Chapter 8

Pagkasabi pa lang ni Ma'am na tapos na ang klase para sa araw na ito ay halos ihampas ko na lahat ng gamit ko sa bag para lang maipasok agad ito.
Lintik. Kinakabahan ako dahil baka bigla kong makaharap si Gage at ipaalala na naman ang puchang meetup na 'yon.
"Madaling-madali?" Natatawang tanong ng class president namin na si Leah habang mabagal at malinis na inaayos ang nga bintana para isara.
Nginitian ko na lang siya ng matamis at hindi na sinagot pa dahil nagmamadali ako.
"Pagawa naman ako ng project, Aude! May naipasa ka naman noong una, ah!"
Sinamaan ko ng tingin ang isa kong kaklase na mukhang pulubing gangster dahil sa sinabi niya.
Akala naman niya maganda ang nagawa kong planet system noong una, eh, ang sabi ni Fern at Mama, mukhang pang-kinder na drawing 'yon!
"Ulowl, pakyu!" Singhal ko sa kaniya at saka siya inirapan.
Tumawa siya ng malakas at nakipag-apiran sa kaibigan niyang semi-kalbo. Magsama silang mga panget.
"May gwapo sa labas!" Rinig kong tili ng isa kong kaklase na nakapwesto sa bintana, nakasilip pa habang nakangiti ng malaki.
Sinusumpa ko na siya sa isipan dahil kahit noong nagsimula pa lang ang klase namin ngayong school year ay naririndi na ako sa boses niya.
Buti at napagtiisan ko.
"Kilala mo?" Tanong naman ng tsimosa kong kaklase.
"Mukhang senior!"
Napaismid ako at sinabit na sa balikat ang magkabilang strap ng bag ko. Kahit trip ko ngayong tumingin ng gwapo, wala akong oras dahil baka mahuli ako ni Gage gago.
Wow.
Habang papalapit sa pinto ay hindi matigil ang mga tili nila na parang kinikiliti.
Ipis na 'yan mga teh.
Pagkatapak ko pa lang sa labas ng pinto ay nakaharap ko kaagad ang senior na sinasabi nila.
Napaawang ang bibig ko kasabay ng pagngisi niya.
"Let's go?" Tanong niya sa mababang boses.
Magulo ang kulay chestnut niyang buhok pero parang inayos naman niya ang damit niya. 'Yong isa namang strap ng bag niya ay hindi nakasabit.
Napalunok ako at agad nagplaster ng pilit na ngiti. "Rich kid!" Gulat kong bati sa kaniya.
Hindi pa man ako nakakarecover sa pagkagulat ay nagmamadali agad akong naglakad palayo sa kaniya at papuntang hallway palabas ng school.
Letse! Naabutan pa nga!
Halos nakapikit na ako habang mabibilis ang hakbang dahil ramdam kong sumusunod siya sa 'kin.
Gagong Gage 'to, ang haba ng binti!
Halos idasal ko na ang lahat ng mga santo, madapa lang siya, pero napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang braso niyang nakaakbay sa balikat ko.
Napadilat ako kasabay ng pagbuntong hininga ko ng malakas, tinatanggap ang pagkatalo sa gagong 'to.
"Sinabi ko na sa 'yo na 'wag mo nang subukan pang tumakas…" bulong niya na nagpataas ng mga balahibo ko.
Sobrang lapit ng mukha niya at halos magkadikit na ang bibig niya sa tenga ko!
Parang bigla akong pinagpawisan lalo na't kita ko ang bulungan at tuksuhan sa mga nakakakita sa 'min.
Kinginang Gage 'to. Pinapahiya 'ata ako.
"Bitiwan mo ko." Mariin kong banta sa kaniya.
Kita ko ang pagseryoso ng mukha at mas lalo pang nilapit ang mukha niya sa 'kin. Halos kalimutan ko na kung paano pa 'ko nakakalakad sa lagay na 'to. Halos manginig na nga ang tuhod ko kaya mas dumiin ang kapit ko sa strap ng bag.
Halikan ko kaya 'to para lumayo?
"Bakit hindi ka nagreply sa huli kong mga text sa 'yo?" Seryoso niyang tanong na para bang 'yon lang pala ang problema niya sa 'kin.
Mas lalo akong napaiwas ng tingin dahil sa init ng hininga niya. Kinikilig ako—charot.
"B-bawal bang mawalan ng load?" Inosente kong palusot.
Nang bahagya ko siyang sulyapan ay gumagalaw ang panga niya at saka siya tumigil sa paglalakad kaya gano'n rin ako dahil sa pagtataka.
"Kailan ka ba mayroong load, Aude?"
Napalunok ako at napaiwas ng tingin. "D-depende lang…" nagdadalawang-isip kong sagot.
Bakit nalipat sa load ang usapan namin?
Tumango siya at nagpatuloy na sa paglakad, at dahil hindi pa rin niya tinatanggal ang pagkaakbay sa 'kin ay pati ako naglakad na.
"I-lo-load kita mamaya. Siguraduhin mo lang na mag-rereply ka. Kahit oo o hindi lang 'yon, basta magreply ka sa 'kin hindi sa iba."
A-ano daw?
Kumurap-kurap ako at inisip kung anong ibig-sabihin niya no'n. Nang mahiwagan ay agad nagkasalubong ang kilay ko.
Tarantado ba siya?!
Dahil sa inis ay mabilis ko siyang hinarap at saka kinagat sa tenga niyang malapit lang sa mukha.
Ang bango pala niya.
Nanlaki ang mata niya dahil sa ginawa ko at napatigil sa paglakad. Napaawang ang bibig niya nang makita ang mukhang kong sasabog na sa inis.
Dinuro ko siya sa nguso niya. "Sino ka para bayaran ako ng load para lang utusan akong magreply sa 'yo?! Kingina mo! Tarantado! Gago! Letse!" Malakas kong sigaw sa kaniya.
Mas lalong napaawang ang bibig niya dahil do'n.
Halos pagtinginan na kami ng mga tao dahil sa bigla kong pagsigaw at pagmumura pero paki ko sa kanila.
Sinamaan ko muna ng tingin si Gage na nakatulala sa 'kin at mabilis na naglakad paalis ng paaralan na 'yon.
Pumara ako ng tricycle at saka umalis sa lugar.
Tarantadong Gage na 'yon!
Ilang minuto akong nakapikit para pakalmahin ang sarili ko dahil sa nangyari. Pero parang bigla akong nakonsenya sa ginawa ko kanina.
Sigurado akong napadiin ang pagkagat ko dahil nanggigil rin kasi ako no'n. Ewan ko ba. Ang lapit kasi.
Napamulat ako ng mata nang biglang tumigil ang tricycle sa gitna ng biyahe. Nang tingnan ko ang labas ay bumagsak ang balikat ko nang makitang may checkpoint pala.
Ba't hindi ko alam? Mas lalong matatagalan ako nito.
Lumabas ako ng tricycle nang sinenyasan ako ng pulis na lumapit sa kanya. Nakabusangot akong pumunta sa harap niya at binigyan siya ng nagtatakang tingin.
"May nangyaring krimen sa kabilang bayan kaya sinisigurado naming walang may dalang baril sa inyo." Magalang na paliwanag ng pulis.
Nagkasalubong ang kilay ko. "Mukha ba akong kriminal?" Sarkastiko kong tanong.
Napailing siya. "Sinisigurado lang namin."
Napikot ang mata ko at tinanggal ang pagkasabit ng bag ko sa balikat. Nilahad ko 'yon sa kaniya at binigay naman niya 'yon sa katabi niyang pulis.
'Pag ako talaga naging pulis, yari kayo sa 'kin.
Sinenyasan niya akong tanggalin ang suot kong kulay krema na jacket na agad kong ginawa.
Gusto ko nang umuwi.
Tinaas ko 'yon sa harap niya at paulit-ulit na yinug-yog para ipakitang wala 'yon lamang kung ano. Tumango siya at mas lumapit sa 'kin para inspeksiyonan kung may nakatago ba akong kung ano sa uniporme kong suot ngayon.
Lumaki ang ilong ko sa inis dahil ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang hinahawakan ako ng hindi ko kilala at wala kong permiso.
Bago pa niya ako tuluyang mahawakan sa bewang ay may nagsalita sa likod.
"Don't you dare touch her."
Nagsisitindig ang mga balahibo ko nang makilalang si Gage 'yon.
Nahabol pa nga ulit.
Nang harapin ko siya ay masama ang tingin niya sa pulis na nasa harapan namin.
"Garege!" Gulat na bati ng pulis sa kaniya. Napakunot ang noo ko dahil magkakilala pala sila. Tinapik ng pulis ang balikat kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha ng katabi ko. "Kumusta 'yong Papa mo? Hindi na kami nagkakamustahan, ah. Paki kamusta na lang ako, ha?!"
"Why don't you do it yourself?" Malamig na tanong ni Gage sa pulis.
Napatawa ang pulis dahil sa sinabi niya pero napalunok ako nang bumagsak ang tingin ko sa namumula niyang kaliwang tenga.
Ako ba talaga ang kumagat niyan?
"Ikaw talaga, Garege. Pabor lang, oh!"
Sinamaam siya ng tingin ni Gage at saka binalingan ako ng tingin. Agad akong napaiwas ng tingin at saka sinuot ang jacket ko.
Nagulat ako nang bigla niya ako akbayan ulit at saka ako hinarap sa mamang pulis. "This is my girlfriend so you don't need to inspect her. I don't date criminals who will simply bite me as a warning…"
Napalunok ako habang kumukurap. 'Eto ba ang ganti niya dahil sa ginawa ko kanina?
Tumawa ang pulis at saka tumango-tango. "Oh siya, sige. Daan na kayo." Pag-aaya ng pulis na siyang simpleng ikinatango ni Gage.
Nagsimula na siyang maglakad kaya pinatigas ko ang pagkakatayo ko para hindi ako madala. Natigilan siya dahil do'n.
Napabuntong hininga siya pagkatos ng ilang segundo lat binigyan ako ng kung anong emosyon sa mata. "I know you don't want to be with me, but can't you just give me your time even just for today?"
Nalungkot naman ako dahil sa sinabi niya. Nakonsensya ako sa lahat ng ginawa kong masama sa kaniya. Simula pa sa una naming pagkikita sa gasolinahan dahil tinadtad ko siya ng mura sa isipan hanggang kaninang kinagat ko siya.
Hindi ko alam na iniisip niya pa lang ayaw ko siyang kasama pero ang totoo naman ay nakakailang lang. Palagi akong kinakabahan kapag malapit siya at kung gaano ako naapektuhan sa mga salita niya.
Malumanay ko siyang nginitian. "Babayarin ko lang 'yong sinakyan kong tricycle…"
Napahinga siya ng maluwag at tinanguan saka ako. Napaiwas ako ng tingin at nagmamadaling nilapitan ang tricycle driver na kanina pa akong hinihintay.
Pagkatapos ko siyang bayarin ay agad akong bumalik sa pwesto namin kanina at nahuli ko siyang kanina pa ako pinapanood.
Namumulang mukha ko siyang hinarap. "S-saan tayo?"
Hinawakan niya ang aking kamay na nagpalunok sa 'kin. Akala ko isang tricycle rin ang pupuntahan namin ngunit nagulat ako nang tumigil kami sa harap ng kotse ng Papa niya.
"Buti pinayagan kang hiramin 'yan." Hindi ko maiwasang ikomento.
Ngumiti siya ng maliit. "Pinilit ko pa si Papa para lang pumayag siya."
Binuksan niya ang backseat para ilagay do'n ang bag kong nakuha na pala niya mula sa isa pang pulis kanina.
Letse. Buti na lang dahil nakalimutan ko ring kunin.
"Bakit mo naman pinilit?" Nagtataka kong tanong.
Sinulyapan niya ako ng ilang segundo bago binalik ang tingin sa pinto ng backseat at saka 'yon sinara. "Because today's our first date."
Putangina. Napaawang ang bibig ko kasabay ng paulit-ulit kong pagkurap. Hindi niya ulit ako sinulyapan pagkatapos niyang sabihin iyon kaya hindi niya nakita ang reaksiyon ko.
Naglakad siya papunta sa pinto nh driver's seat kaya tumungo rin ako sa tabi ng pinto ng backseat.
Sasakay na sana ako sa backseat nang bigla niya ako tawagin. Nagtataka ko siyang nilingon.
"Sit here," turo niya sa front seat.
Napakurap-kurap ako bago sundin ang sinabi niya. Sabay kaming umupo sa kaniya-kaniya naming upuan at saka niya pinaandar ang sasakyan paalis.
"Hindi mo ba susunduin si Ley?" Nagtataka kong tanong sa kaniya at bahagyang binuka ang hita dahil komportable ako sa posisyong 'yon.
Hindi ko alam kung napansin niya 'yon pero sana hindi.
"No, he has a nanny that is always waiting for him at his school."
Yayamanin.
Napahikab ako at ininat ang nga binti ko dahil parang nangangalay ako.
"Aude," seryosong pagtawag sa 'kin ni Rich kid.
Bored ko siyang nilingon at binigyan ng nagtatakang tingin.
Bumuntong hininga siya na para bang mayro'n siyang napakalaking problema. Paulit-ulit siyang sumusulyap mula sa 'kin, pababa sa posisyon ko at saka babalik sa kalsada.
"C-can you please sit properly?" Halos hindi ko na 'yon marinig pero nagawa ko pa rin.
Mabilis pa sa kidlat akong umayos ng pagkakaupo at saka yumuko dahil sa hiya. "S-sorry, sanay lang…"
"It's okay, Aude. You can stay comfortable whenever you want, just… not now that it's distracting me." Saka siya napaiwas ng tingin, pero ngayon, imbes 'yong tenga niyang kinagat ko lang ang mamumula, pati rin ang kabila pa.
Nakonsensya na naman ako dahil kita ko ang trace ng ngipin ko sa tenga niya.
Napalakas nga.
Napaiwas ako ng tingin saka bumuntong hininga ng malakas. Ilang minutong naging tahimik sa pagitan, tanging tunog lang ng aming mga hininga, aircon, at mga dumadaang sasakyan ang aming nariring.
Saan ba kami papunta?
Nang lumingon ako sa kaniya para tanungin sana kung saan kami papunta ay bumagsak ang balikat ko nang makita na naman ang tenga niyang kinagat ko.
"Gage," mahina kong pagtawag sa kaniya.
Napakurap siya at ilang segundo muna ang lumipas bago siya sumagot. "Hmm?"
Tangina! Hmm pa lang 'yon pero bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa kaba siguro.
"'Y-yong nangyari kanina, sorry—"
Agad siyang nagsalita. "Okay lang, kalimutan mo na lang 'yon…"
Napakunot ang noo ko. Sa lahat ng sinabi niya, isang salita lang ang tumatak sa 'kin. Bakit 'mo'? 'Di ba dapat 'natin'? Bakit ako lang ang kailangang kumalimot no'n? Ibig ba sabihin ay hindi niya 'yon kakalimutan?
Hindi na ulit ako nagsalita pa hanggang makarating kami sa lugar kung saan niya gustong pumunta.
Letse. Hindi ko namalayan na city na pala ang napuntahan namin sa sobra kong pagkalutang! Malayong-malayo 'to sa baryo namin at… lintik. Bakit sa isang amusement park?!
"Let's go…" pagyaya niya at saka bumaba.
Tulala ako ng ilang segundo bago napabalik sa reyalidad nang naiinis na kumatok sa bintana si Gage.
Pagkababa ko ay magkasalubong ang kilay niya kaya hindi na ako nagsalita pa, baga masigawan pa ako.
Nagsimula na siyang maglakad papasok kaya sumunod ako sa likod niya. Napatigil siya nang maramdaman niya 'yon at kinunutan ako ng noo.
"Walk beside me." Utos niya na nagpasimangot sa 'kin.
"'Eto na, rich kid." Ginaya ko ang tono niya at saka ako tumabi ng lakad sa kaniya.
Ngayong magkatabi kami ay halata na ang agwat ng height namin. Hanggang ilong niya ang ulo ko kaya ipinagpasalamat ko ang lahi ko.
Akala ko sasakay agad kami ng rides pero tumungo siya sa isang stall ng burger, fries, at hotdog in bun.
Napangisi ako. Rich kid talaga ang parekoy ko.
"Kung manlilibre ka ngayon, salamat ng marami." Agad kong sabi sa kaniya at naunang maupo sa isang mataas na upuan na nakapalibot ng stall.
Napailing siya bago umupo sa katabi ng akin. "What do you want—"
"Ikaw nga ang pumili, Rich kid! May hiya pa rin naman ako sa katawan." Saka ko nilibot ang tingin sa mga taong dumadaan.
Napakurap-kurap siya saka sinabi ang order niya. Pasimple akong napangiti nang marami ang in-order niya.
Habang naghihintay ay sa lalaking nagluluto ng order namin nakatuon ang atensyon ko. Malaki ang ngiti ko dahil sa bilis ng kilos niya ay alam kong makukuha agad namin ang pagkain.
"Don't smile at him like that, he'll think that you like him." Pagkuha ni Gage ng atensyon ko.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Totoo man o hindi, ngingiti pa rin ako."
Sinamaan niya ako ng tingin bago hinawakan ang magkabilang kong pisngi para iharap sa mga rides. "Pumili ka na lang rides na una nating sasakyan."
Sinunod ko 'yon sinabi niya at isa-isang tiningnan ang mag rides. Maganda naman lahat—'wag lang ang viking dahil mawawala ang kaluluwa ko do'n. Tumagal ang titig ko sa roller coaster na may pulang pinta na nakakuha ng atensiyon.
Parang gusto ko do'n.
Binalik ko ang tingin ko kay Gage na kanina pa pala ako pinapanood at sa nginuso ang pwesto ng roller coaster. Kita kong bumagsak muna ang mata niya sa nakanguso kong labi bago siya umiwas ng tingin at tinuon ang pansin sa roller coaster.
Tumango siya ng isang beses bago ibalik ang tingin sa 'kin. Nailang naman ako dahil hindi man lang siya nag-iwas tingin. Saka lang 'yon nangyari nang maibigay na sa 'min ang pagkain.
Tahimik kaming kumain, pinapakiramdam ang isa't-isa. Kalahating oras 'ata ang lumipas bago kami tuluyan nang nabusog.
Nagsuhestiyon siyang magpahinga muna ng ilang minuto bago kami sumabak sa giyera ng roller coaster na siyang sinang-ayunan ko.
Wala ako sa mood sumuka.
Nang makuntento sa pahinga ay nagtungo na kami sa roller coaster. Mahaba ang pila pero buti na lang walang nangyaring singitan.
Nang oras na para sa 'min ay nagmamadali kaming pumunta sa rides pero napakurap-kurap ako nang makitang saktong dalawa na lang ang pwestong natitira ngunit magkaharap.
Napasulyap ako kay Gage at nakitang magkasalubong ang kilay niya habang masama ang tingin sa dalawang magkaharap na lalaki na nakaupo sa katabing bakanteng upuan.
"Paano na 'yan?" Bulong ko sa kaniya.
Kailangan ko ng komento niya dahil baka hindi 'to matuloy.
Bumuntong hininga siya bago tinuro ang bakanteng pwestong nasa harap ng isa pang bakante. "Diyan ka sa harap, ako sa likod."
Mas lumapit pa ako sa kaniya. "Pwedeng itanong kung bakit?" Alanganin kong tanong.
Nandilim ang mukha niya. "So I can guard whoever who will try to touch you." Seryoso niyang sagot na nagpalunok sa 'kin.
Mabilis akong tumango at saka pumwesto. Umupo rin siya sa likod ng upuan ko at saka bumuntong hininga ng malakas.
Napalunok ako nang maramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa 'kin para bumulong. "Don't do any skin contact nor glance to the ugly man beside you if you want to enjoy this ride."
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa sinabi niya. "A-ano bang pinagsasabi mo? Hindi ko naman 'yan kilala." Hindi mapakali kong sabi.
Nang bahagya ko siyang sulyapan ay sinamaan niya lang ng tingin ang katabi kong inosenteng nakikipag-harutan sa isa pang katabing babae na mukhang jowa ng katabi ko.
Umismid lang si Rich kid saka bumalik sa pagkakaupo.
Napaayos ako ng pagkakaupo at napabuga ng hangin. Kahit kailan talaga, mabilis ang tibok ng puso ko basta malapit siya.
Napailing ako bago ngumiti ng malaki dahil kailangan kong i-enjoy ito. Minsan lang ako magkaroon ng chance sa mga ganito kaya dapat i-enjoy ko na.
Ang sabi, limang ikot lang daw dahil mahaba pa ang pila kaya siguro matatapos agad 'to.
Unang ikot pa lang pababa ay halos masira ang tenga at boses ko dahil sa sabay-sabay naming sigaw—hindi nga lang kasali do'n si Gage dahil tahimik lang siya.
Sa ikalawang pababa-pataas, pangatlo, pang-apat, ay halos mawalan na ako ng boses kaka-sigaw.
Ngunit nang panghuli na, natigilan ako nang maramdamang lumapit sa 'kin si Gage habang pataas ang roller coaster. Lumapit siya sa kaliwa kong tenga kaya ramdam ko ang mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko. Saka siya bumulong nang masigurong nasa kaniya na ang atensyon ko.
"Now, I'll get my revenge, baby." Sabi niya sa mababang boses.
Saka ko naramdaman ang pagkagat niya sa tuktok ng tenga ko na nagpalaki ng mga mata ko sa gulat.
Hindi 'yon gaanong madiin dahil wala akong maramdamang sakit. Ang tangi ko lang naramdaman ay ang mabibilis na paghinga naming dalawa at ng tibok ng puso ko.
Tangina this! Gago gaga! Lintik! Letseng Gage!
Naramdaman ko siyang ngumiti ng bahagya pagkatapos niya ako kagatin. "I'm sorry because I'm not sorry for biting you now. You smell good…"

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice story🥰😍🥰

    06/06/2024

      0
  • avatar
    Ej Cerena

    Ang kanilang

    08/02/2024

      0
  • avatar
    Marvin Julius Mancol

    Beautiful story

    23/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata