Homepage/When Sunrise Strikes At The Gasoline Station/
Chapter 18
"Sigurado ka ba talaga?" Nag-aalalang tanong ni Mama.
Napabuga ako ng hangin. "Oo nga, Ma! Sigurado ako dahil trabaho ko 'to!" Nakabusangot kong sagot.
Paulit-ulit kasi, eh. Baka kapag nagtanong-tanong pa siya kung sigurado ba talaga ako ay umatras na ako.
Kailangan kong iatras ang takot ko para maprotektahan ang iba. Imbes magtago sa kwarto ko habang bagyo ay dapat kong samahan ang ibang taong nangangailangan.
Alam ko namang magiging ligtas sila Mama dito dahil iyong iba naming kapit-bahay ay dito rin magtatago kaya makakatulong sila kung sakali mang lumakas ang hangin.
"Kailangan ko nang pumunta sa evacuation center dahil kailangan na ako do'n…" pagpapaliwanag ko sa kanya dahil kanina pa siya nakaharang sa daanan palabas ng bahay.
Taranta niya ako niyakap. "Ligtasin mo rin ang sarili mo, Aude, doon, ah? Hindi lang sila." Paalala niya.
Tumango ako at pilit nilalabanan ang kaba ko. "Sige na…"
Inaayos niya ang nakapusod kong buhok bago kumalas ng yakap. "Sige, mag-ingat ka talaga, anak. 'Wag ka ring mag-alala sa 'kin marami rin akong kasama dito."
Tumango ako sa huling beses bago tuluyang umalis ng bahay. Nang makasakay sa driver's seat ng sasakyan ko ay napahinga ako ng malalim.
Bi-biyahe na sana ako nang tumunog ang cellphone ko sa bulsa ng uniporme ko. May dalawa kaming pares ng uniporme, 'yong isa ay 'yong kulay blue na main uniform namin. At ang suot ko namang pants ngayon ay 'yong sundalo ang pattern o marble na kulay brown at dark green. Iba nga lang na t-shirt ang suot ko ngayon. Casual lang na kulay puti.
Sinagot ko ang tawag nang makitang si Uncle Alton pala 'yon.
["Hello, Aude?! Ngayon lang kita natawagan na sana ay kagabi. Kumusta kayo diyan?! May bagyo daw, okay lang kayo?!"] Natataranta niyang sunod-sunod na tanong.
Napaikot ang mata ko bago siya sagutin. "Okay lang po kami. Sila Mama ay nasa bahay kasama ang iba naming kapit-bahay. Ako naman ay in-assign sa evacuation center kaya hindi ko sila kasama. At ikaw naman… wala namang bagyo diyan, bakit ganyan ang reaksyon mo?"
["Eto naman, nag-aalala lang ako sa inyo. Oh, sige na, baka busy kapa. Tatawagan ko na lang ang mama mo ngayon. Mag-iingat ka, ha? Wala kang pasalubong kapag hindi ka masaya pag-kauwi. Baka nga mapaaga ang uwi ko…"]
"Opo," mabagal kong sagot. "Sige na, boss. Magbibiyahe na ako." Paalam ko.
Bumuntong hininga siya. ["Oh siya, sige. Ingat, Aude!"] Saka niya pinatay ang tawag.
Binalik ko 'yon sa bulsa ko at ilang beses na huminga ng malalim bago ako tuluyang bumiyahe papuntang gym ng baryo namin na siyang ginamit rin bilang evacuation center.
Wala akong ibang ginawang gamit kundi ang cellphone at itim na sombrero ko na siyang nasa hita ko ngayon. Matatapos rin naman daw ang bagyo bukas ng madaling araw kaya hindi na ako nagdala pa ng damit.
Sa pagkain naman, sabi ng isa pang pulis na in-assign rin sa evacuation center ay may dalawa daw na businessman ang nagdonate ng pagkain na sakto para sa mga taong nakalista na umevaucate at aabot ng ilang araw.
Nang malaman ko nga 'yon ay nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay maghihintay pa kami ng ilang araw para makarating ang pinadalang mga pagkain mula sa gobyerno.
Nang makarating sa harap ng gym ay agad kong tinigil ang sasakyan at sinuot ang sombrero ko bago lumabas ng sasakyan.
Pagkapasok ko pa lang ng gym ay napaawang ang bibig ko sa dami ng mga tao. May kanya-kanyang mga bag at mga kumot.
Malaki ang gym kaya hindi masyadong masikip, pero kung may madagdag pa na singkwenta ay baka tuluyan na 'tong mapuno.
Hinanap ko ang isa kong kasama na pulis. Hindi rin naman ako nahirapan dahil naka-uniporme siya.
"Sir Gilbert!" Bati ko.
Tumingin siya sa 'kin saka sumaludo. "Ma'am," bati niya pabalik.
Ngumiti ako saka tumapik sa balikat niya. Halos magkatangkad lang kami pero mas matangkad pa rin siya.
"May malaki po ba tayong problema?" Tanong ko bago nilibot ang tingin sa mga tao.
Ramdam ko siyang umiling. "Maayos naman po halos lahat. Pagkain na lang ang kulang."
Gulat ko siyang tiningnan. "Akala ko ba…" hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin nang humarap siya sa pinto ng gym.
"Andito na po ang sponsor ng mga pagkain at inumin…"
Dahan-dahan akong tumingin sa tinitingnan niya at napaawang ang bibig ko sa gulat nang makilala ang dalawang sponsor.
"Ayan… at Gage?" Hindi makapaniwalang bulong ko sa sarili.
Kumakaway na parang artista si Ayan sa mga tao habang si Gage naman ay tumutulong sa pagbigay ng mga box na sa tingin ko ay pagkain ang laman.
Mas lalong napaawang ang bibig ko nang makita ang porma nila.
Mga mukha silang mula sa isang business meeting! Puro naka-suit at maayos pa ang ayos ng buhok! Mga letse!
"S-sila ba?" Paninigurado ko sa katabi ko.
Tumango siya at patakbong lumapit sa dalawang businessman pala at saka tumulong sa pagkuha ng box.
Nang pinaningkitan ko ang likod ng dalawa ay may malaking truck na may laman na mga box.
Hindi ako mapakaling tumingin sa iba pero kalauna'y lumapit rin sa kanila dahil kailangan ko ring tumulong.
Binaba ko ang sombrero ko para hindi nila makita ang mukha ko at hindi nila ako makilala. Mukha naman silang busy kaya hindi ako nahirapang lagpasin sila para puntahan ang truck.
Inawat ako ni Sir Gilbert. "Ma'am, kami na lang," nginuso niya ang ibang mga lalaking tumutulong na mukhang mga coordinator ng evacuation. "Tumutulong naman sila…"
Agad akong umiling. "Kaya ko rin."
Hindi na siya nakapagtanggi pa dahil agad akong nagbuhat ng isang box at naglakad pabalik sa loob ng gym.
Nahigit ko ang hininga ko nang makitang nakaharang na patalikod mula sa labas sila Gage. Nag-uusap sila ng kaibigan niya habang nakangiti.
Saglit akong natulala sa ngiti niya pero agad rin akong napailing para bumalik sa trabaho.
Nang nasa tapat na nila ako ay mas lalo kong niyuko ang ulo ko para mas lalong maitago ang mukha.
Nang maramdaman kong napunta sa 'kin ang atensyon nila ay nagsalita ako.
"Excuse me," maliit na boses kong sabi.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan kaya akala ko hindi nila ako narinig.
Tumikhim ako. "I said excuse me—"
"Aude?"
Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi nang marinig ang malalim at baritono niyang boses.
Paano niya ako nakilala?!
Nagsalita si Ayan. "You mean, she's…" hindi na niya natapos ang dapat sasabihin nang sumabat ako.
"I'm sorry, but I need to bring this box inside the gym." Pagpapaliwanag ko sa kanila para gumilid na sila.
Nakahinga ako ng maluwag nang makitang gumilid nga, pero si Ayan lang. Kahit gano'n ay makakadaan pa rin naman ako.
Humakbang ako papasok ng pintuan pero hindi pa man ako tuluyang nakakalayo ay nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ang kamay ni Gage sa braso ko.
Mas lumapit siya at napalunok ako nang magdikit ang kamay namin nang kunin niya mula sa 'kin ang kahon.
"Let me…" he whispered softly.
Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso dahil lang do'n. To forget that, I faked a scoffed.
"Bahala ka, marami pa namang kahon sa truck." Balewala kong sabi at nilampasan ko sila para bumalik sa labas.
Kumuha ulit ako ng isa pa at hindi ko na hinayaan pang kunin ulit 'yon sa 'kin ni Gage dahil masamang tingin agad ang ipinukol ko sa kanya nang lalapit na sana siya sa 'kin.
Pinagtatawanan naman siya ng kaibigan niya. "Wala ka pala, Gage!" Rinig kong pang-aasar nito.
Sinamaan siya ng tingin ni Gage kaya napatikom ito ng bibig. Napailing ako ituloy ang trabaho.
Marami ang mga kahon pero marami rin naman ang tumulong. Mga staffs, mga nag-evacuate, at… ang dalawa ring businessman.
Akala ko tutunganga lang sila sa pinto, nakaharang pa naman sila. Buti na lang at tumulong din sila.
Hindi pa din ako makapaniwala na sila pala ang nagpamigay ng mga pagkain. Gusto ko nga sanang pasalamatan ng personalan ang mga sponsor, pero nang malaman kong sila pala 'yon ay nagbago agad ang isip ko.
It was almost lunch when we finished carrying boxes to the gym. Nang matapos ay agad nang umalis ang truck, at akala ko nga ay kasama na do'n sila Gage pero nagulat ako nang prente pa rin silang nakatayo sa tabi ng pintuan.
Ano namang gagawin nila dito?
Nilapit ko ang mukha ko kay Sir Gilbert para bumulong. "Hindi pa ba aalis ang dalawang sponsor?" Nagtataka kong tanong.
Tumaas ang dalawa niyang kilay at tiningnan ang pwesto nila Gage pero nakatingin pa rin ako sa kanya para hintayin ang sagot.
Napakunot ang noo ko nang mapansin ang biglang pagbabago ng ekspresyon niya. Mula sa pagtataka, ay naging parang gulat at natatakot.
"Sir, okay ka lang?" Kinakabahan kong tanong at tiningnan ang pwesto nila Gage na naging dahilan ng pagkatakot niya.
Napaawang ang bibig ko nang madilim na mukha ni Gage habang nakatingin ng masama sa katabi ko ang nakita ko.
Galit ba siya? Bakit?
Bumulong ulit ako sa katabi ko. "Hoy, ano na?" Tanong ko sa kanya. "B-bakit ang sama ng tingin sa 'yo ng isa diyan?"
Nagpilit siya ng tawa. "H-hindi ko din alam, Ma'am," hinarap na niya ako. "A-ano nga ulit ang tanong mo?"
Napakunot ang noo ko. "Bakit kako nandito pa ang dalawang sponsor…"
"Ah…" kumamot siya sa ulo. "Tanungin mo na lang, Ma'am. Hindi ko din alam, eh…"
Tumango ako at hinawakan siya sa braso para higitin papunta sa pwesto nila Gage. "Samahan mo 'ko. Tayo ang partner dito, Sir."
Parang nag-aalinlangan pa siya pero kalauna'y tumango na lang.
Kahit kinakabahan ay kailangan ko pa ding alamin kung bakit andito pa rin sila Gage. Trabaho ko 'yon dito. Kailangan rin namin sila asikasuhin.
Mas lalo akong naguluhan nang mapansing mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Gage habang nakatingin sa kamay kong nakahawak sa braso ng kasama ko.
"M-ma'am," pagtawag ni Sir Gilbert sa 'kin.
"Bakit?"
Ngumiti siya ng alanganin. "Pwedeng paki-tanggal ng kamay niyo? May asawa na kasi ako—"
Agad akong napalayo sa kaniya. "Bakit hindi mo agad sinabi?!" Gulat kong tanong. Kumamot naman siya sa ulo. "Edi sana kanina pa ako lumayo sa 'yo! Ayoko kaya maging kabit!" Nakangiwi kong singhal sa kanya.
Inirapan ko siya pero agad akong bumalik sa seryoso kong mukha nang mapansing nasa harapan na pala kami ng dalawang sponsor.
Nakangisi si Ayan, habang parang galit naman ang isa.
Ano bang mayroon sa dalawang 'to. Kung andito 'yong isa pa nila kaibigan na si Raul ay mas malala ang atmosphere nila.
Tumikhim ako at pormal na tumayo. "Tatanong lang po sana ako kung bakit nandito pa kayo—kung… hindi niyo mamasamain." Madiin kong sabi sa kanilang dalawa.
Ngising lokong umiling si Ayan. "No, it's okay! Wala na nga dapat kami dito ngayong natapos na ang pagdeliver ng mga kahon dahil 'yon ang plano naming dalawa bago pumunta dito. Pero…" mapang-asar niyang binalingan ng tingin si Gage. Sinamaan naman siya ng tingin ng nito na parang nagbabanta. "... pero hindi ko alam kung bakit nagbago ang plano ng isang 'to pagkatapos makakita ng isang babaeng pulis kanina…" saka ito tumawa ng malakas.
Napalunok ako habang paulit-ulit na ni-rereply sa utak ang narinig ko.
Ayaw kong mag-assume, pero isang pulis na babae lang naman ang alam kong nandito… At ako 'yon—
Tangina, assumera ka 'ata ngayon, Aude.
Si Ayan ay kaibigan ni Gage. Si Gage na gago, kaya malamang parehos 'yang gago. May posibilidad na jino-joke time ka lang ni Ayan—tama! Jusko, naging matalino na 'ata ako.
Nawala ang emosyon ko. "Kung hindi niyo ako kakausapin ng matino, 'wag na lang kayo sumagot."
Natigilan sila sa sinabi ko, kasama na do'n ang pulis na kasama ko. Hinarap ko siya at tinanguan, senyales na bumalik na kami sa pwesto namin kanina.
Nang makabalik ay napabuga ako ng hangin. Narinig ko namang nag-utos si Sir Gilbert sa isang staff na bigyan ng tig-isang upuan ang dalawang gagong sponsor.
Napairap na lang ako sa kawalan.
On lunch time, tumulong kami sa pamimigay ng pagkain. Tumulong rin sila Gage pero hindi ko 'yon pinagtuunan ng pansin. Basta nararamdaman ko na lang na bawat segundo ang lumipas ay may kanina pang nanonood sa 'kin.
Nang hanapin ko kung sino 'yon ay saglit akong natigilan nang makitang si Gage pala 'yon na nakatitig sa 'kin ng mariin habang busy ang kamay niya sa pagbigay ng pagkain sa mga pumipili.
Umiwas ako ng tingin at hindi siya pinansin.
Nang hapon naman ay pansin nang lumalakas na ang hangin kaya pinasara ko na ang pinto ng gym. Tumulong rin sa 'kin si Sir Gilbert na pakalmahin ang ibang natataranta na.
Nagsuhestiyon ako sa kanila na ilatag sa sahig ang extra nilang kumot kung mayro'n man para mahihigaan o mauupuan nila.
Nang limang minuto na ang lumipas na malakas ang hangin ay nagsimula nang kumulog at umulan kasabay ng pagwala ng kuryente kaya nagsigawan ang mga tao.
"K-kumalma po kayo! Hangin lang 'yan!" Sigaw ko kahit ramdam kong nagsisimula na rin akong manginig.
Letseng bagyong 'to. Tangina.
May malakas na hampas ng hangin ang nangyari at dahil sa gulat ay pati ako napasigaw sa takot.
Bumalik sa alaala ko ang nangyari sa bahay namin noong huling malakas na bagyo. Nag-aalala ako kila Mama.
"Ma'am! Doon na rin kayo pumwesto sa gilid! Kami na ng ibang mga staff ang bahala sa pagpakalma ng iba!" Sigaw ni Sir Gilbert para makarinig ako dahil halos mabingi na ako sa lakas ng hangin ay ulan.
Walang pag-aalinlangan akong umiling. "O-okay lang ako…" hindi ako okay.
May malakas na hampas ulit ng hangin ang nangyari kaya napatalikod ako kay Sir para hindi niya makitang natatakot ako.
Ngunit isa pala 'yong pagkakamali, dahil pagkagalaw ko ay tatlong magkasunod-sunod na malalakas na hampas ng hangin ang nangyari at malinaw pa sa mata ko ang paglipad ng isa sa mga parte mga parte ng yero na parang hinigop ito ng hangin.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang kulay ng langit na matagal ko nang ayaw pang makita.
Kitang-kita ko ang mga lumilipad na berdeng mga dahon, sanga ng kahoy, at mga buhos ng ulan
At ang mga ulap. Maitim. Sobrang itim na parang pati mata ko ay hinihipnotismo nito.
Nanghihina akong napaupo sa sahig pero bago pa man ako tuluyang mawalan ng lakas ay naramdaman kong may mainit na brasong pumulupot sa 'kin para hindi ako mapahiga.
Tuluyan nang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Aude," nag-aalalang tinig ni Gage ang narinig ko. "It's okay, baby. I'm here… You are safe…"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (6)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story🥰😍🥰
06/06/2024
0Ang kanilang
08/02/2024
0Beautiful story
23/08/2023
0Tingnan Lahat