logo text

Chapter 32

***Sephiel***
Nang makarating kami sa tapat ng kwarto nya, ako ang pinauna nyang papasukin sa loob. Kahit labag sa loob ko, pumasok ako.
All white. Wala man lang ibang kulay sa loob ng kwarto. Para bang ang sikip-sikip tingnan. Hindi maganda ang aura ng kwartong to sa akin.
Nadinig ko na lang ang paglock ng pinto. Ito na nga bang sinasabi ko e!
"Hoy! Huwag mong i-lock yan!" Hinarap ko talaga sya at tinutukan ko ng espada.
Itinaas nya ang dalawang kamay sa ere. "Wait. Wait! Hindi ko naman gagawin ang iniisip mong gagawin ko e."
Pinaningkitan ko sya ng mata. "Bakit mo ni-lock?"
"Ayoko lang ng may istorbo. Hinahanap ka na nga ng mga nandito sa lugar na to di ba? Papatayin ka ng mga yun. Gusto mo ba yun?"
Oo nga naman. Tama naman sya. May utak din pala ang isang to. Ibinaba ko na ang espada ko. Naupo ako sa pinakamalapit na upuan.
"O, ano na? Nasaan na si Azer?" Masungit kong sabi.
"Ang mainipin mo naman. Relax ka lang, babe. Ipapakita ko din sya sayo." Lumapit na sya sa akin. Hinawakan ang babà ko.
"Bitiwan mo----"
"Shhh... Relax." Seryoso nyang sabi sabay halik sa labi ko.
Noong una, hindi ako nakagalaw. Pero unti-unting pumikit ang mga mata ko. Hanggang sa makatulog ako... Shit. Nalinlang na ba ako?
~We're here, Aries. Open your eyes.~
Boses ni Leo to ah. Sinunod ko ang sinabi nya. I saw the blue sky above us. Katabi ko lang si Leo. Nakita ko rin ang bughaw na dagat. Wait, nasaan kami?
~Narito na tayo kay Azer. Look around. Makikita mo sya.~
At iyon nga ang ginawa ko. Nakita ko na maraming tao sa paligid. Mga estudyante. Naglalaro sila. Ano to? May outing? And I saw him.
He's standing alone in front of the sea. Mag isa. Nakatulala. Para bang wala syang iniinda. Nakatingin lang sya sa malayo. Azer...
"Hoy! Ano ba?! Bakit nakatayo ka lang dyan? Tara na!" Sabi ni John na hinila pa si Azer sa braso.
"T-teka... Teka lang!" Nagpupumiglas pa si Azer pero di na sya pinakikinggan ni John. Excited ito.
Sinundan namin sila. Hanggang mapunta kami sa may cottage kung saan dinala ni John si Azer.
"Hi girls!" Bati ni John sa mga babae na nandoon. Mga naka-bikini lang at two piece.
Punagmasdan ko si Azer. Aba! Namumula ang kwagong to! Anong ibig sabihin nito?!
~Hey, Aries. Calm down. Hahaha!~ Sabi ni Leo. Letchugas ka! Ikaw ang may kasalanan nito.
"Hi!" Bati naman ng mga babae. Grrrr.... Nakakainis!
"This is my friend, Azer." Inakbayan nya pa si Azer. "Gwapo di ba?"
"Oo nga."
"He's cute kaya!"
"May girlfriend na ba sya?"
"Can I get his number?"
"Kyaa! Nice to meet you, Azer!"
Mga babaeng to. Susugurin ko na tong mga to e! Oo may girlfriend sya! Ako! Nandito ako!
~Bakit parang hindi tayo nakikita ni Azer?! Anong nangyayari? Past nya ba to?~ tanong ko kay Leo.
He smiled at me.
~We're getting there. Patience is a virtue, Aries.~
Pabitin! Nakakainis na! Gusto ko syang singhalan at pagalitan. Pero hindi e. Hindi nya ako nakikita. Para kaming invisible ni Leo. Past nya ba to?
"Hi.. Nice to meet you all..." Nahihiya pa na sabi ni Azer.
"May girlfriend ka na ba Azer?" Lumapit yung babae at agad na niyakap ang braso ni Azer. Aba't! Linta o!
"W-wala pa..." Sabi nya.
~Ako! Nandito ako!~
~Aries, he won't hear you. Hindi nya tayo nakikita at naririnig, remember?~
~You never warned me about this!~ Inis kong baling kay Leo. ~Bakit ganito? Akala ko ba ipapakita mo sa akin si Azer? Eh bakit nasa past nya tayo? Ano bang nangyayari ha? Nililinlang mo ba ako?!~
Naiinis na ako. Actually nagagalit na. Kumbakit kasi naniwala ako sa lalaking to e. I told myself that he's a trickster... pero ano? Sinunod ko pa din ang gusto ko. Now I believe in the saying, "Nasa huli ang pagsisisi."
He sigh in defeat. Para bang kung tumingin sya sa akin ay kinaaawaan nya ako. Mukha ba akong kawawa?
~Mukhang wala talaga sa bokabolaryo ng mga Aries ang patience.~ Itinaas nya ang kaliwang kamay nya at bigla kaming nagteleport.
~Nasaan tayo? Saan mo ako dinala?~
Nakatuntong kami sa itaas ng rooftop ng school nila Azer. Kitang-kita ko nang pumasok si Azer at John sa loob. Kasama sina Ann at yung isang lalaki na may bonet sa ulo.
Wait----Si Ann? Bakit sya kasama ni Azer?
~Teka... Si Ann...~
~We are here in the real world, Aries. Hindi ito past. Ang past...
.
... ay ikaw.~
ANO DAW?!
***
***John***
"Anong lugar to?" Sabi ko. Isang laboratoryo?
"Narito tayo sa loob ng Thirteenth Ward Laboratory. Dito dinadala ang lahat ng special subjects na pag-e-eksperementuhan."
"Nandito si Azer?"
"Wala na." Sabi nya habang may kinakalikot sa isang computer.
"O, e bakit tayo nandito? Hanapin natin si---"
"Hindi natin sya dapat ibalik dito. Dahil wala na ang existence nya dito." May nagsalita sa likuran namin.
And I saw HER. That wicked woman!
"Azeya." I said coldly. Naiinis ako sa kanya.
"Buhay ka pa pala." Sabi nya at saka inilabas ang gun nya. "Hindi ko akalaing mabubuhay ka pa."
I smirked. "Sige. Patayin mo rin ako. Gaya ng ginawa mo sa kanila."
Natigilan sya. Hah! 'Kala mo ah! Tapang e.
"How did you know? Pina- imbestigahan nyo ba ako?"
"Nakita ko ang lahat!" Sabi ko. "I saw you! You killed Azer! You killed him!"
Nanginig ang mga kamay nya. Pero nakatutok pa rin ang baril sa akin.
"Hindi... Hindi totoo yan!"
"Sinungaling! Pinatay mo sya dahil hindi ka nya kayang mahalin! Binago mo lahat ng ala-ala nya! Ngayon, nabago na lahat! Dahil 'yon sa kasakiman mo!"
"HINDEEEE!!!" Sigaw nya at bigla nyang pinaputok ang baril.
At natamaan ako.
I don't know how, but, I still manage to ran towards her and grab her gun. Ibinato ko yun sa abot ng aking makakaya at hinawakan ang mga balikat nya.
Tumutulo na ang dugo mula sa aking puso... Nanlalamig na ako... Medyo blurred na rin ang paningin ko...
"A...ze...ya...Give...A-zer...a...go..od..life....I'm.." Sumuka ako ng dugo. "...begging...you...Let...him...go...."
She looked at me straight on my eyes. Inilabas nya ang isang kutsilyo at isinaksak iton sa lalamunan ko. Kumalat ang dugo sa mga kamay nya at sa mukha nya. Takot ang itsura nya. At dinig ko ang mga huling salita nya bago ako tuluyang bumagsak sa semento.
"Sorry... John..."~John... John...~
I'm hearing Azer's voice. Naghahalucinate na ba ako? Patay na ba ako?
~John, gising. John!~
Totoo ba talaga ang naririnig ko? O baka naman ganito lang talaga kapag namatay ka na?
"JOHN! GISING!"
I gasped for air. Teka...
"God! You scared us John! Akala ko patay ka na!" Hinampas ako ni Azer sa dibdib ko.
"Azer?"
Tunay ba to?! si Azer... Buhay sya?!
"Sabi ko naman sa inyo e. Masamang damo 'yang si John kaya 'di yan agad mamamatay." Tumawa pa si Jes.
Wait... Buhay ako? BUHAY AKO!!!
"BUHAY AKO! BUHAY AKO!! WOOOHHH!!" Nagtatalon pa ako sa tuwa. Grabe ang saya palang malaman na buhay ka after mong mamatay sa saksak!.
Pero...
Teka nga...
Bakit ang daming tao dito? Saka lahat sila nakatingin sa akin. Narito rin ang mga tropa ko. At nandito si Azer. Naguguluhan ako.
"J-John... Umupo ka nga. Nakakahiya ka." Sabi ni Azer.
"Ace!" Niyakap ko sya. "Shit! Pare buhay ka! Salamat at buhay ka!"
"J-John...h-hindi ako...makahinga..." He said.
Sa sobrang saya ko halos mahalikan ko na si Azer. Dahil ito sa ipinakita sa akin ni Zion na pagkamatay nya.
I remember that one again...
*Flashback*
I saw her, si Azeya. Nasa loob sya ng isang silid at umiiyak.
"Why? Why don't you like me Azer? All this time, si Sephiel pa rin ang iniisip mo! Ako lang naman ang nagmamahal sa'yo e!"
May kinuha sya sa drawer nya. Isang maliit na punyal. Tapos lumabas sya sa loob ng kwarto.
Nagpunta sya sa basement. Doon, nakita ko ang isang malaking bituin sa loob ng malaking bilog at naiilawan yun ng mga kandila.
Nagtungo sya sa may gitna noon at itinaas ang punyal. She chanted a foreign language. She's casting a spell. And a minute later...
Sinaksak nya ang pulsuhan nya.
Tumulo ang dugo sa sahig. At ang nakakakilabot na nangyari ay pumalibot sa kanya ang mga dugo na iyon. She's still casting a spell. Habang tumatagal ay palakas iyon ng palakas.
Then suddenly...
Isang maitim na usok ang lumabas...
It formed to be a woman with black hair and she's wearing a dress like in Victorian era.
"Kamahalan!" Lumuhod si Azeya sa harap nya. "Maligayang pagbabalik!"
"Ano ang iyong pangalan?" Tanong ng babae.
"Azeya. Iyon po ang aking pangalan."
"Anong iyong kailangan?"
Tumingin sya sa babae. "Kailangan ko po ng tulong nyo. Gusto kong baguhin ang mundong ito. Gusto kong magkaroon ng mundo na kasama ang lalaking pinakamamahal ko!"
"Anong gusto mong gawin ko?"
"Gusto ko pong patayin nyo ang lahat at ibalik ang nakaraan. Wala silang maaalala na kahit ano. At magbabago ang lahat ayon sa aking kagustuhan."
"Ano ang kapalit ng aking gagawin?"
"Ibibigay ko sa inyo ang aking katawan. Upang kayo ay mabuhay."
The woman smiled. Nakakakilabot ang mga ngiting iyon.
Itinaas nya ang kanang kamay at itinapat kay Azeya. "Matutupad ang iyong hiling kapalit ay aking kalayaan!"
Matapos noon ay parang nagkaroon ng ipo-ipo sa loob ng silid at dahil doon ay nagliparan ang lahat ng gamit.
A sudden light blocked my eyes.
At nang muli kong makita si Azeya, she's already dead. Ang nasa katawan na nya ngayon ay ang wicked witch.
Kasama nito ang libro ng Life and Death ng celestial world.
"PARE, marami ka bang nainom na tubig? Na-a-abnormal ka na ata?" Sabi ni Alex.
Napatingin ako sa kanila. Paanong nangyari ang lahat ng ito? Paano ako napunta rito?
Si Zion? Nasaan yun?
"Magpahinga ka na muna." Sabi ni Azer.
"Nasaan si Sephiel, Azer?" Tanong ko.
Tiningnan nila ako. Nagkatinginan silang tatlo nina Jes at Alex.
"Sinong Sephiel, John? Wala kaming kilalang Sephiel." Sabi ni Azer.
What the heck is going on?!

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    AngeloLuis Culla

    so beautiful

    16/11

      0
  • avatar
    AntonA

    a your lase name gues

    01/02/2025

      0
  • avatar
    VergaraChristoff

    thanks

    14/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata