Homepage/Butterflies of Bliss/
EPILOGUE
RIVER’S POV
I ALMOST bumped into a driver’s seat when Kuya Ramon suddenly stepped on a car break, good thing nakasuot ako ng seatbelt.
“Kuya Ramon is there any problem po?” I asked and looked at my driver confusedly. But he didn’t bother to answer my question. Instead, he was just looking outside the window while his eyes were widened. “Kuya Ramon what are looking–it’s burning!”
Kuya Ramon turned to me. “Pabayaan na natin ‘yan Sir siguro nagsisiga lang ng basura kaya ganiyan kalaki ang apoy tara na baka hinihintay na tayo ni Don Emmanuel.”
Hindi ko maalis ang tingin ko sa malaking apoy sa likod ng gubat. Hindi namin malinaw na nakikita kung ano ang nasusunog dahil sa naglalakihang puno na nakaharang dito.
“Help! Help me!” Kuya Ramon was about to start the car engine again but, we were stunned when someone shouted.
Dali-daling lumabas si Kuya Ramon mula sa sasakyan at saka nagtungo sa nasusunog na lugar. Susunod sana ako ngunit pinigilan niya ako kaya nanatili lang ako sa loob ng sasakyan. Pagbalik niya ay may karga-karga na siyang walang malay na batang babae na sunog ang laylayan ng damit at may kaunting galos sa katawan.
“What happen Kuya Ramon?” I asked as he entered the girl in the backseat, kung saan ako nakaupo.
“Nasusunog ang kubo kung saan ko siya nakita. Kung hindi siya sumigaw kanina ay baka namatay siya doon dahin naabutan kong nasusunog ang damit na suot niya. Kilangan na natin siyang dalahin sa hospital Sir dahil baka kung anong mangyari sa kaniya.”
I nodded. Tinulungan ko si Kuya Ramon na ihiga ang walang malay na batang babae sa hita ko. Kahit ako kay kinakabahan sa puwedeg mangyari sa batang ‘to kapag hindi kaagad namin siya nadala sa hospital. My eyes widened when I saw the whole face of the girl.
“Y-you?” I muttered. As I looked into her face, a memory flashback on my mind.
“Hi, what are you doing here?” I looked at my right side when someone sat beside me.
I looked at her. She was wearing a pink dress with pink shoes and her hairdo was pigtail braided. I didn’t know her, so I didn’t speak. My Mom told me that don’t talk to strangers.
“Hey I’m talking to you!” she nagged and poked my right cheeks.
I frowned. “Who are you? I don’t talk to strangers,” I said while my eyes were still focusing in the beautiful sea in front of the harbor.
Ngumuso ito. “Fine, I’m Kiely Trinity and I’m 4 years old, you can call me Kiely because you’re my friend now. I’m with yaya what about you?”
She extended her hands in front of me and smiled sweetly. Sa pag-ngiti niya ay nakita ko ang bungi niyang ngipin kaya bahagyang natawa ako.
Pagkatapos ng araw na ‘yon ay muli akong bumalik sa harbor dahil baka sakaling makita ko pa siya ulit, but unfortunately that was the first time I saw her and the last time was when we bring her to the hospital. Hindi ko na ulit siya nakita pero umaasa ako na makikita ko pa ulit siya.
“Tol nasaan ka na? Magsisimula na ang laro ikaw na lang ang kulang!” sigaw ni Blake mula sa kabilang linya.
“Oo papunta na ako ‘ko nalate ako ng gising gago!”
“Bilisan mo malapit nang malagas ang buhok ni coach.”
“Kalbo si coach tol.”
“Bakit sinabi ko bang buhok sa ulo?” aniya at humalakhak ng tawa.
“Siraulo!”
Nang araw na ‘yon ay muntik na akong mabundol ni Manong Sony, mabuti na lang talaga ay responsible itong magmaneho kung kaya’t hindi ako tuluyang nadisgrasiya. Ang akala ko ay normal na araw lang ‘to para sa akin ngunit nagkamali ako dahil nakita ko ang matagal ko nang hinihintay na nasa loob ng sasakyan. Her eyes were screaming in innocence. Hindi ko sana aalisin sa kaniya ang mata ko ngunit may laban pa ako na kailangang puntahan kung kaya’t dali-dali akong tumalikod .
The same day, Lolo received an invitation to dinner from the Barrameda family. Minsan na akong nakapunta sa mansion ng mga ito dahil kilala ko ang kumadrona ng pamilya nila. No’ng una akong makapunta doon ay nakita ko ang muka ni Kiely sa sala ng mansion nila at hindi ko inaasahan na doon pala nakatira ang taong matagal ko nang hinahanap. Nang gabing ‘yon ay hindi na ako nagdalawang isip na kausapin siya.
I’d waited for a long time to meet her again, and I dodn’t want to waste this opportunity to get to know her. Inaasahan ko na hindi niya talaga ako makikilala dahil ayon sa mga doctor na tumingin sa kaniya nang araw na iligtas namin siya sa nasusunog na kubo ay nauntog daw ulo nito kung kaya’t nagkaroon ng internal bleeding sa ulo mabuti na lang raw ay hindi masyadong malala ngunit ang kapalit naman nito ay may mga events ito na nangyari sa buhay niya na hindi na nito maalala habang buhay.
“Did you know that staring is rude?”
I can’t help staring at you. “I know.”
“Then why are you still staring at me?”
“Kasi ‘yong librong hawak mo…baliktad.”
I was happy… very happy when I started to get close to her. I know to myself that when I saw her again nagsimula na namang sumibol muli ang nararamdaman ko sa kaniya. I thought that as just a puppy love because I was a kid back then when I started to admire her, but I was wrong dahil simula nang mapalapit ulit ako sa kaniya mas lalong lumalim ang nararamdaman ko para sa kaniya.
“Do you know that this is where I go often, when I'm thinking a lot? I know you're not interested pero kapag maraming bumabagabag sa isip ko dito ako pumupunta at tititig sa dagat.”
No’ng makita ko siya kanina na nakikipagtawanan sa ibang lalaki, gusto ko na lang suntukin ang lalaking ‘yon at lagutan ng hininga. Ayaw ko siyang nakikitang may kasamang iba at nakikipagtawanan pa. I know that I’m being unreasonable for threating Kiely like that earlier, but I can’t help getting jealous. Yes, I’m jealous.
“Bakit dito ka pumupunta? Marami namang mas magandang tanawin dito bakit mas napili mo rito?”
I shrugged. “I felt relaxed nawawala lahat ng iniisip ko ‘tsaka siguro dahil dito ko siya nakilala.” Dito kita nakilala at dito kita hinintay hanggang sa bumalik ka.
Mas lalo ko siyang nakilala no’ng minsan kaming makausap sa facebook messenger. She told me many things about her and I told mine too. Mas lalo kaming naging malapit sa isa’t-isa at masaya ako dahil doon.
She was avoiding me… she was avoiding me for three days straight, for Pete’s sake! Kinabukasan after ng announcement about sa foundation day ay hindi na niya nirereplayan ang mga messages ko sa kaniya sa facebook. Hindi ko na rin siya nakikita kung saan ko siya laging nakikita no’ng mga nakaraang araw. So I decided to pass by their mansion to talk to her.
Naabutan ko sila doon na abala sa pagba-bake, wala sana sa plano ko na tulungan sila dahil may importanteng meeting pa ako na dapat puntahan ngunit nang makita kong pumunta dito si Medina ay kaagad kong ipinaka-cancel ang meeting ko sa secretary ni Papa.
“Ano bang pinaglalaban mo?!”
I burst out because of jealousy. Sobrang selos ang naramdaman ko dahil buong gabi akong tinatarayan ni Kiely without even thanking me for helping her. But I realized that I shouldn’t have said that to her dahil nagkusa naman ako at hindi niya hiningi sa’kin na tulungan ko siya.
“Noah, come with me!” I frowned when Yolan suddenly pull me towards the quadrangle.
“Where are going?” I asked.
Yolan is my childhood friend. Her family and my family were good friends as well kaya gano’n na lang kami ka komportable sa isa’t-isa. I know what she feels towards me pero paulit-ulit kong sinasabi sa kaniya na hanggang kaibigan lang talaga.
“Noah smile please. Look maraming taong boto sa’tin,” she whispered.
Huminga naman ako ng malalim at ngumiti. Hindi ko sana gustong makipagkasal-kasalan sa kaniya pero ayaw ko namang mapahiya siya. Napawi lamang ang ngiti sa labi ko nang makita ko si Kiely na nakatayo sa di kalayuan. When our eyes met, she immediately ran. Walang paalam ko na iniwan doon si Yolan at saka sinundan si Kiely.
I want to talk to her and apologize but I don’t have the courage to do that kaya dinala ko na lamang siya sa orphanage na isang taon ko nang tinutulungan dahil alam kong mahilig siya sa mga bata at matutuwa siya kapag dinala ko siya doon. Hindi nga ako nagkamali dahil bakas ang saya sa mga mata niya nang salubungin kami ng mga bata.
Humingi ako ng pasensiya sa kaniya at gano’n rin nama siya sa’kin. She even gave me a Mona Lisa keychain for her peace offering.
“Hindi ka na sana nag-abala.”
She shrugged. “Well, bati na ba tayo?”
“Yeah, by the way, thanks for this. I promise I’ll treasure this.”
“Dapat lang ‘no, halos isang oras ko kaya hinintay ‘yang matapos,”
“Does it worth it of waiting?”
She nodded. “Of course because we’re okay now again.”
Me too, it does worth it waiting for you, especially now that we are close to each other… very close to be exact.
Sa tanang buhay ko ay ang dalawang araw na kasama ko siya ay isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Plinano ko ang date naming dalawa at pinaghandaan ko talaga. Sa loob ng dalawang araw na ‘yon ay mas nakilala ko siya at nakita ko kung ano siya. At higit sa lahat ay nasabi ko sa kaniya ang matagal ko nang nararamdaman para sa kaniya.
“Kiely, I like you.”
“W-why me? I mean there are many other girls out there who are more beautiful and smart than me, but why me?”
“I don't care about appearance, Kiely. If I said I like you, I like you I don’t care what else you are and never compare yourself to another woman because first of all you are different from them.”
Nakahinga ako ng maluwag ng masabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko pero gusto ko lang masabi sa kaniya ang gusto kong sabihin. Nang sabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko ay alam ko na sa sarili ko na siya talaga ng gusto kong makasama habang buhay. Ayaw ko ng iba at gusto ko ay siya lang.
“I love you, River…”
That word from my girl sent shivers down my spine. Hindi ko maipaliwanang ang sayang nararamdaman ko nang sabihin niya ang mga katagang ‘yon. Para akong babae na kinikilig dahil sa nakakakilig na sinabi ng kasintahan niya. Finally she’s mine now… the girl that I dream of is mine now.
Simula nang sagutin ako ni Kiely ay mas madalas na kaming magkasama. Madalas na akong pumupunta sa bahay nila kapag gabi dahil namimiss ko kaagad siya. Navo-vocalize ko na rin ang nararamdaman ko sa kaniya hindi kagaya noong nangliligaw pa lang ako sa kaniya dahil alam kong may limitasyon ako sa bagay na ‘yon. Ayaw kong map-pressure siya na sagutin ako dahil sa matatamis na salitang sinasabi ko.
“I feel like I'm a worthless boyfriend to you.”
“Huh? Why?”
“It’s because I can't do anything to make my girl happy.”
“A-ano bang sinasabi mo diyan?”
“I have noticed that for the past three days you have often been sad and deep in thought. Nag-aalala na ‘ko sayo Kiely, you can tell me if you have a problem. Ano pang silbi ko kung hahayaan lang kitang malungkot.”
“W-wala akong problema nag-aalala lang ako.”
“Worried for what?”
“For us…p-pano kung dumating ‘yung point na may hahadlang sa’tin o kaya bigyan tayo ni Lord ng malaking pagsubok para sa relasiyon natin tapos parehas nating hindi nalagpasan dahil kulang pa tayo sa pundasiyon kaya ang nangyari ay sumuko na lang tayo pareho.”
“Stop overthinking baby because I won't let all that happen. I promise,” I assured. “We will both fight whatever trials test our relationship especially now that we are new. If you're tired, go ahead I'll let you rest, but don't give up because I won't give up either I'm still here to fight alone for the relationship we're building. Do you understand?” She nodded. “Do you trust me?”
“I trust you…”
I’m happy because I know that she trust me. Kahit na sa tatlong salita lang na lumabas sa bibig niya ay parang na akong lumulutang sa hindi maipaliwanag na dahilan. Alam kong kakasimula pa lang namin sa relasiyong ito but I want to assure her that I’m here to fight to us.
“Hi, Noah advance happy birthday.” Ibinaba ko ang binabasa kong libro dahil narinig ko ang boses ni Yolan.
“Thanks, why are you here?” I asked. Hindi kasi siya pumupunta dito sa bahay namin, unless may kailangan siya.
“Well, bukod sa gusto kitang batiin gusto ko ring magtanong kung busy ka ba?”
“No.” Hindi kasi pumayag si Kiely sa date na inaalok ko sa kaniya kagabi. Okay lang naman sa’kin ‘yon dahil mas matagal ko naman siyang makakasama sa Christmas vacation naming dalawa.
“Can you do me a favor please?”
I frowned. “What favor?”
“Can you go with me in the mall? Si Dad sana ang niyaya ko na sumama sakin pero busy siya but he told me na magpasama na lang raw ako sa’yo ‘cause you were the only one that he trust raw kasi.”
“I can’t. Wala bang ibang pwedeng sumama sa’yo? Magagalit si Kiely kapag sumama ako sa’yo.” Sinabi kasi sakin ni Kiely na si Yolan lang raw ang kaisa-isang babaeng pinagseselosan niya. And I find it cute though.
“Why? Hindi niya naman malalaman ‘tsaka wala naman tayong gagawing masama. Duh!”
“It’s a no Yolan. Maghanap ka na lang nang ibang sasama sa’yo dahil ayaw kong may pag-awayan pa kami ng girlfriend ko.”
“Please Noah just this one. I promise you hindi na kita kukulitin after this.”
I took a deep breath. “Fine, magbibihis lang ako.”
“Thank you, Noah!”
Pagkarating namin sa mall ay panay ang bili niya ng mga mamahaling damit at kung ano-ano pa. She also wants to bring me a new watch, but I reject it. Hindi ko naman siya pinapansin dahil abala ako sa phone ko. I stalked Kiely’s social media account like I always do.
“Wait–is that Kiely?” Sinundan ko kung saan nakaturo ang kamay ni Yolan. Kumunot ang noo ko nang makita kong si Kiely nga ‘yon ramdam ko ang pag-igting ng panga ko nang makita kung sino ang kasama niyang nakasakay sa escalator.
“OMG, she’s with Dave!”
I texted her and asked her where she was. I was hoping that she would tell the truth, but unfortunately, she lied and I fucking can’t believe that she lied. I thought she was with Doña Asuncion because that’s what she told me last night.
Sinundan namin sila hanggang sa pumasok sila sa isang hotel.
“Fuck! Fuck! Fuck!” I cursed and continuously hit the steering wheel.
Yolan caresses my back. “Noah calm down baka naman mabilis lang sila riyan.”
Ngunit inabot na sila ng mahigit isang oras sa loob ay hindi pa rin sila lumalabas. “Let’s go,” I flatly said. Pinaharurot ko ang sasakyan ko pauwi sa bahay nila Yolan.
“River, anak nakauwi ka na pala–.” Hindi na natapos ni Mommy ang sasabihin niya ng lagpasan ko lang siya. Hindi ko kayang pigilan ang galit nararamdaman ko ngayon.
“Damn it!”
Nang gabing ‘yon ay paulit-ulit akong tinatawagan ni Kiely pero hindi ko ‘to inasagot instead I turned off my phone because I don’t to talk to her that I still mad dahil ayaw kong may masabi ako na ikakasakit niya.
Masyado kong mahal si Kiely para makita siyang nasasaktan dahil sa mga salitang lumalabas sa bibig ko. Ayaw ko siyang masaktan dahil sa sasabihin ko kaya mas pipiliin ko na lang munang huwag siyang kausapin dahil ‘yon ang sa tingin kong mas makakabuti.
Kinabukasan ay buong araw ko siyang hindi kinausap. Buong araw akong hindi lumabas ng bahay. Gusto ko na siyang makita pero kapag naaalala ko ang pagsisinungaling niya ay mas namumuo ang selos sa dibdib ko. Nag-aalala na sa’kin si Mom pero hindi niya ako kinulit.
Pagsapit ng alas-dose ng gabi. It’s my birthday and I want us to be okay today. I was about to text Kiely and apologize to her through a message, but an unknown source sent me an email. I got curious because it might have been a birthday greetings from someone, but my world collapsed when I saw what was inside the video.
“N-no…” I murmured and shook my head non-stop. Nabitawan ko ang phone ko at paulit-ulit na nagmura.
“Putangina hindi totoo ‘yan!” Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na suntukin ng paulit-ulit ang pader na malapit sa’kin. Tiningnan ko ulit ang video para makasigurado ngunit nahagip ng mata ko ang kuwintas na ibinigay ko sa kaniya ng sagutin niya ko doon ko nakumpirma na siya talaga ‘yon.
“You know what? Let’s just fucking break up because I don’t know if I can still look straight into your eyes without thinking that you fucking cheated on me!” I shouted. “And one more thing,” I trailed, “this is the worst birthday ever because of you.”
Kaagad akong umalis do’n pakatapos kong sabihin mga katagang ‘yon. Hindi ko kayang tumingin sa mga mata niya dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil nasasaktan siya. But I need to put in my mind that the girl that I love cheated on me!
“My god! I can’t believe that Kity can do that. Akala ko pa naman ang linis niya pero may tinatago palang kulo an babaeng ‘yon.” Yolan ranted.
“Can you please shut up?!” Pabagsak kong inilapag ang baso ng alak na iniinom ko. “I go here to forget so please shut up!”
Yolan sat beside me and kinked her arms to mine. “Calm down Noah. Sinasabi ko lang naman nang nararamdaman ko.”
“I don’t care what you feel I need peace,” I snapped. Nilagok ko ng diretso ang alak na iniinom ko.
Habang lumalalim ang gabi ay mas dumadami ang naiinom kong alak. I could feel Yolan’s breast touching my arm kaya lumayo ako ng kaunti sa kaniya. Ngunit nang tumingin ako sa kaniya ay maamong muka ni Kiely ang nakikita ko. Alam kong dala lang ‘to ng alak sa sistema ko ngunit namalayan ko na lang ang sarili ko nahinahalikan siya.
“Kiely…” I murmured.
“What the hell, Noah?”
Lumipas ang mga araw ay hindi ko alam kong pa’no ko nalagpasan ang mga araw na hindi ko nakakusap at nakikita si Kiely. Nalaman ko na lang kay Margarita na umalis na ng bansa si Kiely, tinanong ko ito kung saang bansa pumunta si Kiely ngunit hindi niya sinabi. I tried to contact Kiely, but I couldn’t reach her.
Pagkatapos ng ilang buwan ay ipinatawag ako ni Doña Asuncion sa mansion nila sa hindi malamang kadahilanan. Pagkarating ko pa lang sa mansion ng mga Barrameda ay muli na namang bumalik sa sistema ko ang alaala naming dalawa. Ang akala ko ay ako lang ang ipinatawag ng Doña ngunit nagkamali ako. Halos kumulo ang dugo nang makita ko si Medina na nakaupo sa sala ng mga Barrameda.
I wanted to punch his fucking face pero hindi ko itinuloy dahil hindi ko pamamahay ‘to. Ayaw kong magiskadalo rito lalo na’t alam ko na may sama ng loob sa’kin ang mga tao rito dahil sa pananakit ko sa nag-iisang babae sa pamilya nila.
“I want you both to know that truth behind my apo’s fake scandal video that linked in your school four months ago,” tugon ni Donya Asuncion nang magtanong si Medina kung bakit kami narito.
“What do you mean, Donya Asuncion?” tanong ko. Umusbong ang kaba sa dibdib ko nang bumaling sa’kin ang matanda na may seryosong ekspresiyon.
“I asked my apo to located kung saan nagmumula ang video but unfortunately hindi niya nalaman kung saan dahil sa iba’t-ibang bansa ang nolo-locate niya kung kaya’t ang ipinaalam ko na lang sa kaniya ay kung sino ang babaeng nasa likod ng video na ‘yan at ito ang lumabas.”
Ibinato niya sa center table ang mga litrato. Sabay kaming kumuha ni Medina ng litrato roon.
“O-olivia?” Narinig kong bulong ni Medina.
“May favor ako sa inyong dalawa. Ayaw kong malaman ng apo ko na kaibigan niya ang nasa video na ‘yan. Ang gusto kong sabihin niyo sa kaniya kung sakaling magkita kayo ay nakulong na kamo ang nasa video.”
“But Donya Asuncion in this matter, Kiely should’ve known the truth!” I complained.
“Cut that, hijo!” She napped. “Pinalampas ko ang pananakit mo sa apo ko dahil matalik na magkaibigan ang mga Piencenaves at Barrameda kaya’t huwag kang mangingialam kung ano ang gusto kong gawin sa apo ko na alam kong hindi siya masasaktan! Kapag nalaman ng apo ko na kaibigan niya ang nagtraydor sa kaniya sa tingin mo ba ay hindi siya masasaktan?!”
Doon ako natauhan. Donya Asuncion words hit me. She’s right, hindi dapat ako mangialam dahil isa ako sa nanakit sa apo niya. Isa ako sa dahilan kung bakit naghihirap ang apo niya. Nag-sisisi ako dahil hinusgahan ko Kiely nagsisi ako sa lahat ng nagawa ko sa kaniya.
Pitong taon ang lumipas. Pitong taon akong naghinay ulit hanggang sa bumalik siya. Naghinatay na naman ako kahit naalam kong walang kasiguraduhan. Kahit na engaged na ako kay Yolan, siya pa rin ang tinitibok ng puso ko. Hindi ko kayang turuan ang puso ko na mahalin si Yolan kahit siya ‘yong laging nasa tabi ko. Siya ‘yong laging nagpaparamdam sa’kin na mahal niya ‘ko pero naaawa ako sa kaniya dahil hindi ko siya magawang mahalin pabalik kagaya ng ipinapakita ng gusto niya.
“Baby, good morning…” I whispered to my wife’s ear.
“Uhmm,” she groaned. She slowly opened her eyes and smiled when she our eyes met. “Good morning Mr. Piencenaves.”
“How’s your sleep hmm?”
“I dreamed of you…” she said and kissed my lips.
“Really?” She nodded. “Tungkol saan naman ang panaginip na ‘yon?”
“It’s about us...having a happy family and happy ever after.”
“Well, I think you aren’t dreaming…”
“Huh? Why do you think so?”
“It’s because we have a happy family and happy ever after in this world baby,” I whispered and kissed her. I was about to deepen the kiss when someone knocked.
“Mommy! Daddy!” Shawn exclaimed.
“Mumi! Dada!” sigaw rin ng tatlong taong gulang naming anak na si Kruss.
“Mga anak!”
Sabay silang umakyat sa kama naming dalawa ni Kiely. They immediately hugged and kissed Kiely’s cheeks as they used to do. After 3 years of marriage, nasasabi ko na kuntento na ako sa buhay na meron kami. Bawat segudo, minuto, oras, araw, buwan at taon na kasama ko ang pamilya ko ay mas lalo kong naiintindihan ang ibig sabihin ng salitang masaya dahil sila lang ang nagpaintindi sa’kin ng salitang ‘yon.
I want to tell to everyone that do not give up on waiting because you’ll just realize that waiting is more worth it than the rapid one. Kiely is my happiness. She’s the woman that I’ve waited for a long time and she’s the only woman that I will love and the family that we build is the one I want to spread the rest of my life.
THE ENDI-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (3)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
So super nice ng story.. Love it
06/05/2025
0wow I like the story su pretty
20/05/2024
0Lovely
24/04/2022
1Tingnan Lahat