Homepage/When Sunrise Strikes At The Gasoline Station/
Epilogue
"Gus!" Gulat kong sigaw sa tatlong taon ko nang anak na lalaki.
Bumubungisngis siyang tumakbo palayo at nang matapilok, imbes na umiyak ay tumatawa lang siyang tumayo bago nagpatuloy na tumakbo.
Napailing ako. "Mag-sorry ka sa kapatid mo! Tingnan mo, mamula-mula na ang pisngi niya…"
Sabi ko habang maingat na hinahaplos ang kanang pisngi ng kalahating taong gulang pa lang na anak kong si Ariah na parang walang paking nakikinig sa 'min habang nakapatong at buhat ko sa braso.
Nagmamadaling bumalik sa pwesto namin si Gus na may nakokonsensyang mukha at nilapit ang mukha sa kapatid.
"Sorry, baby, Ariah," maliit na boses niyang paghingi ng tawad na nagpangiti sa 'kin. "Pero hindi ko talaga kasalanan dahil ang cute mo kasi."
Napabusangot ako sa pinahabol niya pero tumakbo ulit siya palayo habang malakas ang tawa. Hinalikan ko sa pisngi ang cute kong anak.
Si Ariah ay kamukha ko pero ang ugali ay nakuha niya kay Gage. Si Gus naman ay kamukha ni Gage pero ang pagiging madaldal at malikot ay nakuha niya sa 'kin
"Narinig mo ang sinabi ng Kuya mo? Totoo 'yon dahil nagmana ka sa 'kin. Pero bakit mo naman nakuha ang pagkatahimik sa daddy. Ang pangit kaya ng lalaking 'yon, iniwan ba ako ng maaga kaya nagising tuloy ako na walang katabi. Bahala na, wala siyang halik sa 'kin pagkauwi niya…" kunwaring naiintindihan ako ni Ariah na kumurap-kurap.
Nanggigigil akong ngumiti bago nilibot ang tingin sa bahay para hanapin si Gus.
"Gus! Magsorry ka ulit sa kapatid mo! Walang kang gummy worms mamaya!" Pang-uuto ko.
Nakarinig ako ng yabag sa bandang pinto. "Mommy, andito na si Daddy! May dalang isang bucket ng gummy worms!"
Napaikot ang mata ko sa narinig lalo na't nagtama ang mata namin ng gago kong asawa na nakangiti ng malaki kahit bakas ang pagod sa mga mata.
Kahit nag-aalala ako, napasimangot pa rin ako nang maalalang nagising ako na wala siya sa tabi.
Tumingin na lang ako kay Ariah para iwasan siya at napangiti ako nang makitang kumikinang ang mata niya nang makita ang daddy niya.
"Sinong daddy, ba, Gus? Wala akong asawa na pangit." Sikmat ko nang maramdaman kong umupo si Gage sa tabi ko habang nasa hita niya si Gus na sinimulan nang buksan ang gummy worms.
"Baby…" malambing na tawag sa 'kin ni Gage na nagpaikot ng mata ko. Lumapit rin siya kay Ariah para halikan ito sa noo.
"Sinong baby? Ang pangit mo,"
He chuckled softly before leaning on me closer to kiss my neck. Nagsisitindig ang mga balahibo ko at kailangan ko pang lumunok ng ilang beses para mawala ang kiliti ko sa tiyan.
"'Wag mo 'kong mahalik-halik diyan. Hindi 'yan gagana sa 'kin." Lakas loob kong sabi na mas lalong nagpatawa sa kanya.
Good vibes lang ang peg niya habang ako, ito.
Kinabig niya ang ulo ko papalapit sa kaniya para mahalikan ako at napanguso ako dahil agad niya rin itong tinapos. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para pigilan ang pagtawa at pinug-pog ng halik ang buo kong mukha.
"Buntis ba ulit ang asawa ko? Do you have any cravings? I'll buy it for you…" malambot niyang sabi.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo ba ng isa pa?" Masungit kong tanong.
He smirked. "If it's okay with you."
Inirapan ko siya bago napatingin kay Ariah na inosenteng nakatingin sa 'min kahit nagpaplano nang gumawa ang ama niya ng bagong bunso.
"Bakit maaga kang umalis?"
"Hmm," he inhaled in my neck. "Tinapos ko lang ang trabaho ko ngayong araw…"
Kinunutan ko siya ng noo at pinatong naman niya ang baba sa balikat ko habang sinusuri ang mukha ko. "Hindi ka na ba babalik sa trabaho mamayang hapon? May iba ka bang lakad at tinapos mo lahat agad-agad?"
He smiled cheekly. "Yes, I need my rest."
"Matutulog ka ba buong hapon?"
"No," mabilis niya akong hinalikan sa labi. "I'll take you and the kids to the mall."
Lumiwanag ang buo kong mukha sa sinabi niya. "Talaga?!" Hindi makapaniwala kong tanong.
Akala ko kasi mabubulok na ako dito at hindi masyadong makakapasyal ang mga anak natin. Syempre gusto kong maging maganda ang childhood nila kahit posibleng makalimutan nila ito paglaki.
At least hindi namin sila paghihigpitan.
"Yeah, we'll have family time today."
Binihisan muna namin ng damit sila Gus bago ang sarili namin. Naka pink baby dress si Ariah, pink at mainipis na headband sa ulo, at may nakasabit na maliit na kumot sa kaniya para hindi siya masyadong lamigin.
Si Gage naman ang nagbihis kay Gus at pinasuot dito ang light blue stripes na polo at dark blue breeches shorts.
Pinilit ni Gus na dalhin ang gummy worms niya kaya nilagay namin iyon sa maliit niyang gray na backpack at agad niya itong sinuot bago tumabi kay Ariah na nasa loob ng stroller bago ito kausapin na para bang nakakaintindi na ito.
Ako naman ang nagbihis at pinili kong suoting ang isang yellow na sun dress at saka ko ito pinaresan ng puting gladiators bago ko ilugay ang hanggang baba ng dibdib kong buhok.
Nang lumabas ako ng cr ay nakita kong handa na rin si Gage dahil nilalaro na niya ang dalawa suot ang itim na polo na tinupid ang sleeves hanggang siko, itim na pants, at dark blue na sneakers. Napangisi ako nang mapansing may wayfarer sunglass sa ulo niya.
"Tara na!"
Napalingon sila sa 'kin at napangiti si Gage nang makita ang ayos bago lumapit para halikan ako sa pisngi.
"Pretty…"
Habang biyahe ay halos si Gus at si Gage lang ang nag-uusap dahil walang preno-prenong kinikwento ni Gus ang tungkol sa napanood niyang cartoons. Si Gage naman nagd-drive habang sumasang-ayon lang sa mga sinasabi ng anak namin.
Si Ariah ay nasa braso ko habang natutulog habang ako naman at malalim na iniisip kong nabayaran ko na ba ang kuryente na ang deadline ay kahapon.
Ang naaalala ko ay buong araw ako sa bahay pero hindi ako eksakto kung hindi ba talaga ako lumabas para bumayad ng kuryente.
Hanggang makarating na kami sa harap ng mall ay 'yon lang ang iniisip ko kaya hindi ko mapigilang itanong 'yon bago pa man kami bumaba ng sasakyan.
"Gage, nabayaran ko ba 'yong kuryente para sa buwan na 'to?"
Napalingon siya sa 'kin narinig ko naman ang paghagikhik ni Gus sa backseat na parang pinagtatawanan niya ang pagiging bobo ko.
Bawasan ko kaya ang diaper nito?
"I already paid for the electric yesterday," sagot niya na nagpahinga sa 'kin ng maluwag.
"Salamat! Akala ko talaga mapuputulan na tayo bukas. Makalimutin na ako!"
Tumawa siya bago kaming bumaba na ng sasakyan. Binalik namin si Ariah sa stroller dahil gising na naman siya at ako ang nagtutulak ng stroller niya habang nakaakbay sa 'kin si Gage at hawak niya si Gus sa isa pa niyang kamay.
Sabay-sabay kaming pumasok ng mall at ang una naming pinuntahan ay ang jollibee dahil 'yon ang gusto ni Gus at lunch time na rin.
May dinala akong cerelac at gatas para kay Ariah kaya 'yon ang pinakain ko sa kaniya. Buti na lang at mukhang may gana naman siya ay hindi siya sinusumpong kaya naging matiwasay ang pagkain namin pwera lang kay Gus na minuto-minutong may pinapabili sa Daddy niya.
Ito namang si Gage ay go lang ng go.
Pagkatapos naming kumain ay bilihan ng mga laruan at damit ng mga bata. Maraming tinuro si Gage kaya naaamoy ko na ang walang laman na wallet namin ni Gage.
Wala pa naman akong pera mula sa pagta-trabaho dahil simula nang binubuntis ko si Ariah ay pinahinga muna ako ni Gage sa pagta-trabaho kaya siya lang ang may maraming pera.
Balak ko ngang iwan panandalian sila Gus kila Mama kapag bumalik na ako sa trabaho pagka-one year old ni Ariah pero ang sabi naman ni Gage ay pwede namang dalhin niya sa opisina niya sila para hindi na makaabala pa kila Mama dahil tumatanda na rin siya.
Ayon nga si Uncle Alton. Tumanda na talagang single. Si Thea naman ay may boyfriend nang foreigner. Ang kaibigan ko namang si Fern ay nag-asawa ng Canadian kaya malamang nasa Canada siya pero nagtatawagan pa rin kami kada may okasyon.
Tumigil lang si Gus sa pagbili ng mga laruan nang binulungan ko siyang wala na siyang gummy worms kapag sobrang dami na ng mga laruan niya.
Buti naman at nauto ko kaya nag-aya na siyang sa tom's world naman pumunta.
Tunatalon pa siya habang nangingiti-ngiti lang si Gage.
Unang nilaro ni Gus ay 'yong claw machine kaya binuhat siya ng Daddy niya para maabot niya ang control buttons.
Si Ariah ay nasa bibig ang kamay niya habang nanonood sa Kuya niya. Minsan lumalaway pa kaya kailangan ko pang punasin.
Gano'n lang ang nangyari sa mga sumunod na laro na pinili ni Gus at nang mapagod ay humihikab siya lumapit sa 'kin.
"Mommy, I'm sleepy…" maliit na boses niyang sabi.
Naiiling na lumapit rin sa 'kin si Gage pagkatapos niyang kunin ang ticket na lumalabas sa mga machine pagkatapos nitong laruin ni Gus.
"Sabi ko na nga ba," nasabi ko na lang bago ko siya buhatin nang inangat niya ang dalawa niyang kamay.
Ibinulsa ni Gage ang mga ticket bago siya na ang tumulak ng stroller ni Ariah na nakatulog na lang sa paghihintay sa Kuya niya.
"Do you want to buy something before we go home?" Tanong ni Gage habang nakahawak ang isa pa niyang kamay sa bewang ko.
Umiling ako habang humihikab. "Pagod na rin ako at wala na akong ganang magluto pa kaya siguro dumaan na lang tayo sa isang drive thru…"
Tumango siya bago ako halikan sa sentido. "Alright, sleep in the car on our way home, baby."
"Ikaw? Hindi ka pa ba pagod? Galing ka sa trabaho, Gage. Hindi ka pa nakapagpahinga…" nag-aalala kong sabi sa kaniya.
He gently smiled before pulling me closer to him. "Tired is not the current feeling I'm having right now, Aude. I'm happy. I'm happy and contended because I got to spend time with you and the kids. And I'm thankful for that,"
Kumikinang ang mata niya akong tinitigan na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
"Thank you, Aude. Thank you for living a good life with me, for these precious kids, and thank you for being my fuel to be happy. I love you until my last breath…"
The End.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (6)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story🥰😍🥰
06/06/2024
0Ang kanilang
08/02/2024
0Beautiful story
23/08/2023
0Tingnan Lahat