Homepage/Tragedy of love/
Chapter 32
Thalia's Pov
Halos 3 bwan na kami ngayon ni Ethan. At sa tatlong bwan na yon lalo kong napatunayan na mahal na mahal ko sya.
"Oh sis san ka punta?" Tanong sa akin ni Brea.
"Dyan lang sa cake shop,bibili ako ng cake diba 3 monthsarry namin ni Ethan kahapon" Ani ko.
Dali dali akong pumunta sa cake shop para bumili ng simpleng cake.
Dapat kasi ay kahapon ko sya isusurpise eh nalala ko birthday nya ngayon kaya sinabay ko na ngayon.
Pag karating ko sa bahay nila ethan ay dali dali kong tinanong si manang iza.
"Hi manang nandyan po ba si Ethan?" Tanong ko.
"Opo madam nasa kwarto nya po nandun din po yung mga pinsan nya" Ani ni manang.
"Sige po salamat" Wika ko
Habang bitbit ko ang cake ay umakyat na ako sa hagdan para puntahan si Ethan.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kwarto nya ng marinig kong nag uusap sila.
"Game" Rinig kong sabi ng isang lalaki
"Bro padating na ata sweety babe mo" Aniya ng isang pang lalaki.
"Sino yon?" Rinig kong tanong ni Ethan.
"Si Thalia diba yung girlfriend mo"
Papasok na sana ako ng marinig ko yung sinabi nya.
"Hindi ko yun girlfriend" Aniya
"Hindi ko naman yun Mahal tama na yung tatlong bwan sawa na ako tss. Tsaka sino ba yung nakakatagal sa ugali nya? Kaya nga hindi ko na sya kinausap eh HAHAHA bahala syang mag pakatanga" Dugtong nya pa
Dali dali ko namang binuksan ang pinto at gaya ng inaasahan ko ay gulat silang makita ako.
Nakita ko rin na parang may itinagong papel si Ethan sa likod nya.
"Kanina ka p-pa ba d-d-dyan?" Utal utal na tanong ni drew.
"Happy birthday love and belated 3rd monthsarry" Aniko hindi ko rin sinagot ang tanong ni drew.
Tiningnan lang ako ni Ethan ng walang ekspresyon sa kanyang muka.
"Hmm blow mo na yung candle. Mag papanggap nalang akong walang narinig" Aniya ko habang pinipigilang tumulo ang mga luha.
"Stop this shit,tama na tapos na tayo" Sigaw nya sa akin.
Parang may bumara sa lalamunan ko ng sabihin nya ang mga bagay na yon.
"Nag bibiro ka lang diba? Ikaw talaga hahaha hindi magandang biro yan hipan mo na tong kandila masamang magbiro lalo na kapag birthday sige Ka" Sambit ko habang humihikbi hikbi.
"Stop. This. Shit. Hindi na kita gusto break na tayo kaya lang naman kita niligawan noon dahil nakipag break sakin si Kim at ngayong bumalik na sya makikipag hiwalay na ako sayo!" Galit na sigaw nya habang yakap yakap ang magandang babaeng hinigit nya.
So sya si kim?
"Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong ko.
Tiningnan nya muna ako sa aking mata bago nag salita.
Please sabihin mong prank lang toh. Sabihin mong mahal mo ako.
"Hindi" Simpleng aniya.
"Totoo ba yung mga ngiti at saya na ipinakita mo sakin tuwing tayong dalwa lang?" Umaasang tanong ko.
"No. Ilang beses ko pabang sasabihin na palabas lang yon? Tsaka break na tayo kaya please umalis kana kaya kong icelebrate ang birthday ko kasama si kim." Pag tataboy nya sakin.
Nabitawan ko naman ang dala dala kong cake sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
"No please love ano kaba diba napag usapan na natin toh noon yung mga importanteng araw sa atin tayong dalwa ang mag kasamang icecelebrate yon?" Humahagulgol na ani ko bago ko sya yakapin.
"Stop ganyan ka naba kadesperada sakin? Umalis kana!!!" Sigaw nya sa akin.
"It hurts. It hurts so bad" Nanlalabo na ang aking mata habang yakap yakap sya.
Pilit naman nya akong hinahatak palayo sa kanya.
"It's hard to find happiness when you feel like you've failed,or that you're never going to get what you want" Aniko pagkatapos kumalas sa pagkakayakap sa kanya.
"Ikaw ang kasiyahan ko eh. Sabi mo hanggang dulo na tayo. Ang tanga ko dahil naniniwala ako sa bawat sinasabi mo" Sambit ko habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa aking mukha.
"Goodbye and be strong" Aniya.
"You're the one who is leaving and you tell me to be strong? Well it's so hard to say goodbye,but I'll always cherish the time we had" Sambit ko pag katapos tuloy tuloy na naglakad palayo.
Habang nasa kotse ako ay doon ko na itinuloy ang tuluyang pag patak ng luha.
"Bakit tadhana? Bakit ako? Bakit sa akin? Bakit nya ako iniwan? Tangina naman ang sakit ganon naba talaga akong kadaling iwan?" Tanong ko sa aking sarili.
Sa hindi ko malamang dahilan ay kinuha ko ang aking cellphone para mag bigay ng huling sulat sa kanya.
To: Love🖤
Paalam mahal ko. Masaya ako para sa inyo:)
Tatlumpong minuto akong umiyak pag katapos kong mapag disisyunan na umuwi na.
"Uy sis musta? Natuwa ba sya sa surprise mo?" Bungad na tanong sa akin ni Brea.
"Ako yung nasurprise eh. Sige akyat muna ako" Aniko.
Pag katapos kong mag impake ng mga damit ko ay tuloy tuloy na akong humiga sa kama ko.
Wala pang 2 oras akong nakatulog ay may narinig na agad akong ingay sa tabi ng kama ko.
"Uy uy uy mag kwento kana dali anong nangyari?" Kyuryosong tanong ni Brea.
Nakita kong nasa gilid nadin ng kama ko si nat at mau.
Iniisip ko palang ang nangyari kanina ay parang sinasaksak na ng kutsilyo ang puso ko.
"Break na kami" Aniko
"Ano??!!!?" Gulat na tanong nila.
"Oo nakipag hiwalay sya kaya ibig sabihin break na kami" Walang buhay na sagot ko. Nang hihina nadin ako sa pag iyak ko kanina.
"Bakit naman???" Tanong ni nat na animo'y ano mang oras ay manunugod sya bigla.
"Bumalik daw si Kim yung ex nya at ginamit nya lang daw ako HAHAHAHA funny isn't it?" Sambit ko habang pinipigilang tumulo ang aking mga luha. Ngunit huli na ng sunod sunod nag si patakan ang taksil kong luha.
Sabi ko hindi ako iiyak sa mga kaibigan ko eh.
"Saan ang bahay ng manlolokong yon? Kailangan maturuan ng leksyon yon!!!" Galit na sigaw ni nat.
"Stop it wala na tayong magagawa tanggapin na natin na ginamit nya lang ako at isa pa ayaw kong masira yung birthday nya" Pag papakalma ko sa kanya.
"Eh gago pala yun hoy Thalia Frijio oo alam nating iniiwan ka ng mga nagiging ex mo pero hindi ka nila ginamit atsaka ano naman kung masira birthday nya gusto nya bang upakan ko pa mukha nya??!!!!" Napipikong anas ni Brea.
Hindi na ako nakapag salita dahil sa tuloy tuloy na pag agos ng luha ko.
Lubog na ang araw ng mapag disisyunan nilang mag luto na ng pag kain.
Kaya naman si mau nalang ang natirang kasama ko dito.
"Okay ka naba?" Sinsirong tanong nya.
Kilalang kilala ko sia Maureen alam kong tahimik sya pero pag gantong bagay ay sya ang mas nag aalala.
"Hindi ko masasabing okay na ako pero kakayanin ko" Wika ko.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (33)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
30/12/2024
0❤❤❤
10/11/2024
0hi vdjdjd
28/09/2024
0Tingnan Lahat