Chapter 19

"Is it okay of I carry you?" Tanong niya kalaunan nang hindi ako nagsalita at nanatiling nakaupo sa sahig.
Tumango lang ako bilang sagot dahil baka kapag magsalita pa ako bilang sagot ay magkautal-utal pa.
Naramdaman kong pinulupot niya ang isa niyang braso sa likod ng hita ko at ang isa naman ay nanatiling nasa likod ko para mabuhat ako.
Hindi ko alam kung saang banda ng gym niya ako ilalagay pero kusang pumulupot ang braso ko sa leeg niya nang makarinig ng tunog ng pagkatanggal ng yero.
'Wag naman sanang maubos ang yero dito.
Ilang segundo ang lumipas ay naramdaman kong umupo si Gage na ang hinuha ko ay sa upuan ibinigay sa kaniya kanina ng staff, at inayos niya ang pagkakaupo ko sa hita niya patagilid.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan sa langit kaya ginamit 'yon ni Gage para kausapin ako.
"Are you scared of the typhoon?" Mahina niyang tanong.
Iiling na sana ako para itanggi 'yon at hindi niya malaman ang kinatatakutan ko nang isang malakas na hampas ng hangin na nagpanginig sa 'kin sa takot.
"N-natatakot ako…" nasabi ko at mas siniksik ang sarili kong ulo sa leeg niya.
He hushed me before circling his left arm on my waist while the other one started caressing my hair.
"It's okay, it's okay… I'm here." Pagpapagaan niya ng loob ko.
At hindi ko alam na simpleng haplos, init ng katawan niya, at boses niya ay nagawa kong kumalma ng kaunti.
Pwede pala 'yon?
Hanggang ilang oras na ang lumipas habang bumabagyo ay hindi ako gumalaw at nanatiling nakayakap sa kanya. At dahil sa init ng katawan niya ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Nagising na lang ako kinabukasan nang maramdamang may nakatitig sa 'kin.
Humikab ako nang malakas bago dahan-dahang mimulat ang mga mata. Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang mapansing kanina pa pala ako pinapanood ni Gage.
Napatayo ako nang ma-realize ang posisyon ko sa kanya. Para akong baby na nakasandal sa tatay niya.
May mapaglarong ngisi ang gumuhit sa labi niya nang makita ang reaksyon ko.
Napatikhim ako ng malakas sabay iwas ng tingin. "Sorry…" paghihingi ko ng tawad dahil hindi 'ata siya nakatulog dahil may malaking damulag ang nakayakap sa kaniya simula kagabi.
Tumayo siya at napamulsa, hindi nawawala ang ngisi sa labi. "It's okay. I also slept while you were on my lap. I just also woke up early…"
Naiilang akong tumango at tumalikod sa kaniya para itago ang mukha ko.
Nakakahiya ka, Aude!
Nagmamadali kong hinanap si Sir Gilbert at nakita ko siyang nasa pinto habang nakatingin sa labas.
Naglakad ako papunta sa pwesto niya habang tinitingnan ang mga nag-evacuate.
May mga kalmado na, pero mayroon pa ring umiiyak. Natuon ang pansin ko sa yerong kalahati na lang ang natitira.
"Sir, anong balita sa bagyo?" Bungad ko sa kasama kong pulis.
Napaharap siya sa 'kin. "Ngayon lang ako nakatanggap ng balita na dalawang oras na pala ang lumipas nang magland-fall." Sagot niya at napasulyap sa labas.
Nakahinga ako ng maluwag bago tingnan ang labas ng gym.
Hindi na ako nagulat nang makita kong gaano kalaki ang damage ng bagyo. May mga tumbang puno, mga sirang bahay, nabaling poste, wire, nagkakalat na mga yero, damit, basag na bintana, at baha.
Ganito rin ang mga nakita ko pagkatapos ng bagyong nangyari walong taon na ang lumipas. Pero sa tingin ko ay mas malakas 'yong dati dahil noon ay may mga taong namatay.
Napagdesisyon naming pakainin muna ng almusal ang mga tao bago sila payagang lumabas para bisitahin ang mga bahay nila.
Kahit kanina pa pala tapos ang bagyo ay may mga umiiyak pa rin, nag-aalala sa kung ano ang madadatnan nila sa bahay nila.
Tumulong ako sa pagbigay ng mga pagkain gaya kahapon at gano'n rin naman ang mga staff at sila Gage.
Agad akong umiwas ng tingin nang magtama ang mata naman at nagkunwaring hindi ako nakatulog kagabi sa hita niya.
Bakit nga ba kasi pinakita ko pa sa kaniya ang takot ko?
Pagkatapos naming kumain ay kaming dalawa ni Sir Gilbert ang naunang lumabas. Kailangan naming tanggalin ang mga bagay na makakasugat sa mga dadaan dito.
May punong nakaharang sa labas ng gym kaya pinagtulungan namin iyong ilipat sa gilid. Tumulong rin sila Gage na siyang inaasahan ko.
Lalaki kaya sila, dapat lang tumulong.
Nang mukhang wala namang matutulis na bagay ay saka namin sila pinayagang lumabas. May ibang dinala na ang mga gamit, may iba namang iniwan lang muna sa loob ng gym.
Binaliktad ko ang pagkakasuot ng sombrero ko para mas madali para sa 'kin makita ang mga bahay.
Parang may kumirot sa puso ko habang nakatingin sa mga sirang yero at basag na mga salamin. Napayuko ako at nilapitan si Sir Gilbert.
"Pwede bang aalis muna ako? Kukumustahin ko lang sila Mama." Paalam ko sa kaniya.
Agad siyang tumango. "Sige po! Mamaya pa namang lunch time ang sunod nating kailangang gawin. Pupuntahin ko rin ang pamilya ko sa kabilang bayan. Ingat po, Ma'am!"
Tumango ako saka siya binigyan ng maliit na ngiti. Tumunga ako sa pinaradahan ng kotse ko at nakahinga nang maluwag nang makitang wala naman itong grabeng sira. May gasgas lang at sirang side mirror.
Papasok na sana ako nang maramdamang may parang tunatakbo papunta sa 'kin. Nakakunot noo kong hinarap ang kung sino man 'yon at nagulat nang makitang si Gage pala.
"B-bakit?" Naguguluhan kong tanong.
Hinihingal niyang sinalubong ang mata ko na nagpabilis ng tibok ng puso ko. "Pwedeng sumabay? I don't have my car with me." Mahina niyang sabi.
Napalunok ako at hinanap si Ayan. "'Yong kaibigan mo?" Nagtataka kong tanong.
Napaiwas siya ng tingin. "Ah, may dala siyang kotse. At saka… malayo 'yong bahay niya kaya ayaw kong sumabay sa kanya." Depensa niya na parang nagsisinungaling.
Halatang gusto akong kasama.
Saglit rin akong napatingin sa suot niyang suit dahil mula pa kahapon sila pinagtitinginan.
"O-okay…" pagpayag ko na nagpaliwanag ng mukha.
"Thank you…"
Binigyan ko siya ng maliit na ngiti at sumakay na sa driver's seat. Pagkapasok ko at habang naglalakad siya papunta sa frontseat na katabi ko ay paulit-ulit akong huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili.
Sasabay lang siya, Aude. 'Wag kang assumera.
Sineryoso ko ang mukha ko nang makapasok na siya at saka ko sinimulan ang pagmaneho.
Natatandaan ko pa rin naman ang daan ng bahay nila kaya hindi ako nahirapan. Tahimik lang kaming dalawa habang biyahe at tanging paghinga namin at bilis ng tibok ng puso ko lang ang naririnig ko.
Kada susulyapan ko siya at nahuhuli ko siyang nakatingin sa 'kin kaya agad ko ring binabalik ang atensiyon sa kalsada.
Nang huminto na ang kotse sa tapat ng bahay nila ay akala ko bababa na siya, pero nagulat ako nang nanatili pa rin siyang hindi gumagalaw.
Hinarap ko siya. "Gage—"
"Kumusta ka na?" Pagsingit niya na nagpatigil sa 'kin.
Napaiwas ako ng tingin at tumikhim. "O-okay lang. Nawala naman agad ang takot ko kagabi. At saka… sana kalimutan mo ang nakita mo sa 'kin—"
"That's not what I meant," pagputol ulit niya. Napalunok ako nang dinagsa ulit ako ng kaba. "How were you this past 8 years?" Seryoso niyang tanong.
Napahigpit ang hawak ko sa manibela at napayuko.
Naalala ko ang paghihirap namin ni Mama pagkatapos ng bagyo. Ang pagkain namin ng mga murang ulam dahil ang mga gastusin ay ginastos namin para mapaayos ang bahay.
Ang pagiging depress ko sa pag-aaral dahil nawalan ako ng gana para do'n.
Ang walang katapusang utang ni Mama na kailangang bayarin, at ang tangi ko lang maitutulong ay ang pagsikap sa pag-aaral.
Ngunit lahat ng iyon ay natapos nang makilala na kami ni Uncle Alton na pamilya. Palagi na siyang tumutulong, pagdating sa gastusin hanggang sa oras bilang pamilya.
Tinuring ko na rin siya bilang ama na kahit kailan hindi ko nakuha sa totoong tatay. Ipinagpasalamat kong dumating siya sa buhay ko.
"O-okay lang," nasabi ko. "Nakayanan ko dahil kasama ko ang pamilya ko…" nakangiti kong sagot.
Ramdam kong napangiti rin siya nang marinig ang sinabi ko pero hindi ko alam na makakadurog pala 'yon ng puso ko.
"B-bakit mo nga pala natanong?" Ramdam kong natigilan siya. Inangat ko ang tingin kaniya. "At pwede ko rin ba matanong kung bakit ka umalis noon?"
Agad akong napayuko para itago ang namumuo kong luha. Bumilis ang paghinga niya na parang sobra siyang nagulat sa tanong ko.
"Aude," mahina ngunit malambot niyang pagtawag sa 'kin.
Parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko dahil sa simple pagtawag lang niya sa 'kin. Ang rupok ko talaga.
"Soon," he whispered. "I'll tell you soon when I'm ready…"
Saka siya lumabas ng sasakyan na nagpagulo ng isip. Pasuspense ba talaga ang gusto niya?
Napapikit ako ng mariin at kinabig ang manibela para makaalis ng lugar na iyon at umuwi sa pamilya ko.
Sa sumunod na dalawang linggo ay naging busy kami sa recoveration dahil sa bagyo at sa pagbibigay ng donation, house to house.
Nakauwi na rin naman si Boss kaya okay lang na hindi ako pumunta sa gasoline station.
Naayos na rin ang mga nasira sa bahay at nalinis na 'yon nila Mama. Nakuha na rin ng truck ang mga natumba o putol na puno na nakaharang at nasa gilid ng kalsada.
At ngayong tapos na ang dalawang linggo ay malinis na ang buong baryo.
Day off ko ngayon at magkikita kami ni Fern sa isang coffee shop. Nang makarating do'n gamit ang kotse ko ay inayos ko ang suot kong six pocket black pants at brown sleeveless top bago ako bumaba ng sasakyan.
May second floor ang cafe na 'to, at message sa 'kin ni Fern na nasa itaas siya kaya walang lingon-lingon akong tumungo do'n.
Pagkarating ko sa itaas ay agad kong nahanap si Fern dahil kumakaway pa siya sa 'kin at lumilitaw ang pula niyang dress sa mga tao dito.
Napaikot ang mata ko bago ako tumungo sa pwesto niya. Di hamak na mas madami ang tao dito sa second floor kaya mas maingay dito.
Umupo ako sa harap ni Fern at agad na ininom ang nakahandang kape sa harap ko na mukhang para sa 'kin.
Pumalakpak siya nang makaupo. "How are you, Aude? Busy na rin ako sa mga susunod na araw kaya habaan natin ang usapan ngayon…"
Napatango ako sa sinabi niya. Isa na siyang designer sa isang modeling shop sa pinakamalapit na town dito. Halos palagi na 'ata siya nandoon kaya sa phone lang kami nagkikita at nag-uusap.
Tinuro ko ang mukha. "Kita nang buhay pa ako kaya 'wag mong itanong kung okay lang ako. Sa town na trinatrabahuan mo, marami ba ang damage?" Curious kong tanong.
"Of course!" Tumatango niyang sagot. "Even our shop had a damage but good thing it wasn't that bad. Kumusta sila Tita? Matagal na akong hindi nakakabisita sa inyo. And your love life? Mayroon na ba?" Pinaningkitan niya ako ng mata.
Saglit akong natigilan pero dahan-dahan akong umiling kalaunan.
Nagpatuloy ang usapan namin at nang isang oras na ang lumipas ay nagpaalam akong iihi sa baba. Walang restroom dito sa taas kaya kailangan ko pang bumaba.
Katapat lang ng hagdanan ang restroom kaya agad akong nakarating doon. Pagkatapos kong umihi ay naghugas muna ako ng kamay bago ayusin ang pagtali ng buhok.
Nang ayos na ay saka ako lumabas. Tatapak na sana ako sa unang palapag ng hagdan nang bumagsak ang tingin ko sa dalawang tao na magkaharap sa bandang gilid na mesa ng first floor.
Gage and her mother.
I started getting nervous on the sight of them having converstation especially when I remembered their fight years ago.
Pero sandali akong nagtaka dahil para silang normal na nag-uusap ngayon. Ang akala kong sigawan ay kalmadong usapan pala.
Pinanood ko sila at nagulat nang makitang umiiyak ang ginang nang may sinabi si Gage. I thought he said something similar years ago, but something warmthly caressed my heart when I saw them hugged each other and Gage smiled.
Nakita ko na lang ang sarili kong nakangiti dahil sa saya.
Saya na sa wakas ay ayos na sila.
Gage is finally happy with his mother on his side.

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice story🥰😍🥰

    06/06/2024

      0
  • avatar
    Ej Cerena

    Ang kanilang

    08/02/2024

      0
  • avatar
    Marvin Julius Mancol

    Beautiful story

    23/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata