Homepage/When Sunrise Strikes At The Gasoline Station/
Chapter 4
"Saan nakalagay gunting niyo?"
Tinuro ko ang kusina namin kaya agad siyang nagpunta do'n.
Sabado ngayon at kasalukuyan kami ni Fern gumagawa ng project dito sa bahay. Ewan ko ba kung swerte ba 'to o malas dahil makakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi ako papatulungin ni Mama sa tutor.
Pero syempre malas pa rin ang paggawa ng school works. Buti na lang at napagdesisyon namin ni Fern na sabay 'yon gawin, kaya andito siya sa pamamahay namin.
Alas otso pa lang ng umaga, hindi pa nagsisimula ang tutor nila Mama kaya medyo may pagkatahimik ang bahay. Si Mama, naliligo pa siguro o kaya nagbibihis.
Napaangat ako ng tingin kay Fern nang makabalik na siya, dala ang gunting. "Eto na."
Napaayos ako ng pagkakaupo at umisog ng konti para sa kaniya. Sa sahig lang kami pumwesto dahil hindi rin naman kasya ang isang buong tarpapel na prinint namin sa mesa.
Binalingan ako ng tingin ng bruha kaya napatingin ako sa kaniya. "Aude, may balak ka bukas?" Tanong niya habang iniikot ang takip ng glue.
Nagkibit balikat ako bago ipagpatuloy ang paggunting. "May lakad si Mama kaya siguro… maghapon ako sa gasolinahan."
Ramdam ko ang pagtango niya bago bumalik sa ginagawa. "Sa bahay lang ako."
Napataas ang kilay ko. "Hindi ko tinanong…"
Kinurot niya ako sa braso kaya napahiyaw ako sa sakit. Sinamaan ko muna siya ng tingin bago irapan.
Maswerte siya at medyo seryoso ako ngayon—medyo lang dahil hindi ko naman gano'ng trinatrabho 'to ng mabuti, medyo lang talaga.
Ilang minuto kaming tahimik dahil sa project pero halos sabay kaming napaangat ng tingin nang may pumasok mula sa labas.
Sabay kaming napangising aso ni Fern nang makilalang si Lowe at ang kapatid niyang si Luis iyon.
"Hi!" Lakas loob na bati nitong katabi ko.
Sandali akong napaismid. Inunahan pa talaga ako, ah.
Bumati naman sila pabalik gamit ang nakakasilaw na ngiti nila. Nakasuot si Luis ng cute na sombrero, brown shorts at orange t-shirt. Si Lowe naman ay naka puting jersey t-shirt at orange jogging pants. Parehong bagong ligo ang dalawa at mabasa-basa pa ang mga buhok.
Sabay pa kaming napahagikhik ni Fern pero 'yong sa kaniya ay may halong bulong sa 'kin.
"Dadamoves ako mamaya kay Lowe…"
Pekeng ngiti ko siyang hinarap habang nakakunot ang noo. "Paunahan nalang tayo, bruha."
Inismiran niya ako pero agad bumalik ang matamis niyang ngiti nang mapansing sa 'min pa rin nakatuon ang atensyon ng magkapatid.
Tatayo na sana mula sa pagkakaupo ang kaibigan ko nang mahawakan ko kaagad siya sa buhok.
Nilingon ko ang kwarto ni Mama. "Ma! Andito na si Luis!" Pagtawag ko kay Mudra.
Nagmamadali naman siyang lumabas mula do'n at agad sinalubong ang magkapatid.
Nakadress pa siya, ah.
"Pasok!"
Inaya niya si Luis papuntang mesa kung nasaan si Phoebe na nakangiti ng malaki. "Bumalik ka rin!"
Nanatiling nakatayo sa pinto si Lowe kaya pagkatapos ni Mama paupoin si Luis ay agad siyang bumalik sa pwesto namin.
Parehong kumunot sa pagtataka ang mukha namin ni Fern nang paupoin rin ni Mama si Lowe.
Nagpalitan kami ng tingin ni Fern pero agad kaming napaayos ng pagkakaupo nang hinarap niya kami.
"I-entertain niyo muna si Lowe habang tutor." Mahina niyang utos.
Sa pagkakataong 'to, hindi na namin mapigilang itaas ang dalawang kilay dahil sa pagtataka.
"Bakit, Ma?" Saglit kong sinulyapan si Lowe na kasalukuyang may ka-text. "Anong… meron?"
Napatango tango naman itong katabi ko. Bumuka ang bibig ni Mama para sagutin sana kami nang may malakas na busina sa labas.
Pumasok ang dalawang bagong tutor kaya agad 'yon inasikaso ni Mama. Naging tahimik naman sa pagitan naming tatlo kaya wala kaming choice kundi ilibang nalang ang mga sarili.
Nagpatuloy kami ni Fern sa project, pero minuto-minuto ay patago namin sinusulyapan ang gwapong nilalang na nasa tabi namin.
Mukhang may ka-text pa rin dahil nasa phone pa rin ang atensiyon.
"May girlfriend na siguro…" nakasimangot na bulong ni Fern sa 'kin.
Kahit gusto ko siyang barahin, napatango na lang ako.
Bumulong naman ako pabalik. "Gwapo pa naman…"
Sunod sunod na pagtango ang binigay ni Fern. Ilang segundo ang lumipas ay may muling bumusina sa labas.
"Puro bigtime naman 'ata ang tinututor ng Mama mo?" Pangaasar ng katabi ko sa akin.
Napailing na lang ako bago ng humikab ng malakas. Sakto namang nakabuka pa rin ang bibig ko, siya ring pagpasok ng isa pang tutor ni Mama.
Mali pala.
Niyugyog ni Fern ang braso ko nang makilala kung sino ang pumasok.
"Here he goes again!" Malakas at kinikilig niyang bulong sa akin.
Unang pagtapak palang ng paa niya sa loob, nagtama agad ang mata namin.
Nakasuot siya ng itim na pantalon at dark blue na t-shirt. Medyo magulo pa ang buhok at mapupungay ang bronzeng mata kaya siguro bagong gising lang siya.
Kung noon, pagtataasan o kukunotan ko siya ng kilay, ngayon naman ay para akong duwag na dilag dahil namalayan ko na lang ang sariling umiwas at nagbaba ng tingin.
Naalala ko na naman ang kalokohang nagawa ko. Kasalanan talaga 'to ni Fern at no'ng unknown number na 'yon. Makilala ko lang siya, patay siya sa 'kin.
Agad napansin ng kaibigan ko ang pag-iwas ko ng tingin kaya agad niya iyon pinuna.
Mahina niya akong tinawanan. "Kailan ka pa naduwag, girl?"
Sinamaan ko siya ng tingin bago magpatuloy at nag-aktong busy sa pagtapos ng project ko.
Isa pa 'to, eh. Pahirap lang rin 'tong pinagawang project ni Sir Paul. Kahiya lang na hindi gawin. Baka gawing dropout ako.
Gusto ko nang grumaduate.
Pinigilan ko ang pag-angat ng tingin nang kinausap sila ni Mama. "Salamat at dumating rin kayo! Upo na do'n, Ley..."
Umalis ka na. Umalis ka na.
Akala ko maririnig ko na ang paghakbang palabas ni Gage pero iba ang narinig ko.
Lumapit ng konti si Fern sa 'kin. "Magkakilala pala silang dalawa ni Lowe?"
Napakagat ako sa ibabang labi. Mukhang sila 'yong nagfist-bump. Hindi ko alam na magkakilala pala silang dalawa. Magkalayo kasi ang ugali.
Sobrang layo.
"Hihintayin mo lang rin ba ang kapatid mo, Gage? Gaya ni Lowe?" Tanong ni Mama na nag-pantig ng tenga.
'Wag naman sana. 'Wag.
"Opo." tangina.
Ba't ngayon niya pa naisipang tumagal dito?! Sa sitwasyon namin ngayon?!
"Oh, sige." Payag?! "Aude, i-entertain mo silang tatlo." Utos ni Mudra.
Inulit talaga.
"Bumabaliktad na ba ang mundo? Bakit mga gwapo na ang kusang lumalapit sa 'tin? Magpamisa na tayo…"
Napailing ako dahil sa bulong ni Fern. Magpapamisa talaga ako kung kaya lang no'n ibura ang kalokohang ginawa ko sa memorya ni Gage.
"Maiwan ko na kayong apat." Pagpaalam ni Mama na nagpapikit sa 'kin ng mariin.
Ma, 'wag mo naman akong iwan sa paligid ng gagong Gage! Pesteng "You're so ugly" na 'yon!
"Let's breath, Aude. Andito sila! Humihinga tayo gaya ng hinihingaan nila! Gosh." Kinikilig na bulong ng katabi ko.
Kanina pa siya, ah! Hindi na lang itikom ang bibig. Mas lalo lang ako kinakabahan.
Napailing ako sa isipan. Ba't ka kinakabahan, Audrey?! Si Gage lang 'yan! Ang gago! Kaya mo 'yang takasan! Tama! Magpapakabusy na lang ako sa project na 'to, tutal, lalaki ang grades ko kung gano'n. Tama!
Pero mukhang nasira ang plano ko. Hindi ko namalayan na natapos ko na pala ang project dahil sa pagpapakabusy ko kunohay.
Shit lang ang walang lintik. Wala 'ata akong takas dito.
Dahan-dahan at parang tuta akong umupo sa couch namin—na siyang inuupuan rin pala ng dalawang binata—at ng bruha kong kaibigan na hindi ko namalayang tapos na rin project at malaking matang tinatanaw ang dalawa, nakangiti pa ng malaki.
Itong bruhan 'to, trinatraydor 'ata ako.
Dahan-dahan akong tumayo mula sa pagkakaupo sa pagaakalang hindi nila ako mapapansin—na obvious namang palpak dahil nasa akin na pala ang atensiyong nila.
Lintik talaga, oh!
Nagpilit ako ng ngiti sa kanila pero hindi ko binigyan ng kahit isang katiting tingin si Gage na alam kong sobrang lamig ang binibigay sa 'kin ngayon.
Tumakas ka, Aude!
"Pasok na ako sa kwarto ko. Iwan ko na kayo dito—"
Pinutulan agad ako ni Gage. "Aren't you going to entertain your visitors? Like what your mom told you?"
Kahit hindi ko siya tignan, alam kong nakataas ang kilay niya sa 'kin.
"Wala akong nakakatawang joke kung 'yon ang gusto mo. Hindi ako clown, at saka… ba't ko 'yon gagawin?" Pagmamaang-maangan ko habang diretsong nakatingin sa pinto ng kwarto.
Target lock.
Rinig kong napaismid siya. Napalunok ako. "So, you're the type of person that can easily disobey their parents. Without conscience?" Seryoso niyang tanong.
Aba't… Gumaganti ba 'to?!
Napakagat ako sa ibabang labi. Nagpapalit-palit lang ng tingin si Lowe at Fern sa amin at… 'wag ka! Mukhang nag-eenjoy pa talaga ang kaibigan ko—oh, kaibigan ko ba talaga siya?!
Dahil sa inis ay tinignan ko na si Gage pabalik. "Pa'no ka nakakasigurado diyan?! Kilala mo ba ako?!"
Dumaan ang gulat sa mukha niya dahil sa bigla kong pagsigaw pero agad 'yon nawala na parang bula at napalitan ng malamig na titig.
"No. But I can see it right through you. Insulting ang cursing someone in messages, and then what's your reason? You don't know?"
Napaiwas ako ng tingin sabay lunok. Nagtama ang tingin naman ni Fern at halata ang pagtataka sa mukha. Umiling lang ako at umiwas ulit ng tingin.
"Can't answer, huh?"
Tinaas ni Lowe ang dalawa niyang kamay at inilingan kami. "What's the sudden fuss all about? At… magkakilala pala kayo?" Nakiki-usyo niyang tanong. Napatawa siya ng mahina bago akbayin ang gago. "So, ako lang pala ang naa-out of place dito."
Nagpilit ako ng tawa bago bumalik ng upo, pero ngayon, sa single bamboo chair ako umupo dahil kapag sa couch ako umupo, magmumukha kaming sardinas.
Ito namang bruha kong kaibigan ay malakas ang tawa na para bang bentang benta talaga ang sinabi ni Lowe. Enjoy pa na halos magkatabi sila ni Lowe.
Sus, dumadamoves na talaga.
Sinitsit ko siya kaya napatigil siya sa pagtawa at sinamaan ako ng tingin. "Panira ka, girl. Hindi mo pa rin sinasabi sa 'kin kung anong meron sa inyo ni Gage." Mahina niyang bulong sa 'kin at buti na lang hindi 'yon gano'n kalakas para marinig nila.
Nagkibit balikat ako at hindi na pinansin ang sinabi niya.
Tumikhim ng isang beses si Lowe kaya sa kaniya naman nabaling ang atensyon namin. Pansin kong nakaheadset na pala si Gage pero mukhang napalakas ng konti ang tikhim kasi pati siya ay napatingin na rin sa katabi niya.
"Hindi man tayo magkakaclose, pero…" pagbitin niya. "Pwede paturo ng pickup line? Wala kasi akong alam do'n, eh."
Napakagat ako sa labi para pigilan ang pagtawa habang si Fern naman ay halos takpan na ang bibig para pigilan ang pagtili.
"Omg, don't tell me para sa akin?" Assuming na tanong niya kay Lowe. Nilapit niya pa talaga ang mukha niya sa binata kaya napasimangot ako.
Talandi ng kaibigan ko!
Tumawa lang ang isa bago umiling. "Para sa girlfriend ko, sana. She's been asking me lately to tell her a pick up line. 'Eto naman ako, walang alam sa mga gano'n."
Sabay na bumagsak ang balikat namin ni Fern. May girlfriend na nga. Sayang.
Nagkatinginan kami ni Fern at talagang pinagbagsakan ang mukha niya. Pero kahit gano'n, hindi ko pa rin sineryoso ang reaksiyon niya. Alam ko namang hindi naman talaga nakakapaghinayang 'yon dahil marami naman siyang ka-date. Pero… nakakapanghinayang talaga.
Nakangiti kong hinarap si Lowe, hindi pinapansin ang nakaheadset niyang katabi dahil alam ko namang hindi niya kami maririnig. "Sige, ba! Turuan na kita."
Napangiti naman siya ng malaki at tumango sa 'kin, inuudyok akong magsabi na ng pick up line.
Napasandal ako sa upuan. "Pero bago 'yon…" tumaas naman ang kilay niya, hinihintay ang sasabihin ko. Tinagilid ko ang ulo ko at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "Bakit andito ka pa rin—"
"Ah!" Napatango-tango siya na para bang alam na alam na niya talaga ang itatanong ko. "You mean kung bakit imbes na umuwi na ako para bumalik na lang mamaya pagkatapos ng tutor ay andito pa rin ako at hindi pa umuuwi?"
Tumango ako. Inangat ko ang sariling kamay para i-ayos ang pagkakatali ng buhok ko habang hinihintay ang paliwanag niya.
Napakamot siya sa sariling tulay ng ilong bago ituro ang kapatid na si Luis sa pwesto nila Mama. "Inatake siya ng hika kagabi kaya andito ako para bantayan siya. You know, just in case…"
Sabay-sabay kaming napatango bilang pag-intindi sa sagot niya. Saglit kong sinulyapan si Gage na kasalukuyang nakasandal ang ulo sa pader habang nakapikit. Ewan ko kung gising ba siya o tulog pero hindi ko man maamin, curious rin ako kung bakit pati siya andito pa rin.
"Gage!" Nanlaki ako sa biglang pagtawag ni Fern kay Gage na naging dahilan para magising o mamulat ng mata niya.
Hindi pa man ako nakakaiwas ng tingin ay agad niya akong nahuling nakatingin sa kaniya. Para akong napasong napaiwas ng tingin at ekseheradang tumikhim.
Huli ka, Aude!
"Ikaw? Ba't andito ka pa rin?" Tanong ng kaibigan ko sa kaniya.
Pasimple kong binalik ang tingin kay Gage para hintayin ang magiging sagot niya.
Tinaasan niya kami ng kilay. "Kailangan pa ba ng rason? Gusto ko lang…"
Weh? Bakit parang may iba siyang dahilan? Kung ano man 'yon, bahala siya.
Sumandal ako sa upuan at pumalakpak ng isang beses para kunin ang atensiyon nila. "Balik natin sa gustong mong matutunan, Lowe."
Napatitig ako sa bubong para mag-isip pero agad ako napasuntok sa hangin nang meron agad akong naisip. Bago 'yon. Bumibilis ang tagos ng utak ko ngayon.
Nginitian ko siya ng matamis. "'Eto na!" Tumango siya. "Did you just come out from the oven?"
Kumunot ang noo niya sa pagtataka. "H-ha? How would I fit in an oven and… is a human even allowed to be in an ove—"
"Ano ba 'yan!" Malakas kong reklamo habang naiinis na kumakamot sa ulo.
Tawang-tawa naman ang bruha, at 'wag ka! May kasama pa 'yang hampas kay Lowe. Talandi! Makakaganti rin ako sa 'yo!
Binalik ko ang tingin kay Lowe na nagtataka pa rin, hindi alam na sinira pa lang niya ang pick up line ko.
"Ulit nga!" Umayos ako ng pagkakaupo at binalik ang matamis na ngiti sa labi. Pinilit ko pa 'yan dahil baka sirain niya ulit ang mood ko.
Mahirap kumbinsihin ang mood ko kaya dapat iwagas na.
"Dapat "why" ang isagot mo sa tanong ko, ha?!"
Nagtataka man ay tumango pa rin siya. "Alright…"
Mas pinalaki ko ang matamis kong ngiti sa kaniya. Sabay silang tumahimik at hinintay ang sasabihin ko.
"Did you just come out from the oven?"
"W-why?"
Kinindatan ko siya. "Because, Lowe, you're hot…"
Agad namula ang mukha niya at napaiwas ng tingin. Napangiti ako ng tagumpay, may kasama pa 'yang taas baba ng kamay na parang pinapahiyaw ang mga tao. Sobra naman ang tili ni Fern pero hindi 'yon ang nabigyan ko ng pansin dahil may reaksyon na siyang kumuha ng atensyon naming tatlo.
"Tsk. Is it even possible to come in and out in an oven? You need to chop yourself to fit in…" walang ganang bulong ng gago habang nakakunot ang noo at may nandidiring reaksyon ang bibig.
Agad umakyat ang dugo ko sa ulo at bago ko pa siya masugurin ay agad akong niyakap ni Fern para patigilan sa balak.
Sinubukan kong itulak siya pero may halong sabunot kasi ang yakap niya kaya nahirapan ako. "'Wag mo 'kong pigilan. Isang suntok lang naman!"
Umiling si Fern pero kalauna'y tumawa siya. "'Wag dito, Aude. Layas ang abot mo kay Aunte." Saka niya ako pakawalan sa yakap at bumalik sa pagkakaupo. Alam niya kasing e-epekto ang sinabi niya sa 'kin.
Layas. Nagpaulit-ulit 'yon sa utak ko kaya agad kong kinalma ang sarili. Aude, gugustuhin mo bang matulog sa kanal?! Hindi! Ayaw mo! 'Wag mong hahayaang mapadala ka sa pambwebwisit ni Gage sa 'yo! Tama!
Napangitngit ako sa inis. Kainis! Gusto kong pagbuhol-buholin ang mukhang malambot niya mukha, tapos, may kasama pang kalmot sa makinis niya balat.
Gano'n! Gano'n ang gusto kong mangyari!
Ilang malalalim na paghinga ang pinakawalan ko bago ko siya balingan ng tingin. May maliit at pekeng ngiting nakaplaster sa labi ko at sinigurado kong halata talagang peke 'yon.
Tinaasan niya lang ako ng kilay bago irapan ako at pumikit.
Gago.
Iniwas ko na lang ang tingin mula sa kaniya bago pa ako gumawa ng hakbang na alam kong layas lang ang resulta. Pigilan mo talaga ang sarili mo, Aude.
Ilang minuto ang ginugol namin sa pagbibigay ng mga pick up line at naiinis lang ako dahil pansing kong kada ako ang nagpi-pick up line, palaging may negatibong komento itong si Gage.
"Is your dad a boxer?"
Tumawa muna si Lowe bago sumagot. "Why?"
Napangisi ako. "Because you're a knockout—"
Napaismid ang gago. "Engineer ang Papa niya."
Kumalma!
Napabuntong hininga ako bago ibalik ang ngiti. "If you were a basketball, I'd never shoot."
Interesadong tumaas ang kilay ni Lowe. "Really? Why?"
Tinaas-baba ko ang kilay ko. "Because I'd always miss you…"
Napailing si Gage. "Seriously? Lowe's a human, not a basketball…"
Tangina talaga. Isa pa, ha. Isa pa. Hindi na lang manahimik!
Nag-akto akong may telepono sa tenga. "Ring ring… could you answer it?"
"Why?"
"Because my heart is calling for you…" nagakto akong kinikilig pero agad akong napatigil.
"Tunog pala ng telepono? Akala ko ambulansya—"
Padabog kong hinampas ang gilid ng upuan at napatayo mula sa pagkakaupo. "Suko na 'ko! Nauuhaw na 'ko!"
Agad kong tinungo ang kusina para uminom. Baka hindi ko mapigilan ang sarili at ma-head kick ang gago. Ginigigil niya ako.
Hindi ko namalayan na ilang baso na pala ang nainom ko dahil sa panggigigil sa kaniya. Kailangan ko tuloy ilabas ang kalikasan.
Halos itakbo ko na ang daan papuntang banyo pero parang umurong ang ihi ko nang makita ang taong lumabas mula do'n.
Kumalma ulit!
Nakaheadset pa rin siya pero mukhang nasa kapaligiran naman ang atensyon dahil napansin niya agad ako. Tinaas niya ang kilay sa 'kin.
Gwa—taray! Mabilis ko siyang inirapan bago tuluyang lagpasan. Bumalik na ang ihi ko.
"Do you really think I already forgot what you did?"
H-ha?
Napalunok ako ng isang beses. "A-anong pinagsasabi mo?" Maang-maangan kong tanong pabalik.
Hindi makapaniwala siyang napaismid bago ako hawakan sa braso. Sinubukan ko 'yon tanggalin pero may pagkahigpit kaya nahirapan ako.
"A-ano bang problema mo?" Halos hindi na 'yon marinig.
Kahit hindi ko siya kaharap, kita ko sa peripheral vision ko na inipit niya ang sariling labi. "Hindi rin naman kayo gaanong magkakilala ni Lowe pero ang lakas ng loob mong magsabi ng mga walang kwentang bagay sa kaniya. At sa harapan ko pa talaga," malamig niyang sabi.
Napakunot ang noo ko. Wala akong maintindihan! Anong connect?!
"Pero sa ating dalawa na text lang, anonymously pa, ay halos murahin at insultuhin mo na ako ng sunod-sunod, ng walang patawad." Mahina pero may halong diin niyang pagpapatuloy.
Halos magkasugat na ako kaka-kagat ng labi. Hindi ko naman 'yon sinasadya, nag-enjoy lang ako kahit hindi ko naman alam kung sino ang kausap ko.
Grabehan ka na, Aude.
Pero hindi ko rin maintindihan kung anong connect no'ng mga pick up line ko kay Lowe sa pagmumura ko sa kanya. Nag-sorry na rin naman ako! Nga ba? At hindi ko 'yon sinadya—I mean… hindi ko alam!
"Anong gusto mong gawin ko? Mag-sorry ng paulit-ulit, gano'n ba? Nag-sorry na rin naman ako! Ano bang gustong mong iparating sa mga pinagsasabi mo?!" Halos kapusin ako ng hininga pagkatapos ko 'yon sabihin.
Nagulat ako nang bigla niya akong higitin paharap sa kaniya dahilan para maglapit ang katawan at magtama ang mga mata namin.
T-tangina. Halos hindi na ako makahinga.
"What do you think?" Malamig niyang tanong.
Hindi ko alam! Hindi!
"Of course, you already know what to do…" ngumisi siya. "Bumawi ka."
A-ano?!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (6)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story🥰😍🥰
06/06/2024
0Ang kanilang
08/02/2024
0Beautiful story
23/08/2023
0Tingnan Lahat