logo text

Chapter 29

"Hindi ko akalaing aabot sa ganito ang lahat." Sambit ni Reiha habang hawak ang libro. "Dumating na ang raw na kinatatakutan nating lahat!"
"Maghiwa-hiwalay tayo!" Sigaw ni Alisa sakay ng motorsiklo nito. "Kailangan nating mahanap sina Ann at Sephiel!"
"Sa kanluran kami," ani Alice na kasama si Andrea. "Kayo, Aliya at Eunice, sa norte kayo."
"Rodger!" Wika ng dalawa at sabay na tumalon mula sa 18th floor ng isang building. Hindi nag landing sa lupa ang mga ito dahil mayroon silang parachute.
"Kayo nang bahala sa iba!" Agad na tumalon sina Andrea at Alice pababa.
"I think," nilingon ni Freeda ang mga naglalakihang robot sa likuran nila ni Marjorie. "We have no choice."
Nag shrug lang si Marjorie saka inihanda ang baril. Habang nililinlang ni Freeda ang mga kalaban ay sya ang nagpapaulan ng bala sa mga ito. Ngunit, wala pa mang dalawang minuto ay may dumating.
Pisces: the Fish
"Ooohhh... Mukhang naglalaban pa pala kayo ng mga alaga ni boss." Ngumisi pa ito. May tainga ng isda, kaliskis, at buntot.
"Mukhang napaaga ka ah." Sarkastikong wika ni Marjorie sabay sindi ng sigarilyo.
"Tsk. Tsk. Mga assassin nga naman..." Napapailing na wika nito. Bumaba ito mula sa pinapatungang kable ng kuryente. "Alam mo, sayang ka e. Sexy ka pa naman."
"Oh talaga? Hah! Salamat." Marjorie laughed.
"May kamukha ka..." Iniligay nito ang isang daliri sa ilalim ng babà. "Ah! Yung babaeng may eyepatch! Si Ana!"
Nawala ang ngisi sa labi ni Marjorie. Gulat na ang pumalit. "Ano kamo?"
"'Ano' ang alin? 'Yung kamukha mo?"
"Ano uli 'yung pangalan nya?" Si Freeda na nakalapit na.
"Ah! Si Ana? Iyong anak ni Dr. Brend. Kamukha mo kasi sya. Kasing katawan mo din." Ngumiti pa ito. "Bakit? Kilala mo ba sya?"
"Anong...anong ibig mong sabihin? B-buhay si Ana?" Hindi makapaniwalang wika ni Marjorie.
"Ha? Oo. Buhay na buhay sya."
"Marjo..." Alalang wika ni Freeda. "Ayos ka lang ba, Marjo?"
"P-paanong...paanong nangyari 'yon?.. Patay na si Ana...patay na---" hindi na naituloy pa ni Marjorie ang sasabihin nang may matulis na bagay na tumagos mula sa liod nito hanggang sa tyan.
"MARJORIE!" Hiyaw ni Freeda at agad na nalingunan si Pisces na nakangisi habang umatras ito palayo. Ang matulis na bagay na iyon ay lumabas sa kamay ng lalaki.
"Ooppss! Sorry! Ayoko kasi ng drama habang nasa labanan e." Inilabas ng katawan nito ang iba't ibang matutulis na bagay at itinapat iyon sa dereksyon ni Freeda.
"HUMANDA KA!!" Sinugod ni Freeda ang halimaw ngunit masyado itong mabilis at agad na nakapunta sa likuran nya.
Naalarma naman sya kaya't agad syang lumayo sa pag atake nito. Inilabas nya ang siyam na buntot at ang matutulis na kuko. Kasunod ang mga apoy na nasa gilid nya.
"Ooohhh... Ang exciting!" Sarkastikong wika ni Pisces. "Hulaan ko, matatalo ng tubig ko ang apoy mo, di ba?" Naglabas din ito ng mga water balls sa paligid.
"Hindi ako papayag!" Sigaw ni Freeda sabay hagis ng maliliit na apoy sa kinaroroonan ni Pisces.
Natawa naman ang lalaki, "Nababaliw ka na! Hindi mo ba maintindihan? Celestial Spirit ako, at robot lang kayo! Hindi kayo mananalo sa amin!" Ito naman ang nagpakawala ng nagbabagang tubig na kapag tumatama sa sahig ay tila nalulusaw iyon.
This can't be! Sigaw ng utak ni Freeda habang patuloy na umiiwas sa mga tubig ni Pisces. Nasaan ka na ba, Sephiel?!
***
Halos maubusan na ng lakas si Gerald habang gumagawa ng barrier para kay Ann na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagmumulat.
"Naiinip na ako, bata! Bakit hindi mo ako sugurin?" Nakangising sambit ni Sagittarius. Pinakakawalan pa rin nito ang mga nag aapoy na pana. Nagkaroon na ng mga hiwa sa kamay at braso si Gerald sa pagsalag sa mga pana.
Unti-unti namang nanghihina ang kanang braso nya na syang nagpapalabas sa barrier.
"Ann..." Hirap na wika nya. "H-hindi ko na...kaya..." Sambit nya.
Saka tuluyang nawalan ng balanse dahilan para mawala ang barrier. Iyon na rin ang hudyat nang pagkompleto ni Ann sa fusion magic.
Biglang napalibutan ng malakas na hangin ang buong paligid nila ni Gerald. Pumaikot iyon sa kanila. Itinaas ni Ann ang kanyang kaliwang kamay sa langit at mayroong lumabas na bilog na ilaw. Sa loob niyon ay isang malaking bituin na napapalibutan ng mga spell. May apoy na bumaba at pinalibutan si Gerald.
Biglang nagmulat ng mga mata si Gerald na ngayon ay nakaluhod.
"A-apoy?!" Gulat na napatayo ito.
"Ibinibigay ko na sayo ang kapangyarihan ko, Gerald." Sambit ni Ann. Nagkaroon itong bigla ng salamin sa mata. Tanda na nagbalik sa dati nitong anyo.
"A-anong ibig mong sabihin?..." Nilingon niya si Ann. At laking gulat nya nang makita nya ang pagbabago nito. "Ann? Ikaw ba yan?"
"This is me, Gerald." She smiled. "Wala na ang kapangyarihan sa akin. Kaya nagbalik lang ako sa dati."
Gerald saw his body surrounded by flames. Hindi siya napapaso. Bagkus ay binibigyan siya nito ng kakaibang lakas.
"Labanan mo sya para sa akin, Gerald." Sabi ni Ann. "Dito lang ako sa likod mo."
Gerald just nod. Hinarap nya ang halimaw na kanina pa sya nilalait. Ngumisi pa sya nang makitang nagulat ito.
"Ang...babaeng yan!" Sigaw ni Sagittarius.
"Humanda ka!" He raised his right hand with flame.
Nasalag naman ni Sagittarius ang apoy ni Gerald ngunit hindi nya napaghandaan ang pag atake ni Ann mula sa likuran niya. Tumagos ang pana nito sa likuran nya. At napahiyaw si Sagittarius. At naging hudyat iyon para maka-pasok ang atake ni Gerald.
Dalawa na ngayon ang kamay nyang may apoy, inihalik niya iyon sa lupa at pumabilog kay Sagittarius ang apoy. Muling nagpakawala ng pana si Ann at tila isang buhawi ng apoy ang pumalibot kay Sagittarius.
"Hindeeee!!" May biglang lumabas na itim na usok sa katawan ng carrier at saka nawala ito. Bumagsak ang may edad na katawan sa sahig.
"T-tao?!" Bulalas ni Gerald nang makita ang nakahandusay na katawan.
"Oo. Medium lang ng mga Celestial Spirits ang katawan ng mga tao." Sabi ni Ann.
"Anong gagawin natin dito?" Sabi ni Gerald at nilapitan ang katawan.
"Kailangan natin syang dalhin sa hospital. Mukhang buhay pa sya." Kinapa ni Ann ang pulso nito. Naramdaman nyang humihinga pa ang lalaki.
"O sige. Tapos hanapin na natin yung...."
"ANDREW!?" may isang babae ang biglang sumigaw sa likuran nila. Sabay pa silang napalingon.
"Uh... Kamag anak nyo ho?" Sabi ni Gerald. Lumapit na ang babae sa lalaki at kinapa ang pulso nito.
"Tulungan ninyo ako! Buhay pa ang asawa ko!" The old lady shouted.
"Sige po." Agad namang binuhat ni Gerald ang matandang lalaki.
Maya-maya ay nagsalita ang matandang babae. "Kilala nyo ba si Azer Zarften?"
Napalingon sila ng sabay. "Opo." Sabay nilang sabi.
"Ano po kayo ni Azer?" Tanong ni Ann.
"Ako ang tita Milenia nya. At sya naman ang tito Andrew nya. Nakita nyo ba ang pamangkin ko?" Pinunasan nito ang luha sa mata. "Kasing-damit mo kasi sya. Sa iisang school lang ba kayo nag aaral?"
Kasing-damit? Tumingin ang dalawa sa suot na damit at nagulat sila nang iba na ang mga suot nilang damit!
"Teka! Paanong----" hindi na naituloy pa ni Gerald ang sasabihin dahil biglang dumilim ang paligid.
"Kailangan na nating makaalis dito!" Sigaw ni Ann.
***
Habang patuloy na tumatakbo sina Reiha at Andrea, napansin nila ang bahagyang pagdilim ng paligid. Maya-maya pa ay nadinig nila ang tunog ng makina isang vehicle. At nakita nga nila ang sasakyan ni Alice.
"Teka! Bakit kayo nandito?" Sabi ni Reiha nang makita ang iba pang assassins na sakay ng sasakyan. Bumaba ang mga ito.
"Hindi na maganda ang estado ng mundong ito, Reiha. Nasira na ang barrier na naghihiwalay sa kabilang mundo at ng mundo na 'to." Paliwanag ni Alice. "Kailangan nating makita si Azer. Sya na lang ang nag iisang pag asa natin."
"A-ano?..." Hindi makapaniwalang wika ni Reiha.
"Hindi na ito maganda." Sambit ni Alicia. "Tumingin kayo sa itaas."
Lahat sila ay tumingin. Natatakpan ng madilim na ulap ang kalangitan. May manaka-nakang pagkulog at pagkidlat. Hindi mawari ng mga babae ang nangyayari sa itaas. Isa lamang ang naiisip nila...
Nagbukas na ang lagusan patungo sa Celestial World.
"Kumilos na tayo! Wala nang oras!" Sigaw ni Alyana.
Magsisibalik na sana sa sasakyan ang mga assassin nang harangin sila ng mga robotic armies. Pinalibutan agad sila ng mga ito.
"Hanggang dyan na muna kayo!" May sumigaw mula sa itaas. Nang tingalain nila ay may lalaking nakatuntong sa isang tubig!
"Aquarius!" Tiim bagang na sambit ni Eunice.
"Hindi namin kayo papayagang makita ang kapatid namin." Mayroon pang nag salita. Nahawi ang mga robotic armies at kita nila ang mga lalaking nagsalita.
Cancer: the Crab
Taurus: the Bull
Capricorn: the Goat
Aquarius: the water Bearer
at Virgo: the Virgin
Mga zodiac monsters. Bumwelo ang mga assassins.
"Bakit nyo tinatago si Azer?" Sambit ni Alicia. "Iharap nyo sya sa amin! Sa amin sya!"
Ngumisi ang mga lalaki. Bumaba naman sa lupa si Aquarius. "Nagpapatawa ka ba? Bakit nan namin gagawin 'yun? Sa amin ang lalaking iyon. Ninakaw nyo lang sya sa amin."
"Sya ang humiling noon sa amin!" Sigaw ni Alyana.
"Dahil pinilit nyo sya." Kalamadong sambit ni Virgo. "Kung hindi dahil sa Sephiel na 'yon, hindi sya aalis sa poder namin."
"Isa pa, hindi kailanman naging inyo si Azer. Ang katawan nya ay pag aari na ni Leo." Sambit ni Taurus.
"Pero, tandaan nyo rin na pinili nya si Seph---" hindi natapos ni Andrea ang sasabihin nang magsalita si Capricorn.
"Pinili nya ang babaeng iyon? Sigurado ba kayo? Baka nakakalimot kayo na ang babaeng iyon ang gumawa ng paraan para mahulog sa kanya si Azer?"
Natigilan ang mga babae.
"Mukhang wala kayong alam..." Sambit ni Aquarius. "Hindi nyo pa nga kilala ang babaeng tinatawag nyong Sephiel."
"Azeya ang ginamit nyang pangalan, hindi ba?" Sambit ni Capricorn. "Doon pa lamang ay hindi nyo na nahalata ang kasinungalingang taglay nya?"
Kunot-noong tinitigan ng mga assassins ang mga kausap. Naghiwa-hiwalay sila upang lumaban sa mga ito.
"Puro kayo satsat. Bakit hindi nyo na lamang kami kalabanin?" Hamon ni Reiha sa kanila.
Ngumisi ang mga halimaw.
"Kung iyan ang gusto ninyo." Sambit ni Aquarius at bumwelo na.
***
"Pakawalan mo ko!!" Sigaw ni Freeda nang kulungin sya ni Pisces sa loob ng crystal na hawla.
"Haiissh! Ang ingay mo namang pusa!" Nakapalumbabang wika ni Pisces. Nakaupo ito at nakatingin sa walang malay na si Marjorie habang nasa loob ito ng isang tubig. Bubble water ang tawag ni Pisces roon. Nakakapaghilom iyon ng mga sugat.
"Bakit mo pinapagaling si Marjo? Ano ba talagang pakay mo?" Sabi ni Freeda.
"May naisip kasi akong paraan." Sagot ni Pisces. "Interesado ako kay Ana at sa babaeng ito. Mukhang magkakilala sila."
"Dahil..." Biglang nalungkot ang tono ni Freeda. "..kapatid ni Marjo si Ana. Pinatay sya ni Aze--hindi. Ng tunay na Sephiel, noong magkasama pa sila."
Napalingon si Pisces sa babae. Kumunot pa ang noo nito. "Tunay? Ibig sabihin.. May isa pang Sephiel?"
"Oo. Iyon 'yung nagpanggap na si Azeya. Ang alam ko, pareho silang nawawala ni Sephiel."
Inilagay ni Pisces ang isang daliri sa ilalim ng babà nito. "Ibig sabihin, 'yung babae sa Thirteenth ward ay hindi Sephiel ang pangalan? Kundi.. 'Yun ang Azeya!"
"Teka... Nasa thirteenth ward sya?" Gulat na sambit ni Freeda.
"Oo. Sya yung kasama ni Leo." Sabi pa nito. "Yung may brown na buhok?"
Lalong nanlaki ang mga mata ni Freeda. "Paano nangyari 'iyon? Eh nasa school sya--" natigilan sya nang mapagtanto ang isang bagay. "Hindi kaya... Nagtraydor ang impostor na yun?"
Itinaas ni Pisces ang isang kamay at nawala ang kristal na hawla. Maging ang bubble water.
"Mukhang may mali sa mga nangyayari." Sambit ni Pisces. "Tulungan mk kong hanapin ang libro."
"Anong libro?"
"Ang libro ng Life and Death. Isa iyong libro ng mahika sa Celestial World. Mayroong nagnakaw noon sa amin kaya kami nawala sa aming mundo."
"Paano? Saan natin hahanapin yun?"
Tumingin sya kay Marjo. Himbing pa ang babae ngunit maayos na at wala ng pinsala sa katawan. Binuhat ni Pisces ang babae at pagkaraa'y hinawakan ang kamay ni Freeda.
"Samahan mo ako sa bahay nina Montelvana. Nararamdaman kong naroon ang libro. Kailangan natin yun. Dahil kung hindi, mamamatay ang lahat ng mga kasamahaan mo at hindi na kami makakabalik sa mundo namin."
***
Naiwan sa loob ng hospital ang asawa ni Andrew Zarften na si Mrs. Milenia Zarften. Babantayan raw nito ang kanyang asawa.
Silang dalawa naman ni Gerald ay maghahanap kay Srphiel at Azer.
"Bumalik kaya muna tayo sa mansyon? Palagay ko wala na ang mga robot na yun dun." Wika ni Ann.
"Mas mabuti pa nga siguro. May kailangan din akong gawin sa mansyon nyo." Seryoso namang sambit ni Gerald at nanguna sa paglalakad.
"Ano namang gagawin mo do'n aber?" Masungit na sambit ni Ann.
"Wala ka na do'n." Nilampasan lamang ni Gerald si Ann at naglakad ng mas mabilis dito.
***
"Dr. Brend," pumasok sa loob ng laboratory si Joseph Montelvana. "May I ask something?"
"Ano 'yon?" Walang tinging sambit ni Dr. Brend habang nagtitipa sa keyboard ng advance computer nito.
"May improvements ba sa asawa ko?" Worried tone ang ibinigay ni Joseph kay Dr. Brend.
"You mean, James' wife?" Ngumisi ang lalaki. Pinukol naman ng matalim na tingin ni Joseph ang lalaki. "Well, well, hindi pa gaanoong napa-process ng katawan nya ang lahat ng kapangyarihan. But, you know, you should asked Leo first about this. Sya ang mas may alam sa nangyayari sa katawan ng asawa ni James."
"She's MY wife." Pagtatama ni Joseph.
"Okay." Natatawang wika ni Dr. Brend. "Ipapaalam ko na lang sa'yo once na tapos na."
"Thanks." Iyon lamang at tumalikod na si Joseph. Ngunit may biglang naalala kaya't humarap muli. "Ah, your daughter, Ana, is it fine with her not knowing her sister?"
Natigilan ang scientist. Tumingin ito sa kanya. "Don't tell her. Hindi magiging maganda kung maaalala nya pa ang tungkol sa babaeng 'yon.
Hindi na muling umimik pa si Joseph at tuluyan nang lumabas ng silid. Dr. Brend sigh. Mukhang kailangan na nyang bilisan ang paggising sa babaeng nag ngangalang Seraphiel. May isang malaking dahilan siya kung bakit nya ito ginagawa. At iyon ay ang makuha ang Celestial Book of Living. Kailangan nya ang spell na naroon.
Ngunit, hindi nya alam kung nasaan at kanino napunta ang libro. Walang nakakaalam kung nasaan na. Tanging si Seraphiel lamang ang may alam. At dahil patay na ang katawan nito, kailangan nyang buhayin ang babae upang mahanap ang libro.

Komento sa Aklat (53)

  • avatar
    Angel Mayao

    A very beautiful novel.

    13d

      0
  • avatar
    AngeloLuis Culla

    so beautiful

    16/11

      0
  • avatar
    AntonA

    a your lase name gues

    01/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata