Homepage/When Sunrise Strikes At The Gasoline Station/
Chapter 6
"Okay ka na?"
Napaangat ako ng tingin kay Kuya Igme nang inilahad niya 'yong tissue na palaging nasa cashier room. Tinanggap ko 'yon at ginamit para punasin ang mga dumi sa bandang sugat ko.
Nginitian ko siya ng malaki. "Oo naman! Arte ko lang 'yon kanina! Nagpadala ka naman."
Sinamaan niya ako ng tingin bago umalis para puntahan ang nasirang machine.
Kanina pa pinaalis 'yong mga nakiki-usyo, pati na rin 'yong driver ng kotse—pero syempre, hiningi namin 'yong number niya dahil isa pa rin siya sa may kasalanan.
'Yong nasugatan naman ay dinala na sa clinic ng barangay naman at siguro ginagamot na.
Malayo kami sa mga malalaking lugar kaya walang hospital dito. Buti na lang at merong clinic kaya magagamutan ang mga ma-aaksidente dito.
Lintik na driver na 'yon. Parang gusto ko isa pang sapak. Nanggigigil talaga ako sa kaniya.
Napabaling ang atensyon ko sa lalaking kanina pa paulit-ulit na pinapa-galaw ang motor niya.
Paulit-ulit lang namang sinapa ng lintik na driver ng kotse ang motor niya bago siya umalis.
Ayon… pati may-ari ng motor ay badtrip na rin.
Kahit ayaw ko pa siyang kausapin dahil naiilang ako sa mga pinag-sasabi niya kanina ay napilitan pa rin akong kumausap sa kaniya dahil sa ingay ng motor niya.
"Hindi ka pa diyan titigil?!" Malakas kong tanong sa kaniya.
Napatigil siya ng ilang segundo bago ako sulyapan. "I can't go home if this will not work,"
Napaikot ang mata. "Tumawag ka na lang ng kung sino na marunong mag-ayos niyan! Baka kahit kaarawan ko na ay nandyan ka pa rin sa motor mo…"
Tiningnan niya ako. "Kailan ba birthday mo?"
Napaisip ako. "Huling linggo ngayong buwan. Bakit?"
Napaiwas siya ng tingin at bahagyang kumunot ang noo niya na para bang may malalim na iniisip. Hindi na rin niya ako kinausap at nagpatuloy sa pag-ayos ng motor niya.
Ilang minuto pa akong nanatiling nakaupo sa sementadong sahig habang nakasandal sa cashier room para alalahanin ang nangyari kanina.
Pagkatapos akong tanungin ni Gage kung okay lang ako ay agad akong sumugod sa lintik na driver para bigyan siya ng mag-asawang sapak sa mukha at tiyan.
Napangiti ako na parang timang.
Bagay lang sa kaniya 'yon! Ang baho niya rin! Hindi gaya sa 'kin na sobrang fresh pa rin kahit dalawang beses nang nagasgas ang tuhod.
Matibay to, tol!
Akala niya kung sino siya, ang laki naman ng tiyan at halos magka-height lang kami.
Pandak!
"You look like a crazy grandma who's planning to kill your husband's mistress."
Mabilis akong napatingin kay Gage nang marinig ang sinabi niya. Nagulat ako nang makitang naglalakad siya papalapit sa 'kin at saka umupo sa tabi ko.
Buti naman hindi siya conscious kung magkakadumi man siya.
Rich kid pa naman.
"Now, you look like you're judging me in your mind." Poker face niyang sabi.
Nginitian ko siya ng malaki na nagpaiwas sa kaniya ng tingin. "Hindi kita ji-nu-judge, totoo namang rich kid ka."
Napakunot ang noo niya at mabilis niyang binalik ang tingin sa 'kin. "What? Rich kid?"
Hindi ko siya sinagot at sinulyapan na lang ang motor niya. Nginuso ko 'yon. "Akala ko ba aayusin mo 'yon para makauwi ka? Hindi ka na lang uuwi?" Nagtataka kong tanong.
"No use. It won't work even how many times I try to." Mahina niyang saad na nagpatango sa 'kin.
"Anong plano mo?"
He sighed. "I don't know…"
Sabay bumagsak ang balikat namin at umayos na lang ako ng pagkakaupo dahil ayaw ko naman siyang kulitin. Baka bigla ako suntukin.
Ilang minuto kaming tahimik, pero wala naman akong maramdaman na awkward.
"Pareho pala tayo ng pinapasukang paaralan, noh?" Tanong ko habang nakatingin sa mga dumadaang mga tao at sasakyan.
Naalala ko lang 'yong ikalawa naming pagkikita. Pareho kami ng uniform. At… mantika pa 'yong pinagdiskitahan ko ng kalokohan.
Narinig ko siyang tumawa ng mahina, mukhang naalala ulit 'yong sagutan namin no'n.
"Obvious na pagkatapos ng pagkikita natin sa bilihan ng tusok-tusok. You were blabbering about different things that I prevent myself from fighting back that time."
Binigyan ko siya ng maliit na mata. "Hoy, Gage, sumasagot ka rin naman, ah. Anong prevent yourself?"
Ngumisi siya habang nakataas ng kilay. Napaiwas ako ng tingin dahil parang biglang uminit.
"Kung pareho lang pala tayo ng pinapasukang paaralan, bakit ni-isang beses ay hindi naman tayo nagkita no'n?" Pagtatanong ko pa.
Tingnan natin kung mahaba ang pasenya siya sa pagsagot niya sa mga tanong ko.
Agad siyang sumagot. "Maybe because I'm not going out from our room during break time. At kung lalabas man ako, para 'yon sa lunch at kung uwian na…"
Napatango ako bago yinakap ang sariling tuhod sa harap ng dibdib ko.
Natahamik na naman kami ng ilang minuto, pinapakiramdam ang isa't-isa. Bumagsak ang tingin ko sa mga nakikisilip pa sa gas station.
Andito pa rin kasi ang nabanggang tricycle kaya mukhang napansin nila. Mamaya pa siguro 'yan kukunin.
At... saka na rin ako uuwi kapag medyo maayos-ayos na dito.
Syempre, sayang ang dagdag sweldo.
"I didn't know that you actually know how to punch. Kababae mong tao…" rinig kong sabi ni Gage.
Inirapan ko siya kahit hindi naman siya nakatingin sa 'kin. "Hindi ako manang. At saka, nanggigil lang talaga ako no'n," napanguso ako. "Kasalanan pa rin ng bantot na driver na 'yon."
Umismid siya bago sumandal sa likod namin. "Yeah, that driver is at fault."
Mabilis akong napalingon sa kaniya nang may bigla akong naalala. "Sinadya mo bang sumingit? 'Yon ang sabi ng driver, eh."
Naghintay ako ng ilang segundo, pero hindi pa rin niya ako sinagot. Akala ko hindi niya talaga ako sasagutin kaya inirapan ko siya.
"Sinadya ko…"
Napasinghap ako ng malakas at hindi ko napigilang hampasin siya ng malakas. "Ano?! Gago ka ba? Anong problema mo?!"
Napangiwi siya dahil sa biglaan kong pagsigaw. Kinikis niya ang sariling tengang malapit lang sa 'kin bago samaan ako ng tingin.
"Ang ingay mo." Naiinis niyang reklamo.
Napanguso ako at mas lalo lang hinigpit ang yakap sa sariling tuhod. "Ganito talaga ako. Kung ayaw mo, edi 'wag mo 'kong kausapin." Inikutan ko siya ng mata. "Reklamador…"
Bumuga siya ng hangin at natahimik ng ilang segundo. Ininat niya ang dalawa niyang paa kaya nahiya ako dahil sobrang haba pala ng paa niya.
"Sinadya ko 'yon dahil gusto kong gumanti," mahina niyang saad habang nakatingala sa langit. Mas nilapit ko ang mukha ko sa kaniya para mas marinig ko ang mga sasabihin niya. Kinunutan niya ako ng noo nang mapansin niya 'yon.
"Bakit naman?" Pakiki-usyo ko.
Bumuntong-hininga siya bago napaiwas ng tingin. "Tama lang sa kaniya 'yon. Muntikan na niya akong mabangga sa kabilang barangay dahil sa bilis ng pagpapatakbo niya bago pa siya tumungo dito."
Napaawang ang bibig ko. Kaya pala.
"Sinundan ko siya dahil hindi man lang siya nanghingi ng pasensya at tumakas pa. Serves that old pig, right." Seryoso niyang sabi.
Napairap ako sa kawalan at hindi na siya tinanong pa. Mukhang sasapak ulit ang mukha niya ngayon. Ayoko nang dagdagan pa ang sugat ko.
Lumikot ang mga mata ko nang maalala ko ulit 'yong usapan namin sa bahay. 'Yong sinabi niyang babawi daw ako.
Pakingshet! Sana naman nakalimutan na niya.
"Ikaw ulit ang magha-hatid sundo kay Ley sa bahay namin?" Kunwaring curious kong tanong.
Dapat tanungin ko siya ng kung ano-ano para hindi pumasok sa isip niya ang deal 'ata namin.
Kumunot ang noo niya nang mukhang mapansin ang paglilikot ng mata ko. "My dad is always busy, so obviously, I should be the one to always bring and get Ley back from your house." Naguguluhan niyang sagot.
"Asan ba ang mommy niyo?" Pagtatanong ko pa. Pero mukhang wrong choice of question dahil sumeryoso ulit ang mukha niya.
Napaiwas siya ng tingin. "My mom? The one who bring us into this world?" Umismid siya. "Probably with her new indian husband, scrolling and having fun while we, her first family, are having hard time without a mother on our side." Kahit walang emosyon ang boses niya, bakas pa rin ang kalungkutan sa mata niya.
Nalungkot naman ako dahil do'n. Ikaw kasi, Audrey, kung ano-ano ang mga lumalabas sa mabaho mong bibig! Pareho pala kami ng kalagayan.
"Sorry."
Binigyan niya ako ng maliit at pilit na ngiti. "How about you? Where's your dad?" Binaliktad naman niya ang mesa.
Ako naman ngayon ang napaiwas ng tingin at lumunok. "Ewan ko," pilit kong pinasigla ang boses ko para hindi niya mahalata. "Siguro gaya ng sabi ni Mama, nasa sariling pamilya na niya." Nginitian ko siya ng pilit. "Hindi nga lang gaya ng sayo na bagong asawa dahil hindi naman daw naging mag-asawa si Mama at ang Papa ko. Pero…" nagkibit-balikat ako. "Wala namang magbabago kung kasal man sila sakali. May bago pa rin siya."
Lumamlam ang mata niya. "Did you already met him?" Malambot niyang tanong.
Umiling ako na para bang hindi 'yon big deal sa 'kin kahit big deal naman talaga. Ni-hindi ko nga alam ang pangalan niya dahil 'yon binabanggit sa 'kin ni Mama.
Kulang na lang, itago at hindi sabihin ni Mama na may ama pala ako kahit may ibang pamilya na.
"We're on the same boat, afterall." Mahina niyang saad.
Tumawa ako. "'Wag mo nga akong ingleshan ng kung ano-ano, hindi naman tayo nasa barko o sakayan."
Kumunot ang noo niya kaya natahimik ako.
Sabi ko nga, ang daldal ko.
"Aude," pagtawag ni Gage.
"Oh?" Tanong ko.
"Do you still remember our last conversation in your house?"
Binato ko ang nakita kong bato sa paanan namin. "Oo naman, hindi naman ako makalimutin—" napatigil ako nang may ma-realize.
Hindi naman 'yon ang tinutukoy niya, 'di ba? Iniiwasan ko pala 'yon tapos… naaalala niya.
Kinakabahan akong lumingon sa kaniya, kulang na lang ay mag-slow motion ang paligid dahil ayaw kong tumingin sa kaniya lalo na't naaalala pala niya 'yon.
Para akong mahihimatay nang makita ko ang mala-demonyo niyang ngisi sa labi habang nakatingin sa 'kin kaya agad akong nag-isip ng idadahilan.
"A-ano nga ulit 'yong tanong mo, Gage? H-hindi ko kasi masyadong narinig." Nagpilit ako ng tawa sabay peace.
Gumana naman sana, Lord.
Mayabang siyang ngumiti sa 'kin. "Kakasabi mo palang, naaalala mo. Does that mean you already thought about what you will do for me?"
Agad akong umiling ng mabilis at nilibot ang tingin sa lugar para maka-isip ng palusot.
"Hey! I'm talking to you—"
"Audrey!" Mabilis pa sa kidlat akong lumingon kay Kuya Igme nang bigla niya akong tawagin.
Salamat at nakatakas!
Sinenyas niya akong lumapit sa kaniya kaya agad ko 'yon ginawa. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sa 'kin ni Gage na siyang iniwasan ko.
"Bakit?" Tanong ko kay Kuya.
Winagay-wag niya ang teleponong hawak niya. "Papunta na daw dito si Boss—"
Sabay kaming napatingin sa paparating magarang sasakyan na itim. Ewan ko kung anong tawag diyan basts isa lang ang masasabi ko.
"Taray!"
Bumulong si Kuya. "Andito na siya…"
Hinintay naming tumigil ito sa bandang kanan ng gasolinahan at lumabas ang driver no'n—o sabihin na nating… si Boss.
Pak. Kulang na lang, may pa-sound effect ang lolo niyo.
Dahan-dahang lumabas do'n ang isang mid' 50 na lalaki. Naka-polo ng itim at pantalon na dark blue. Naka-sapatos pa at may shades na nakakabit sa polo niya.
Halos mapanganga ako sa porma ni Boss at hindi ko alam kung bakit, pero may kung anong pakiramdam ang dumaloy sa 'kin pagkakita ko sa kulay ng buhok niya na kapareho ng sa 'kin.
Hanggang makalapit siya sa 'min ay nanatiling nakaawang ang bibig.
Ngumiti siya. "Good morning!" Tinapik niya ang balikat ni Kuya Igme at nang mapatingin siya sa 'kin ay bahagya siyang natigilan at napakunot ang noo.
Nailang naman ako dahil parang sinusuri niya ang buo kong pagkatao pero buti na lang at hindi ako napaatras.
"Good morning po…" bati ko habang may nahihiyang ngiting nakaplaster sa labi.
Muli akong napasulyap sa buhok niya pero agad kong binaba ang tingin nang mukhang napansin niya 'yon dahil napatingin rin siya sa nakapusod kong buhok at kumunot ulit ang noo niya.
Tumikhim ang katabi ko at hinawakan ako sa balikat para tapikin. "Eto pala boss 'yong kwinento kong part timer na high school pa lang." Pagpapakilala ni Kuya para sa 'kin.
Bumalik 'yong ngiti niya. "Ikaw pala 'yon," bumagsak ulit ang tingin niya sa buhok. "You have a beautiful hair…"
Napangiti ako. "Nakuha ko po kay… papa."
Natigilan siya sa sinabi ko pero kalauna'y napaiws siya ng tingin. "Nakuha mo ba ang cellphone number ng naaksidente at 'yong driver ng kotse? Pati na rin 'yong sinasabi mong naka-motor." Mabilis niyang sambit.
Nagkatingin kami ni Kuya bago niyo ito sagutin. "Opo, boss. 'Yong naaksidente ay nasa clinic dahil wala namang hospital dito…" hindi ko na masyadong binigyan ng pansin ang mga sinasabi ni Kuya at ang mga usapan nila dahil natulala na ako kay Boss.
Hindi ko alam pero parang may pagkakamukha kami, mula sa buhok hanggang sa aura.
Napailing ako para ibura 'yon sa isipan. Possible namam 'yon mangyari sa kahit kanino.
Halos mapatalon ako nang balingan ako ng tingin ni Boss. "Gusto mong ihatid kita?"
"Ha?" Naguguluhan kong tanong.
Napangiti siya bago sulyapan si Kuya Igme. "Nasabi ng Kuya mo na naglalakad ka lang pauwi sa inyo. Baka gusto mong ihatid kita. May ibang lakad kasi siya at mukhang ikaw ang maiiwan dito. Pwede namang pansamantala munang isara ang gasolinahan."
Napatulala ako ng ilang segundo bago ako mabilis na tumango ng paulit-ulit. "S-sige po!"
Ngumiti siya bago tapikin ang balikat ni Kuya at nagpaalam. Sinenyasan niya akong sumakay na sa kotse niya kaya taranta kong tinuro si Gage na nakakunot ang noo sa amin.
Kanina pa siya nananahimik sa gilid. Para siyang nawawalang bata na sumisiksik sa gilid. Parang boss nga lang dahil gwapo naman siya. At alam ko ring kanina pa siya nakikinig sa usapan namin.
"What?" Nagtataka niyang tanong nang mapansing nakatingin kami sa kaniya.
Sinenyasan ko siyang lumapit sa 'kin kaya gano'n ang ginawa niya. Mabilis kong ikinawit ang kamay ko sa braso niya kaya ramdam kong natigilan siya.
Hinarap ko siya kay Boss habang matamis na nakangiti. "Isabay na lang po natin siya, Boss! Siya po 'yong nakamotor na isa sa mga dahilan kung bakit nangyari ang aksidente," napatingin sa 'kin si Gage dahil sa sinabi ko. Ramdam ko ang matatalas niyang tingin pero binalewala ko 'yon. "Pero mabait naman po siya! Gwapo pa nga po, at nasira ang motor niya kaya wala po siyang masasakyan—"
"Okay, okay," pagsusuko ni Boss habang nakataas ang dalawang kamay. "I understand, no need for a long explanation. Let's go…" nginitian niya kami bago naunang maglakad papuntang kotse niya.
Sumunod ako sa kaniya at ramdam kong nagda-dalawang-isip pa si Gage pero wala naman siya choice.
Alangan namang maglakad siya pauwi, kawawa naman ang rich kid.
Sabay kaming pumasok sa magkabilang gilid, sa backseat, at sabay rin kaming umupo. Nagkatinginan pa kami ng ilang segundo pero nauna siyang nag-iwas ng tingin habang namumula ang mukha.
"So…" sinulyapan kami ni Boss mula sa salamin. "Saan banda ang bahay niyo?"
Teka… parang mali 'ata ang pagkaintindi ko sa tanong niya.
Halos kalmutin ko na ang sariling kong mukha dahil ramdam ko ang pamumula nito.
As if naman mag-asawa kayo ni Gage para pareho kayo ng bahay na tinitirhan, Audrey Hathor Regdon!
Napabalik ako sa kasalukuyan nang marinig kong tumikhim si Gage. "Sa tabi ng barangay hall ang sa 'kin."
Tumango si Boss at sa 'kin naman tumingin. Nagpilit ako ng ngiti at sinabi kung saan banda ang bahay namin.
Tumango ulit siya bago sinimulang paandarin ang kotse. Akala ko sa 'min muna pero ibang ruta ang tinungo kaya alam kung papuntang bahay nila Gage muna.
Napalunok ako nang marinig ang banayad na paghinga ni Gage sa kabilang banda ng kotse. Halos sobrang magkahiwalay kami dahil parehong bintana ang mga katabi namin.
Pasimple ko siyang sinulyapan pero agad kong binalik ang tingin sa harap nang makita ko siyang kanina pa nakatingin sa 'kin.
Mahulog sana mata mo!
Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman kong umisog siya papalapit sa 'kin at kulang na lang ay lumubog ako sa kaba nang nilapit niya ang mukha sa 'kin.
Sana hindi kami napansin ni Boss.
"Let's meet up after our monday class. 'Yan ang unang pabor na gagawin mo para sa 'kin…" mahina niyang bulong na nagpalunok sa 'kin.
Parang may tumalon sa loob ng dibdib ko pero baka kaba lang.
Bahagya siyang napangiti nang makita ang reaksiyon ko at parang wala lang siyang bumalik sa dati niyang pwesto.
Saka ko lang namalayan na pinigil ko pala ang paghinga ko dahil habol ko pa ang hininga habang nakahawak sa dibdib.
Peste na Gage! Gago! Tangina! Tarantado! Lintik! Halos lahat ng mura ay nababagay sa kaniya, lintik siya.
Hindi ako susunod sa sinabi niya!
Hanggang huminto ang kotse sa harap ng bahay nila ay parang susugod ang mukha ko.
"Andito na tayo," pagpapaalam ni Boss kay Gage nang hindi pa rin siya bumababa sa sasakyan.
Nilingon ko siya nang may nagtatakang tingin pero napaawang ang bibig ko nang lumapit ulit siya sa 'kin, hindi iniintindi si Boss na nakatingin sa 'min, at ngumiti siya nang mapang-asar.
"Don't you dare forget nor pull down your favor for me, Aude. I know you can't just forget it…"
Hindi ako makapaniwala sa sunod niyang ginawa bago siya tuluyang umalis ng sasakyan.
He fucking playfully winked at me!
KinginaI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (6)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story🥰😍🥰
06/06/2024
0Ang kanilang
08/02/2024
0Beautiful story
23/08/2023
0Tingnan Lahat