logo text

Aidan Ethan Sanchez Shallei Herrera De Leon Ayecka Faye De Leon Sanchez

Still Shallei PoV
Chapter 20
Nanginginig pa din ang aking mga hita ng lumabas ako sa opisina niya. Halos magpadausdos na din ako sa loob ng elevator.
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi ako hubad na lumabas ay dahil may pinasuot siyang bagong damit na hindi ko alam kung kanino, dahil do'n ay mas lalong namuhi sa dibdib ko ang galit ko sa kanya dahil alam kong hindi lang ako ang...
Ayoko ng isipin.
Lutang akong naglakad pagkalabas sa elavator hanggang sa mabunggo na lang ako,
"Sorry," nakayukong nahihiyang paumanhin ko,
Bakit ba kasi antanga-tanga mo, Shallei?
Gusto kong mainis sa sarili ko at batukan ang sarili ko pero hindi ko ginawa dahil baka maalog ang utak ko at maging bobo pa ako.
Mahirap na.
"Miss, kung may problema ka ay huwag kang paharang-harang sa daraanan namin," parang bahagyang huminto ang mundo ko ng marinig ko ang boses niya.
Ang isa sa mga taong hindi ko inaasahan na maririnig ko ang boses tapos sa ganitong pagkakataon at sitwasyon pa.
Dahan-dahan akong nag-angat sa nabangga ko at halos magulat siya ng makita ako pero bumalik din naman sa aura niyang may pagkasuplada.
Nasa tabi niya din ang dalawang taong hindi ko inaasahan na makikita ko ngayon.
Ang nagsalita kanina ay si Ate Rayna habang ang kaharap at nabunggo ko kanina at si Ate Heaven...
"Shallei..." mahina pero seryoso ang boses niya ng banggitin niya ang pangalan ko,
"Antagal mong nawala at dito ka pa talaga namin makikita." iling na may insulto na sabat naman ni Kharlyn habang dahan-dahan siyang lumapit sa akin na may ibang ngiti sa labi.
Alam kong galit silang lahat at hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari at bubungad sa akin. Hindi ko inaasahan na...
Hinawakan niya ang panga ko at pinaharap sa kanya.
Napapatingin na din sa amin ang ibang empleyado na nakakakita sa amin hanggang sa makinood na din ang iba at magbulungan.
"Kita mo nga naman. Dito ka pala nagtatrabaho." ngising saad niya, at ang kaninang kamay niyang nasa panga ko at dumako sa aking buhok.
Gusto kong maiyak dahil sa sakit na naramdaman ng bigla niyang higitin ang buhok ko at patingalain, pero kahit na gusto ko siyang awatin at labanan at hinayaan ko na lang dahil... deserve ko 'to,
"Kita ninyo ang babaeng 'to?" pagkakasabi niya sa lahat para mapatahimik ang lahat.
Please... huwag ngayon, Kharlyn, gusto kong sabihin 'yun pero walang lumalabas sa bibig ko na kahit na anong salita. At anytime at tutulo na aking mga luha. Hindi dahil sa sakit dahil sa pagkakahawak niya sa buhok ko kundi sa sakit na nararamdaman ko,
"Ito lang naman 'yung dati naming kaibigan na sobrang tinulungan namin sa lahat pero iniwan kami ng walang paalam." mas diniinan niya pa ang pakakahawak sa aking buhok.
Napahawak na din ako sa kamay niyang nasa buhok ko at halos magmakaawa na ang aking mukha sa kanya,
"She's fucking slut and whore!" sigaw niya bago ako itulak para mapaupo ako sa sahig at ramdam ko ang sakit sa bandang puwetan kong tumama sa sahig.
"Anong nangyayari?"
"Bakit nila inaaway si Ate Shallei?"
"Magkakakilala sila?"
"Whore?"
"Slut?"
"Isa siya sa mga special na kaibigan namin. Tinuring naming prinsesa at tinulungan para maabot ang mga pangarap niya. Hanggang sa maging sikat siya at unti-unti kaming kinalimutan." hindi totoo 'yun...
Saan niya nakuha ang mga salitang 'yun? Kailan man ay hindi ko sila kinalimutan kahit na sumikat ako noon. Kailan man ay hindi sila nawala sa isip ko,
"Ano po bang nangyayari?" sabat ng isa sa mga nanonood para mapacross arm siya at seryosong may ngisi sa labi akong tiningnan.
"Siya lang naman ang ex girlfriend ng boss ninyo na kung saan ay inakit niya noon para maging sikat lang. Tapos inakit niya din ang mga boyfriend namin noon kaya mas sumikat siya..." hindi totoo lahat ng sinasabi niya. Walang katotohanan ang lahat ng 'yun. Kailan man ay hindi ko 'yun ginawa.
Bakit ba sinasabi niya ang mga ito sa harap nilang lahat?
"Ex ni boss?"
"Kaya siguro dito siya nagtrabaho para maakit ang boss natin."
"Yeah. True."
Sinampal niya ako ng isang beses bago niya muli akong sabunutan.
"Ano, Shallei. Akala ko ba matapang ka? Akala ko ba wala kang inaatrasan? Bakit hindi mo idepensa ang sarili mo? Sabagay, wala ka dapat idepensa dahil totoo lahat ng sinabi ko."
"Hindi... hindi totoo dahil ka-" she slapped again at tiniis ko ang sakit.
Ang isang palad niya naman ay napunta sa leeg ko at bahagyang kinalmot 'yun.
Napapikit na lang ako sa sakit lalo na ng itayo niya ako habang madiin na nakahawak sa aking buhok.
Hinila niya ng bahagya pababa ang tela na nasa leeg ko at pinakita sa lahat ang kiss mark do'n.
Wala akong laban.
"See this? Inaakit niya na naman ang boss ninyo, hindi lang siya malandi, gold digger din." napaiyak na lang ako ng punitin niya ang tela ng damit ko sa may bandang leeg at dibdib ko.
"Ngayon naman ay gold digger na siya dahil bumagsak na siya kaya inaakit niyang muli si Aidan na boss ninyo." ansakit... ansakit ng mga sinabi niya...
Hindi ko inaasahan na ito ang matatanggap ko ngayong nagkaharap-harap na kami.
Hindi ko akalain na ganito ang mangyayari sa pagkikita namin.
Sabi ko handa na ang sarili ko pero... hindi pala dahil hindi ko akalain na ganito ang mangyayari...
Alam kong galit siya, sila, pero hindi ko inaasahan na gano'ng mga salita ang matatanggap ko mula sa kanya, pa-paano pa kaya kina ate Heaven at Ate Rayna, lalo na sa iba?
Siguro sobrang laki na talaga ng galit nila sa akin. At alam kung matagal na silang may galit sa akin, at ngayon nailabas na ni Kharlyn ang lahat ng galit niya sa akin.
Pero hindi ko matanggap ang mga salitang 'yun na galing mismo sa kanyang bibig na hindi ko alam kung saan niya nakuha kahit wala naman katotohanan lahat.
Pero kahit na sabihin kong hindi totoo ang lahat ng 'yun ay hindi sila maniniwala.
"Ngayong nandito ka na. Huwag kang umasang magkakaayos pa tayo dahil pahihirapan ka naming lahat at gagantihan. Gagantihan ka namin sa mga kasalanan na ginawa mo sa amin, lalo na ang ginawa mong pang-aakit sa mga boyfriend namin at ang pang-iiwan mo bigla sa ere."

Komento sa Aklat (9)

  • avatar
    NudaloYulanda

    500

    12/04/2024

      0
  • avatar
    Anna Dela Cruz

    sobrang ganda

    18/01/2024

      0
  • avatar
    MacaspacSarah Jane

    thank u

    21/10/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo