John Sander Gabi pa lang hindi na ko makatulog. Iniisip ko kung paano ko sasabihin kay Azer yung mga nalaman ko. Isa pa, natatakot akong sabihin sa kanya kasi alam kong magugulat sya. Lumabas muna ko ng apartment ko. Oo nakatira ko sa apartment. Hindi na ko tumutuloy sa bahay dahil alam ko namang wala akong kapayapaan doon. Habang naglalakad ako, may napansin lang ako sa buwan na nasa itaas at parang nakatingin sakin. May iba sa buwan na yun. Hindi na sya perfect moon. At hindi na rin sya ganoon ka-liwanag. Ano bang nangyayari sa mundo? Bakit parang nag iiba na ang lahat? Epekto ba to ng global warming? "John." "TIPAKLONG!" napa lundag ako dahil sa boses na nasa likuran ko. Isang babae na may maikling buhok at kulay brown ang nalingunan ko. "Ako to, si Sephiel." Nakalagay sa likuran niya ang kamay nya. Nakasuot sya ng blue na dress na simple lang. Parang pantulog ang dating. "Teka... Nag bago ka pala ng itsura? Ang galing ah." Natatawa pa ko. Pero seryoso sya kaya sumeryoso na rin ako. "Ehem! Uhhh.. Ano bang kailangan mo sakin? Mayroon ba?" Lumakad sya pa-forward at tumingin sya sa mga stars. "Balak mo bang sabihin ang katotohanan kay Ace?" "Oo. Ayoko nang patagalin pa ito." Pagkasabing-pagkasabi ko noon, lumingon sya. Ay hindi... Humarap sya sakin. Na may blangkong ekspresyon. .*********** ***Azer Zarften*** "Aray!" Nasabi ko yan kasi nahulog sakin lahat ng mga gamit ko. Kinalkal ko kasi yung cabinet ko. Naghanap ako ng damit na pwede kong suotin. First date namin to. Dapat maging unforgettable to. So, pinili ko na kang yung blue na T-shirt at maong pants. Simple pero okay lang. Hindi ko kasi talaga alam kung ano ang dapat isuot. First time ko din to no? "Kuya?" Kumatok sa pinto si Eisle. Binuksan ko naman. May dala syang maliit na box. "O, para kanino yan?" "Kuya... Nakalimutan mo na ba? Hindi mo to binigay kay ate Sephiel." Nakakunot pa noo nya habang sinasabi nya yan. Oo nga pala... "Naku! Sorry Eisle ha? Hindi narin kasi kami nagkita noon e." Sabi ko naman. "Ibigay mo na lang ngayon kuya. Baka magkita kayo." Ngumiti naman sya. "Hindi kami magkikita ngayon e. Kasi may pupuntahan si kuya. Importante." Ginulo ko yung buhok nya. Pagkatapos, sinalansan ko yung mga gamit ko sa isang maayos na lalagyan. "Bukas na lang siguro..." Sabi nya. Nilingon ko naman sya. Feeling ko nalungkot si Eisle. Idol nya kasi si Seph. Mabait kasi yun sa kanya. "Sige na. Ako nang bahala. Ibibigay ko talaga yan sa kanya. Promise." "Yes! Thank you kuya!" Inipapag nya sa mesa ko yung box tapos nagta-takbo palabas. Happy na sya nun. And to make my story short, umalis na ko ng bahay bandang 8:00am. 10:00am pa naman ang usapan namin ni John kaya idadaan ko muna yung box kina Seph. Pagkatapat ko pa lang sa gate nila, nakita ko agad ang isang familiar na maid. Naka maid costume kasi sya e. Yung may... Yung may mask yun e... "Anong kailangan mo?" Isang kambal na boses ang narinig ko mula sa likuran ko. At pamilyar din sila sakin! Nakita ko na sila e! "Ako to si Reiha!" Sabi nung isa sa kambal. Inakbayan naman nya yung isa. "Ito naman si Alicia." "Ah! Oo! Tama! Mga assassin kayo!" Tama... Nakita ko na nga sila. Ang bilis ko atang makalimot this days. Parang pakiramdam ko nagkaka-amnesia na ko. "Pasok ka na." Binuksan ni Alice, yung naka-maid costume, yung gate. Pagka-pasok ko pa lang sa gate may nag flash na camera. Teka... Nangyari na to dati e.. =____= Yung Alisa nga. "Wow! Ang gwapo mo naman Azer. May date ka noh?" Sumulpot naman bigla si Ann sa kung saan. Hindi ko napigilang mag blush. "O-oo e... Kay Azeya..." "Hindi pa sya gising." Isang masungit na boses ang narinig ko. Pagtingin ko, yung Eunice pala. May salamin na sya sa mata. "Pumasok ka muna sa loob at naghihintay si miss Sephiel sayo." So, pumasok naman ako. Hindi na sila pumasok kasi ayaw nila. Yun lang. Nakita ko si Seph na naka-upo malapit sa TV. Umiinom sya ng kape. Ibang iba na talaga sya. Hindi ko na sya mamukhaan kapag nakatalikod. "Seph?" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya at ngumiti sakin. "Gusto mo ba ng tea? Magpapatimpla ako..." "Ah.. Hindi na. Ayos na ko." Dinukot ko sa bulsa ko yung maliit na box. "Ito o. Pinapa-bigay ni Eisle sayo." "Talaga? Salamat..." Nag blush nanaman sya. Kinuha nya yun at tinitigan. "Uhhmm.. Seph... May sasabihin ako sayo..." Umupo na ko sa tabi nya. Tumingin naman sya sakin. "Ano kasi... Kami na ni Azeya." Medyo nagulat sya. Tapos biglang ngumiti. "Kailan pa?" Hindi ko alam pero... Well ayoko namang mag assume... Kaso ramdam ko na hindi sya masaya sa sinabi ko. Pero pinilit kong hwag ipakita ang pag aalala ko. "Noong isang araw pa. Pasensya ka na kung ngayon ko lang nasabi sayo..." "Okay lang. Ang mahalaga masaya ka best friend." She smiled at me. Hindi ko maramdaman ang saya sa boses nya. Pinipilit lang nyang sumaya. Best friend ko sya kaya alam ko. "Hey.. May tawag ka Sephiel." Biglang sumulpot si Andrea kasama ni Alyana sa harap namin. Nakasuot sila ng maid uniform. Ano bang nangyayari sa mga to? "Sige, Ace.." Tumayo na sya at hindi na lumingon pa. Ewan ko ba... Nasasaktan ako para sa kanya. "Azer!" May isang babaeng naka ponytail ang yumakap sakin. Sakto yung dibdib nya sa mukha ko! >\\\\\\\\< "Hindi ako... Makahinga...." Sabi ko. "Freeda! Ano ka ba! Tigilan mo nga si Azer!" May sumigaw na isa pa. Hinihila yung nakayakap sakin. "Eeeehhh!! Ngayon ko lang ulit nakita si Azer e!" "Kyaaa!! Si Azer Zarften ba yan ha? OMG!! OMG!!" May isa pang yunakap sakin. "Payakap din!!" At may isa pa. ANO TO GROUP HUG?! AT PURO BABAE ANG YUMAYAKAP SAKIN?! Tulungan nyo ko!! Minumulestya ako!! "Stop it." May cold na boses na nagsalita. Pero hindi boses ni Azeya. Mukhang si Miss Marjorie. Humiwalay naman sila sakin. "Haayy..." Napabuga ko ng hangin. Ang tindi nun ha! "Mr. Zarften, umakyat ka sa itaas. At ikaw na mismo ang gumising kay Azeya." Sabi ni miss Marjorie at hinila na ko ni Ann patayo. "H-hindi naman ako nag mamadali e! Okay lang kahit tanghali na sya gumising!" Sinasabi ko yan habang hatak nya ko paakyat. "Chance mo na to Azer! Gawin mo na yung 'alam mo na' bago kayo mag date! Ahihihi!" Sabi pa ni Ann. "H-hindi ko gawain yun! Ano ka ba!" Nag blush naman ako. "Isa pa... Masyado pa kaming bata para doon!" Binuksan nya yung pinto at tinulak ako papasok sa loob. "Good luck Azer!" At isinara nya ulit. Pasaway talaga si Ann o. Nakita ko naman si Azeya sa may kama nya na yakap ang unan nya at tulog pa. Lumapit naman ako at hahawakan ko sana ang buhok nya nang bigla nya kong hilahin sa kama at padapain! Gising sya?! "What are doing here huh?!" Yung isang kamay nya pinipilipit yung braso ko. Yung isa naman nakalagay sa may batok ko. Nakadapa pa rin ako sa kama. "H-hindi ko naman alam na gising ka e! Isa pa may date tayo di ba? Kaya ako nandito." Mukha namang natauhan sya at tunanggal na ang kamay nya sa batok ko. Pati na rin sa braso ko. Ang sakit! Para nya kong ni-wrestling! Grabe! Umupo naman ako sa kama at nakita ko syang nakatalikod at parang nag iisip. May kalokohan naman akong naisip... "At bilang ganti...." Hinila ko ang kamay nya at pareho kaming napahiga sa kama. Haha! Akala nya ah! "Ano ba! Azer! Let me go!" Nagpupumigpas pa sya. Nakayapos kasi ako sa bewang nya. "Ayoko nga. Kasalanan mo yan. Gumanti lang ako. Haha!" "Ano ba---AHAHAHHAHA!! Azer!" May kiliti pala sya sa bewang! Haha xD Ang cute ng tawa ng girlfriend ko! Nakaka-inlove! "May... Hahahha!.. Kiliti ako!" Pinipilit nyang alisin yung kamay ko. Nakakatuwa naman sya. "Ayiiee! Azeya ko, tumawa ka na." "Stop it Azer!" Nagpa-gulong kami sa kama hanggang bumagsak kami pareho sa sahig. Ako ang nadaganan nya! Ang sakit ng pwet ko! "Aray..." Sambit ko. Ang sakit e... T^T "Haha! Yan ang karma mo. Kulit mo kasi." Nasa ibabaw ko pa rin sya. Aba... Walang balak umalis. Yung posisyon namin ang awkward. Nasa ibabaw ko sya habang nakalagay sa dibdib ko yung kamay nya. Tapos yung braso ko nakayakap sa bewang nya. Pero yung paa nya malayo sa paa ko ah! Baka iniisip nyo na nakapatong talaga sya sakin! "I love you Azer..." She looked at me. Ngayon ko lang narinig yan sa kanya. Ang saya pala sa pakiramdam... "I love you too Azeya..." Sagot ko naman. Magki-kiss sana kami kaso... "AY! SORRY!" Binuksan ni Ann ang pinto na nakita namin pati ang iba pang mga assassin! Nakikinig sila?! Tumayo na kami pareho. Hindi ko inaasaang nakikinig pala ang mga yun kanina pa. Siguro iba ang iniisip nila. "Mag bihis ka na Azaleya. Nakakahiya sa boyfriend mo na naka-sando ka pa." Sabi ni miss Marjorie. Well, okay nga sakin na naka sando lang sya e. Ang sexy nya kaya. "Tara na muna Azer." Hinila nanaman ako ni Ann palabas. Lumingon lang ako kay Azeya at tumango naman sya. ****************** "Grabe akala ko talaga hindi mo na mapapatawa si Azeya e! As in grabe talaga! Super duper shock kami!" Si Ann yan habang panay ang nguya ng cookies. "Oo nga Azer! Bagay talaga kayo!" Kinikilig na sabi ni Alisa. Sya yung laging may dalang camera. "Ayiiee!! Si Azer kinikilig!" Sabi nung kambal na sina Reiha at Alicia. After thirty minutes, bumaba na si Azeya wearing a black leather jacket at may puting damit sa loob. Naka maong pants at black shoes. Ang astig ng suot nya... Para kaming pupunta sa shooting ng isang action movie. "Azeya! Ano ba naman yang suot mo?! Makikipag date ka na ganyan ang itsura?!" Sigaw ni Ann. "Ano namang mali sa suot ko? Damit pa rin naman to ah." Depensa ni Azeya. "Oo nga Azeya, damit nga yan. Pero hindi angkop yan para sa isang date." Sabi naman ni Alice. "Ate..." Biglang lumabas mula sa kung saan si Seph. May dala syang dress na kulay red. Simple lang yun pero ang ganda. "Ano naman yan? Hwag mong sabihing susuotin ko yan?" "Ganoon na nga." Lumapit sya at hinila si Azeya papasok sa isang kwarto. "Stay there Ace!" Pahabol nya. ***Azeya Montelvana*** Hindi ko maintindihan ang mga babaeng to kumbakit gusto nila akong pagsuotin ng damit na to. Eh damit din naman yung suot ko e. Tsaka napanood ko kaya sa t.v yung bidang babae nakasuot ng damit na pang action. "Ate..." Sabi nya. Ayan nanaman yang boses nya. Nakakunot ang noo nya at nakapamewang pa. "Ito na nga... Susuotin na." At iyon nga. Sinuot ko yung pulang dress na yun. Pati na rin yung sandals na ang taas ng takong. Last time na nagsuot ako nito ay noong una kaming magkita ni Azer. Sa party ng tita nya. After ten minutes tapos na ko. Halos hindi ko maigalaw yung paa ko. Paano ba naman kasi ang taas-taas ng takong ng sandals na to! Arrgghh! Bakit ba kasi nauso pa ang sandals?! "Aayusan kita ate." Pinaupo nya ko sa harap ng salamin. "Bakit pa? Okay naman ang itsura ko ah." Reklamo ko. Ayoko kasi ng mga make-up na yan. Ang kati sa mukha! "Aayusan lang kita. Ang reklamador mo talaga!" Tapos tumawa sya. Yung tawa nya walang saya. "Sephiel, sabihin mo nga, nalulungkot ka ba na ako ang naging girlfriend ni Azer?" Tumingin muna sya sakin mula sa salamin tapos sinuklay nya yung buhok ko. "Hindi naman ako nalulungkot dahil doon... Nababahala lang ako." "Bakit naman?" Kinuha ko yung face powder at naglagay ako ng kaunti sa mukha ko. "Kasi..." She sigh. "Sadista ka. Baka masaktan mo lagi si Ace..." Tapos sabay tawa. "Baliw. Bakit nga? Seryoso ako." Kumuha naman ako ng lipstick. Yung pink ang pinili ko. Hindi kasi ganoon ka-loud ang kulay. "Dahil lang to sa pagka-BH ko. Hwag mo kong alalahanin." "BH? Ano namang salita yan?" "Broken Hearted. Dapat siguro magpaturo ka kay Ace. Haha!" Itinali nya yung buhok ko. Hindi sya lahatan. Kalahati lang ng buhok ko. Tapos sa likod nya tinalian. "Okay na ba?" Tanong ko. "Oo naman. Kahit wala kang make-up maganda ka pa rin." Inalalayan nya kong tumayo at iniharap sa kanya. "Ate, first date nyo to pareho. Sana, maging memorable to..." "Oo naman... Hwag kang mag alala." Pinisil ko pa yung ilong nya. "Sige na. Tiyak ako na naiinip na yun." Magkahawak kamay kaming lumabas ng kwarto. Nakita ko namang nakangiti sa direksyon namin si Azer. Tumayo sya mula sa pagkaka-upo. "Ingatan mo sya Ace. Ibalik mo ng walang kulang at lalong walang labis." Bilin nya kay Azer. "Aye, ma'am!" Sumaludo pa si mokong sa kapatid ko. "Mauna na kami. Salamat Seph." Nakangiti lang ako habang nakahawak sa kamay nya. Pinagbukas nya pa ko ng kotse. Actually that's my car. Pero hayaan na. At least may kotse. "Bye lovers!! Enjoy your date!" Kumaway pa si Ann habang papalabas ng gate ang kotse. "Okay lang kahit may labis na kay Azeya! Basta sumaya kayo! Mwahahaha!" Pahabol nya. "Si Ann talaga..." Kahit kailan ang flirt ng babaeng yun. Kaya iwanan ng boyfriend e. "Saan mo gustong pumunta?" Tanong nya sakin. "Kahit saan. Hindi ko naman alam ang mga lugar dito." Sagot ko. Hindi kasi ako gala gaya ng iba. Puro misyon lang ang ginagawa ko. "Pero bago ang lahat..." May kinapa sya sa likod ng inuupuan nya. May plastik. "Ito o." Nakita ko yung flat shoes na nasa loob. Kulay black. Tingin ko bagay naman sa damit ko. Napangiti naman ako. "Suotin mo na. Alam ko namang hindi ka sanay na magsuot ng sandals. Noong una tayong magkita hinubad mo yung sandals mo e." Nakatingin lang sya sa kalsada. "Salamat..." Sinuot ko naman yun. "Saan mo to kinuha?" "Ah, binili ko yan kahapon... Alam ko naman kasi na hindi ka talaga magsusuot ng disenteng damit e..." Sabi nya. Aba't! Inaasar nya ba ko? Binatukan ko sya. "Ang sama mo naman! Judgemental!" Nag cross arms pa ko. Nakakainsulto ah. "S-sorry... Nagsasabi lang naman ako ng totoo e... Gaya kanina..." Oo nga pala. Nakakahiya nga naman yung suot ko kanina. "Hayaan mo na nga." "Ah! Nga pala... Makikipagkita tayo sa kaibigan kong si John." "Kaibigan? Akala ko si Seph lang ang kaibigan mo?" "Hindi ko naman ganoon ka-close si John. Parang sina Jess lang. Pero sa lahat ng kaibigan ko na medyo ka-close ko, sya ang masasabi kong tunay." "Ah.. Ganun ba? Ang dami mong alam." Tapos tumawa kami pareho. Ako na yung nagkusang hawakan ang kamay nya. Tutal mabait ako ngayon. "Ang sweet mo naman My labs.." Ano raw?! "My labs? Ang corny mo naman. Wala bang iba?" "Uhh..." Nag isip naman sya. Ang cute nyang titigan kapag nag seseryoso sya. Nagmumukha kasi syang tunay na lalaki. "Ano na? Nasa earth ka pa ba?" "Uhhmm.. Teka... Ah! Aze-bi!" "Aze... Ano?" "Aze-bi. Azeya plus baby equals Azebi. Hehe.." "Ang pangit." "Ha?! Ayaw mo ba nun? Osige, ibahin natin... Uhmm.. Mahal?" "Wala bang mura?" "Babe?" "Hindi ako baboy." "Uhh... Sweetheart?" "Bitter ako." "My lady?" "Mukha ba kong lalaki?" "Wala na kong maisip e... Lahat naman ata ng sasabihin ko ire-reject mo. Ikaw kaya ang mag isip?" At dahil wala akong time mag isip. At naiinis ako sa mga ka-kornihan ng mga tao, hindi ako nag suggest. "Zarften. Yan na lang." "Grabe ka naman... Apilido ko---Wait..." Bigla nanaman syang nag isip. Hay nakooo... "Alam ko na! Mr. And Mrs Zarften na lang!" Tiningnan ko sya. "Hindi pa tayo kasal. Hwag kang atat." "Eh, para naman handa ka na di ba? Isa pa, doon din naman tayo pupunta. Magsasama naman tayo ng pang habang buhay di ba?" I froze. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit nag aalala si Seph sa relasyon namin. Nakalimutan ko na ang isang bagay na sinadya ko talagang kalimutan at iwasan... Ang tungkol kay Azer... "O, bakit natahimik ka? Uyy... Gusto nya..." Tumawa pa sya. Hindi ko kasi alam yung isasagot ko patungkol sa bagay na pang habang buhay... Walang katiyakan ang relasyon namin... Baka isang araw, magising na lang ako na kalaban ko na sya... "Azeya?" Sumeryoso na ang tinig nya. Alam kong nabahala na sya sa pagtahimik ko kaya naman, hinalikan ko na lang sya lips. "Wala to. Bilisan mo na lang dyan..." Sabi ko. Na nakangiti. Namula kasi sya. "...Mister ko." At lalo syang namula. ***************** ***John Sander*** Mga one hour bago kami magkita ni Azer at ng girlfriend nya ay tinawagan ko si Sephiel. Pinaalam ko lang sa kanya na inuurong ko na yung pag sasabi kay Azer tungkol sa sitwasyon nya. Hindi pa ito ang panahon para malaman nya ang totoo. At ayokong ako ang mismong magsabi sa kanya. Dahil sarili nya mismo ang dapat na makaalam. "John!" Tinawag nya ko nang malapit na sila sa kinauupuan ko. May kasama nga syang babae. Kamukha ni Sephiel. "Azer! Kumusta na? Namiss mo ba ko?" Nakipag kamay pa ko sa kanya. Kunwari wala akong alam. "Hindi noh? Bakit naman kita mamimiss?" Biro nya. "Sya nga pala... John, this is my girlfriend, Azeya Montelvana." Halos magyelo ang buong katawan ko nang marinig ko ang pangalang Azeya. Pero hindi ko ipinahalatang nagulat ako. "Uh.. Hi! Nice to meet you miss Azeya..." Nakipag shake hands pa ko sa kanya. Ngumiti lang sya sakin. "Ano nga bang dahilan bakit nakikipag kita ka sakin?" Umupo na kami pare-pareho. "At saka balita ko lumipat ka na ng school? Bakit?" "Ang dami mo namang tanong..." Sabi ko sabay tawag sa waiter. Alam na nya kung ano ang ibig sabihin nun. "Eh bakit nga kasi? Dati naman hindi ka nagta-transfer. Tapos ngayon nag transfer ka? May pinagtataguan ka ano?" Oo. Tama ka Azer. Pinagtataguan nga kita. Kasi ayokong malaman mo ang totoo. "W-wala ha! Alam ko yang ibig mong sabihin." Inipapag ng waiter ang kape na kanina ko pa inorder. Tumingin naman yung Azeya kay Azer. Mga tinginan nila wagas... "Ano... John, hindi kasi umiinom ng black coffee si Azeya." Sabi ni Azer. "Ah, ganun ba? Sige papa-palitan ko na lang." Tatawagin ko na sana yung waiter kaso pinigilan ako nung Azeya. "Hwag na Mr. John. Okay lang. Salamat sa kape." At ininom nya. "Anyway, John, bakit nga ba tayo mag uusap? Ano yung importante mong sasabihin sakin?" "Yun ba?" Umayos ako ng ulo habang sya ay umiinom na rin ng kape. "Azer, dederetsahin na kita... Ano kasi... May gusto ako kay Sephiel..." "PFFFFTTT!!!!" Halos mabugahan nya ko ng kape sa mukha sa sobrang gulat nya. "ANO KAMO?!" "Kaya kita gustong kausapin ay dahil gusto kong tulungan mo ko kay Sephiel... Bestfriend mo naman sya di ba?" Well, totoo namang may crush ako kay Sephiel. At iyon na lang ang naisip kong idahilan para hindi sya makahalata. "Mahilig sya sa chocolates." Sabat nung Azeya. "Ayaw nya ng red rose, white rose lang ang gusto nya. Mahilig sya sa romantic at comedy movies. Ayaw nya ng drama. Gusto nya ang color blue. At hwag mo syang bibigyan ng purple dahil naalibadbaran sya sa kulay na yun." Pareho kaming nganga ni Azer. Ang dami nyang alam kay Sephiel ah. "Teka... Kapatid mo ba sya?" "Oo." Simple nyang sagot. "Ahh!" May bumunggong babae sa likuran nya at natabig nya yung kape nya. Natapunan si Azer sa kamay ng kape. "S-sorry! Sorry po!" Sabi nung babaing may suot na malaking sumbrero at pinunasan ang kamay ni Azer. "Okay lang..." Tumingin sya kay Azeya. "Punta lang akong banyo..." Tumayo na sya at umalis. Pati yung babae kanina umalis na. So kami na lang ang naiwan. Hindi ako nagsasalita. Nakaka-takot kasi e.. Si Aries ang kaharap ko di ba? "Alam mo na ang totoo tama?" Bigla syang nag salita. At nagulat ako doon. At sumeryoso na rin ako. "Oo. Kaya sana naman, lumayo ka na kay Azer. Para rin to sa ikakabuti nya." "Matagal ko ng pinlanong patayin sya. Pero hindi ko ginawa.. Dahil mahal ko ang kaibigan mo. Hindi pa ba sapat iyon para pagkatiwalaan mo ako?" "Ikaw parin si Aries. Ikaw parin ang dahilan ng pagkawala ng alaala nya. At kapag nanumbalik ang alaala nya, anong gagawin mo? Mamahalin mo parin ba sya kahit alam mong papatay sya?" Hindi sya agad nakasagot. Hindi kami nag imikan. Mukhang ipagpapatuloy pa rin nya ang pagmamahal kay Azer. At mukhang hindi ko gusto ang kalalabasan nito. "Ang tahimik nyo ah." Bumalik na si Azer sa kinauupuan namin. "Ano na? Payag ka ba Azeya sa balak nitong si John?" "Desisyon nya yan.. Wala na kong magagawa." Para kay Azer, normal lang yun. Pero para sakin, iyon na ang sagot nya. "Salamat miss Azeya." "Ang bait naman ng misis ko." Hinalikan pa nya sa noo si Azeya. Hindi ko alam pero... I felt guilty. Kitang kita ko na mahal sya ni Azer. At ako ay against doon. "S-sya nga pala.. May date kayo di ba? Sige na, may gagawin din kasi ako." Sabi ko na lang. "John, good luck sa panliligaw mo kay Seph. And sana, hindi mo sya paiiyakin, ok?" Nakipag shake hands pa si Azer. "Sure. No problem." I smiled. "Sige. Una na kami." Inakbayan nya si Azeya at naglakad sila palabas. Habang pinagmamasdan ko si Azer parang lumaki ang ipinagbago nya. Naging mas masayahin na sya. Mas matapang. At higit sa lahat, natuto na syang magmahal. Hindi ko parin maintindihan ang mga nangyayari. Isa lang ang sigurado ako, darating ang araw na maaalala nya ang lahat at iiwan nya kami. Sa pagkakataong yun, handa ka ba Azeya Montelvana?
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
A very beautiful novel.
6d
0so beautiful
16/11
0a your lase name gues
01/02/2025
0Tingnan Lahat