logo text

Chapter 8

AZER
NAKASAKAY na kami ni Azeya ulit sa kotse. Oo, isang araw lang talaga kami sa bahay ni Ann. Ayaw ni Azeya na magtagal doon dahil baka masama si Ann sa gulo.
"Hahanapin natin si Scorpio." Inihagis sa 'kin ni Azeya ang isang papel. Nang buklatin ko, isang mapa! "May lead na 'ko kung nasaan sya. Nasa kabilang bayan lang siya."
Next zodiac monster: Scorpio
Tapos na nga pala sina Sagittarius at Capricorn. So, magiging tatlo pa lang ang mapapatay niya. May natitira pang nine. At isa ako roon.
MAKALIPAS ang mahabang byahe, nakarating kami sa isang hotel. Nag-park lang si Azeya sa parking lot at pumasok na kami sa loob. Nag-check in kami at nagkunwaring couples. Ang hotel na yun ay para sa mga couples. Kaya no choice.
Pumasok muna kami ni Azeya sa loob ng kwarto namin. Medyo hindi pa rin ako sanay na kasama siya sa iisang kwarto. Even though lagi kaming magkasama, still, she's a girl and I'm a guy. Awkward pa rin ang feeling kapag nasa tabi ko siya.
"Magbihis ka," sabi niya at ibinato ang isang T-shirt sa 'kin. Plain black shirt 'yon at may naka-drawing na heart. 'Tapos may kasama pang nakarolyong black pants.
Pumasok na siya sa banyo at ako naman ay nagmadali nang magbihis sa labas. Nagsuot muna ko ng pants. Pagkatapos, tiningnan ko ang sugat ko sa tagi—wala na! W-wala na yung sugat! Kinapa-kapa ko pa. At natuwa ako nang mapagtantong wala na talaga ang sugat ko. Ang galing!
"Hoy!" sigaw ni Azeya sa likuran ko.
"Azeya, tignan mo! Wala na yung sugat ko!" Sa sobrang saya ko, niyakap ko siya. "Ang saya ko!"
"Para 'yan lang, e," natatawang ani niya habang marahan akong tinutulak. "Tanggalin na natin yung bandage."
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya at tinulungan siyang tanggalin ang bandage sa tyan ko. Hindi ko naiwasang mapatingin kay Azeya. Siguro, kung tunay na tao lang siya, iisipin kong maalaga siyang girlfriend.
"Excuse me—Oh! Sorry po, Ma'am, Sir!" Agad na lumabas yung naka-maid uniform. Oo nga pala. Nakalimutan kong wala akong suot pang-itaas!
Mahina pero dinig kong tumawa si Azeya. For the second time, she laughed sweetly. Hindi pilit at kusa itong lumabas sa bibig niya.
"Azeya..." banggit ko sa pangalan niya. Tumingin siya sa 'kin. Saglit kaming nagkatitigan. Hindi ko rin alam kung bakit pero kusang gumalaw ang kamay ko at marahang hinaplos ang mukha niya. Sa mga oras na iyon, wala akong maisip na iba kun'di siya.
Tuluyan na nga kayang nahulog ang loob ko sa kaniya? Tama nga kayang mahalin ko siya?
Unti-unting naglapit ang mga mukha namin. Hanggang sa maramdaman ko na lang na ako na pala ang nagkusang humalik sa kaniya. I kissed her passionately. And she kissed me back. This was my third kiss. But, actually my first passionate kiss with a girl.
I don't know if this was right or wrong. Love hurts people. Pero ito rin ang dahilan para maging matatag sila.
Kailan ba naging tama ang mali? At kailan naging mali ang tama? Ganiyan ang sitwasyon namin ni Azeya. Ang tanong lang: Does she feels the same way as I am?
ARVIN GONZAGA
9:00 pm. Eksaktong oras ng gising ko. Nakatulog pala 'ko. Tumayo na 'ko sa kama kung saan ako natulog. Nagbihis lang ako saka naghilamos. Pagkatapos ay bumalik na ako sa kusina saka nagluto ng noodles. Sa tagal ng inilagi ko rito sa bahay na 'to, halos noodles at fried shrimp lang ang kinakain ko. Hindi ako mahilig sa ibang pagkain.
Ipinatong ko ang dalawang paa ko sa upuan. Para akong aso kung umupo. Idol ko kasi L ng Death Note kaya pati upo at looks niya, kuhang-kuha ko.
Bigla namang umalingawngaw sa buong paligid ang pag-ring ng telepono. Ganito parati sa bahay. Sa sobrang tahimik dito, pati tunog ng nahulog na karayom, dinig.
"Hello?" saad ko nang masagot ang tawag.
"Arvin, ako 'to," sagot niya. Si Edgar na naman pala.
"Problema mo?"
"May nangha-hunting sayo. Papunta na sila r'yan sa bahay. Ingat ka, Pare."
Assassin. Sinasabi ko na nga ba't hindi ako ligtas sa bansang ito, e. Alam ko namang halos lahat ng pagtaguan ko, mahahanap pa rin nila ako. Lalo na ang promotor ng mga assassin.
Tumayo na 'ko at binuksan ang TV. Eh ano naman kung alam nilang ako nga si Scorpion? Wala na rin naman akong magagawa sa sumpang ipinataw sa 'kin ng mga angkan ko. Hindi ko na mababawi ang mga yun. Binalak ko na ring magpakamatay. Mapapatay rin naman ako, e. So bakit pa 'ko mag-aaksaya ng oras?
Kaso...
"Arvin! Ano ka ba naman!" Dumating na siya.
"Angel!" I widened my arms, trying to hug her. Pero pinulot niya muna lahat ng nakakalat na newspapers at magazines sa sahig. Saka niya 'ko niyakap.
"Sa susunod, h'wag ka nang mag kakalat, ha? Kung hindi..." Hinawakan niya ang malaki niyang tiyan. "...magagalit si baby."
Hinalikan ko ang tiyan niya. "Okay... Sorry, baby..."
Oo. May anak ako sa isang tao. Alam ni Angel ang tungkol sa pagkatao ko. Pero sumama pa rin siya sa 'kin at nagpakasal. Ganoon naman 'ata kapag nagmamahal, tanggap kung sino at kung ano ka.
"Tao po?" May kumakatok sa labas. At ramdam ko ang presenya niya. Hindi siya tao...
"Arvin?" May takot sa mga mata niya habang nakatingin sa 'kin.
"Dito ka lang. H'wag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi." Hinalikan ko lang siya sa noo at lumabas ako ng sala. Bago kasi ang main door, may kwarto pa.
"Good evening po. Kayo po ba si Arvin Gonzaga?" tanong sa 'kin ng lalaking... sabihin na nating may katangkaran pero mukhang bata.
"Anong kailangan mo kay Arvin?" maang kong sagot.
"Uhmm, gusto po namin siyang makausap ng girlfriend ko. Kung pwede po?" Nakita ko yung babae sa likod niya. Sa tindig at tingin pa lang sa mga mata nito, nakikita ko na ang mangyayari. Sila na nga ang humahanap sa 'kin.
Sinarado ko ang pinto ng bahay at lumabas ako para kausapin sila. "Ako si Arvin." Parang nagulat yung lalaki na mukhang lampa. Mukha kasi siyang mahina, e. Tapos nilingon niya yung babae sa likod niya.
"Kung ayaw mo ng gulo, sumama ka sa 'min," malamig na sabi nung babae. May nakasabit pa sa likod niya na lalagyan ng espada. Alam ko na kung sino siya.
"Blade X." Tanging nasabi ko. Tinignan ko siya nang taimtim. Kilalang kilala siya bilang mamamaslang ng mga halimaw.
Noong una, hindi ako naniniwalang babae ang gumagawa no'n. Pero nalaman kong napatay na niya ang dalawa sa mga zodiac monsters. At ngayon, nandito siya sa harap ko at tinitingnan ako nang masama.
"Arvin!" patiling tawag sa 'kin ni Angel. Tumakbo ako papasok at tinungo siya sa sala. Namimilipit siya sa sakit. Teka... Kabuwanan na ba niya?
"Angel! Anong... Anong nangyayari? Masakit ba? Manganganak ka na?" Natataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.
"Hala! Manganganak na siya, Azeya!" sigaw nung lalaking mukhang lampa.
"Dalhin mo sa kotse," sabi naman ni Blade X.
"H-hindi ko na... k-kaya... Aaaaah!"
"Pumutok na yung panubigan niya! Manganganak na talaga siya!" rinig kong natataranta na ring sabi ni mukhang lampa. Ako rin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
"Hindi ako marunong magpa-anak, Azer!" Lumapit na silang dalawa sa 'min.
"Teka... Teka lang..." Medyo nagpa-panic na kami sa loob at panay na ang ire ni Angel. Hinawakan ko ang isang kamay niya.
"Ganito, Azeya, kumuha ka ng maligamgam na tubig at malinis na tuwalya." Agad namang ginawa nung Azeya yung utos ni Azer. "Ikaw naman... ipagawa mo sa kanya yung inhale exhale. Babalik ako, kukuha ako ng kumot pantakip." Tumayo na siya at pumunta kung saan. Mayamaya, ipinuwesto nila si Angel at tinakpan ang tyan niya ng kumot.
"A-alam mo ba yang ginagawa mo?" tanong ko.
"Oo. Nanonood ako ng ganito sa school. Tinuro sa science 'to, e." Hinawakan niya yung tiyan ni Angel. "Okay, take deep breath. Then... Push!"
"Aaahhh!" sigaw ni Angel. Pinipilit nyang ilabas yung bata.
"Nasasaktan siya!" sigaw ko.
"Kailangan niyang ilabas yung bata. Kalma ka lang!" sigaw naman ni Azeya sa 'kin.
"Ano ba kayo! Hindi kayo nakakatulong, e! Ire!" sabi naman ni Azer.
Mayamaya pa, may narinig na kaming iyak ng bata. Sanggol...
"Azer?" sabi ni Azeya. Kasi tumigil si Azer sa paggalaw at may hinila mula sa ilalim ng kumot. Ang katawan ng sanggol ay puno ng dugo.
"Yung tuwalya!" Masayang pinagmasdan ni Azer yung baby. Binalot nila ng tuwalya yung baby ko. "Gunting! Lagyan niyo ng alcohol!"
Pinutol nila gamit ang gunting na nilinis ng alcohol ang pusod ng bata. At kinarga ni Azer yun. Pagkatapos ay inilapit sa 'min ni Angel.
"Anak ko..." Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko. Pati si Angel.
AZER
11 pm. Nandito pa rin kami sa bahay ni Arvin. Hindi kayang patayin ni Azeya si Scorpion. Kasi nagkataong nanganak ang asawa nito. Actually, pinag-aralan ko talaga yung pagpapa-anak. In case of emergency at hindi na maisugod sa ospital ang magiging asawa ko, e 'di ako na lang.
"Azer..." Tinapik ako sa balikat ni Arvin. "Salamat."
Ngumiti ako. "Wala po yun. Gusto ko ring makatulong."
Ngumiti siya nang may lungkot sa mga mata. "Alam ko namang kailangan niyo ang dugo ko kaya kayo narito..."
Hindi ko alam, pero I feel the guilt. Oo nga at halimaw siya, pero tao pa rin ang kilos niya. Gusto rin naman niyang maging normal gaya ng mga ordinary tao.
"Kung makakahanap lang ako ng paraan..." sambit ko. Napatingin ako sa mga bituin at bigla na lang sumakit ang ulo ko. Yung sakit na parang may tumutubong kung ano sa ulo ko.
"Azer, pumikit ka..." rinig kong giit ng boses ni Leo. Sinunod ko naman siya. At pagkaraa'y nawalan ako ng malay.
Pagmulat ko ng mga mata ko, nakita ko si Leo sa loob ko. Madilim at tanging kami lang ang nasa loob.
"Ako nang bahala kay Scorpion," nakangiting sabi ni Leo. "Kailangan lang niyang makipag-isa sa atin."
"Paano?" wika ko.
"Manood ka..." 'Tapos ay naglaho na siya. Pero may malaking screen na lumitaw sa harap ko at nakikita ko si Arvin. Kinakausap niya si Arvin at parang nagulat pa siya nang makita ako bilang si Leo.
Makaraan ang ilang oras, tumango-tango si Arvin at pumikit. 'Tapos, biglang nagbago ang anyo niya. Kung kanina kamukha niya si L ng Death Note, ngayon, hindi na. Humaba ang buhok niya at nagkaroon siya ng buntot na parang sa scorpion talaga. Saka siya ngumiti.
Biglang may lumitaw na liwanag, dahilan upang masilaw ako at mapapikit. Hindi ko na alam ang sumunod na mga nangyari.
***
"Okay lang ba siya?"
"Oo. Gigising din 'to mamaya."
Naririnig ko ang boses ni Azeya. At may kausap siyang lalaki. Teka... lalaki?
"Azeya!" Napaupo akong bigla. At nakita ko si Arvin na karga ang anak niya habang pinaiinom niya ito ng gatas sa bote.
"O ayan, gising na," malamig na namang sabi ni Azeya. Inayos niya ang bag na dala namin. May inilagay siya sa loob na parang bote na may lamang likido.
"Azer, kumain ka na muna bago kayo umalis ng girlfriend mo," nakangiting sabi ni Arvin. Tatanungin ko sana siya tungkol sa nangyari kaso hinehele pa niya yung baby niya.
"Ano pang tinutunganga mo r'yan? Kilos na," saad ni Azeya sabay hagis sa 'kin ng isang damit.
Balik na naman kami sa dati? Akala ko pa naman, okay na kami.
"INGAT KAYO." Nakangiti ang asawa ni Arvin habang kumakaway sa 'min.
Bago kami pumasok sa kotse ni Azeya, lumapit sa 'kin si Arvin at may binulong. "Maraming salamat, ha?" sabi niya. "Sana ay magkita tayong muli."
"Oo naman," nakangiti kong tugon.
"Sana sa susunod na pagkikita natin, may anak na rin kayo."
"Oo nama—ha?!" Magkaanak agad? Tumawa siya nang malakas. Pagkatapos no'n ay tuluyan na siyang nagpaalam.
Tahimik na naman sa loob ng kotse. Nagsulat ako sa maliit na notebook ko.
Note: Nagpaanak ako
"Para kang ewan," sabi ni Azeya. Ngumiti lang ako. "Diary mo na ba 'yan?"
"Siguro..." Masarap magkaroon ng diary. Kung hindi ko masabi sa isang tao ang nararamdaman ko, sinusulat ko sa diary ko. Dala ko pa yun hanggang ngayon.
"Azeya..." Bigla kong naisip na itanong 'to sa kanya.
"Ano?"
"Nabubuntis ba ... yung mga tulad niyo?"
Tumingin siya nang masama sa 'kin mula sa front mirror. At agad naman akong sumagot, "W-wala namang malisya sa tanong ko! A-ano kasi... curious lang ako!"
"Tss..." Tapos tumingin ulit siya sa daan. Medyo matagal bago siya nagsalita. Pero nagulat ako sa sagot niya. "Pwede... Kung gugustuhin kong magkaanak sayo."

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    AngeloLuis Culla

    so beautiful

    16/11

      0
  • avatar
    AntonA

    a your lase name gues

    01/02/2025

      0
  • avatar
    VergaraChristoff

    thanks

    14/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata