Homepage/When Sunrise Strikes At The Gasoline Station/
Chapter 23
Agad kong sinagot ang tawag nang makitang si Gage 'yon kahit nasa loob pa ako ng trabaho at alam kong nakikinig ang mga katabi kong pulis.
["Aude…"] malambing niyang bati na nagpakagat sa 'kin sa pang-ibabang labi para pigilang mapatili.
Sinampal ko ng isang beses ang sarili ko at kita ko ang bahagyang pagtawa ni Sir Medrano na isang taon lang ang tanda sa 'kin. Sinamaan ko siya ng tingin kaya ngising-ngisi niyang binalik ang atensyon sa mga papeles niya.
"Bakit, Gage?" Kunwaring hindi ako apektado na tumawag siya.
Ilang buwan na ang lumipas simula nang makapag desisyon naming pumasok sa isang relasyon pero hindi pa rin siya nagsasawang tawagin ako kada nasa trabaho kaming dalawa.
Rinig ko sa kabilang linya ang tunog ng parang binabaklat na mga papel kaya alam kong nasa opisina niya siya sa ortega's wheel company. ["Hmmm… Nothing. I just want to hear your voice…"] Mahina niyang sagot na nagpatawa sa 'kin ng mahina.
"Ang clingy mo na." Pansin ko at saka prenteng sumandal sa upuan ko.
Ramdam kong natigilan siya. ["Is… is it a bad thing, baby?"]
Mabilis akong umiling kahit hindi naman niya ako nakikita. "Mas gusto kong ganyan ka sa 'kin," napahawi ako sa nakalugay kong buhok. "Feeling ko, sobrang ganda ko."
He chuckled. ["Ikaw naman talaga ang pinakamaganda. You'll be more beautiful wearing a white gown in the church. And I can't even wait to see a younger version of you as our daughter, baby…"]
Namula ang buo kong mukha. "Che! Mamaya na nga ulit, Gage! Ang corny, ha…"
Tumawa ulit siya na nagpalakas ng tibok ng puso ko. ["Fine. Fine. I'll see you later, Aude. I love you…"]
Parang may kumiliti sa puso sa narinig at sasagot na sana nang mahuli ko ang pasimipleng pakikinig ng mga kasama ko.
Sinamaan ko sila ng tingin bago bahagyang ilayo sa 'kin ang phone.
"'Wag nga kayong makinig! Sinabi ko na kasing maghanap na kayo ng jowa niyo. Ayan tuloy, naiinggit na kayo." Nakabusangot kong singhal sa kanila.
Nagtawanan sila kay mas lalo lang akong nainis. Buti na lang at sinaway sila ng medyo matanda nang pulis kaya bumalik na sila sa trabaho.
Binalik ko ang phone ko sa tenga ko bago sumagot. "I love you too."
Saka ko mabilis na pinatay ang tawag dahil sa mabilis ng paghuhumirentado ng puso ko.
Hindi pa rin 'to makalma basta si Gage ang kausap ko. Kahit nga 'ata ilang taon ang lumipas ay ganito pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya.
Gano'n ko siya kamahal.
Buong umaga akong ganadong nagt-trabaho. Iniisip ko kung anong magandang gawin kasama si Gage. Pero lahat ng 'yon biglang naglaho nang humahangos na lumapit sa 'kin si Sir Gilbert.
"M-ma'am!" Kinakabahan niyang tawag na ikinakunot ang noo ko sa pagtataka. "May barilan daw'ng nangyayari sa kumpanya ng kasintahan mo!"
Nanlaki ang nga mata ko at halos mapatayo ako sa narinig. Nagsimula nang dumagsa ang kaba sa dibdib ko at dali-dali akong lumabas ng istasyon at pinuntahan ang sasakyan ko para mapuntahan ko ang sinasabi niya.
Nando'n si Gage! Baka ano na ang mangyari sa kaniya!
Mabilis ang pagharurot ko ng sasakyan at wala na akong paki kapag may nagagalit ang mga umiiwas sa daan ko.
Kingina nila.
Nang makarating na ako sa tapat ng kompanya ni Gage ay halos talunin ko na ang pagitan ng kotse at entrance ng building niya.
Nakahinga ng maluwag ngunit bakas ang kaba na lumapit sa 'kin ang sekretarya na lalaki ni Gage.
"Ma'am—" agad akong sumigaw.
"Asan si Gage?!"
Nanginginig niyang tinuro ang elevator ng kompanya. "N-nasa opisina niya po pero ando'n rin ang may hawak ng baril. Hindi ko alam kung tama ho ba ang hinala ko pero baka nasaktan si Boss dahil sa ilang putok ng baril—"
Hindi ko na siya pinatapos at nagmamadaling pumasok ng elevator at nanginginig na pinindot ang floor ng opisina ni Gage.
Alam kong mabilis ang elevator pero halos mapamura ako ng malakas dahil hindi ako mapakali.
"Humanda ka sa 'kin Gage kapag nasaktan ka…" naiiyak kong bulong sa sarili.
At nang tumigil at bumukas na ang pinto ng elevator ay walang seremonya akong tumakbo papunta sa pinto ng opisina ni Kheir.
Mabilis kong pinihit pabukas ang pinto pero napaawang ang bibig ko sa nagulat nang makitang nakaluhod so Kheir habang may hawak na singsing at nakaharap sa 'kin.
Pakiramdam ko tumigil ang oras at mundo nang makita ko ang mata niyang mamula-mula habang nakatingin sa 'kin ng puno ng pagmamahal.
Hindi ko alam na may luha na palang tumutulo sa pisngi ko. Pinaghalong kaba dahil akala ko kung ano nang nangyari sa kanya, at saya dahil hindi ako makapaniwalang walang pag-aalinlangan siyang luluhod sa 'kin para hingin ang oo ko na makasama siya habang buhay.
"G-gage…" umiiyak kong sabi habang unti-unting lumalapit sa kaniya.
Sumighot siya na parang pinipigilan ang sariling umiyak kahit may namumuo nang luha sa mata niya.
He smiled gently. "Aude, I know that we started as enemies. You used to curse me a lot because of how big a jerk I am. We both had a lot of arguments. We both started talking stupid things like we just want to fight. But I want all of that to serve as a memory of our beginning. I want that as a memory to share to our future kids that I can't wait to have with you. Because I want to finally call you my wife…"
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil ako ang pinakamasayang tao sa narinig ko mula sa bibig niya. Gusto kong ibigay ang puso ko sa kanya para malaman niyang gano'n rin ang nararamdaman ko.
Tinitigan niya ako ng puno ng pagmamahal. "I know that we were only 8 months as girlfriend and boyfriend, but I take that number of months as a remembrance of our hardworks and the time we were both away with each other. We were unattached for 8 years, right? And now is our monthsary. But I'd love to make this day as a time that you finally said yes to be married to you, Aude. I love you so much that I can't wait to stand in front of God with you while saying our vows. I love you so much, Aude, until my last breath. S-so… will you marry me and be the mother of my kids?"
Nanghihina akong napaluhod sa harap niya habang tumatango at walang tigil pa ring tumutulo ang luha ko. "Yes, Gage. Papakasalan kita dahil mahal na mahal rin kita."
Para iyong gatilyo dahil sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya sa mata habang nakakagat sa labi para pigilan ang mapahagulgol.
Kahit nanginginig ay dahan-dahan niyang hinawakan ang kamay ko bago isuot do'n ang isang magandang kulay puti na kumikinang na singsing.
Para siyang mawawalan ng lakas nang tuluyan na iyong masuot sa 'kin at walang seremonya niya akong hinalikan kahit para siyang batang umiiyak.
"Aude," hindi makapaniwala niyang sabi pagkatapos ng halik namin.
Hinawakan niya ako sa magkabila kong pisngi para magtama ang mga mata namin. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa saya at ramdam kong gano'n rin siya.
Kumagat siya pang-ibabang labi nang matitigan ako ng matagal kahit pareho na kaming lumuluha. "I love you… and I will always love you…"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (6)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story🥰😍🥰
06/06/2024
0Ang kanilang
08/02/2024
0Beautiful story
23/08/2023
0Tingnan Lahat