Homepage/When Sunrise Strikes At The Gasoline Station/
Chapter 9
Sa biyahe namin pauwi ay ngising-ngisi ang gago habang tahimik lang akong nakabusangot.
Halo-halo ang emosyon ko sa nangyari. Naiinis, naguguluhan, pero kontento sa nangyari. Ewan ko ba, kasalanan niya lahat ng 'to.
"Bilisan mong mag-drive, kanina pa ako hinihintay ni Mama." Utos ko sa kanya.
Ngumisi lang siya. "Baka ma-aksidente tayo kung bibilisan ang pagtakbo ng sasakyan..." palusot niya.
Napairap ako sa kawalan. "Gusto lang ako makasama ng matagal." Mahina kong bulong sa sarili.
Buti na lang at mukhang hindi niya ako narinig dahil nanatili pa rin siyang nakangisi.
Napabuntong-hininga ako ng malakas bago krinus ang braso habang nakatingin sa mga sasakyang nadadaanan namin.
Hanggang makarating na kami sa lugar namin ay hindi na ulit ako nagsalita pa. Wala nang saysay 'yon.
Pagkahinto pa lang ng sasakyan ay agad akong bumaba nang hindi na nagpapaalam sa kaniya.
Dire-diretso akong pumasok sa bahay, hindi na siya hinintay pang makaalis, at saka nagtungo sa tapat ng kwarto ni Mama para kumatok.
"Ma, nakauwi na 'ko..."
Wala pang ilang segundo ay agad bumukas ang pinto at isang matalas na tingin ang agad niyang pinukol sa 'kin.
Alanganin akong ngumiti at saka napakamot sa likod ulo. "Ah, ma, hindi ko rin alam na magagabihan ako ng uwi-"
"Saan ka galing?" Strikto niyang tanong.
Agad akong nag-isip ng palusot. "M-may pinuntahan lang kami ni Fern, ma..."
Kumunot ang noo niya. "Sigurado kang si Fern? Tumawag pa nga siya sa 'kin, tinatanong kung nasaan ka. Lusot ba 'yan? Nagsisinunaling ka, 'no?"
Shet. Wala rin palang alam si Fern.
"H-hindi, ah! May isa pa akong kakilala na Fern rin ang pangalan."
Pinaningkitan niya ako ng mata. "Magdasal ka na lang na paniwalaan kita. Umayos ka, Aude," banta niya saka tinuro ang kwarto ko. "Magbihis ka na, saka kumain na rin, tapos na ako."
Tumakbo ako papuntang kwarto at saka kinakabahang sinara ang pinto. "Busog pa ako, Ma! Bukas na lang!"
Sumigaw rin siya. "Sigurado kang busog ka na?! Magpataba ka pa! Sa susunod na linggo na ang birthday mo, ayusin mo naman ang sarili mo kahit konti lang..."
Napapikit ako ng mariin saka binitawan ang bag ko sa ibabaw ng kama.
Oo nga pala, muntikan ko nang makalimutan pa. Ano kayang magandang gawin sa araw na 'yon?
Sa mga sumunod na araw ay halos nakasimangot at nantataray lang ang ginawa ko sa school. Alams na, pang-babaeng parusa sa puson.
Kahit si Fern ay napansin ang paiba-iba ko ng mood. Inaasar pa ako na baka biglang dumulas hanggang saya ng uniform namin. Minura ko na lang siya sa isipan.
Mga tatlong beses ngayong linggo kami ni Gage nagkasalubong sa hallway. Inaasahan ko ngang gaya noon na hindi niya ako papansinin o seryoso lang ang mukha niya pero iba ngayon mga araw. Palaging siyang napapangisi kada magtatagpo ang mga mata namin na para bang may naaalala siyang kung anong nangyari sa pagitan namin.
Alam ko naman na ang kagatan ang iniisip niya. Letse.
Pero syempre ang ganti ko sa mga ngisi niya ay irap o hindi siya pinapansin na para bang hindi ko siya kilala. Pero kahit gano'n, hindi pa rin 'yon magagawang alisin ang ngisi ni Gage.
Tarantadong 'yon.
Pagka-linggo ay eto na ang pinakahihintay kong araw.
"Anong gusto mong handa, 'nak?"
Ngumiti ako kay Mama ng matamis kaya kumunot ang noo niya. "Gustong kong kumain sa labas kasama si Fern mamaya."
Nagkasalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko. "Ayaw mo ba ng luto ko?" Nagtataka niyang tanong.
Ay, taray, dramahan ba 'to?
Ngumiti ako. "Hindi naman sa gano'n, ma. Ayaw ko lang ng bongga, at saka... mayroong lugar na gustong-gusto kong puntahan at do'n kumain." Mabagal kong paliwanag.
Tumango siya. "'Yong bagong bukas na snack restau sa kabilang baryo, 'no?"
Napangiti ako ng malaki saka napatango-tango. Ibig sabihin ba nito, payag siya?
"Sige," sabi niya pagkatapos ng ilang segundong katahimikan.
Agad nagliwanag ang buo kong mukha. "Weh?" Paninugurado ko.
Tumango ulit siya kay halos takbuhin ko na ang pagitan namin para yakapin siya ng mahigpit.
"Pero mamayang gabi magluluto pa rin ako ng maraming ulam, dito na lang kumain sila Aunte Liz mo." Pahabol niya.
Tumango-tango ako saka tumakbo papuntang kwarto ko para i-text si Fern.
Me:
Sumama ka kay Phoebe papunta dito. May tutor sila ngayon, 'di ba? May lakad tayo mamaya. Pero please... 'wag mong bonggahan masyado ang suot mo.
Fern:
Pumayad si Tita sa plano mo?! Anong oras ba ang lakad natin? Papunta na rin kami diyan, dala pa nga ni Phoebe ang lima niyang lapis dahil palagi naman siyang excited 'pag tutor.
Me:
Punta ka dito para masabi ko nang harapan ang plano. Letse, excited ako!
Fern:
Same! Buti na lang ang ganda natin.
Napataas ang kilay ko. Anong connect.
Hindi na ulit ako nagreply pa at dahil sa sobrang excited ay agad akong nagbihis kahit wala pa naman si Fern. Pagdating niya, aalis agad kami.
Lumabas na ako ng kwarto ko nang makapagbihis na ako. Isang itim na hipit na pants, naka-tuck in na violet t-shirt, at saka ko pinatungan ng blue maong jacket. Nagsapatos rin ako ng puti at tinali ko ng low ponytail ang buhok kong malapit nang dumikit sa dibdib ko ang haba.
Wala akong kung anong kolorate sa mukha dahil wala naman ako no'n. Nagsuot lang ako ng hugis bituin na earings at saka kulay gintong bracelet na may bituin rin.
Pinasadahan ako ng tingin ni Mama nang makita ako at saka tinanguan. Lumapit siya at hinawakan ang kamay ko para may ilagay do'n.
Nang sulyapan ko 'yon ay pera pala kaya naguluhan ako.
"Para saan 'to, ma? Teka?! Regalo mo ba 'to? Kung gano'n nga maraming salama-"
Sinamaan niya ako ng tingin. "Malilibre mo ba si Fern nang walang pera? Nako, ikaw talaga, Aude? Nasaan na ang kaluluwa mo?" Nakangiwi niyang sermon.
Napakamot ako sa batok at saka ibinulsa ang pera sa pantalon. Umalis na rin siya dahil may dumating nang isa sa mga tutor niya.
Tumungo ako sa sala-sa harap ng malaki naming bintana, at napahalumbaba.
"Ang tagal naman ng bruhang Fern..." bulong ko sa sarili.
Napaayos ako ng upo nang makitang may dumating nang sasakyan. Ngunit bumagsak ang balikat ko nang makilala kung kila kanino 'yon.
"Andito na ang gago..."
Alam kong nandyan siya sa driver's seat dahil magkaiba ang paraan ng pagdrive niya at ng Papa niya.
Napalunok ako nang makita ang porma niya pagkababa pa lang ng kotse kasabay ni Ley. Nakaputing t-shirt sa ilalim ng dark blue jacket, itim na pantalon, at nakasuklay pa ang kulay chestnut niyang buhok-syempre bagong ligo.
Ayaw kong magsinungaling ngayong kaarawan ko-ang gwapo niya.
Mabilis kong sinampal ang sariling mukha dahil sa mga pagpapantasya sa kaniya. Parang naramdaman ko ulit ang ngipin niyang bahagyang kinagat ang tuktok ng tenga ko at saka 'yon dahan-dahang inalis.
Tangina this!
Mabilis akong yumuko nang pumasok na siya sa loob ng bahay at nagkunwaring nagsisintas.
"Kasama ka rin pala, Gage!" Rinig kong gulat na sabi ni Mama.
Lumunok ako at nanatili sa gano'ng posisyon kahit alam kong nasa akin na nakapukol ang atensyon ni Rich kid.
Tumawa ng mahina si Gage na nagpataas ng mga balahibo ko. "Palagi naman akong pumupunta dito kada tutor nila Ley, Tita..." sabi niya sa mababang boses.
Pota. Tita na pala ang tawag niya kay Mama. Wala akong alam.
Tumawa rin si Mama. "Oh, siya, upo ka muna sa tabi ni Aude-hoy, Aude! Anong ginagawa mo diyan?!" Sigaw ni Mama.
Napapikit ako ng mariin bago dahan-dahang umangat ng tingin at umayos ng pagkakaupo.
Agad nagtama ang paningin namin at hindi ko alam pero pakiramdam ko may kung anong tumalon sa loob ng dibdib ko.
Napaawang ang bibig niya nang tuluyan na niya akong makita sa buong mukha kaya napaiwas ako ng tingin sabay tikhim.
Letse, ang gwapo ngayon ng gago.
Humigpit ang hawak ko sa tuhod nang makitang tinulak-tulak siya ni Mama papunta sa pwesto ko. "Upo na..."
"Uh..." nagdadalawang-isip ang mukha niya kaya parang nanliit ako sa sarili ko.
Ang pangit ko kaya ngayon? Kaya ba ayaw niya akong makatabi? Kaya siya natulala kanina? Ang dami kong tanong.
Mukhang napansin ni Mama ang pag-aalangan ni Gage dahil binitawan niya ang rich kid. "Aalis ka ba agad, Gage?" Magsasalita na sana si Gage pero nagsasalita pa si Mama. "Sayang isasama sana kita..."
Isasama? Saan?
"Po?" Gulat na sabi ni Gage. Pinaglipat-lipat niya ang tingin mula kay Mama at sa 'kin. "Anong ibig niyong sabihin?"
Ako rin. Hindi ko rin maintindihan.
Ngumiti si Mama ng matamis at tinapik-tapik ang balikat ni Gage habang nginu-ngusuan ako. "Hindi mo ba alam? Birthday ni Audre-"
"Ma!" Agad kong pagputol sa kaniya.
Ngunit parang huli na ang lahat dahil mukhang naintindihan na ni Gage ang ibig-sabihin ni Mama.
"Really?" Sinulyapan niya ako at saka nginsian na siyang nagpaiwas sa 'kin ng tingin. "Ngayon pala?"
Pumalakpak si Mama. "Oo! Ngayon ang birthday niya at lalabas siya kasama si Fern. Sumama ka na rin para mas marami kayo..."
Walang pag-aalinlangang tumango si Gage habang nakangisi. "Sure,"
Bwisit.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (6)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story🥰😍🥰
06/06/2024
0Ang kanilang
08/02/2024
0Beautiful story
23/08/2023
0Tingnan Lahat