Homepage/Butterflies of Bliss/
CHAPTER 40: Euphoria
KIELY’S POV
“KAILAN ka pa umuwi, Dave?” tanong ko. Sabay kaming umupo ni Dave sa abaka chair dito sa patio na nasa harap ng garden kung saan ako madalas tumambay noon.
Dave cleared his throat. “Last week pa I’d stayed in Manila for five days and I just arrived here yesterday, actually,” he uttered.
Tumango naman ako. “Bakit hindi mo sinabi sa’kin na uuwi ka na pala?”
“Honestly, I want to surprise you, but it looks like I was the one who got surprised,” he said and took a quick glance to River who was looking at us from afar.
Hinilot ko ang sintido ko at sumulyap rin doon. Nakakunot ang noo niya at naka-cross ang dalawang braso niya sa ibabaw ng dibdib niya habang nakatingin sa gawi namin. Nang malaman niya kanina na si Dave ang bisita ko ay halos kargahin niya ako pabalik sa kuwarto kung hindi ko pa siya inaway ay hindi niya ako papayagan nakausapin ang kaibigan ko.
Kaya sinabi niya na lang na babantayan niya ako dahil wala raw siyang tiwala kay Dave.
Napakaseloso talaga, tsk.
“Kailan pa kayo nagkabalikan?” he asked calmly.
Nag-iwas ko ng tingin. “No’ng unang buwan ko rito,” wika ko. “Um, sorry Dave hindi ko kaagad nasabi sa’yo na nagkabalikan na kami…ano kasi.”
“Shh, you don’t have to explain I understand,” he began. “I know from the very beginning that you haven’t letting go about you past yet…that you still into him. Alam ko rin na simula nang umuwi ka rito ay maraming magbabago, kaya naiintindihan ko.”
“Dave…”
“When I told you about what I feel towards you 4 years ago alam ko na dadarating ang panahon na babalik ka sa kaniya kaya hindi kita niligawan dahil ayaw kong mahirapan ka kapag dumating na ang araw na ‘yon…kaya sa bawat panahon na kasama kita sa Germany ay hindi kita iniwan dahil ayaw kong magsisi ako sa huli na hindi ko man lang sinulit ang mga panahong magkasama pa tayong dalawa at wala pa siya,” aniya. “I’m happy for you because I know that you’re happy about your decision.”
Ngumiti ako. “Salamat, Dave…Salamat dahil nandiyan ka palagi sa tabi ko no’ng mga panahong wala akong masandalan at makasama sa ibang bansa. Salamat kasi kagaya nga ng sabi mo ay hindi mo ako iniwan. Salamat dahil palagi mo akong inaalala at tinatanong kung kumusta na ako at kung kumain na ba ‘ko. Salamat sa lahat.” Huminga ako ng malalim. “At gusto ko ring mag-sorry at the same time kasi hindi ko kayang masuklian ang pagmamahal na bininigay mo bukod sa pagmamahal bilang isang kaibigan.”
He chuckled. “It’s fine. I told you I understand.”
“Alam mo ang swerte nang babaeng makakatuluyan mo dahil mapupunta siya sa isang mabait at understanding na kagaya mo,” sabi ko.
“Not really, wala pa sa isip ko sa ngayon ang maghanap ng ibang baaeng mamahalin. Hindi ko alam kung may ibang babae pa ba na kagaya mo ang nabubuhay sa mundo.”
“Sira, ordinaryo lang naman ako kaya sure naman akong may mas hihigit pa sa’kin at ipapagdasal ko na ang taong ‘yon ang makatuluyan mo.”
“Well, I hope so.”
“Are you done flirting with my girl, Medina? If you do then you can leave now.” River said rudely.
“River!” saway ko sa kaniya. Tumayo ako at pinalo siya sa balikat siya habang tinitingnan ng masama.
“What?!”
“Huwag ka ngang bastos,” turan ko.
Ngumuso naman siya na parang bata at bumulong-bulong pa. Inirapan ko siya. Iba pala mabitin ang isang River Noah Piencenaves, tumitigas pati ulo sa taas.
Bumaling ako kay Dave. “Pagpasensiyahan mo na ‘tong si River ha? Hindi pa kasi ‘to nagbre-breakfast kaya medyo nag-iba ang tabas ng dila.”
“No, it’s okay. I actually need to go may importante rin kasi akong pupuntahan ngayon,” aniya. Tumingin siya sa suot niyang relo. “So, I gotta go?”
“Sure, ingat.”
“Sige huwag ka nang bumalik–fuck.” Kinurot ko siya bewang at pailalim na tinignan ng masama. “I-I mean come back whenever you want,” bawi niya.
Dave chuckled. “Sure. I’ll go ahead.”
Nang tuluyan nang makaalis si Dave ay ‘tsaka ko naman hinampas ng malakas si River sa dibdib niya dahilan upang mapadaing ‘to.
“What was that for?”
I rolled my eyes. “What was that for my ass!”
“For me.”
I frowned. “What?”
“Your ass is for me.”
“River!” I exclaimed, blushing.
Nilukob naman ng malakas niyang tawa ang buong patio. At ang tanging nagawa ko na lamang ay mamula dahil sa mga lumalabas sa bibig niya.
May isa akong natutunan ngayong araw, ‘yon ay huwag bibitinin ang isang River Noah Piencenaves.
*****
“SABI ko na nga ba Kennedy magiging mag-kumare talaga tayo,” proud na sabi ni Tita Nyssa kay Mama.
“Alam ko rin naman ‘yan Nyssa. Naku akalain mo nga naman na magkakatuluyan pala ang mga anak na natin sa huli,” wika naman ni Mama.
“Oo nga excited na akong makasama kayo sa mga reunion,” ani Tita Nyssa.
“Mahal hindi pa nga kinakasal ang mga bata,” kontra ni Tito Russel sa asawa.
“Doon na rin papunta ‘yon mahal ano ka ba! Hindi na magbabago ang isip ni Kity sa anak natin, hindi ba hija?” Bumaling sa’kin si Tita Nyssa habang nakangiti ng matamis.
“Of course, Tita.”
“Oh, kita mo? Hindi ko talaga hahayaang mag-asawa si River kapag hindi si Kity ang napapangasawa niya!”
“Hindi rin ako magpapakasal Mom kung hindi si Kiely ang papakasalan ko,” singit rin ni River na nasa tabi ko habang hawak-hawak ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti dahil sa sinabi niya. Para akong teenager na kinikilig sa banat ng boyfriend niya, my goodness.
Kinikilig naman na nakatingin sa amin si Tita Nyssa. Maging si Mama ay malawak rin ang pagkakangiti habang nakakapit sa braso ni Daddy.
Nandito kami ngayon sa dining area ng mansion dahil ganap nang namamanhikan ang pamilya ni River sa pamilya ko para sa nalalapit naming kasal. Hindi nakadalo ngayon ang mga kapatid ko at mga pinsan ko dahil abala sila sa kaniya-kaniya nilang trabaho ngunit nangako naman sila na dadalo sa kasal ko.
Pitong buwan na ang nakakalipas simula nang magkabalikan kami River at sa loob ng pitong buwan na ‘yon ay puro masasayang memories lang ang binuo naming dalawa. Hindi mawawala ang tampuhan sa pagitan namin ngunit kaagad rin naman naming inayos ‘yon. Five days ago, River proposed to me and that was the happiest moment that ever happened in my life.
Hindi na ako bumalik sa Germany pagkatapos ng dalawang buwang leave ko kagaya ng plano. Nag-resign ako sa trabaho ko sa ibang bansa at mas pinili ko na lang na manatili dito kasama ng pamilya ko. Nagpatayo ako ng sarili kong clinic dito para kahit papaano ay makapagtrabaho ako. Hindi kagaya ng sa ibang bansa ang kinikita ko pero wala namang kaso sa’kin ‘yon dahil ang mahalaga ay nakakatulong ako sa iba.
“May exact date na ba kayo ng kasal niyo mga apo?” Mamita asked. Nakaupo siya sa kabisera ng mahaba naming lamesa.
“Wala pa po Doña Asuncion, but we want to get married this month,” sagot ni River. Tumango naman ako bilang tugon.
“This month kaagad? Nagmamadali naman kayo masyado ‘tsaka don’t call me Doña Asuncion hijo, just call me Mamita because you’re part of our family from now on.”
Nagtama ang paningin namin ni River bakas ang saya sa mata niya. Pinisil ko ang kamay niya at nginitian siya.
“Thank you, M-mamita.”
Mamita smiled and nodded. Pagkatapos no’n ay nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan sa harap ng hapag. Panay ang biro nina Tito Frank at Tito Julius kaya puro tawanan lang ang namutawi sa buong dining. Pagkatapos naming mag-dinner ay nagyaya ang magtatanda na magtungo sa lanai at doon magkuwentuhan.
Hindi kami sumama ni River doon sa halip ay hinila niya ako palabas ng masion at pinasakay sa sasakyan niya.
“Saan tayo pupunta?” nakakunot noong tanong ko.
He starts the car engine first before he spoke. “Secret, you’ll find out later.”
I chuckled. “That’s the exact line that you told me before during our first date, River,” I said. “Huwag mo lang talaga akong dadalhin sa Mt. Isarog ulit papaakyatin kita doon ng mag-isa.”
Sumulyap siya sa’kin habang nagmamaneho. “You still remember that?” he asked, chortling.
“Of course! Sino ba naman ang hindi makakaalala sa bagay na ‘yon. That was the best embarrassing moment that I ever happened in my whole life!”
Binalot ng halakhak niya ang buong sasakyan. Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kanang kamay niya habang ang kaliwang kamay niya naman ay nasa manibela.
“You know what? I’m glad that I did that,” he uttered.
I frowned and raised my right eyebrows. “Your glad kasi pinahiya mo ko, gano’n ba ‘yon?”
“Of course not baby. I’m glad kasi ‘yon sa dahilan kung bakit hindi mo ‘ko kinalimutan,” he said sincerely.
I squeeze his hand. “Kahit hindi mo naman ginawa ‘yon hindi pa rin naman kita kayang kalimutan,” I said. “Alam mo bang no’ng nag-aaral pa lang ako sa Germany maraming gustong manligaw sa’kin na mga German?”
Dumilim ang mula niya kasabay ng pag-igting ng panga niya habang diretsong nakatingin sa kalsada. Napansin kong nagsisilabasan ang ugat niya sa sintido niya habang nakakunot ang noo. Pinigilan ko ang matawa dahil sa reksiyon niya.
“And?” he asked calmly.
“Are you jealous already?” I teased.
“No I’m not, anong ginawa mo sa gustong manligaw sayo? May sinagot ka ba sa kanila?” Pang-iiba niya sa usapan.
“Wala siyempre,” sambit ko. “I didn’t even entertain them.”
His face lightens up. “Really?” I nodded. “Why?”
“Simple lang. It’s because someone owned and captivated my heart here Mr. Piencenaves and that’s you.” I poked his cheeks using my index finger. “You are the only one that I will love for the rest of my life kasi ikaw lang din ang unang nakapagpatibok ng puso ko kaya sayo lang rin ako babalik.”
Bigla niyang tinigil ang sasakyan at saka ako hinarap.
“Fuck baby, hindi ako bakla pero kinikilig na naman ako sa mga sinasabi mo,” aniya na ikinatawa ko.
“Baby–.” He cut me off by kissing me on my lips quickly.
“Shh don’t speak anymore baby because if you continue it might happen here that you wouldn’t like.”
“Who said that I wouldn’t like, hmm?” I smiled naughtily.
He smirked at my response. “Well, I just thought but I think it doesn’t matter if we try it here inside my car. What do you think baby?”
“I like that…”
*****
HINDI pa rin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Parang kalian lang nang bisitahin namin siya tapos ngayon ay ang laki-laki niya na. Hindi ko inaasahan na lalaki siyang masigla at napakapoging bata.
“Shawn sila na ang magiging mga magulang mo,” nakangiting sabi ni Sister Cora ngunit bakas ang lungkot sa mata.
Unti-unti naman akong lumapit kay Shawn na ngayon ay pitong taong gulang na at saka kinarga siya.
River and I decided to adopt Shawn, ang batang tinulungan namin noon na may maliit na butas sa puso. When River told me that Shawn survived his illness by taking a heart transplant operation in the US six years ago, pumasok agad sa isip ko na ampunin ‘to dahil gusto kong maranasan nito na magkaroon ng magulang.
Marami na akong nakita at nakilalang mga bata na walang magulang at lumaking mag-isa at labis na awa ang naramdaman ko para sa kanila. Kung puwede ko lang silang lahat na ampunin ay ginawa ko na.
Nang sabihin ko kay River ang plano ko na ampunin si Shawn ay pumayag naman siya kaagad at pinaalam kina Sister Cora ang gusto naming mangyari. No’ng una ay nag-aalinlangan pa si Sister Cora dahil napamahal na sa kaniya ang bata ngunit wala silang magagawa dahil alam niyang deserve nito na magkaroon ng magulang.
“Maraming salamat po Sister Cora,” I said sincerely.
“Walang anuman hija. Alam ko naman na aalagaan ninyo si Shawn at bibigyan ng magandang buhay. Bibigyan na lang namin kayo ng listahan ng mga gamot niya. ‘Tsaka allergic siya sa seafood nangangati siya do’n at nagkakaroon ng rushes.” Inabot ni Hori kay River ang dalawang bag na naglalaman ng mga damit at laruan ni Shawn. “Napamahal na sa’min ang batang ‘yan. Napakabibo at masiyahin kaya pagpasensiyahan niyo na lamang kapag masiyadong makulit.”
Sabay kaming natawa ni River. “Ayos lang po iyon Sister Cora mas maganda nga po ‘yon eh, ‘di ba River?”
“Yeah, makakaasa po kayo na bibigyan naming ng magandang buhay si Shawn at hindi namin siya papabayaan.”
Pagkatapos no’n ay tuluyan na kaming umalis sa St. Philip Orphanage. Isinakay namin si Shawn na tahimik lang habang hawak-hawak ang transformer niyang laruan.
Pinisil ni River ang kamay ko at saka hinalikan ‘to.
“We’re starting to build our own family baby. I promise you that I will be a good father to our future children and to Shawn. And of course, I’ll be a responsible and loving husband to you even though we’re still not yet married.”
I smiled and kissed him on the side of his lips. “I promise you too that I’ll be a loving and caring mother to our children. At pinapangako ko rin sa’yo na sasamahan kita sa hirap at ginhawa at mamalahin kita kahit uugod-ugod na tayong dalawa.”
“I love you, future Mrs. Kiely Trinity Barrameda-Piencenaves...”
“I love you too, Mr. River Noah Piencenaves…”
I can’t believe that after all those years that fate brought us away from each other; we were still ending up in each other’s arms.
When I agreed to go here in Camarines Sur to study, having a boyfriend or loving a man didn’t even come into my mind. But when I met this curly-haired man with downturned eyes that nearly got hit by Mang Sony named River, all my thoughts got wiped out of my mind.
When my heart started to beat rapidly and irrationally because of him alam ko na sa sarili ko na nagsisimula na akong pumasok sa mundo kung saan alam mong masasaktan at masaktan ako kahit anong gawin mo.
Loving River is the best thing that ever happened in my whole existence. Loving him is not just about cloud nine but also about anguish. Maybe I remorse loving him before, but I realized that I regretted it more the moment that I told myself that I regretted loving him.
I experienced judgment from him. I experienced extreme pain from him as well, but my heart is still beating for him… craving for his love. At doon ko napatunayan na hindi nating puwedeng turuan ang puso kung sino ang dapat nating mahalin dahil kapag ang puso ay nagsimulang tumibok para sa isang tao kahit anong pigil natin dito ay hindi tao mananalo.
Walang tamang tao kapag puso na ang magdidisisyon kung sino ang mamahalin mo. Maaring aakalain mo na hindi kayo ang para sa isa’t-isa ngunit maaari rin namang kayo na nga maling oras lang talaga.
After all those years that I’ve been inside my own pupa, I can proudly tell everybody that I’m now a fully developed butterfly who has the freedom to fly and spread open her bonny wings with so much blissfulness.
NIKEINKSHA | SUSHII-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (3)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
So super nice ng story.. Love it
06/05/2025
0wow I like the story su pretty
20/05/2024
0Lovely
24/04/2022
1Tingnan Lahat