***Narrator*** Nasa loob ngayon ng silid aklatan si Joseph kasama ni Seraphiel. Hindi sukat akalain ng lalaki na kasama na nya ngayon ang kanyang asawa. Or should have said, so-called wife. "Ayaw mo na bang kumain, mahal ko? Magugutom ka niyan. Marapat lamang na manumbalik sa dati ang iyong lakas." Hindi sumagot ang babae. Alam nyang hindi pa rin ito tuluyang nakaka-recover mula sa mahabang pananatili sa loob ng laboratoryo. Marahan nyang hinawakan ang pisngi nito. Walang response. Nakatingin lamang ito sa kanya na may blangkong ekspresyon. She is his first love. Ngunit, nabigo siyang mabawi ito noon sa kanyang kuya. Ngayon, nasa kanya na si Seraphiel. Wala na syang mahihiling pa. "Sir?" May biglang pumasok sa silid. Si Ana. "Bakit?" "Sir, we have a problem. Pumunta po kayo sa Command Office." Napabuntong-hininga sya. "Sige. Susunod kami." *** "IMPOSIBLE..." napapailing na wika ni John. Bakas sa mukha niya ang hindi maipaliwanag na hiwagang nalalaman. "Magpahinga ka na, John. Pagod ka lang." sabi ni Azer. Nasa loob sila ngayon ng isang silid. Akmang tatayo na ito nang hilahin pabalik ni John ang braso nito. "John?" takang tanong ni Azer. "Ace, may naaalala ka bang kakaiba?" John asked with a sad face. Umiling si Azer. "Wala naman. Ang alam ko lang bakasyon ngayon." ngumiti pa si Azer sa kanya. Gustong magwala ni John. Hindi nya maintindihan ang mga nangyayari. Hindi maaaring mawalan ng ala-ala si Azer. Paano na ang mga nangyari noon? "Lalabas lang ako. Babalik rin ako maya-maya." pagkasabi niyon ay tumayo na si Azer at lumabas ng silid. Naiwang gulung-gulo si John. Nasapo niya ang kanyang noo. Sumasakit ang ulo nya. Hindi nya matandaang bakasyon. At nandito sya ngayon sa beach kasama ang mga kaibigan nya. "John..." tinig ng isang babae. Alam ni John kung kanino iyon. "Zion!" bulalas niya. "M-magpakita ka sa akin!" "Hindi maaari... Wala na ako sa kinatatayuan mo ngayon." "A-ano'ng ibig mong sabihin? Ipaliwanag mo sa akin." "John, iyan ang tunay mong mundo. Ang nalaman mo nang mga oras na kasama mo ako ay parte na lamang ng nakaraan. Si Azeya na nagpanggap bilang si Sephiel, sya ang may kagagawan niyon." paliwanag nito. "Nang mga panahong hindi siya napapansin ni Azer, humiling sya sa Celestial Witch. Ang oras ay bumaligtad. At ang nakaraan ay bumalik. Ang Book of Life and Death lamang ang may kakayahang gawin iyon. Nang magkaroon ng pagkakataong makuha iyon ni Azeya ay ninakaw nya iyon sa kanyang ama na si James. Si Seraphiel, ang nag-ma-may-ari ng libro. Dahil siya ang Aries. Kasama niya iyon hanggang sa kanyang pag-panaw. Sa kasamaang palad, tinangkang kuhanin ni James ang libro upang buhayin sana si Seraphiel. Pero nabigo siya. Kaya naman itinago iyon ni James. Na kalaunan ay natuklasan ni Azeya. Hindi na siya nag-dalawang-isip na gamitin iyon upang makuhang muli si Azer. Ginamit lang din sya ni Selphira. At dahil sa pagkamatay ni Azeya, nagka-gulo na ang lahat. Nasira ang barrier na pumo-protekta sa Celestial World at ang mundo ng mga tao. Iyon naman ang naging pagkakataon ni Joseph, na kapatid ni James, na gamitin ang mga Celestial Monsters upang patayin ang kuya nya. Bakit? Dahil mahal na mahal nya si Seraphiel. Inaangkin niyang asawa si Seraphiel. At isang malaking delubyo ang nangyari... Nang mabuksan ang lagusan, hindi nila inakala na sabay-sabay silang lahat, kasama kayo ni Azer, na matatangay ng portal. Maging si Selphira ay hindi iyon inaasahan. Kaya't ang lahat ay nakulong sa loob ng portal. At iyon ang portal na pinanggalingan ninyo. Alam kong naguguluhan ka. Dahil magulo talaga. Ang tanging paraan lamang upang mai-ayos ang lahat ay ang makuha ang Book of Life and Death. Kailangang maibalik ng tama ang oras. Hanggat hindi iyon nangyayari, mananatiling magulo ang lahat. Nasa sa'yo kung sasabihin mo kay Azer ang lahat. Siya lamang ang susi sa lahat. Dahil sya ang puno't dulo nito." **** MARAHAS na napabuntong-hininga si Azer. Kanina pa siya nababagabag sa ikinikilos ni John. Na-wi-wirduhan siyang talaga sa mga sinasabi nito. Para kasing may mali. Pakiramdam nya ay may nais itong ipaliwanag na ewan. Sephiel... Naalala niyang tanong nito. Nakaramdam sya ng pagkirot sa dibdib nya. Bakit? Bakit kumirot iyon nang maalala ang pangalan na iyon? Sino ba iyon? Hindi nya maalala. Saan nya nakilala ang taong iyon? Nasa ganoong pag iisip si Azer nang maramdamang may tumapik sa kanyang balikat. Si Jes. "Okay ka lang, Ace?" alalang wika nito. "Oo naman." nginitian pa niya ito. "Bakit mo nai-tanong?" "Napansin ko kasi na kanina ka pa malalim ang iniisip." umupo siya sa tabi nito. "Na-wi-wirduhan din kasi ako kay John. Nalunod lang, ang dami nang sinasabi. Epekto kaya 'yun ng tubig-alat?" Natawa si Azer sa biro ng kaibigan. "Marami lang siguro syang iniisip." "Kung sa bagay..." sabi nito. "Sya nga pala, sino 'yung Sephiel na tinutukoy n'on? Kilala mo ba?" Nagkibit-balikat si Azer. "Hindi nga e." "Hay naku... Si John talaga." naiiling na wika ni Jes. "Paano, puntahan ko lang sina kuya Gerald at ate Ann. Baka hinahanap na nila ako." Tumango lamang siya. Ang tinutukoy nito ay ang pinsan nitong si Gerald at ang nobya nitong si Ann. Kilala naman niya ang mga ito. Sadyang hindi nya lang maalala kung kailan ba iyon. Iyon na rin ang problema nya ngayon. Nagiging malilimutin na sya. Hindi nya alam kung bakit. **** MATAPOS nang araw na iyon, tatlong araw na mula nang makabalik sila sa university. Sa Monport university. Hindi rin pumapasok si John. Hindi nya maintindihan kung bakit ito nagkaka-ganoon. May pinagdadaanan ba ito? Nasa loob sila ng Biology class at nagtuturo ang kanilang propesora nang may biglang pumasok. Pangalawang period na nila ito. Namukhaan nya agad ang nerd na lalaki. Si John. "Mr. Sanders, mabuti at naisipan mo pang pumasok? Akala ko mag aaral ka sa bahay ninyo buong semester e." biro pa ng propesora nila. "S-sorry, ma'am..." kakamot-kamot sa ulo na wika ni John saka inabot ang isang puting papel na naglalaman ng kanyang excuse letter. Katabing upuan lamang niya si John. Kaya't nang umupo na ito ay kinausap nya agad. "John, bakit ka absent? May problema ba? Ano'ng nangyari?" Tiningnan sya ni John saka pilit na nginiti-an. "Mamaya ko na iku-kwento sa'yo." Tumango na lamang siya. Wala din naman syang magagawa e. Nagpatuloy sa pagsasalita ang propesora. Inayos pa nito ang suot na eyeglasses. "Alam nyo class, ang science ay parang mundo iyan. Marami kang matutuklasang kakaiba. May ka-aya-aya at may hindi. It is more like a Mini World where humans live. Isang mundo kung saan mahirap humagilap ng mga kasagutan at nangangailangan ng isang masusing pag-aaral." mahabang litanya ng propesora. Pakiramdam ni Azer ay tinamaan sya roon. Pero bakit naman? He just shrug. Iniisip nya lamang iyon. Oo, tama. **** "PAANO'NG nangyaring nakatakas ang babaeng iyon?!" galit na galit na wika ni Joseph sa mga tauhan including dr. Brend. "Hindi rin ho namin alam, sir." wika ng isa sa mga bantay. "Ano ba'ng hindi ninyo 'alam'?! Ipinagkatiwala ko sya sa inyo dahil alam kong matatalino kayo! Bakit ninyo hinyaang makatakas ang babaeng iyon?!" sigaw niya. "Hey, Joseph. Kalma ka lang." natatawang wika ni dr. Brend. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Paano kung masira ang mga plano ko dahil babaeng 'yon?" "Actually, you don't need that lady, Joseph. Dahil may mas importante pa sa kanya." dr. Brend smirked. "And what is that?" "No. The right question is, who is that?" the old man smirked again. "What do you mean?" "Si Selphira, she's finally here." pagkasabi niyon ay lumitaw ang isang pigura sa harapan ng lahat. Isang babae. Nababalutan ito ng makakapal at maiitim na usok. May maliit na kidlat na lumalabas doon. At sa isang iglap lamang, lumitaw na amg isang nakasuot ng itim na bestidang babae. Si Selphira! At naka-ngisi pa ito. "Maligayang pagbabalik, kamahalan." yumukod pa ang lahat sa harapan ng babae. The witch smirked. If you look at her, para syang isang mabait na babae at napaka-inosente ng mukha nito. Pinagmasadan ni Selphira ang sarili sa salamin na naroon. "Buhay na nga ako." she said. "Ngayon, kailangan ko nang makuha ang libro. Nasaan na iyon?" "Wala po dito, kamahalan." sabi ni dr. Brend. Selphira became furious. "Hanapin ninyo ang libro! Kailangan ko ang libro!" "Opo!" agad namang kumilos ang mga armored guards. Naiwang naka-tulala si Joseph. Hindi niya akalain na ang isang malakas na witch ay nandito na. She looks so innocent yet her aura was dangerous. Samantala, isang babae ang naka-masid lamang. Si Seraphiel. Mabilis syang naglakad patungo sa lobby nang makita ang witch. Naaalala niya ito. Hindi siya maaaring magkamali. Ang kapatid ko! She ran as fast as she could. At hindi inaasahang mabangga siya sa isang matipunong dibdib ng isang lalaki. Nang i-angat niya ang mukha ay nakita niya ang gulat sa mukha nito. She recognized those red fiery eyes. "M-mommy?" nauutal na wika ng babaeng kasama nito. When she lookes at her, she was shock by the sight. She looks just like her! "Mommy!" agad siyang niyakap ng babae. Pero hindi sya makakilos. Paanong nangyari na may anak siya? Sino ito? "Mommy buhay ka... You're really alive!" the lady cried. "I missed you mommy!" Kusa niyang niyakap ang babae kahit hindi niya ito maalala. Kusa ring binagtas ng kanyang mga luha ang kanyang mukha.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
A very beautiful novel.
12d
0so beautiful
16/11
0a your lase name gues
01/02/2025
0Tingnan Lahat