logo text

Chapter 35

Hindi nakagalaw si Azer sa kinatatayuan niya. Naging malinaw na sa kanya ang pinagsasabi ni Leo---hindi. Siya pala iyon sa nakaraan. Ina-absorb niya ang lahat ng mga sinabi nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka malalim na bumuntong-hininga.
"Paano ako makakapunta kung nasaan si Sephiel?" tanong niya.
Ngumiti si Leo. "Akin na'ng kamay mo. Dadalhin kita doon."
***
"THIS IS CRAZY!" Bulalas ni John. Nakakausap na niya si Zion. Nasa loob s'ya ngayon ng locker room. At dahip uwian na, wala nang masyadong tao sa loob.
"Hindi mo kailangang sumigaw, John." sabi ni Zion. "Ang kailangan mo ay kumalma."
"Paano ako kakalma kung naroon sa ibang dimensyon ang kaibigan ko? Sabihin mo nga." napahilamos sa mukha si John. "Ano nang gagawin natin?"
"Hindi ka agad makakapunta roon hanggat wala ang tulong ng sinomang Celestial. Kailangan mong hina nang kahit isa sa kanila." Sabi ni Zion.
"Saan naman ako hahanap?"
"Sa school."
***
Ramdam ni Azer ang malakas na pwersang humihigop sa kanila ni Leo. Na para bang wala iyong hangganan. He didn't expect something like this to happen to him. Pero unti-unti nang natatanggap ng sistema niya ang mga nangyayari.
I need to save everything. No matter what happens...
Naramdaman na lamang niya ang pag landing ng kaniyang mga paa. Doon ay inilibot niya ang kaniyang pangingin.
Magulo ang paligid. It is more like a building at nagkalat ang mga bubog ng salaming bintana sa sahig. May mga nakahandusay na mga tao roon at tingin niya ay may bakbakan na naganap.
"Narito na tayo." Wika ni Leo. "Naroon siya." Itinuro nito ang isang pintuan malapit sa kinaroroonan nila at naglakad siya palapit roon.
As he opened the door, his heartbeat was thumping like crazy. The woman was standing inches away from him facing the door.
Their eyes met. She has this beautiful eyes. Even if his mind can't recognize her name, his heart does.
"A-Azer?..." Wika nito. Inangat pa nito ang kamay upang hawakan ang kaniyang mukha. "Azer..."
Her touches were soft and warm. Nakita pa niya ang pangingilid ng mga luha sa mga mata nito. She's beautiful even when crying.
"H-hindi talaga kita....maalala..." He honestly said. "P-pero, handa kitang tulungan para manalo sa laban na 'to."
Sephiel's heart was torn into pieces. Agad niyang inilayo ang sarili sa lalaki. He can't remember her. Ramdam niyang nagsasabi ito ng totoo.
"Patawarin mo sana ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari at hindi ko alam kung anong gagawin ko." Sabi nito. "Magtulungan tayo. Alam ko kakayanin natin basta may tulungan." He smiled.
Ang mga ngiting iyon. She's longing for that for a very long time...
Pero, there's only one problem.
She can't be with him. Because...
...she's not existing in his present world.
***
"Kailangan nating mahanap si Gemini. Nasa kanya si Aries." Ani Sephiel na nauuna sa paglalakad. Nasa likuran naman nito si Azer na katabi si Leo.
"You're so bossy, lady." Leo smirked. Sephiel frowned at him. He just shrugged his shoulders .
"Anong maitutulong ko?" Tanong ni Azer. "Wala kasi akong kapangharihan. Hindi ko alam kung paano ako makakatulong."
"Kahit naman sya wala." Ang tinutukoy ni Leo ay si Sephiel.
"Ano?! Hindi ba, sya si Aries?"
"Oo." Sabat ni Sephiel. "Pero ang kapangyarihan ko ay nasa Aries na nandito ngayon. I need to summon her upang maibalik ang kapangyarihan ko at maging isa kami."
"Para pala 'tong fantasy world. Mga wizards kayo, ano? Kasi nagsa-summon kayo ng mga zodiac signs. Hahaha!" Ani Azer.
"Young man, we're not wizards. We are more than that." Ani Leo na inakbayan pa si Azer. "Hindi mo iyon maiintindihan dahil hindi ka ka-isa namin. You are pure human now."
"Pero, mababago ko pa ba ang nakaraan? Na hindi na kayo magiging ganyan?"
Huminto si Sephiel. Napahinto rin sila. Humarap ito sa kanila."Hindi na mababago pa kung ano ang tapos na, Azer. Ang kailangan lang nating gawin ngayon, makuha ang libro, makuha si Aries at makabalik ka sa mundo mo."
Natigilan si Azer. "Ibig sabihin, hindi kayo kasama sa...mundo ko?"
Lumungkot bigla ang mukha ni Sephiel. Bigla itong tumalikod. Napansin iyon ni Leo.
"Hindi, Azer." Kumalas sa pagkaka-akbay si Leo kay Azer. "Nakaraan mo kami. Nagkagulo-gulo lang ang lahat dahil sa babaeng impostora. Hayaan mo, malilimutan mo rin naman lahat 'to."
Gusto pa sanang magsalita ni Azer kaso nagsimula nang maglakad ng dalawa. Isasantabi na lamang muna niya ang mga tanong nya. Mukhang urgent na mahanap si Aries.
***
Dinala sila ng kani-kanilang mga paa sa isang basement. Malaking basement. Naghihintay roon ang may daan-daang robotic army. Iniharang ni Sephiel kay Azer. Katabi naman nito si Leo. Inihanda niya ang kanyang espada.
"Dyan ka lang sa likod." Sabi ni Sephiel.
Naalarma naman ang mga robot at bumwelo ang mga ito. May umilaw na pulang ilaw sa bandang kanan ng dibdib ng mga ito. At mukhang alam ni Azer kung ano iyon.
"Ilag!" He immediately grabbed her down to the floor. Laser ang lumabas sa mga iyon. Ang pader sa likuran nila na natamaan ay natunaw.
"Shit..." Nadaing si Azer. Mali ang pagbagsak niya. Naitukod niya ang kanyang kaliwang braso.
"Ace..." Kitang-kita naman sa mga mata ni Sephiel na nag aalala ito. Ngunit natigilan sila nang may biglang humatak sa kanila patayo.
Si Leo! He's flying while holding them both in his arms. Dumaan ito sa butas na pader at doon sila lumabas.
"Mag focus kayo. Hindi ito ang oras para sa flirting. Okay?" Anito.
Napa-iling na lang si Azer. Si Sephiel naman ay binigyan ng masamang tingin si Leo. Patuloy na iniilagan ni Leo ang mga Lasers na ipinupukol sa kanila ng mga robot. He can't use his powers. Kapag ginawa niya iyon, madadamay ang dalawang kasama niya.
Hanggang matakasan nga nila ang mga humahabol sa kanilang mga robot. May maliit na gubat sa dulong bahagi ng lugar na iyon. Doon sila nag-landing.
"Finally," may nagsalita mula sa likuran nila. "we meet again, Leo."
"Hi, Capri." Nginisian ka ng lalaki ang nilalang na lumabas mula sa likuran ng isang malaking puno. "Alipin ka na pala ni Gemi ngayon."
"Tryador ka talaga kahit kailan, Leo." Sarkastiko nitong wika.
"Ha? Hindi ah. Ayoko lang talagang sumama sa mga katulad nyo." Inihanda ni Leo ang kamao.
"Sagg!" Tawag nito sa kasamahang may katawang tao at kabayo. May dala itong pana.
"Yow! Leo, dude. 'Musta? Buhay ka pa pala?" Ani Sagg.
"Syempre naman, Sagg. Ikaw nga e, alipin ka pa rin pala?"
"Kow! 'Yan. Dyan ka lang magaling. Sa mga banat mong lasang kambing!" Tinutukan si Leo ni Sagg ng pana.
Ngumisi si Leo. "Kesa naman sa'yo, balimbing!" Isang bolang apoy ang inilabas ni Leo mula sa kamao nito. Habang si Sagg ay hinipan ang dulo ng pana nito ng apoy.
Nagulat naman si Azer nang humarang sa harapan niya si Sephiel. Nakalapit na pala si Capri. May sanga sa kamay nito at kamuntikan na siyang tamaan. Mabuti na lamang at naisalag ni Sephiel ang espada.
"'Pag sinuswerte ka nga naman o. Nandito pala ang kasalukuyang katawan ni Leo." Ani Capri. "Ano kayang mangyayari kung mapatay ko 'to?"
"Hindi ako papayag!" Malakas na iwinasiwas ni Spehiel ang espada at napaatras si Capri. "Dadaan ka muna sa bangkay ko bago mo pa mahawakan si Azer."
Napakunot ang noo ni Capri. "Hindi ba't ikaw 'yung..." Napahinto ito. "So, hindi ikaw 'yun?"
Nagulat si Azer nang madaganan na lamang siyang bigla ni Leo.
"A-ang bigat mo Leo!" Reklamo ni Azer at inalis sa pagkaka-dagan si Leo sa kanya. Napansin naman niyang walang malay ang lalaki. "Leo? Hoy!" Niyugyog niya ito.
"Capri!" Hiyaw ni Sagg na tila hirap na hirap. "M-may humihigop sa...kapangyarihan ko..."
"Ano'ng...." Napatingin si Sephiel kay Capri. Unti-unti na itong naglalaho.
Tumingin si Capri dito. "Kung ikaw ang tunay na Aries, nasa kaibigan ng lalaking 'yan ang libro. Paubos na ang oras at masisira na ang barrier patungo sa kasalukuyang mundo. Nasa malapit lang si Gemini. Kasama nya si Selphira. Ang lalaking yan ang...." Unti-unti nang naglaho ang katawan ni Capri. "...ibigay mo sa kanya ang espada. Sya ang may kakayahang patayin si Selphi------ra."
At tuluyan na itong naglaho.

Komento sa Aklat (53)

  • avatar
    Angel Mayao

    A very beautiful novel.

    12d

      0
  • avatar
    AngeloLuis Culla

    so beautiful

    16/11

      0
  • avatar
    AntonA

    a your lase name gues

    01/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata