logo text

Chapter 14

Azer Zarften
Gabi na wala pa rin si Azeya. Nag aalala ako sa kanya... Baka kung napaano na sya... Baka naka-patay na sya sa daan... Saan ba kasi nagpunta yun?
Naghintay pa ko...
7:00 pa lang naman. Kaya pa. Baka na-traffic....
7:30 baka naman dumeretso ng grocery at bibili ng pagkain. Tama....
8:00 baka naman nag hanap pa ng maiinom...
8:30 baka may nakitang kakilala at nakipag chikahan pa....
9:00 nakalimutan ata ang hotel na tinutuluyan namin. Magtatanong tanong pa yun....
Hanggang sumapit ang ang alas dose ng gabi. Maga na ang mata ko kakahintay. Walang anino ni Azeya ang nakita ko. Hindi ako natulog ng mag damag. Alam ko namang dadating yun. Uuwi sya.... Tiwala lang...
***Kinabukasan***
Naka-tulog pala ako sa sahig at naka-sandal sa pinto. Kakahintay ko kay Azeya nakatulog na ko. Hindi parin kaya sya nakaka-uwi? Nasaan na kaya sya? Kumain na kaya sya?
"Sir?" May kumatok sa pinto. Mukhang housekeeping to. Binuksan ko naman. Payat na lalaki lang sya na maliit. May dala syang towel na nakasampay sa isang braso nya.
"Ano yun?" Tanong ko.
"May gusto hong makipag usap sa inyo. Nasa baba po sila. James Montelvana raw ho ang pangalan." Matapos noon ay nagpaalam na si houskeeping boy.
Bago ako bumaba, nagmadali akong maligo at nag ayos ng mga gamit. Hindi na ko magtatagal pa dito. Baka kasama ni Azeya si Mr. Montelvana. Kaya nag ayos talaga ko. Bumaba na ko at huminga ako ng malalim.
Nakita ko si Mr. Montelvana na kaharap ang isang babae. Kasing taas ni Azeya. Hindi ko alam kumbakit parang kinabahan ako bigla. Habang papalapit ako.... Pakiramdam ko... May iba.... May nag iba....
Hindi sya si Azeya... Hindi ako maaaring magkamali. Kilala ko ang upo nya... Kilala ko sya-----
"Hi Ace...." She smiled at me. I froze. As she walked towards me, my breath suddenly stopped. I felt my world stopped... Then she hugged me...
I feel nothing.... Hindi ko alam kung bakit.... Hindi ko maramdaman yung dating nararamdaman ko para kay Sephiel. Just when I saw Azeya's face. Hindi sya nakatingin sakin. Umiinom lang sya ng kape. Bakit parang nasasaktan ako?
"Ace... I miss you! Akala ko hindi mo na ko babalikan e! Magtatampo talaga ko. Kaso... Azeya told me na ikaw ang nagligtas sakin. Kaya naging happy na rin ako." Masaya nyang sabi. She looked at me. I smiled at her. Hindi ko alam kung tama bang mag fake smile ako? Sa harap ng best friend ko...
"S-Seph... B-buhay ka..." Pinilit kong ngumiti. Pinilit kong ipakitang masaya ako. Pero... Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ako nagpapaka-totoo. Na si Azeya talaga ang gusto kong makita at hindi sya...
"Nagulat ka noh?" Tumawa sya at hinawakan ang kamay ko. Lumapit kami sa table. Nakangiti si Mr. Montelvana sakin.
"Thank you Azer. Utang na loob ko ito sa'yo.." Kinamayan nya pa ko.
"W-wala po yun..." Nasabi ko na lang. Ayoko na sanang tumingin kay Azeya, kaso napatingin pa rin ako. Busy naman sya sa pagbabasa ng isang libro.
"Ace, babalik na ulit tayo sa school." Ngumiti pa si Seph. Malapit lang ang mukha nya sakin. Teka... May nag bago sa kanya ah.
"Nagpa-gupit ka ba? Umikli yung buhok mo at nagkulay brown..." Puna ko sa kanya.
"Hindi. Ganyan talaga yung epekto ng mga tinurok sakin." She smiled.
Tumingin ako kay Mr. Montelvana. Umiling iling sya. Ibig sabihin walang alam si Seph sa mga nangyari.
"Babalik tayo?" Saka lang nag sink in sa utak ko na... COLLEGE NGA PALA KO!
Sa loob ng doseng araw na nakasama ko si Azeya, nalimutan ko ng nag aaral nga pala ako at bakasyon lang. Hindi ko namalayan ang mga nag daang araw dahil sa dami ng mga nangyari.
"Ace, I'm sure your mom will be surprised by your looks. Gumwapo ka!" As she laugh, the kept pushing me inside.
*****************
At gaya nga ng sinabi ni Seph, halos hindi magkanda-ugaga si mommy at mga kapatid ko sa pagtatanong sakin. Wala kasi silang alam sa nangyari. Kaunti lang ang sinabi ko sa kanila para hindi na sila mag alala.
"Kuya, nag iba ka... Medyo lumaki ang katawan mo. At medyo... Uhhhhmmm.. Brown ka na?" Sabi ni Eisle habang tinititigan ako. Nandito kami ngayon sa kwarto. Ang kwarto kong na-miss ko.
"Kuya! Akin na lang to ha!" Sabi ni Mimi habang hawak yung stuff toy na aso. Oo nga pala! Nakita ko yun sa may kama sa hotel pag uwi ko. Akala ko kay Azeya e. Baka nga sa kanya at naiwan nya lang.
"Hindi sakin yan, Mimi. Ibibili na lang kita, Ok?"
"Pero....! Ang cute nya... Ang bait... Hindi sya nangangagat! Akin na lang to... Please .." Nag puppy-eyes pa sya. Ang cute talaga ng kapatid kong to.
"Itatanong ko muna sa tunay na may ari kung pwede kong bilhin ha?" I patted her head.
"Yeeeyyy!! Thank you kuya!" Nagtatalon naman sya at tumakbo palabas ng kwarto.
"Magpahinga ka na muna kuya. Alam naming pagod ka." Sabi ni Eisle at lumabas na sa kwarto ko.
Now, I'm alone... I'm free now...
Pero bakit ganoon? Bakit hindi ako masaya nang makita ko si Sephiel? Bakit may iba akong nararamdaman? Para bang... Hindi sya yung Sephiel na kilala ko...
At bakit ganoon na lang tumingin sakin si Azeya? Parang wala kaming pinagsamahan. Parang invisible lang ako sa kanya. Ano bang nagyayari sa kanya? Ano bang meron sa kanya? May nagawa ba ko?
"Hoy." Isang boses ang nagpamulat ng mga mata ko. Pag mulat ko.....
"Waa---hmmmmmmmm"
"Shhhh! Sisigaw ka pa. O.a mo ah." Tinakpan ni Zack yung bibig ko. Oo sya nga! Si Blue eyes! Bakit nandito to?
"Bakit kasi ang lapit ng mukha mo sa mukha ko? Sino bang hindi magugulat?"
"Sorry na." Tapos kinuha nya yung stuff toy. "Buti nadala mo to. Iniwanan kasi to nung babaing mahangin e."
"So sayo pala yan?" Umupo ako sa may kama ko.
"Oo. Pero ibinibigay ko na to sayo. Ingatan mo yan. Mahalaga yan." Inabot naman nya sakin.
"Astig ng coat mo ah." Napansin ko kasing may suot syang coat. Mukha syang rock star. Tapos may mask pa syang dala. Parang pantabing ng mukha. Yung parang kay Kakashi sa Naruto.
"Ito ba? Props lang to." Sabi nya. "O sya, una na ko. May pupuntahan pa ko e." Agad syang tumalon pababa sa bintana. BINTANA!?
"Huwaa! Hoy!" Nagulat ako kasi hindi man lang sya nasugatan! Ang astig!!
"Ingat kayo! Babalik na lang ako!" Sumakay na sya sa motor. Aba! Umaasenso... May motor na sya.
Hay.. Bahala na nga... Kung ano mang mayroon sa stuff toy na to ... Sana maganda naman. Tumungo ako sa banyo. Magba-babad ako doon. May bathtub sa banyo ko kaya doon muna ako.
Nang maka-upo ako sa bathtub, ipinikit ko saglit ang mga mata ko. Parang pagod na pagod ang isip ko this past few days. Laluna nang magsanib na kami ni Leo. And speaking of Leo, hindi ko na sya narinig sa utak ko. Hindi ko na rin sya nakikita. Bakit kaya?
************
*****Azeya Montelvana*****
Nandito lang ako sa garden. Nagpa-praktis ako gamit ang kapangyarihan ko. Habang hinahataw ko ang isang sakong buhangin, naalala ko bigla si Azer. Para kasi syang isang sakong buhangin na hinahamapas ko, walang ka-buhay buhay kalaban.
Si Azer.... Bakit ko ba inaalala yun? Hindi ko na dapat sya iniintindi. Tapos na ang misyon nya. Kaunting dugo ko ang ginamit ko para magising si Sephiel. Sapat na yun para magising sya. Hindi ko na kailangan si Azer.
Pero hindi ko makalimutan yung gabing nakita ko sya sa may pinto. Hinintay nya ko. Hindi lang ako nagpakita pero nandoon ako. Umuwi pa rin ako kahit sinabi ko sa sarili ko na hindi ko na dapat sya makita.
I was there. Nakatingin lang ako from a distance. Ayokong masaktan ulit. Alam ko namang kahit kailan... Hinding-hindi nya ko magugustuhan. Dahil si Sephiel ang nakikita nya at hindi si Azeya.
Yung gamit kong kawayan ay ini-strike ko sa may sako at nabutas yun.
"Ang lalim ng iniisip mo." Narinig kong sabi nya. Yung tunay na Azeya.
"Wala ka na dito." Hindi ako tumitingin sa kanya. Inayos ko na ang mga gamit ko. Kumuha lang ako ng towel at ipinunas sa pawis ko.
"Hindi mo maitatagong bothered ka. Dahil kay Azer di ba?" I looked at her. Naka-cross arms sya. Ano namang eksena nya?
"Pwede ba... Hwag mo ngang mabanggit ang pangalan ng lampang yun." Umupo ako sa may malapit na upuan at isinuot ang sapatos ko. Umupo sya sa tabi ko.
"Ate... Hwag mo namang isara ang puso mo. Remember the saying? Ang mga tao ay tinuruang makaramdam at magmahal. Don't close your doors."
I looked at her. "Ang nga assassin na katulad ko, hindi nabuhay para magmahal. Nabuhay kami para pumatay."
"But you're not an assassin! Hindi ka robot. Tao ka ate." Hinawakan nya ang pisngi ko at iniharap sa kanya. "Ikaw ang nababagay kay Ace. Alam ko dahil naging close kami. Iba ang mga tingin nya sayo kaysa sakin. Ikaw ang nakikita nya sakin ate. Trust me."
Nagulat ako sa sinabi nya. At nagulat din ako sa reaksyon nya. Umiiyak sya. "Sephiel..."
"Kailangang pumasok ka rin sa school ha? Gusto kong makapag usap kayo ni Ace Ok?" She stood up and walk inside the house. Does those tears are her feelings for Azer? Ibig sabihin... May pakiramdam na sya gaya ng sa mga tao?
*****************
***Azer Zarften***
"Alam mo bang alalang-alala kami sayo? Akala ko hindi ka na namin makikita pa." Sabi yan ni mommy habang kumakain kami ng hapunan. Kumpleto kami ngayon.
"Kuya ang ganda nung Azeya di ba? Sya na ba yung bago mong crush?" Halos mabilaukan ako sa sinabi ni Eisle. Ang dami na nyang nalalaman ah.
"Eisle, hwag sumabat sa usapan ng matatanda." Saway ni papa. Tapos tumingin sakin. Ngumiti sya. Teka... May meaning ba yun?
"Pero masaya ako't nandito ka na." Tumayo si mommy. Niyakap nya ko mula sa likuran. "Na-miss ka namin anak..."
Lahat sila ngumiti sakin. And I smiled back. Dapat masaya ko dahil kumpleto pa rin kami. Pero... My heart says there is something to make me full. At alam ko kung sino ang kulang...
***********
Naka-tambay lang ako sa may terrace namin. Tumutingin sa stars. Ang dami nila. Kung kaya ko lang abutin ang mga yan binigay ko na sa kanya. Kaso ang layo nila para abutin. Just like her...
"Ramdam kita, anak." Biglang tumabi sakin si papa. Napatingin ako sa kanya. He's smiling. "Ganyan din ako noon sa mommy mo. Noong nagkahiwalay kami. Parang kulang ako. At noong magkita kaming muli, doon ko napagtantong mahal ko na pala sya..."
Nagulat ako kay papa. Paano nya nalaman ang iniisip ko? I never tell anyone how I feel. Maging sa mga magulang ko. So how did he knew that?
"Papa?..." Kumunot pa ang noo ko.
Tumawa sya. "Alam mo, Azer, kahit hindi mo sabihin sakin alam ko. Papa mo ako. Madali kitang mababasa." Tumingin sya sakin. "Anak, kung mahal mo talaga sya, tell her. Hwag mong aksayahin ang oras. Minsan lang dumating yan sa buhay natin."
I smiled. Now I know kung bakit ako naging mabait. My father is a total gentleman. Alam kong isang araw magiging katulad nya rin ako. Pero... Hindi ko alam kung darating pa ba yun. I'm a monster. She don't see me as anything... But a monster...
********
I walked alone outside. Magpapahangin lang ako. Wala naman kasi akong magawa. Maaga pa naman. Pero dinala ko ng mga paa ko sa isang lugar na hindi ko na dapat pinuntahan. Bakit pa ba ko pumunta dito? Ano pa bang gagawin ko dito? Tapos na ang lahat. Wala na syang pakialam sakin.
Hanggang maramdaman kong may hahataw sakin. Agad kong iniilag ang ulo ko at hinawakan ang kawayan na ipanghahataw nya. Pareho pa kaming nagulat. Ni walang nagsasalita.
"Azeya---"
"Hindi ka na dapat nagpunta dito." Tumalikod na sya. But I grabbed her hand. "Let me go."
"I...I just want to talk to you... Let's talk..."
"No." Hindi pa rin sya lumilingon. Bakit ba ang cold nya pa rin?
"Azeya please... Just a minute..."
"Ayoko sabi e!"
"Saglit lang naman---"
Sinampal nya ko. "Let me go Azer!"
I looked at her seriously. "I won't let you go."
"Bakit ba ang kulit mo ha?! Tapos na ang misyon mo! Kaya umalis ka na! Hindi na kita kailangan!"
May pakiramdam akong may gusto rin syang sabihin... Nakikita ko sa mga mata nya.
"Kahit man lang sa isang saglit makita kita... Gusto kong marinig ang boses mo... Gusto kong makasama ka ulit..." Nakita kong nagulat sya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang pisngi nya. "Azeya... I love you..."

Komento sa Aklat (53)

  • avatar
    Angel Mayao

    A very beautiful novel.

    5d

      0
  • avatar
    AngeloLuis Culla

    so beautiful

    16/11

      0
  • avatar
    AntonA

    a your lase name gues

    01/02/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata