logo text

Chapter 10

"TAMA NA! Aaarrrgghhh!" Hiyaw ng mga halimaw na ngayon ay nagbalik na bilang mga tao. Talagang naaasaktan sila. Pero ako, hindi. Naririnig ko ang kanta nila pero hindi ako nasasaktan.
"May isa pa pala," sabi ng babae na nakasakay sa loob ng sasakyan na parang pang-world war talaga. Tumingin silang lahat sa 'kin. Ang sasama ng tingin nila! Lagot na!
"Azer?" gulat na sabi ni Ann. Buti naman at nakilala niya pa 'ko! "Oh my gosh! Ang gwapo mo ngayon!" tili niyang sabi.
"Hindi pa siya tuluyang napapasailalim ng spell. Kaya pa 'yan," sabi ng naka-maid costume na ang name ay Alice.
"Sinasabi ko na mga ba't may itinatago ka, Azaleya." Ngumisi naman yung isang babae na may hawak na libro. "Papatayin mo rin naman 'yan, e."
"Hindi siya katulad ng mga 'yan," malamig na sabi ni Azeya. Itinago na niya ang sword niya.
Lumapit ako sa tatlong zodiac monsters at parang natakot sila sa 'kin. "Hindi ko kayo sasaktan. Kailangan ko lang ang mga dugo niyo."
"Shit! Magpapalakas siya!" May sumigaw.
"Oo nga! Patayin na 'yan!" May isa pa.
"Teka muna! Huwag muna. Magpi-picture lang ako! Pang-cover photo ko!" May isa na naman. Tsk. Selfie lord lang?
"Oo nga, ano? Ang macho nga! Kyaaaa! May abs!" saad naman ng isa pa.
"Gaga! Buto lang 'yan!" panlalait naman ng isa.
"Hoy! Huwag na nating patayin... Kawawa na nga ang Pinas, e! Nauubusan na ng gwapo!" hirit naman ng isa.
"Leche! Mga shunga talaga kayo. Halimaw pa rin 'yan!" hirit naman ng isa pa.
"E 'di patayin!" sabay-sabay na sabi nilang lahat.
Tumayo na ko't hinarap ko sila. Kaso pagharap ko, may nag-flash na camera. Aba't! Ano, ako artista? Lee Min Ho lang ang dating?
"Alisa!" sigaw ni Azeya. Biglang tumawa yung babae na may hawak na karit at tinignan ang camera niya.
"Hindi ko alam kung ano man kayo o sino man kayo... Pero hindi ako masamang tao. Gusto ko lang kunin ang mga dugo nila para mailigtas ang best friend ko na ngayon ay nanganganib. Please lang. Hayaan niyo sana akong mailigtas ang best friend ko! Parang awa niyo na!" Lumuhod ako sa harap nilang lahat. Kailangan ko 'tong gawin. Para kay Seph!
"Awww..." bulalas nilang lahat. Tsk, parang mga baka.
"Papatayin ba natin ang isang 'yan? Kawawa naman, o. Mukhang inlababo sa bespren," giit ng isa. Teka! Ako? In love kay Seph?
"Oo nga, e. Relate much ako sa kaniya," sabi pa ng isa. Biruin mo yun, may nakaka-relate sa mga assassin na 'to?
"Pagbibigyan ka namin." Napatingin ako sa nagsalita. Si Marjorie pala. "Sa isang kondisyon." Sabay ngisi. Mukhang napasubo ako, ah?
***
Matapos kong makuha ang dugo ng tatlo, nanumbalik na sila sa pagiging tao gaya ni Scorpio. Ang venom kasi nila ang kumokontrol sa kanila kaya sila nagiging halimaw. At ako naman, nanumbalik na ang dati kong anyo. Kaso... ako ang taga-luto ng mga assassin na 'to!
"Pasensya ka na, Azer, ha? Mga loka-loka 'yang mga 'yan. Ikaw kasi ang nag-iisang lalaki dito, e. Ikaw tuloy ang napagdiskitahan," bulong sa 'kin ni Ann habang naghuhugas ako ng plato.
"O-okay lang..." saad ko sabay ngiti nang marahan. Pero deep inside, gusto ko nang sumigaw sa pang-aaliping ginagawa nila sa 'kin. Fishtea kayong kayong babae!
"Ann, halika na rito bilis!" May tumawag na sa kaniya.
"Sige, ha? Una na 'ko." Tinapik lang niya ang balikat ko't pumunta na sa sala.
Ang bahay na tinutuluyan namin ngayon ay bahay ni Marjorie. Oo, bumalik ulit kami ro'n kasama ang mga assassin friends nila. Hindi lang ako sigurado kung close ba ang mga 'to sa isa't isa.
Ang dami nila. Sa dami nila, hindi ko alam kung makikilala ko sila isa-isa. Kasi naman, si Azeya lang ang kilala ko pati si Ann. Pero mayroon lang nabuong pattern sa ulo ko. Kung ang mga assassin ay puro babae... meaning, mga lalaki ang mga halimaw? Ganoon kasi ang mga nakikita ko, e. Nalakatawa man, pero totoo.
Sumilip lang ako sa kanila kung ano ang ginagawa nila. Naglalaro sila ng baraha. At narinig ko ang pinag-uusapan nila.
"Ang mananalo rito, siya ang papatay kay Leo," sabi ng mukhang bata. "Game?"
"GAME!" At nagsimula na sila. At sandali—ako pala ang pinagpupustahan! Naku po!
Umalis na 'ko sa kinatatayuan ko at pumunta ako sa labas. Ayoko nang alamin kung sino ang mananalo. Baka katakutan ko lang siya. Tumakbo ako palabas ng bahay. Sa may garden ang pinatunguhan ko. Ang ganda ng garden nila. Malawak.
Nakita ko si Azeya na nagpa-praktis gamit ang sword niya. Sa pag-ikot niya, natamaan niya ang ilang red roses at parang slow motion na nagliparan sa hangin ang mga petals nito. Tumalon siya nang mataas at lumutang siya sa hangin. Para siyang may kalaban na invisible. At masasabi kong talagang magaling siya.
Natulala ako sa kaniya bigla. Sa likod ng matapang niyang personalidad ay nakatago ang malalim niyang katangian. Hindi siya ordinaryo. Para sa isang assassin, ang pagmamahal ay balewala. Pero iba siya, dahil mahal niya si Sephiel.
Kahit pa minsan, may pagka-mainitin ang ulo niya at cold siya. Matigas din ang ulo niya. At kahit sobra niya 'kong pahirapan, hindi ko kayang magalit sa kaniya. Ganoon siya kahalaga sa 'kin. Mahal ko na nga 'ata siya.
Teka! Tama ba ang naisip ko? Mahal ko siya?! Pero... kailangan ko munang pag-isipan ito. Hindi ganoon kadali ang lahat. Lalo na ngayon at halimaw na ako.
"Hi, Azer!" May bigla na lang sumampa sa likuran ko at halos mabuwal ako dahil wala akong balanse.
"Ano ka ba, Reiha! Nagulat tuloy si Azer." May babaeng nakasuot ng eyeglasses. Yung babaeng nakasakay sa tangke!
"Sorry, Azer! Muuuaaah!" Hinalikan ako ng mukhang bata na babae sa pisngi. A-ano 'to? Rape! Nire-rape ako!
"Alicia! Reiha!" Tinawag sila ng matangkad na babae na may suot na suit na pambabae. Ang sexy niya. Kaso mukhang masungit, e.
"Hi, Eunice!" halos sabay na bati nung dalawa at pumunta sa kinaroroonan ni Eunice daw.
"Hi, Azer Zarften. Nice meeting you." Nakipag-handshake siya sa 'kin saka ngumiti. Mukha naman pala siyang mabait.
"A-Azer na lang," nahihiya ko pang sambit. Syempre, may kaunti pa naman.
"Pwede ka ba naming makausap? May mga katanungan lang kami sa 'yo," sabi ni Alicia.
Nilingon ko si Azeya. Nakita ko namang tumango siya. Ibig sabihin, pwede. Kaya tumango na lang ako saka sumunod na sa kanila.
"ANO ba yung pag-uusapan natin?" Medyo kinakabahan pa 'ko sa magiging tanong nila.
Lumagok muna ng wine si Miss Eunice. Oo, Miss talaga. Isa siya sa nakatatanda sa mga assassins. "Well, tungkol ito kay Sephiel," mahinahon niyang sabi.
"To start this, paano mo naging kaibigan si Sephiel Montelvana?" panimulang tanong niya.
Ngumiti ako na para bang ini-imagine ko si Seph. "Sephiel is a childish person. Makikita mo siya na seryoso once na pinagtatanggol niya 'ko. At siya yung tipo ng tao na gagawin ang lahat para lang tumulong," panimula ko. Nakita ko siyang nangunot ang noo. "Ang sagot ko sa tanong mo ay hindi ko alam. Dahil lahat na siguro ng maaaring sagot ay nasa kaniya na."
Then suddenly, nagsilapitan na ang mga assassin sa 'kin. Hindi ko mawari ang lungkot sa kanilang mga mata. Para bang may namatay na ewan. I looked at the left side. At the corner of the room, there's a girl whose literally looking so painful. Si Azeya.
"Paano kung isang araw, malaman mo na lahat ng nasa paligid mo ay pawang kasinungalingan lang? Anong gagawin mo?" Si Reiha ang nagtanong. Medyo malalim ang tanong niya. Hindi ako kaagad na nakasagot. Hindi ko naman kasi sila ma-gets. Ang lalim kasi nila. Tumingin ako sa direksyon ni Azeya. Nakatalikod na siya ngayon.
"Azer..." Bigla akong tinignan ni Ann nang may pag-aalala sa mukha. "Sana kung sakaling dumating ang araw na makilala mo si Leo, h'wag mo kaming kalilimutan..."
"Ha?" Naguluhan ako sa mga sinabi niya.
"Ito na lang ang itatak mo sa utak mo,"saad naman ni Miss Marjorie. "Sino ang lalaking nakalimot sa tunay niyang kaibigan? At sino siya na hanggang ngayon ay hindi namin mapatay?"
Ano bang ibig niyang sabihin? Sino naman kaya yun?

Komento sa Aklat (52)

  • avatar
    AngeloLuis Culla

    so beautiful

    16/11

      0
  • avatar
    AntonA

    a your lase name gues

    01/02/2025

      0
  • avatar
    VergaraChristoff

    thanks

    14/11/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata