Chapter 13

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay agad akong pumasok ng kwarto ko para matulog agad.
Kahit natulog na ako ng ilang oras sa bahay nila Gage ay pakiramdam kong sobrang pagod ng buo kong katawan pati isipan.
Kapag bumabalik sa isip ko ang usapan naming ni Gage ay parang may bumibiyak ng puso ko.
Kaunti na lang, iisipin ko nang may sakit ako sa puso kahit imposible 'yon.
Hindi ko namalayan na nakatulog ako ng araw na 'yon habang masama ang pakiramdam.
Ilang araw ang lumipas pagkatapos ng kaarawan ko ay hindi ko na ulit nakita pa si Gage. Kahit pareho lang kami ng paaralang pinapasukan ay kahit buhok niyang kulay chestnut ay hindi ko man lang nakita.
Ewan ko kung pinaglalaruan ba kami ng panahon, oras, at damdamin pero pagkatapos ng huli naming usapan ay halos pinagsisihan kong pagtanggi—o sabihin na nating, hindi pagsagot. Alam ko ring napansin din ni Fern ang pagiging tahimik ko.
"Kaunti na lang talaga, Aude, masasabunot na kita. Bakit ba palagi kang lutang?!" Singhal niya habang tinitirintas ang sariling buhok.
Inirapan ko lang siya at hindi sinagot. Natatamad ako na kahit pagbuka lang ng bibig ay parang mamahalin na sa 'kin.
Kasalanan ko rin naman.
Hindi kasi ako nag-toothbrush kanina kasi wala akong gana. Ayaw ko rin tuloy magsalita dahil baka mahimatay si Fern sa hininga ko.
Parang good news rin 'yon. Fern Marsh died because of the deadliest breath she had ever smelled in her entire life.
Wow.
"Tara na!" Hinigit niya ako palabas na ng gate at hindi na ako tumutol pa.
Lunch time pa lang at sabi ng teacher namin, wala na daw klase ngayong hapon dahil may meeting sila.
Syempre nagdiwang ang buo kong pagkatao pero nanghinayang rin ako dahil mawawala na ako sa lugar kung saan kami ni Gage tanging parehong naka-okupa.
Sa paaralan na ito lang naman kami may pagkaparehos. Naiinis ako sa sarili ko dahil kasalanan ko talaga kung bakit wala na kaming connection ni Gage.
Sumakay kami ng Jeep kaya nagtaka ako. Nang makaupo ay dali-dali kong kinuha ang papel ko at sinulat do'n ng nagtatanong kung may mint gum or candy ba siya, saka ko 'yon binigay kay Fern.
Binasa naman niya 'yon. Napakunot ang noo ng no'ng una pero kalauna'y may kinuha siya sa bag niya.
Napangiti ako ng malaki nang makitang may mentos siyang dalawa at mabilis ko iyong kinuha mula sa kanya.
"Aba't…" naiinis niyang sabi pero inirapan na lang ako.
Sabay kong kinain ang dalawang mentos at nang tuluyan na 'yon matunaw sa bibig ko ay halos abot tenga na ang ngiti ko.
"Saan tayo pupunta?!" Malakas at excited ko na tanong sa kaniya.
Napatalon siya sa gulat at sinabunutan ako. "Ang lakas ng boses mo, bruha!" Singhal niya at mas lalo lang akong sinabunutan. "At bakit ngayon ka lang nagsalita, ha?! Kanina pa kita kinakausap sa school pero kahit dighay mo lang ay wala!"
Mabilis kong tinanggal ang kamay niya sa buhok ko at buti na lang hindi na ulit siya nanabunot at sinamaan na lang ako ng tingin.
Nakatingin lang naman sa 'min halos lahat ng mga sumakay sa jeep.
Nginitian ko sila ng pilit at binalik ang tingin sa kaibigan ko at nakipaglabanan rin ng titig.
"Hindi ako nag toothbrush kanina! Gusto mo bang makahinga ng patay na baho?!" Ngumi-ngitngit kong tanong sa kaniya.
Napangiwi siya at nilayo ang mukha mula sa 'kin. "Kadiri ka! Bakit ngayon mo lang sinabi?! Kanina pa ako nakatabi sa 'yo! 'Wag mo 'kong kausapin ngayon, ha?!" Sigaw niya.
Napairap ako sa kawalan at hindi na rin nagsalita pa. Nang pumara na si Fern ay sumunod ako sa kaniya pababa.
Napataas ang kilay ko nang makitang nasa harap kami ng mall.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko sa katabi ko pero nang makitang masama lang ang tingin nito sa 'kin at hindi sumasagot ay dinuro ko siya.
"Kumain na ako ng dalawang mentos! Nabawasan ang mabaho kong hininga! 'Wag kang ano…"
Umirap siya. "Whatever. Let's go na."
Nagsimula na siyang maglakad papasok ng mall kaya hinabol ko siya.
"Bakit nga tayo nandito?"
"Alangan namang maligo ka, Aude. Kakain lang tayo. Matagal na no'ng huli kong punta dito na kasama ka, right? So, let's go! Bibili rin ako ng cooking book dahil utos ni mommy."
Una naming tinungo ay isang cafe. Nag-order kami ng dalawang klase ng tinapay na matamis at dalawang flavor ng kape para tig-isa kami.
Nang magsimula na kaming kumain ay napadako ang tingin ko sa labas ng cafe. Para kasing may nakitang ako dalawang pamilyar na tao na kilala ko. Isang babae at isang lalaki na magkasama.
Napailing ako dahil baka kamukha lang.
"Libre mo 'to, ah…" sabi ko sa kasama ko.
Sinaman niya ako ng tingin bago ikutan ng mata. "As if namang nanlibre ka na kahit isang beses lang."
Nabilukan ako. "Hoy, nanlibre ako noong birthday ko!" Malalaki ang mata kong sabi.
Tinaasan niya ako ng kilay na parang hindi naniniwala. "Really? Of course, ikaw ang nanlibre no'ng birthday mo," kumagat siya sa tinapay niya. "Alangan namang ako ang manlibre kahit hindi naman sa 'kin ang birthday."
Tama nga naman siya.
Umayos siya ng upo. "Anyways, may problema ka ba, girl? Pansin ko kasing parang fake na ang ngiti mo…"
Natigilan ako sa sinabi niya. Mas lalo lang niya ako pinaningkitan ng mata dahil sa reaksyon ko.
Napaiwas ako ng tingin sabat tikhim. "W-wala naman. Baka dahil sa period ko."
"Don't lie in front of my face, Aude. Kakatapos pa lang ng period mo." Seryoso niyang sambit.
Fucking shit.
Tumawa ako para itago ang pagkailang ko. "Ano ka ba, Fern! Kung may problema ako na pwedeng isabi sa iba. Ikaw naman ang una kong sasabihin kaya chill ka lang!"
Hindi ko naman alam na pati siya nakapansin sa mga kinikilos ko.
Kulang ba ako sa aruga? Hindi naman, ah.
Napapikit ako ng mariin nang may pumasok sa isip ko.
Kulang ka sa Gage, Aude.
Iniba ko ang topic at buti na lang at nakuha niyang ayoko talaga sa topic na problema ko. Hanggang nalipat na kami sa national books store ay puro tawanan ang pagitan namin.
Ipinagpasalamat ko talaga na kaibigan ko siya.
Nang makakuha na siya ng hinahanap niya agad siyang nagtungo sa counter.
Nagpahuli lang ako ng lakad dahil gusto kong tumingin-tingin ng kung ano-ano.
May nakita akong chess board at tutungo na sana ako sa pwesto no'n nang may naka-una sa 'kin.
"Lowe!" Gulat kong bati sa kaniya na kasalukuyang sinusuri ang chess board.
Okay lang kung siya na lang ang bumili niyang dahil wala rin naman akong balak bilhin dito.
Gulat rin siyang tumingin sa 'kin at kumurap-kurap pa. "Aude!" Hindi makapaniwalang bati rin niya.
Kunwaring sinamaan ko siya ng tingin. "Eto naman, bakit hindi ka makapaniwalang nakatingin sa 'kin? Bawal ba ako dito?" Tanong ko at lumapit sa pwesto niya.
Okay lang naman sigurong makipag-usap sa kaniya. Mahaba rin naman kasi ang pila sa cashier kaya baka matagalan pa si Fern.
Tumatawa siyang umiling. "No. That's not what my reaction meant," ngumiti siya. "I just don't find you interested in stores like this. But maybe I'm wrong. Do you like books?"
Mabilis pa sa kidlat akong hiniling. "Hindi, 'no!" Pag-angal ko. Nginusuan ko sa kanya ang pwesto ng cashier. Tumingin naman siya do'n at napatango siya nang makita si Fern. "Sinama niya lang ako dito…"
"Ah…" tumawa ulit siya. "I get it now."
Tumango ako at tinignan kung may katabi siya. "Wala kang kasama?" Curious kong tanong.
Umiling siya habang nakangiti pa rin. "Mag-isa lang. Bibili lang rin naman ako ng kung ano-ano. And if I bring Luis with me, he's surely gonna buy a lot of toys, so, no." Umiiling niyang sabi.
Napatango-tango ako. "Tama ka diyan…"
May sasabihin pa sana siya nang may biglang nagsalita sa gilid namin.
"Excuse us! Padaan lang kami, magkapatid!"
Nakakunot ang noo kong nilingon ang tao at napataas ang kilay ko nang makilalang si Ayan at ang isa niyang kaibigan 'yon.
Nanlaki ang mata niya sa 'kin na para bang nagulat, pero pansing kong… parang akting lang 'yon.
"Ikaw pala 'yan, future ni Gage! Hindi ka namin nakilala, ah!" Malakas at oa niyang sabi. Nakangisi namang tumango ang isa.
Napakunot ang noo ko dahil sa tinawag niya sa 'kin. Future ni Gage?
"Mag-isa ka lang ba?" Nilibot ni Ayan ang tingin at bumagsak ang tingin nito kay Lowe na nakangiti pa rin. "Ay," parang nanghihinayang ang tono ni Ayan. "May kasama ka pala, future ni Gage."
Tapos bigla na lang ngumisi rin si Ayan kay Lowe na para bang nagmamayabang.
"Magkapatid kayo?" Parang peke ang ngisi nilang dalawa kay Lowe kay mas lalo lang ako naguluhan.
Umiling ako. "Hindi. Kaibigan ko si Lowe…" sagot ko.
Tumango naman si Lowe bilang pagsang-ayon pero nagulat ako nang sabay na humalakhak ang dalawa.
"Okay…" ngumisi ulit sila. "Sabi niyo, eh."
Saka sila umalis na may ngisi sa labi. May iba akong pakiramdam sa ngisi nila pero sana mali ang iniisip ko.
Nagpaalam na rin ako kay Lowe dahil baka kanina pa naghihintay si Fern sa 'kin. Nakangiti naman siyang tumango kaya umalis na ako sa harap niya.
Nang makarating sa cashier ay saktong kakatapos pa lang ni Fern kaya hindi siya nagtaka kung saan kami nanggaling.
Diretso kami sa sakayan ng mga jeep at bumiyahe na pauwi. Nauna rin akong bumaba ng jeep dahil sa may kaibilang baryo pa ang kila Fern. Nagpaalam kami sa isa't-isa at saka ako pumasok ng bahay.
Sakto ring kakaluto pa lang ni Mama.
"Saan ka galing?" Strikto niyang tanong.
Tinaas ko ang kamay ko na parang nanunumpa. "Magsasabi ako ng totoo ngayon. Kasama ko si Fern sa mall. Libre niya nga ako!" Nakangiti kong pagbalita sa kanya.
Napailing siya at pinaupo na ako. Nagsimula na rin kaming kumain ng maingay.
Nang matapos kumain ay dumiretso ako ng banyo para mag-half bath. Ang lagkit ng katawan ko sa pawis at para makapag-tooth brush na rin.
Pagkatos na pagkatapos kong maligo ay nagbihis lang ako ng pagtulog na kulay puti. Magkaparehas 'yon ng disenyo at regalo ni Auntie Liz sa 'kin nong birthday ko.
Padapa ako nahiga sa kama at matutulog na sana nang biglang umilaw ang phone ko sa tabi ko.
Dahil sa pagkabagot ay una kong nabasa ang text kaysa sa numero o pangalan.
I'm here outside your house.
Napakurap-kurap ako at saka ko lang inaangat ang tingin sa pangalan ng sender.
Gage.
Para akong nakuryente na napaupo sa kama.
"Totoo?!" Hindi makapaniwala kong bulong sa sarili.
Ilang segundo ko 'yong tinignan at nagising lang ang diwa ko nang bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko.
Sinampal-sampal ko ang mukha ko at mabilis na lumabas ng kwarto at bahay.
Totoo nga dahil nakita ko siyang nakatayo sa tapat lang ng pinto namin habang nakayuko at nakapamulsa.
Napaangat siya ng tingin nang maramdaman ako at seryoso akong tinignan.
"Are you really not letting me court you?"
Nanlaki ang mata ko sa gulat. "H-ha?" Hindi makapaniwala kong tanong.
Wala akong maalalang humindi ako sa kanya. Hindi lang ako sumagot sa tanong niya pero hindi ibig-sabihin no'n ay hindi ang sagot ko.
Naging malamig ang mata niya at gumalaw ang panga niya sa galit. "Ayan and Raul told me that they saw you with Lowe this afternoon at the mall," pumait ang boses niya. "They said that you two were talking like you were lovers..." Bumaba ang tingin niya pero binalik niya 'yon habang may seryosong mukha na nagpalunok sa 'kin. "Is that why you don't want me to court you? Because you like Lowe?"
Para akong napipi sa mga sinabi niya. Hindi ko gusto si Lowe dahil sa katotohanan ay para na ring kuya ang turing ko sa kanya. Hindi ko alam na 'yon pala ang pagkaintindi ni Gage sa pakikipag-usap ko kay Lowe.
Nang hindi ako makasagot at napangiti siya ng mapait. Bumagsak ang balikat ko nang tumalikod na siya sa 'kin.
Kung hindi niya kayang makinig at magtiwala sa 'min. Magiging magulo ang pagitan namin.
Napatalikod ako sa kanya at hinarap ang pintuan namin para iwasan ang pamumuo ng luha ko.
Akala ko, kahit papano ay walang kaguluhan ang mangyayari sa pagitan namin. Palagi akong nagtataka sa sarili kung bakit pinaghalong naiilang at komportable ang nararamdaman ko kapag siya ang kasama ko.
Pero kahit tanggihan ko pa ng paulit-ulit... alam kong gusto ko siya.
Napabuntong hininga ako ng malakas sa pag-aakalang nakaalis na siya, pero halos matulos ako sa kinatatayuan nang maramdaman ko ang mainit niya bisig na nakapalibot sa 'kin.
Tumama ang mainit niya hininga sa ibabaw ng tenga ko. "I'm sorry, Aude. But even how many times I keep convincing myself to stop.... I just found myself wanting to be with you more."
Napasinghap ako kasabay ng paghigpit ng yakap niya sa 'kin. Mabilis ang paghinga niya niya at habang ako ay halos makalimutan na ang paghinga.
"I like you, Aude," mahina niyang bulong na nagpatigil sa 'kin. "And I hope you like me too even just a percent..."

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    Carin Sarino

    nice story🥰😍🥰

    06/06/2024

      0
  • avatar
    Ej Cerena

    Ang kanilang

    08/02/2024

      0
  • avatar
    Marvin Julius Mancol

    Beautiful story

    23/08/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata