"Ano'ng gagawin natin do'n?" Salubong ang mga kilay na may kasamang pag-irap pa ang itinugon sa 'kin ni Yllona. Niyayaya ko kasi s'yang magpunta sa College building. Well. . . Gusto ko lang malaman kung gaano kalawak ang Saffiron. Masama ba 'yon? Nilagok ko ang tubig na hindi n'ya naubos na inumin. Kahit kailan talaga wala siyang natututunan tungkol sa pag-aaksaya. Noong nakaraang araw itinapon n'ya 'yung bananacue na bigay ng taga-GAS department. Mabuti na lang at naagapan ko pa, hindi sya marunong mag appreciate ng mga bagay. Ang daming nagugutom sa mundo, sana naiisip niya 'yon. "May type ka ba na College?"
Literal na na-iluwa ko ang tubig na kada-daloy pa lamang sa lalamunan ko. Pinagsasabi n'ya? "Oh, nabilaukan ka na d'yan." Pinapalo-palo pa nito ang likod ko dahil nauwi na sa ka-u-ubo ang pagkagulat ko sa tinuran n'ya. "Malalaglag na ang baga ko Yllona," sabi ko. Sinasadya ata niya ang paglakas ng palo sa likuran ko.
"Sorry, so ano nga?" "Wala. 'Wag na nga lang tayo pumunta kung ayaw mo. Mag-aral ka na lang, ang baba mo sa Mathematics." Pag-iiba ko sa usapan namin. "Biglang nadamay ang grades ko, nagtatanong lang naman ako." "'Wag ka nang magtanong kung ayaw mong pati Crush mo madamay sa usapan na 'to." KASING bilis ng kidlat ang pagdaan nang mga araw. Linggo na, ibig sabihin ay training day sa gym ni Coach Peter. Maaga akong gumising para maaga rin na makatapos. Kagabi pa lang ay naglaba na ako ng mga damit ay uniporme. Nagawa ko na rin ang mga assignments at ilang outputs na kailangang ipasa sa susunod na limang araw na pasukan. Ngunit sa mga nakalipas na araw pinagtataka ko na walang anino ni Stella sa boarding house. Baka tapos na 'yung group project na ginagawa nila kaya gano'n. Mabuti na 'yon, kasi baka biglang kumatok na naman sa bahay at makikain, makitulog o baka makiligo pa. Pero ano bang pakialam ko? "Ano ready ka na Marcus? Si David ang ka-sparring mo ngayon ha." Tinig iyon ni Coach Peter habang papalapit sa ring. Suot ko na ang practice gloves at headgear na maingat kong binitbit kanina. Kasunod ay ang mouth guard na binili ni Coach noong nakaraan. Nakiusap ako na baka pwedeng i-uwi ko mga gamit ko, maselan kasi talaga ako pagdating sa personal na bagay. Nakapag warm na na ako kanina pa. Kaya ready na ako, sila na lang naman inaantay ko. "Okay na po ako Coach." Pinuwesto ko ang sarili sa gitna ng ring. Pinaikot-ikot ng dahan-dahan ang ulo, dinig ko pa ang paglagatik ng mga ugat sa leeg ko. Tumalon-talon ako nang bahagya habang isinusuntok sa hangin ang mga kamao na nangangati ng kumawala kanina pa. Maayos ang naging daloy ng sparring namin ni kuya David. Paminsan-minsan ay binibigyan n'ya ako ng mga tips about boxing. Inilabas ko sa pagsuntok ang pagka-miss ko kay nanay. Mabuti na lang at nakausap ko siya noong nakaraan, medyo gumaan ang pakiramdam ko. "Next sunday jogging tayo para sa mga binti mo,"ani Coach ng makababa kami ni kuya David sa boxing ring. "Yes Coach,"sagot ko. "Tandaan mo ang mga bilin ko sa'yo Marcus. Alalahanin mo ang dahilan bakit ka lumuwas nang Maynila." Ni-tap ni Coach ang balikat ko na animo'y isang ama na nagbibigay ng payo sa anak n'ya. Mabait si Sir Peter, dumadaloy na talaga sa ugat nito ang pagtulong sa iba. Binigyan ko ng ngiting puno nang pasasalamat ang taong tumutulong sa akin ngayon. Balang-araw masusuklian ko rin ang lahat ng ito. "Marcus, may bisita ka ata." Kala-lagok ko pa lang ng tubig mula sa mineral bottle na inabot sa 'kin ni Kuya David ng sumigaw si Atom patungkol sa babae na dumating at hinahanap ako. Napakurap-kurap ako at nag-isip wala akong idea kung sino 'yon. Ngunit sa kasamaang palad ay naibuga ko ang tubig na kanina ay marahas kong sinimsim. Biglang nawala ang dugo sa mukha ko ng makilala kung sino ang dumating. Si Yllona. Nakasuot ito ng pink croptop, oo 'yun ata ang tawag nila do'n. Nakalabas ang pusod niya at white skirt na sobrang ikli. Nakaterno ang white tennis shoes at may hawak pa siyang pompoms na kulay yellow. Kinurap-kurap mo ang mga mata dahil baka imahinasyon lang ang nangyayari. Wala s'yang sinasabi na pupunta siya rito. "Hi Marcus!" She waved her right hand. Pansin ko ang malalagkit na tingin ng kapwa ko nag-e-ensayo sa gym. Nangasim bigla ang mukha ko, pinagpa-pantasyahan ba nila ang kaibigan ko? "Excuse lang po kuya," turan ko ng lingunin si Kuya David. Mabuti na lamang ay umalis na si Coach dahil jung hindi tiyak ay ku-kwestyunin niyon ang tungkol kay Yllona. I gave her a sour smile. "Ba't ganyan ng suot mo?" Sabi ko na hindi inaalis ng pekeng ngiti sa labi. "Kasi I'm beautiful," may kaartehan na sabi niya. "Uy! Marcus gf mo?" "Hindi." Depensa ko kay Martin na biglang napatanong ng gan'on. "Ouch! Sakit no'n ha." Humawak pa sa may bandang puso niya si Yllona. "Bakit mo 'ko dine-deny Marcus," asik niya. At anong drama ito? Nagpaalam na 'ko sa kanilang lahat na uuwi na kami. Hindi ko na nga nagawang magshower. Dali-dali kong kinuha ang mga gamit sa locker. Pero bago makalabas sa gym ay itinali ko sa may baywang ni Yllona ang kulay maroon kong jacket. "Anong kalokohan 'yun?" tanong ko habang naglalakad kami. Actually, pawis na pawis pa nga ako. Hindi pa nakakarecover sa practice kanina. "Ah 'yon ba? Sinisira ko lang naman ang reputasyon mo." May pag irap-irap pa siya sa akin. "What?" Nagkasalubong bigla ng mga kilay ko. "Ano english bigla? Tss. Revenge ko 'yon sa pagsira mo sa dignidad ko." Ngayon ay naka-crossed arms na siya. Napa-isip ako. Ang weird talaga nang isang 'to. Pero kapag sinabi mong ili-libre siya mabilis pa sa alas kuatro nauuna pa yan maglakad sa pupuntahan. Bigla kong naalala iyong nangyari noong nakaraang araw. Napahagalpak ako nang tawa ng mapagtanto na iyon nga ang kinaiinisan n'ya. "Tawang-tawa Marcus? Asar pa more." Pinalo n'ya pa ako sa balikat sa sobrang inis. Kulang na lang ay mahiwa ako nang matatalim niyang tinging pinukol sa'kin. "Wala namang masama sa itinanong ko ro'n sa nagtitinda ng bananacue ha." Wala naman talaga, siya lang itong O.A masyado. "Wala? Wala?!" Urumentado ng kaibigan ko. Tuloy pinagtinginan kami ng mga tao na nadadaanan namin. Eksahedora talaga ito. Napasapo ako sa ulo sa ginagawa niyang pagda-drama kanina pa. Nasa 20 minutes na siya kakadaldal. Buti't hindi namamaos ang babaeng 'to. Lagyan ko kaya ng tape ang bibig n'ya, nakakarindi e. "Tinanong ko lang naman yung nagtitinda kung may gusto ba siya sayo. Eh, kasi naman panay sulyap. Kaibigan kita kaya concern ako sa kung sino ang magkakagusto sa'yo. Mahirap na kailangan ko siyang mabalaan sa ingay ng bibig mo." Sinamahan ko ng tawa ang salaysay ko. Tunay naman, kabaha-bahala ang tila mikropono niyang bibig. Nagwala s'ya lalo dahil doon. Pinalo niya ako ng pinalo sa braso. Para siyang bata na naagawan ng kendi. "I hate you, ayaw na kitang maging kaibigan." "Haha. Kain ka na lang ice cream. Dinayo mo pa naman ako rito, samantalang sa kabilang bayan ka pa galing, " turan ko.
Sinamaan n'ya ako ng tingin. Pinanliitan ng mata at pinanglakihan ng butas ng ilong. "Okay." Napangisi ako sa kanya. Pumayag agad, eh. Naglakad kami patungong convinience store ng bigla akong may maalala. "Pahiram akong cellphone." "Ano namang gagawin mo sa cellphone?" Takang-taka niyang tanong. "Gagamitin," ani ko. Bakit pwede ko bang kainin 'yon? Gusto kong malaman at matutunan kung bakit kina-kailangan ng lahat ang cellphone. Sa probinsya may keypad na cellphone dati si nanay pero ibinenta rin nung kinailangan n'ya ng gamot. Sayang nga kasi paborito kong laro ro'n 'yung space impact, eh. " Two cones sa 'kin ha, isang chocolate at 'yong isa strawberry." Nakangiting inabot niya sa akin ang cellphone. Grabe. Hindi pwede mag-Criminology o pulitiko ang babae na 'to, nadadaan sa suhol. Lulubog lalo ang ekonomiya ng bansa. HAPON na ako nang makauwi dahil nakipagkita pa kami ni Yllona kay Jeyden. Sabi ni Yllona'y nag chat daw ito sa kanya na magkita-kita kami sa Southland. Nagkaya-yaan mag arcade games at lomi pagkatapos. Alas singko'y nasa tapat na 'ko ng gate ng boarding house. Binati ko muna si Nanay Lucy na nakaupo sa may lilim ng mangga habang busy sa pagtatahi ng butas na medyas. Gusto ko nang ipahinga ang aking katawan kaya naman dali-dali na akong naglakad paakyat sa second floor. Ngunit napatigil ako ng matanaw ang isang pamilyar na pigurang nakatayo sa harapan ng pinto ng aking unit. Nalunok ko ang laway bago tumalikod muli't binalak na muling bumaba. Ano na naman ang gingawa niya rito? "Marcus!" Na-estatwa ako sa kinatatayuan nang marinig ang boses n'ya. Biglang nanuyo ang aking lalamunan at nagtayuan ang balahibo ko sa braso. Bakit gano'n? Biglang nag-iba ang ritmo ng puso ko? Kinabahan ako nang marinig ang tinig n'ya. Humigpit ang hawak ko sa strap ng sling bag kong itim. "Kanina pa kita inaantay. . ." umpisa niya. "S-san ka pupunta?" "Ahm. May nakalimutan akong bilhin," ani ko. "S-sige. Baba muna ako." Sinenyas ko ang aking hinlalaki na tinuturo ang daan pababa. Ayoko kasi talaga na may pumapasok sa bahay lalo na babae. Lalaki ako, at hindi magandang tignan ang gan'on. "Sama na 'ko--" "Ano bang kailangan mo?" Putol ko sa pag-sasalita n'ya. Umarko ang kilay ko dahil takang-taka talaga ako kung bakit kailangan n'yang magpunta rito. "A-ano kasi wala pa 'yung pinupuntahan ko rito. Tapos nakalimutan ko pa ang duplicate key ko. Kaya tambay sana ako sa boarding mo." "Ano?" Literal na nagulat ako sa sinabi niya? Tatambay siya sa bahay na tinitirhan ko? "K-kung okay lang?" "Hindi okay. Sinabi ko na sa'yo dati 'yon 'di ba? Babae ka Stella, dapat alam mo ang limitasyon mo. Hindi ka dapat nagpupunta sa lalaki. Lalo na, hindi naman kita ka ano-ano. Ni hindi rin kita kaibigan. Hindi mo pa 'ko kilala nang lubusan, pa'no pala kung masamang tao ako?" Mahabang paliwanag ko sa kaniya. Ang turo ni nanay, respetuhin ang nakatatanda. . . lalo na ang mga babae. "M-masamang tao ka ba?" "Hindi." "Oh, hindi naman pala--" "Hindi mo talaga nai-intindihan. . . lalaki ako Stella." "Tapos?" She asked. "Wait, are you saying na kapag pumasok ako sa tinutuluyan mo. There's a possibility na. . . you know," pinaikot-ikot niya ang kamay sa ere, tipong para hindi ma-point out ang gustong sabihin. Nag-init bigla ang mukha ko. Parang gano'n na rin kasi talaga ang punto ko. Hindi kasi mababago ang katotohanang lalaki ako, babae siya tapos mag stay kami sa isang closed place. Walang ibang kasama, walang nakakakita. Good boy ako, pero hindi ko alam. . . Paano kung isang masamang hangin ang biglang dumaan at. . . Basta! Hindi puwede. "Umuwi ka na," malumanay ang boses ko pero tonong inuutusan pa rin s'ya. Ngumuso siya sa sinabi ko. "Ang kj naman, magpapalipas lang ako ng oras until dumating na ang kasama ko--" "Hindi mo ba alam ang decency? Advanced ka sa 'kin ng apat na taon. . . For sure, mas naunang itinuro sa inyo 'yun." Sinalo kong muli ang sinasabi n'ya. "Respect yourself Stella, para respetuhin ka rin ng nakapaligid sa'yo," I said, it hurts to hear it pero iyon ang totoo. Katahimikan ang namayani sa corridor ng second floor. Tanging ang malakas na tugtugin lang na nanggagaling sa stereo ng kabilang apartment ang maririnig ngayon. Maging si Stella ay hindi na sumagot sa huli kong sinabi. Nanatili siyang nakatitig sa 'kin at ako nama'y napatanga rin sa kanya. Nakayuko ako nang bahagya dahil sa kanyang kaliitian. Kung susumahin ay mas mataas ako ng dalawa o tatlong pulgada sa kaniya. "Your words are hurtful, you're so mean." "Sorry, sinasabi ko lang ang dapat na malaman mo." "Yeah. But you can say it in the most soft and right way. You make me feel so little. I know what decency is." Hinila niya ang strap ng kaniyang bag na nalaglag na sa balikat niya. "I am so sorry for bothering you, I-i just taught na were now friends and I can stay here for a while." Dugtong pa niya. "Puwede mo 'kong maging kaibigan sa tamang paraan. Pero hindi kasama ro'n ang pag stay sa tinutuluyan ko. Hindi kita ma-we-welcome." Mas lalo kong idineretso ang tingin sa kaniya. Sincere ako, I can be a friend and respecting her is one of a friends duty. "Okay." Tumango-tango siya. "Uwi ka na, minsan magkita tayo--" "No need." Pinutol niya ang sinasabi ko. "I won't bother you anymore. Sorry Marcus." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Galit ba s'ya? Naku! Iiyak pa ata. Nakagat ko ang pang-ibabang labi, ma-g-guilty pa ata ako. "S-sige, aalis na 'ko--" "Saglit." Pagpigil ko sa kamay niya. "B-bakit? Nagbago bang isip mo?" tanong niya. So, talagang pinipilit pa rin niya na puwede s'ya rito? "Hindi. Uuwi ka pa rin," turan ko sa kanya. Kumurba ang labi niya sa disappointment. Binuksan ko ang bag at kinuha ro'n ang kulay maroon kong hoodie jacket. "Sa susunod 'yung damit na hindi naman lilitaw ang pusod mo ang isusuot mo kapag ganito na lalabas ka. 'Yong maganda ka pa ring tignan kahit hindi ka magpakita ng balat." Habang binibitawan ko ang mga katagang iyon ay ibinabalot ko sa katawan n'ya ang makapal na telang pag-aari ko. "Maganda ka Stella, kahit pa ata magsuot ka ng pang-Maria Clara."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
ganda amazing
29/04/2022
0Tingnan Lahat