Homepage/When Sunrise Strikes At The Gasoline Station/
Chapter 3
First update during 2022! Hope you like it, Anangs!
Don't forget to vote, voice out your opinion, and share this chap!
Kabanata 3
"Oh, sige na. Bukas ulit, ha? May tutor rin bukas kaya dalhin mo ulit si Ley dito."
Seryosong tumango si Gage habang hindi pa rin nililihis ang tingin mula sa 'kin. "Sige po…"
Sinamaan ko siya ng tingin bago irapan. Swerte ang gago dahil nakatakas siya mula sa suntok ko.
Pinagtataka ko rin kung bakit magkapatid sila ni Ley, gayong… sobrang bait at mahiyain ang kapatid niya. Mukha lang 'ata ang pagkapareho nila.
Gago.
Nagmamadaling tumakbo si Ley mula sa loob ng bahay palapit sa kuya niya, dala ang bag, at sabay silang nagpaalam kay Mama na kanina pa nakangiti sa kanila.
Ma, gago 'yong isa sa kanila!
Dahan-dahan akong hinarap ni Ley at binigyan ako ng nahihiyang ngiti. "Bye, Ate Aude…"
Binigyan ko naman siya ng matamis na ngiti at kinawayan habang prenteng nakahawak sa hamba ng pinto. Siniko ako ng Mama nang mapansing parang nag-aaya ako ng away dahil sa posisyong kong 'to.
Agad naman akong umayos sa pagkakatayo bago pa ako tuluyang palayasin.
Bumagsak ang titig ko kay Gage na nakakrus ang braso, hindi pa rin nagbabago ang reaksyon, habang nakakapit sa laylayan ng damit niya si Ley.
Hindi siya nagulat nang titigan ko siya sa mata. Mas naging malinaw ngayon ang kulay bronze niyang mata dahil hindi naman siya nasa loob ng sasakyan ngayon. Presko ang itsura niya ngayon at halatang may pagkamayaman ang pamilya nila.
Namalayan ko na lang na nakataas na pala ang kilay ko nang hindi man lang siya umiwas ng tingin at tinanggap pa talaga ang pakikipagtitigan ko.
At dahil do'n, dahan-dahang sumilay ang maliit na ngisi sa labi niya na nagpasalubong ng kilay ko at nagpainit ng pisngi ko.
Agad akong napayuko nang marinig ang nakakalokong tikhim ni Fern na nasa likod ko pala. Ba't hindi ko alam na kanina pa siya d'yan—ah, oo nga pala.
Magaling magtago ang mga bruha.
Patago akong napangiwi nang maramdaman ang naguguluhang tingin ni Mama sa 'min. Agad kong inangat ang tingin sa kaniya at magsasabi sana ng palusot nang maunahan ako ng gago.
"Una na po kami, Ma'am. Thank you…"
Napaipit ako ng labi dahil sa narinig ko. Bakit kahit parang hindi bagay sa kaniyang ugali ang mag-po at mag-thank you… parang mapapatahimik ka na lang kung siya 'yon.
Tangina. Hindi ko siya kilala. Oo, 'yon ang rason… 'ata?
Tumango si Mama at kinawayan si Ley na ginawa rin 'yon pabalik kay Mama at sa 'kin. Binigyan ko lang siya ng maliit na ngiti, hindi na nililingon ulit ang kuya niya na ramdam kong kanina pa ako binibigyan ng tagos-kaluluwang tingin.
Ewan ko ba kung bakit naiilang ako. Baka gutom lang.
Kahit ramdam ko na na ang pag-alis nila sa harap namin, nanatili pa rin akong nakatingin sa lupa. Pero nang marinig ko ang pagbusina ng kotse nila, mabilis pa sa kidlat akong umangat ng tingin at bumagsak ang titig sa bukas na bintana ng driver seat.
Agad nagtama ang tingin namin na nagpaawang ng bibig ko. Seryoso pa rin ang mukha niya habang tinatapik ang monibela gamit ang kanang mga daliri. At ilang segundo ang lumipas, ay saka na niya tuluyang i-maneho ang kotse paalis.
Napahawak ako sa hamba ng pinto at nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay. Sumunod rin naman sila Mama kaya baka hindi nila napansin ang kilos ko.
Napatalon ako sa gulat nang bigla akong inakbayan ni Fern. Nilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko. "Girl, anong klaseng titigan 'yon?"
Magkasalubong ang kilay ko siyang inirapan, walang balak sagutin ang walang kwenta niyang tanong.
Sinundot niya ang tiyan ko nang hindi ako umimik. "Sagutin mo ko–"
"Aunte Iriz! Malapit nang masunog ang manok!"
Patago akong ngumisi nang hindi na niya natapos ang sasabihin dahil sa biglang pagsigaw ni Thea na siyang sinundan rin ni Phoebe.
"Sunog? But it smells so good!"
Sabay kaming napailing ng katabi ko at sinundan si Mama papuntang kusina. "Ihanda niyo na ang mesa. Dito na lang kayo kumain, Fern…"
Kinabukasan, hindi si Gage ang naghatid-sundo kay Ley gaya ng inaasahan ko—I mean… hindi naman sa inaasahan ko talaga pero… parang gano'n na nga.
'Yong papa ni Ley ang kasama niya habang si Kuya Lowe pa rin ang naghatid-sundo kay Luis. Si Phoebe naman ay ang Mama nila ni Fern ang kasama kasi may lakad daw si Fern—na alam ko namang date 'yon.
Syempre, tumulong ulit ako kahit parang wala naman akong silbi sa pag-check.
Ayaw ko lang mapalayas.
Dalawang araw ang lumipas at Martes na ngayon. Kasalukuyan akong naglalakad papuntang bahay nila Manong Remi dahil may pinapatulong siya sa 'kin.
Ewan ko nga lang kung ano 'yon.
Nasilayan ko pa ang Hill Tapo-abo na malapit lang sa lugar namin. Napangiwi ako at inayos ang sombrero sa ulo.
Simula pa mula sa pagkabata, takot na ako sa matataas na lugar. Ewan ko nga kung bakit pinagtawanan pa talaga ako no'n ng mga kaklase ko no'ng elementary pa kami nang sinabi ko 'to sa kanila.
Buti at napigilan ko silang suntokin. Hindi ko nga lang napigilan na sabay silang hablutin ang mga buhok at saka ako tumakbo ng mabilis.
Kapag naalala ko 'yon, minsan maiinis ako dahil sa pagtawa nila, pero minsan mapapangisi na lang ako ng nakakaloko kapag naalala ko ang mga itsura nila nang makita ang ilang hibla ng buhok sa kamay ko.
Hanggang makarating sa kahoy na bahay ni Manong Remi ay hindi pa rin nawawala ang ngisi ko kaya agad niya iyon pinuna.
"Kailan ka pa naging mangkukulam?"
Pabagsak akong umupo sa gawang bamboo nilang upuan at tinaas-baba ang kilay sa kaniya. "Sa lamay po niyo…"
Pabiro niya akong inambahan ng batok kaya agad akong nag peace sign. Tinanggal ko ang sombrero sa ulo at sumandal.
Siguro, nasa 60's o 70's na siya kasi kahit wala naman siyang buhok para sa puting buhok, halata naman na medyo may edad na siya dahil sa kulubot niyang balat.
Minsan nga, iniisip ko kung pa'no niya nakayanang maging palangiti sa buong baryo gayong… wala naman siyang pamilya.
Wala siyang kasama sa bahay niya na 'to, kaya para mabawasan naman ang pag iisip niyang mag-isa siya, madalas akong pumupunta dito.
Siguro nga iniisip niyang pumupunta ako dito para maki-tsismis kahit hindi naman gano'n 'yon. Pero kung gano'n nga ang iniisip niya, bahala na, mas maganda kung gano'n na lang 'yon.
Wala akong ama na gumabay sa 'kin pagkalaki, walang amang sumupporta o kumausap sa 'kin no'ng kailangan ko, pero… meron namang tsismosong Remi na makiki-tsismis sa 'kin.
Napangiwi ako nang biglang hinarap ni Manong ang kalbo niyang ulo sa harap mismo ng pagmumukha ko.
"Ano 'yan?!"
Tumawa siya ng malakas bago umayos ng pagkakatayo at nagpatuloy sa paglinis ng tenga. "Hathor, may boyfriend ka na, 'no? Isusumbong kita sa Mama mo—"
"Wala akong gano'n!" Umiiling kong sagot.
Nilaki niya ang mata sa 'kin at pinalapad ang pagkaka-ngiti. "Ba't ka nakangiti ng mag-isa? May sweetheart ka na talaga…"
Padabog akong nagkrus ng braso. Ngiti-ngiti niyang tinapon ang cotton buds sa basurahan na nasa kusina niya.
Winagay-way niya ang kamay pataas habang naglalakad pabalik sa sala. "May boyfriend na ang tomboy na si Hathor. May boyfriend na…"
Napasimangot ako. Ilang beses ko ba kailangang sabihin sa kaniya na hindi ako tomboy!
Nagpatuloy siya sa pagkanta at umupo sa harap kong upuan. "May boyfriend na siya... hindi man lang sinabi sa 'min. Kailangan 'tong malaman ni Marvin at Arnel, may boyfriend na siya…"
Dinamay pa talaga ang tandang tropa niya.
Napabuga ako ng hangin at hinarap siya na magkasalubong ang kilay. "Ba't niyo pala ako pinapapunta dito? Kailan ka pa naging takot mag-isa?"
Nerbyos siyang nagpeke ng tawa at ngiti. "Hindi ako takot, ah. Hindi takot ang mga senior citizen…"
Ah, so tungkol 'to sa kwento niya no'ng nakaraan na automatic na lumiwanag ang banyo niya no'ng umihi siya sa gitna ng gabi? Kahit hindi naman automatic ang mga banyo.
"Kailan naulit?" Tanong ko sa kaniya habang nililiit ang mata.
Agad naman siyang umayos ng pagkakaupo at sumagot. "Kagabi lang…"
Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinungo ang maliit niyang kusina kung saan nando'n ang banyo niya. Pagkabukas ko pa lang ng banyo ay agad akong napangiwi sa dumi.
Parang dinaanan ng bagyo sa sobrang kalat. Nilingon ko ulit si Manong sa sala niya.
"Pagkatapos niyong umihi kagabi, binuhusan mo ba ng tubig?"
Napangiwi siya. "Malamang hindi ko 'yon nagawa sa takot. Agad akong tumakbo sa kwarto para bumalik sa pagtulog. Hindi na rin ako bumalik diyan sa loob mula pa kagabi hanggang ngayon. Takot na kung takot, basta gano'n talaga."
Binalik ko ang tingin sa loob ng banyo at napakunot ang noo. Kung hindi niya binuhusan, ba't hindi naman mabaho?
Ba't walang amoy ng ihi? Madumi lang pero hindi mabaho. Hindi kaya…
Napakamot ako sa ulo at pumunta sa lababo nila. "Manong, ba't ang dumi ng banyo at buong kusina mo? Kailan ka pa naging tamad?!"
Nagmamadali siyang tumakbo mula sala papunta sa pwesto ko at napakamot sa kalbo niyang ulo.
"A-ah, eh… N-nagplano ako kagabi na linisin ang buong bahay, kaya lang… alam mo na, dahil sa takot ko ay nakansela 'yon. Wala akong ginalaw na gamit dito sa kusina dahil baka maulit na naman ang nangyari kagabi. Kahit sa pagkain at pag-inom, kila Arnel ko 'yon ginawa…"
Napabuga ako ng hangin. Bigla tuloy akong nauhaw dahil sa mga paliwanag niya.
"Asan po ang tubig niyo?"
"Sa ref…"
Kinunutan ko siya ng nuo. "Kailan ka pa nagka-ref?!"
Kinunutan rin niya ako ng noo. "Hathor, matagal na. Hiningi ko 'yan kay Flor dahil may bagong bili naman sila. Hindi mo lang 'ata napansin dahil ngayon ka lang naman nauhaw dito."
Agad kong tinungo ang sinasabi niya ref. Parang 'yong normal lang rin 'to na ref. Bumubukas-sara at hanggang kalahati ng tao ang taas. Ipinatong lang niya sa isang mesa kaya tumaas ng konti.
Nagtanong ako bago ko pa buksan ang ref. Ayaw kong magmukhang bastos. "May pagkain ka dito?"
Para siyang tutang umiling habang nakahawak sa likuran. Hindi naman ako nagtaka dahil normal lang sa mga matatanda ang sumakit ang likuran.
"Tinatamad akong mag-stock..."
Ibinalik ko ang tingin sa ref at saka ito binuksan. Pero imbes na makakuha ng inumin nang matiwasay, bumagsak ang dalawa kong kamay sa ilong.
"Ba't amoy ihi?!"
At sabay naming naintindihan ang lahat.
Ang automatic-scary light comfort room na sinasabi ni Manong… ay ang nag-iisang hiningi niyang refrigerator.
Magaling. Literal.
Nagmamadali ko siyang nilapitan at mahinang binatukan sa ulo. Dahan-dahan siyang ngumiti sa 'kin at nag peace sign.
"P-pasensya na, ah. A-ah, hindi ko talaga alam—"
Napailing ako. "Sinabi ko naman sa inyo na 'wag unahin ang tsismis. Nag-imagine tuloy kayo ng automatic light papuntang langit," kalmado kong sermon sa kaniya. Napakamot naman siya sa ulo. Nilibot ko ang tingin sa buong kusina at napailing. "Linisin niyo 'to, ah."
Tumango tango naman siya at tinungo ang lagayan niya ng pamunas.
Binalik ko ang pagkakasuot ng sombrero at nagpaalam sa kaniya. Nauuhaw na talaga ako at alangan namang tubig mula sa ref niya ang inumin ko.
Tinungo ko ang pinakamalapit na tindahan at bumili ng ice water. Buti nga at meron silang kahoy na duyan kaya umupo muna ako do'n at napadighay ng malakas.
Napaigtad ako nang maramdaman ang pag vibrate ng phone ko sa bulsa. Agad ko 'yon kinuha mula do'n.
Fern:
Where are you, girl?
Me:
Duyan. Bakit? Pupunta ka rin sa imaginary duyan niyo? Mananatili 'yang pangarap.
Napahalakhak ako bago magpatuloy sa pag-inom.
Fern:
Che! Anyway, I'm sorry if ever your number becomes a virus and it will spread.
Napakunot ang nuo ko.
Me:
Anong pinagsasabi mo?
Fern:
Hehe. Alam kong sasabunutin mo 'ko kapag nalaman mo 'to kaya ipapaaga ko na.
Pasuspense.
Fern:
One of my dates asked for your number, though, I don't know what for but maybe he likes you, so, I genuinely gave what he wishes for. Expect to have a chatmate!
Me:
Binigay mo?! Kanino?!
Fern:
Confidential! Bye! See you tomm.
Padabog kong tinapon ang plastic sa katabi kong maliit na basurahan at inimagine ang sariling sinasabunotan si Fern.
Chatmate? Ewan ko.
Napaigtad ako ulit nang magvibrate na naman ang phone ko. Akala ko ba, bye na?!
Unknown number:
Magandang araw, binibini!
Agad nagkasalubong ang kilay ko. Sino ang tarantadong 'to?!
Malakas ang kutob kong ito ang sinasabi ni Fern na binigyan niya ng number ko. Pero anong kailangan nito sa 'kin?
Me:
Sira na ang araw ko dahil hindi ako binibini.
Unknown:
Haha. Magiging maganda 'yan kung susundin mo ang pabor ko.
Mas lalong nagkasalubong ang kilay ko. Pabor? Sini-swerte 'to, ah! Hindi ko nga siya kilala tapos may ipapagawa pa sa 'kin.
Me:
Wala akong oras para diyan, totoy. Busy ako.
Unknown:
Kung busy ka, binibini, dapat hindi mo na ako ni-replayan, kaya gawin mo na ang pabor ko, Ma'am.
Napaismid ako pero kalauna'y napabuga ng hangin.
Me:
Anong pabor?
Unknown:
Okay! Maraming salamat, binibini, pero ito ang hinihingi kong pabor. I-text mo ng "You're so ugly." ang i-sesend kong number sa 'yo. Okay ba?
Inipit ko ang labi para pigilan ang pagtawa ng malakas. You're so ugly talaga? Anong klaseng pabor 'to? At kanino ko isesend?
Me:
Simple lang naman ang pinapagawa mo. Pero ano ba ang trip mo, toy?
Unknown:
Ang rason ko ay mananatiling tago. At simple lang naman 'di ba? Gawin mo na binibini.
Bago pa ako makapag reply ulit ay may nai-send na siyang phone number.
Agad ko ring hinanda ang number at nagtype ng pabor no'ng totoy, pero bago ko pa maisend, nagpop ulit ang numero no'ng totoy.
Unknown:
Good luck, binibini.
Napakunot ang nuo ko. Ba't parang… iba ang meaning no'n.
Napailing na lang ako at tuluyan nang sinend ang message.
Me:
Sobrang pangit mo.
Oo, tinagalog ko lang dahil tamad akong mag-english.
Nanlaki ang mata ko nang wala pang ilang segundo ay nagreplay agad ang sinendan ko!
Unknown:
What the fuck?!
Napangisi ako nang malaki at nakita ko na lang ang sarili ko na mas pinapagalit pa ang taong 'to.
Me:
No, fuck you.
Halos itapon ko na ang phone ko nang bigla na lang siya tumawag.
Holy effin ninja!
Nanginging ko itong sinagot at hindi pa man tuluyang naabot sa tenga ko ang telepono, rinig ko na galit na boses ng taong 'to.
["You wicked hag or crocodile. Whoever you are, you're picking a wrong disaster…"]
Nagsisitindigan ang mga balahibo ko, hindi dahil natakot ako sa banta niya, kundi dahil tuluyan ko nang nakilala kung sino siya.
"G-gage?"
Napatigil ang mabibigat niyang paghinga. ["W-what..."]
Agad akong napakapit sa tali ng duyan at napahawak sa dibdib. Ramdam ko rin ang pamumuo ng pawis sa noo ko na agad ko ring pinunasan.
Lumikot ang mata ko nang magkaroon ng ilang segundong katahimikan sa pagitan namin. Hindi ko alam ang sasabihin ko!
Napatikhim ako ng malakas. "P-pasensya na. Hindi ko alam—"
["I don't know what has gotten into you, but you're very lucky that I know you. If not… you don't know what's gonna happen."] Walang emosyon niyang pagputol sa 'kin.
Napapikit ako ng mariin at bumigat ang paghinga ko dahil sa kaba. Kahit tawag lang 'to, alam kong seryoso siya.
Napadiin ang pagkakapit ko sa tali. Kada salita niya ay agad nagsisintindig ang mga balahibo ko sa batok dahil sa lamig ng boses niya.
Namalayan ko na lang na pinatay na niya ang tawag na nagpahinga sa 'kin ng maluwag. Napakagat ng madiin sa pang-ibabang labi.
Audrey, anong kalokohan ang pinasok mo?!I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (6)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story🥰😍🥰
06/06/2024
0Ang kanilang
08/02/2024
0Beautiful story
23/08/2023
0Tingnan Lahat