Aidan Ethan Sanchez
Shallei Herrera De Leon
Ayecka Faye De Leon Sanchez
Still Shallei PoV Chapter 16 "I'm so proud of you." masayang saad ko sa kaniya at siya naman ang yumakap sa akin. "Dahil sa'yo ate, you are my inspiration. Dahil sa'yo nakayanan ko, nairaos ko. My parents are proud of me. Natupad ko ang matagal ko nang pangarap because of you, I didn't expect ate. Nakayanan ko ate because of you, because you trust me and support me. " Naiiyak ako sa tuwa dahil kahit papaano ay nakatulong ako sa kaniya. Hindi siya sumuko. "Ate, dahil sa'yo...." hinagod ko ang kanyang likod dahil naramdaman kong umiiyak na siya. Pinaharap ko siya sa akin at hinawakan ang kanyang mukha at dahan-dahan na pinunasan ang kanyang mga luha na naglalandas sa kanyang pisnge pababa. Ang first baby boy ko.... Napakaiyakin pa din talaga kahit kailan. "Proud na proud si ate sa'yo..." lumuluhang saad ko sa kaniya dahil sa tuwa ko sa kaniya. Yes, totoo 'yun. Proud na proud ako sa kaniya dahil natupad na niya ang kanyang matagal na pangarap na kahit madami muna siyang napagdaanan dahil dadating naman talaga sa buhay natin ang hirap bago natin matupad ang ating mga pangarap. Kailangan mo lang magtiwala sa sarili mo. Believe and trust yourself. "Ate... sorry kung wala man lang akong nagawa para protektahan ka no'n..." yumakap na naman siya sa akin at hinagod ko na naman ang kanyang likod. "Shhh... stop crying," pagpapatahan ko sa kanya. "Ate, balik ka na ha. Sasamahan at poprotektahan na kita." napangiti naman ako nang bahagya dahil sa kanyang sinabi. Antanga ko sa part na binitawan ko lahat nang mga pangarap ko na nang dahil sa kaniya, ng dahil sa isang kasinungalingan na hindi naman totoo. Ng dahil sa isang issue na ikinadurog ko nang sobra. Sana pala lumaban ako kahit na anong mangyari. Sanaa hindi ko hinayaan na bigla na lang mawawala sa akin ang lahat. Pero wala na akong magagawa dahil nangyari na lahat. Ringggg..... Bigla naman nag-ring ang phone ko kaya agad kong sinagot at bahagya akong nagpunas nang aking mukha. "Where are you?" bungad nang pamilyar sa akin na boses. Madiin ang pagkakatanong niya para mapatingin ako sa kaniya na nakatitig sa akin. Tumikhim muna ako bago ko sagutin ang kanyang tanong. "Papunta na ako diyan." sagot ko at agad na pinatay ang tawag dahil wala akong oras na pagalitan niya ako. Ihahanda ko na lang ang sarili ko para sa sermon niya mamaya pagdating ko sa opisina niya. Lintek! "Uhuh...." napatingin naman ako sa kaniya nang umiiling siya. "Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya dahil sa biglaan niyang pag-iling iling. "Because of him...." napatigil naman siya sa sasabihin niya at mukhang nag-aalinlangan siyang ituloy. "Mamaya na lang tayo mag-usap." ngiting saad ko sa kaniya at ngumiti naman siya sa akin. Madami kasi akong itatanong sa kaniya at kung bakit nalaman niyang nandito ako. "Pupunta na lang ako sainyo ate," ngiting saad niya at saka ako hinalikan sa pisnge at tumakbo na papalayo sa akin. Napalingon ako sa kaniya dahil papaano niya nalaman kung saan ako nakatira? Mamaya ko na lang iisipin dahil kailangan na ako nang amo kung mukhang dragon na ata. Pagpasok ko palang sa loob ay nagtaka ako dahil lahat sila napatigil sa kanilang mga ginagawa at napalingon sa akin na mga nakanganga pa. What's wrong? Anong meron? Bakit ganiyan sila makatingin sa akin na akala mo naman nakapatay ako nang masamang nilalang. Mabuti kung si Yvonne ang mapapatay ko. Pero hindi ko dudungisan ang aking mga kamay sa taong kagaya niya na walang magandang naidulot sa buhay ko. Sana madapa siya. "Oh my ghod!" "Sabi na e, parang pamilyar kasi siya sa akin." "Ghosh!" "Siya 'yung idol kong writer e." "Sikat na sikat siya noon. At mukhang mas sikat siya ngayon dahil sa pagbabalik niya." "Bakit ba siya biglang nawala?" "Ghosh!" "I didn't expect na makikita ko siya. Antagal kong pangarap." "Kyahhhh!!!! Omg!" Shit! Napamura na lang ako dahil halos lahat sila kilala ako bilang writer. Anakng! Bigla naman silang nagsilapitan sa akin para bahagya akong mapaatras kaso huli na dahil napapalibutan na nila ako. May mga nakikita akong nagfa-flash na camera ng mga cellphone. Huwag naman sanang epic mukha ko. "Idol kita." "Puwede po ba papicture?" "Papirma naman po nito." "Halos lahat po nang Published book ninyo to Physical book nasa akin po." "Papirma naman po ako." "Papicture po ako." "Ghosh!" "Hindi naman panaginip 'to? Omg! 'Yung isa sa mga idol ko na writer nakita ko na." "Uhmm.. teka... puwede ban-" naputol ang aking sasabihin dahil sa isang baritong boses ang nagpatigil para mapatigil din ang lahat at napayuko. Nagsihawi naman sila at nakita ko naman siya na nagtatakang nakatingin sa akin para mataasan ko siya nang kilay. Anong akala niya sa akin? Akala niya hindi ko siya kayang sungitan at tarayan? I don't care kung boss ko pa siya. "Go to my office. Herrera." madiin na saad niya at saka tumalikod. Napatikhim naman ako dahil parang may bumara sa lalamunan ko dahil sa kanyang pagtawag sa akin. Ano bang balak nang lalaking ito? Anong akala niya? Akala niya bang bibigay ako sa kaniya at magiging marupok? Dzaiii... Never kong pinangarap maging kabit at maging pangalawa. "Back to work." tinig na niya na naman na umalingawngaw sa buong paligid. Napairap naman ako bago lumapit sa elevator at hinintay na huminto ito sa floor kung nasaan ang mokong na 'yun. Hindi na ako kumatok dahil dire-diretsyo na akong naglakad papasok sa opisina niya. Nag-angat naman siya nang tingin sa akin na kunot noo para mapataas na naman ako nang kilay sa kaniya. "Sit." he tap his lap again. Ano bang problema nang lalaking ito at bakit gusto akong laging umuupo sa kaniyang lap? Hah? "Papaano kung ayoko?" madiin na tanong ko sa kaniya at dahan-dahan naman siyang ngumisi para kilabutan ako bigla. Bakit ang guwapo niya? Lintek! Ano ba Shallei! Stop that! "Kapag hindi ka susunod sa utos ko, sisintahin kita." pananakot niya at para naman natuyo ang aking lalamunan dahil sa sinabi niya. Arghhh!!! I hate you, Aidan Ethan Sanchez.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
500
12/04/2024
0sobrang ganda
18/01/2024
0thank u
21/10/2023
0Tingnan Lahat