong nandito sa new york. Hindi ko akalain na naka isang taon na ako dito dahil sa sobrang bilis ng pangyayari.
Ngayon ay pupunta na ulit kami sa Pilipinas. For good.
"Yes, hmm tara na?" I asked. Pupuntahan namin ngayon sina maureen at brea. Pa special talaga yung dalwang iyon parang walang mga pamasahe!! Tapos si thalia naman aba ireschedule daw namin yung flight papuntang pilipinas dahil busy pa daw siya!!
Ay, hala sige pa importante masyado hayaan 'mong maiwan siya mag isa doon sa L.A.
"Ano yan?" Curios na tumingin si brea sa kinakain ko. Ang galing talaga nito makalanghap ng pagkain!!
"Lason 'to" Pilit kong inilalayo sa kaniya yung tinapay na hawak ko, iyon na nga lang yung natitirang pag kain ko kukuhanin pa niya.
"Damot" Parang batang umalis si brea sa tabi ko. Nag inarte pa nga.
Buong biyahe akong hindi pinansin ni brea. Takaw talaga, kung hindi ko pa sinabi sa kaniya na ililibre ko siya ng isang bucket ng chicken hindi na niya talaga ako papansinin.
Pag kababa namin sa eroplano ay andaming reporters na agad ang naka abang sa amin. Do they really need to do that? I mean hello hindi ba pwedeng wag nalang or wag muna ngayon?
We walked towards to them and smiled at them.
Hindi rin kami masyadong nag tagal doon. Hindi rin naman kami gaano kasikat dito kaya wala ng pake yung iba. Lalo na't iiwan ko na ang mundo ng showbiz.
Dito na kami dumiretso sa resort nina thalia. Wala pa kasi kaming time para linisin yung dati namin bahay kaya dito muna kami tumuloy.
Kulay kahel na yung langit nang makarating kami sa kanilang hotel. Kalmadong dagat at palubog na araw ang makikita mo pag kapasok mo palang sa loob. Maaamoy mo rin dito yung preskong hangin.
Habang nakatayo ako sa buhanginan ay agad namang may yumakap sa likod ko. Hmm watching sunset with my homie is the best. Libo libong paru-paro ang namamalagi sa akin 'nong mga oras na ganon.
"I love you" Jaze said using his sweet tone.
"I love you too" Humarap ako sa kaniya upang makita lalo yung mukha niya. How i wonder, what if siya yung una 'kong nakilala? Kami pa rin kaya hanggang ngayon?
Habang tahimik kaming nakaupo ay agad namang may impit na tili akong narinig.
Kitang kita ko kung paano sila mag kurutan papunta sa gawi namin. Nakita ko pa yung pag kuha nila ng pic sa aming dalwa. Talagang hindi nila ako tatantanan huh!?!
Speaking of tatantanan, mabuti nalang at tinantanan nadin ako ni johans hindi ko narin siya nakikita na nakamasid sa akin simula noong maging kami ni jaze.
"You should guys take photo. Ang ganda ng view oh!!" Hyper na sabi ni brea. Ilang chocolate ba ang nakakain nito sa isang araw?
"Smile!!"
Sabay sabay kaming nag wacky sa camera. Beach, sunset and nice view hmm how i miss this.
Memories of us playing with fish is one of the most favorite things that i do. Naalala ko noon bago kami umalis ay nag gawi din kami dito beach. Yung mga kulitan namin nina bakla sobrang namiss ko. How i wonder ano na kaya yung ginagawa nila ngayon?
"Iba talaga kapag may boyfriend, laging nakangiti. Sana all" Nanunuksong sabi ni brea habang nag pupunas ng buhok.
"Bakit, miss mo naba si dre-" Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko 'nong dali dali niyang ibato sa 'kin yung tuwalya na gamit niya. Aba napaka bastos.
"Alam mo antok na ako. Tara tulog na" Pag iiba niya sa usapan.
"May hindi maka move on" Bulong ni maureen sa akin na sapat para marinig ni brea.
"Goodnight!!!" Sabi ni brea bago mag taklob ng kumot. Aba talagang pinanindigan ng gaga!
Naging madali ang oras. Umaga na, kaagad akong lumabas sa room para puntahan si jaze. Ako nalang ang naiwan sa room. 'Pano ba naman hindi ako ginising nina brea!
"Careful pretty woman" Jaze said. My lips parted when he hold my waist.
Agad naman akong napangisi ng makita ang parang naiinggit na mukha nina maureen. Hinawakan ko pa ang kamay ni jaze bago ako umupo sa upuan.
"Aga aga mag harutan agad!" Sabi ni maureen na ikinatawa namin.
"Oh bakit tahimik yan?" Puna ko kay brea, nakatingin lang siya sa akin mula kanina.
"Hmmm kung si jaze pala ay sumabak sa mundo ng showbiz edi ang love team nyo ay Jasha? Or Naze. Tama tama!" Brea starting to make nonsense topic.
Ano pa 'bang aasahan ko sa kaniya!
"Malala na siya" Iiling iling na sabi ni maureen habang naka oppa sign sa amin.
I laughed, a little.

Komento sa Aklat (33)

  • avatar
    BARREDOBLESSIE

    nice

    30/12/2024

      0
  • avatar
    Iza Tatel

    ❤❤❤

    10/11/2024

      0
  • avatar
    Ethan Garrick Geranca

    hi vdjdjd

    28/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata