Homepage/The Madame Series: Vladimyr/
32: mistreated.
"Aray!" Napa-iwas ng kaunti si Vladimyr ng mapa-diin ang bulak na may konting alcohol, sa sugat niya sa noo. Di naman malala ang sugat na natamo niya kanina nang tumalon siya paalis sa kotse bago ito mapitpit ng truck.
"Sabi ng doctor kailangan kong linisin yang mga sugat mo. At wag ka muna gagalaw dahil may mga na -dislocate na joints mo."
Umikot ang mata ni Vladimyr at tipid na umiling. Inoobserbahan niya ang lalaking ito sa harap niya na hawak ang cotton ball habang maingat na maingat na dinadampi sa gilid ng sugat niya.
Tumayo siya at pinakiraman ang sarili. Maingat na kinapa no Vladimyr ang lokasyon ng mga joints niya na na-dislocate daw. Sang-ayon naman siya sa doktor. Sa konting kilos niya ay nararamdaman niya ang paglagutok ng joints. Maingat at eksakto ang paghagod ng mga daliri Vladimyr kung saan binigyan niya ng sapat na diin, bago niya tuluyang ipinihit ang bahaging iyon ng kaniyang buto.
Malaki ang awang ng mga labi ni Lucien at malalaki ang mga mata na natulala kay Vladimyr. Sa ginawa nitong pag-aayos ng sariling buto na napilayan, para saisang babae na tulad niya, isa iyong kahanga-hangang lakas ng loob at abilidad.
“The fuck Vladimyr?” malakas na singhal ni Lucien dahil sa nasaksihan. Ngunit ang reaksyon niyang iyon ay hindi nagpatinag sa kalmadong si Vlad. Malalim ang mga tingin niya na pinagmasdan ang lalaki saka muling ipinikit ang pagod na mga mata.
Ilang ulit napalunok si Vladimyr dahil sa ginawa niyang iyon. Hindi biro na ayusin ang sarili mong buto na lumihis sa kinalalagyan nito. Nakaubos ng lakas. Daig pa niyang hinugot ito mula sa kaniyang laman na walang pampamanhid. Kahit sanay na si Vladimyr sa matinding kirot, bahagya pa rin siyang namutla dulot ng hindi maipaliwanag na kirot mula sa mga buto na agad lumaganap sa buo niyang katawan. Ngunit dahil naayos na niya ang buto na lumihis, nawala na ito. Sumandal siya sa backrest ng itim na sofa at walang emosyon na pumikit.
Nasa ganoon siyang pwesto nang marinig niya ang sikmat ni Lucien. “Wag mo nang uulitin ang ginawa mo Vladimyr. Pwede mong ikamatay ‘yon! Nababaliw ka na ba?” He hissed as if he was trying to scold her and intentionally pressed the cotton ball to the small cut on the lower side of her chin. Vladimyr flinched and glare at the man, giving him a warning stare.
“You have the guts to jump off the speeding car. Without thinking how much it may hurt you, but now flinching from the sting of alcohol?”
Natigilan si Vlad dahil sa mga sinabi ng lalaking ito.
“Lakas ng loob manermon? Sawa na yata mabuhay ‘tong orangutan na 'to, ” Ismid niya sa isip.
Hanggang ngayon di pa rin siya maka-move on sa ginawa niya kanina. Hindi inaasahan ni Vlad na gagawin iyon ni Luvien sa kanya.
5 hours earlier;
Pagkatapos niyang tumalon palabas ng kotse niya bago pa salpukin ng truck ang kotse ni Lucien at nagpagulong-gulong sa kalye, pinilit niyang tumayo kahit nangangatog at nahihilo siya dahil sa malakas na paghampas ng katawan niya sa semento. ‘Di rin niya nagawang iwasan ang ‘di inaasahang paghampas ng ulo niya doon kaya may sugat siya sa noo at mga galos sa braso.
Pagtayo ni Vladimyr, pinilit nyang lumakad papunta sa kotse ng orangutan at sumandal doon para maka-tayo ng maayos. Nagsindi siya ng sigarilyo na kinuha niya sa bulsa ng jacket para kalmahin sa isip.
"Vladimyr, where are you?"
Tiningnan ni Vlad si Lucien sa malayo at napailing. Para itong nababaliw na nagpapabalik-balik sa paligid ng kotse niyang nayupi na parang lata na sinagasaan ng pison. Paglingon nito sa kanya, kaagad humangos si Lucien papunta sa kanya na may nanlilisik na mga mata.
"What the f*ck you are doing?" Singhal nito sa kaniya paglapit.
"I'm smoking, can't you see?"
"Y-you!" Asik muli nito at bigla na lang nitong tinapon ang sigarilyo niya sabay hila at ikinulong sa maskulado niyong mga braso. Mahigpit. Ramdam na ramdam ni Vladimyr ang malakas na kabog ng dibdib ni Lucien mang maglapat ang kanilang katawan.
Matagal hindi umimik si Lucien habang yakap-yakap si Vladimyr. Kahit naisin niyang kumawala sa yakap nito, Masyadong malakas ang mga braso nito at di niya matinag kahit konti. Kaya hinayaan na lang niya ito. Makailang minuto akala niya ay pakakawalan siya nito pero napa-singhap siya nang bigla na lang nitong angkinin ang labi niya sa mapusok at galit na paraan. Hindi alintana ang dugong umaagos mula sa sugat niya sa labi.
His lips are soft and warm. Domineeringly harsh and mad. She felt the urge for another time to respond but her mind was still shocked.
Nang bitawan siya nito ay agad umigkas ang kamay niya at malakas na dumapo iyon sa pisngi ng lalaki na parang wala siyang injury sa braso.
"How dare you—hmp!"
Bigla na naman siya nitong hinalikan. Mas matagal. Halos maubusan siya ng hangin sa baga nang bitawan nito ang labi niya pero ang nag-aalab na galit ay naroon pa rin sa mga mata nito.
Inirapan niya ito. Para na kasing mababaliw sa sobrang galit.
'Kala mo nag-aalala talaga kung maka-asta! Siya naman ang may balak na patayin ako.'
"You're crazy! Why did you do that huh?" Singhal muli nito.
"Matagal na akong baliw! Ngayon mo lang nalaman." Ngisi niya. "Simple lang, gusto kitang patayin." Malay ko bang ikaw yon? Sayang naman.
"W-what? The hell are you talking about?" His brows met in confusion.
"Yeah…but I change my mind." Casual niyang sagot saka humithit muli ng sigarilyo at bumuga ng usok sa gilid.
"I change my mind, cause it's not fun if I kill you this easily." She glanced at him. Seeing the amusement in his eyes. His lips parted while looking at her with disbelief.
"I wanna see you suffer to death…"
Nakita niya ang pagbaba ng tingin ni Lucien sabay buntong hininga bago muling tumingin sa kaniya na may malambot na mukha. At puno ng pag-aalala sa mga mata.
"Whatever the reason is…please…d-don't do that again will you?" Pigil hininga na pakiusap nito kay Vladimyr.
Natawa siya ng mapakla. Saka sinubukang lumakad paalis pero masyadong nanghihina ang tuhod niya na parang may na-dislocate na buto sa balakang niya kaya hirap maglakad ng normal.
"Where are you going?"
"Saan pa, eh di uuwi!"
"Tsk!"
Nagulat si Vladimyr ng bigla siyang buhatin ni Lucien in bridal style.
"Let me drive you home" he softly said.
"Ibaba mo ko kung hindi—"
"—What? Punch me again? Flip me and throw me again?" He taunts her.
"Try it and I will think that you want a kiss from me…and believe me, you'll end up in my bed."
Natigilan si Vladimyr. Parang naubusan siya ng sasabihin dahil kay Lucien. Tumahimik na lang siya at hinayaan ang lalaki na dalhin siya sa kotse nito.
Maingat siyang iniupo sa passenger seat.
Inside his spacious room.
Vladimyr is sitting on his long black velvet couch. While Lucien sat close to her to tend her wounds.
"Bakit mo ba ako dito dinala?" Inis na tanong ni Vladimyr sa lalaking nilalagyan ng ointment ang mga sugat niya.
"To make sure you won't go anywhere."
She was startled.
'Or you are planning on killing me in your house so you can dispatch me without anyone's notice.'
In her mind.
"At saan naman ako pupunta?"
"I don't know."
The guy shrugged. He placed the first aid kit on its box. Locked it and stood.
"Wait here, I'll tell the maid to prepare us dinner." He said.
"You can take a shower." He pointed to a big pair of white curved doors. "That's my walk in closet, you can find a shirt there that fits you." He added.
Tiningnan lang ito ni Vladimyr habang nagsasalita. Pag alis nito ay tumayo siya at nag ikot-ikot malaking kuwarto.
Maganda ang interior design ng kuwarto ni Lucien. Very masculine ang theme in a grey, black and olive green matching color of walls, ceiling and floor. Dark red curtains, sleek floating glass shelves.
Black velvet set of sofa in leather. Beige square center table with stem of cherry blossom on a white curve-base.
May mini bar with several luxury drinks and wine. An ambient lighting in tranquil white. A modern night stand.
Halos lahat ng sulok ng kuwartong yon ay sumisigaw ng masculine personality ng may-ari.
Pumikit si Vladimyr para sana mag relax. But the soft face of Lucien flashed through her mind. His kisses, his soft lips, the way he moves his lips against hers is too passionate and needy.
And good!
Her heart suddenly raced again by the images of him. It was fantastic, actually! And she wants more.
There's an urge deep inside wanted to claim his lips as well. Kabaliwan yon dahil alam niya na pinasasakay lang siya ng lalaking 'to para madali siyang masilo at mapatay!
Napabuntong hininga si Vladimyr. Marahas siyang tumayo at lumabas ng kuwartong iyon para umalis.
Hindi sa takot siya. Kundi pakiramdam niya nasasakal siya sa atmosphere ng bahay na ito. And she misses her children.
Paglabas niya ng kwarto kita niya agad ang first level which is filled with glass walls kaya kita din ang magagandang tanawin sa labas kahit gabi. There is a wide stair case with red carpet cascaded down the steps. The theme of the house is light tan and black.
Pagbaba niya nakita niya ang daan papunta sa kusina. Kung di siya nagkakamali, iyon pa rin ang kusina nila. Ten years ago, nakapasok na siya dito several times noong sila pa ni Luvien. Kahit paano, natatandaan niya pa ito.
Pagpasok niya sa dining roon, naroon ang mga katulong, abala sa pagluluto.
"Hi!" Bati niya sa mga ito.
"Good evening ma'am"
"Ahm….can I have a glass of cold water?"
Tumango ang isa sa katulong at agad siyang ikinuha ng tubig sa two door fridge.
"Pagkatapos mong uminom diyan umalis ka na sa bahay na to, ngayon din. Di ka bagay dito."
Nagsalubong ang kilay ni Vladimyr sabay lingon sa babaeng nagsalita.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (5)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
ang gandaa sobra update pls .🥺
06/06/2024
0very nice app
02/06/2022
0Good story 😊
11/05/2022
0Tingnan Lahat