logo text

CHAPTER 37: Olivia

KIELY’S POV
“OLIVIA, how are you?” Muntik ko na siyang hindi makilala dahil ibang-iba na ang hitsura niya ngayon kaysa noon. Kung noon ay mamahaling damit ang lagi niyang suot. Ngayon naman ay kupas at maluwag na t-shirt at jersey shorts ang suot niya ang buhok niya naman ay halatang basta-basta lang itinali dahil gulo-gulo ito.
Hindi siya nagsalita at nanatili lamang siyang nakatingin sa’kin.
“Mama ang bait po ni doktora binigay niya po ako ng pagkain.”
Wala sa sarili akong napalingon sa batang inabutan ko nang lunch. He called Olivia Mama?
“Mama mo siya?” hindi makapaniwalang tanong ko rito.
Sunod-sunod naman itong tumango. “Opo doktora magkamuka po kami ‘di po ba?”
“Jorge umuwi ka na sa bahay humanda ka at mag-uusap tayo.” Wala man lang nagbago sa reaksiyon ni Olivia.
Biglang bumakas ang takot sa muka ng bata. Yumuko ito at walang sali-salitang tumakbo paalis dala ang lunch na binigay ko. Kumunot ang noo ko habang nakatingin pa rin sa papalayong bata.
What was that?
Bumaling ako kay Olivia na akma na ring aalis pero hinawakan ko siya sa kaniyang kaliwang braso dahilan upang matigilan siya.
“I didn’t know that you have a child,” I stated.
Sumbalit kagaya kanina ay wala akong nakuhang tugon mula sa kaniya. Kinagat ko ang pangibabang labi ko.
“Hindi ko alam na nakabalik ka na pala,” wika niya, dahan-dahan siyang humarap sa akin.
“Um, yeah mahigit one month na ‘ko rito,” sabi ko. “Kumusta ka na?” ulit ko sa tanong ko kanina.
“Mabuti naman ako.”
“Good to hear that.” Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan bago ako muling mag-salita. “Um…Olivia, sorry kasi hindi ako nakapagpaalam sa’yo no’ng umalis ako seven years ago masiyadong naging komplekado ang lahat alam mo naman kung ano ang nangyari ‘di ba.”
Nag-angat siya ng tingin sa akin. “Kailangan ko nang umalis hinihintay na ako ng anak ko.”
“Wait!” pigil ko ulit sa kaniya kinuha ko ang calling card ko at limang libo sa bag ko bago iniabot sa kaniya. “You can call me anytime if you need help and you can use this money for you necessary needs.”
Nag-aalinlangan pa siya no’ng unang kunin ito ngunit hindi nagtagal ay kinuha niya rin naman.
“Salamat…” sabi niya at tumalikod na bago tuluyang umalis palayo.
Kahit papaano ay gumaan ang loob ko dahil sa pagkikita namin ni Olivia pero nag-aalala pa rin ako at the same time dahil sa pakikitungo niya sa’kin. Nakaramdam ako ng matinding awa sa kaniya dahil base sa nakikita ko ay hindi na kagaya noon ang buhay niya.
“Doc Kity kilala mo pala ‘yon?” Bumaling ako kay Doc Farah nang bigla ‘tong sumulpot sa tabi ko.
“Yeah, she’s a friend of mine and my classmate in college.”
Tumango-tango ito. “Alam mo ba Doc Kity minsan nakikita ko sila no’ng anak niya na nagtitinda ng meryenda at tubig sa labas ng hospital na pinagtatrabahuhan ko tapos no’ng minsan napadaan ako sa tiange nakita ko naman sila na naglalako ng basahan sa daan. Hindi ko lang inaasahan na makikita ko ulit sila rito ng anak niya at kausap mo pa.”
“Sigurado ka bang sila ‘yon?”
“Ano ka ba Doc Kity! Siyempre naman ophthalmologist ako kaya hindi puwedeng magkamali ang mata ko.”
Natahimik ako dahil doon. I can see that Olivia has matured so much. I didn’t expect na ganito ang kakahinatnan ng buhay niya. I thought she would become a successful pediatrician doctor like me.
“Puwede bang magkuwento ka pa sa’kin tungkol sa mag-inang ‘yon Doc Farah?”
Kumunot naman ang noo niya. “Eh? ‘Di ba sabi mo kaibigan mo siya? Bakit wala kang alam tungkol sa kanila?” she asked confused.
“It’s because I actually lost contact with them when I left to go in Germany.”
Tumango ulit siya. “Wala akong masiyadong alam sa mag-inang ‘yon eh. Pero may isa akong kilala na sa tingin ko ay mas nakakakilala sa kanila dahil siya ‘yong madalas kong nakikitang kasama no’ng bata kapag lumalabas ako ng hospital, kapwa rin natin siya doctor.”
“Sino?”
“Si Doc Sesil kung gusto mo siyang makausap para magtanong about sa kaibigan mo puwede kitang samahang pumunta sa apartment niya sa sabado.”
Nakaramdam naman ako ng matinding tuwa dahil sa sinabi niya. I really want to know what happened to Olivia these past few years. Wala kasing nabanggit sa’kin ang ibang naming kaibigan about sa kaniya no’ng minsang mag-bar hopping kami.
“Thank you very much Doc Farah I own you for this.”
“Always welcome, Doc Kity my pleasure.”
*****
SUNDAY came and this is the day that I’m going to meet Doc Sesil, the person who knows about what happened to Olivia’s life these past few years. I'm waiting for Doc Farah here at the mall because this is our meeting place. Masiyado akong napaaga kaya pumasok muna ako sa isang coffee shop para magpalipas ng oras. Sa halip na kahapon kami pumunta kay Doc Sesil kagaya ng na pagusapan ay binago na lang namin dahil may importante kaming ginawa kahapon.
Ngayon lang ako naging available dahil wala naman kasi akong gagawin sa bahay today. Abala sa bahay ngayon dahil dadarating si former Governor Valbuena, Yolan’s Dad, sa hindi ko malamang dahilan.
Hindi alam ni River na nagkita na kami ni Olivia. Hindi ko pa siya nakikita dahil masiyado siyang busy pero hindi naman siyang pumapalyang magtext sa’kin. Kontento na ‘ko doon dahil alam ko namang nahihirapan siyang makipagkalas kay Yolan.
Sumimsim ako ng iniinom kong latte macchiato habang taimtim na nakatingin sa mga taong naglalakad. Natuon ang pansin ko sa phone ko nang bigla ‘tong mag-vibrate. Hindi nakaligtas ang maliit na ngiti sa labi ko nang makita kung kanino ‘to galing.
From: River
Good morning baby…I miss you. I miss all of you baby. I want to see you, so bad. I want to hug you. I want to kiss you. I want you. I love you.
Muntik na akong matawa pagkatapos kong mabasa ang text niya. I can imagine him begging for me to kiss him.
I shook my head in amusement before typing for a reply. Pinapakilig na naman ako ng lalaking ‘to
To: River
I miss you too…
From: River
That’s all?
I chuckled.
To: River
Of course not! I love you, too, ‘til a pig can fly.
“Yon oh, grabe ‘yong ngiti mula Batanes hanggang Julo.” Itinago ko kaagad ang phone ko nang marinig ko ang boses ni Farah.
“Nariyan ka na pala. Kanina ka pa?”
“Nope kakarating ko lang at pagpasok ko rito sa café ay ngiti mo kaagad ang nakita ko. Puwede mo nang palitan ang statue ng McDo dahil sa abot taingang ngiti mo.”
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa patuloy na pang-aasar niya.
“I just saw a meme on twitter,” I lied.
“Asus, meme ka riyan, kaya pala ‘yong ngiti mo ay pang ngiting in love,” aniya. “Anyway mamaya na tayo aalis magkakape muna ako hindi pa ‘ko na aalmusal may tinapos pa kasi ako kaya ako nalate rito sa meeting place natin.”
“Sure, masiyadong pa ngang maaga kung ganitong oras tayo pupunta kay Doc Sesil.” Alas-otso pa lang kasi nang umaga. Inagahan talaga namin dahil may importante daw na lakad si Farah mamayang hapon.
“True medyo masungit pa naman ‘yon.”
Nag-order na siya ng mocha coffee at isang strawberry cake. Puro lang kami kwentuhan habang ine-enjoy ang kape. Ngunit sa kalagitnaan ng pagkwekwentuhan namin ay nadako ang paningin ko sa labas ng glasswall. Natigilan ako nang makitang dumaan si River at Yolan sa harap mismo ng coffee shop.
Humigpit ang hawak ko sa handle ng mug dahil sa nakita ko. Hindi ko nakita ang muka ni River pero alam kong siya ‘yon ang tanging nakita ko lang ay nakangiting muka ni Yolan habang nakakapit siya sa braso ni River.
Kumirot bigla ang puso ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Alam ko namang ako ang mahal ni River dahil paulit-ulit niyang pinaparamdam ‘yon pero hindi ko mapigilang makaramdam ng matinding selos kahit na alam kong wala akong karapatan dahil kabit lang naman ako.
“Hoy, okay ka lang? Bakit parang naiiyak ka? Nakakatawa kaya ‘yong kinekuwento ko sa’yo.” Napabalik ako sa reyalidad dahil sa sinabing ‘yon ni Farah.
Bumaling ako sa kaniya at kaagad na pinunasan ang mata ko. Letche muntik pa ‘kong umiyak sa harap ni Farah.
Peke akong tumawa. “Tapos ka na ba? Puwede na siguro tayong umalis.”
“Well, busog na ‘ko. Sige tara na para siguradong nasa apartment si Doc Sesil.”
Pagkatapos naming magbayad ay kaagad naman kaming lumabas ng coffee shop. Panay ang lingon ko sa paligid dahil baka makita ko pa ulit si River at si Yolan ngunit nabigo ako. Ang kaninang excitement na naramdaman ko ay bigla na lang naglaho para akong biglang nawalan nang gana.
*****
“SIGURADO ka bang dito ‘yon?” tanong habang nakatingila sa mataas na 4-storey building apartment. Kulay dilaw at luma na ang pintura nito. Ang gate papasok ay kulay pula ngunit nawawala na rin ang pintura. Meron sunod-sunod na naglalabas pasok na nakaputing uniforms.
Sa tingin ko ay nasa college pa lang sila at medical student dahil napakarami pa nang dala-dala nilang libro at karamihan sa kanila ay lubog ang mata dahil sa puyat.
“Oo naman minsan na kaya akong nakapunta rito,” she proudly said. Nag-door bell siya ng dalawang beses.
Pagkatapos ay lumabas ang isang mid-sixties na ginang na nakasuot ng puting bistida na may kulay asul na hair roller sa buhok nito. Inayos niya ang suot na salamin at sinipat kaming dalawa ni Farah. Kalaunan ay ngumiti siya.
“Doc Farah ikaw pala ‘yan ano pong kailangan mo?”
“Hi Tita Eva, good morning po. Gusto ko lang pong itanong kung nandito po ba si Doc Sesil?” wika nito.
“Si Doc Sesil ba kamo na nasa third floor?” Tumango ni Farah. “Oo naman nasa taas siya hindi ko naman siya napansing lumabas, tuloy kayo.”
Sumunod kami sa landlady papasok sa loob ng gate. Pagkatapos ay pumasok kami sa apartment building. Marami kaming nakakasalubong na mga medical students na nagmamadali.
“Farah,” tawag ko sa kaniya.
“Bakit?”
“Bakit puro mga medical students ang nandito?” pabulong na tanong ko sa kaniya.
“Ah ‘yon ba? Dito kasi ang puntahan ng mga college students na malalayo ang bahay o kaya walang matitirahan ito kasi ang mas malapit na apartment sa university. May mga ibang course naman na nandito pero mas marami ang medical students,” paliwanag niya.
I slowly nodded upon hearing her explanation. Binigay ng landlady kay Farah ang room number ni Doc Sesil. Napag-alaman ko na matagal na palang dumadaan-daan rito si Farah no’ng college pa siya kaya kilala na talaga siya ng landlady.
Ibinigay nito ka Farah ang apartment number ni Doc Sesil. Pagkatarating namin doon ay kaagad na kumatok si Farah halos dalawang minuto ang hinintay namin bago may bumukas sa pinto.
Bumungad sa amin ang babaeng mid-twenties. Kulot ang buhok nito at may suot na salamin. Nakasuot ito ng puting v-neck shirt at itim na pantalon.
“Sino po sila?” takang tanong niya, palipat-lipat ang tingin nito sa’min.
“You’re doctor Sesil, right? From St. Santiago Hospital?” Farah asked.
“Ako nga may kailangan ba kayo sa’kin?”
Tumingin muna sa’kin si Farah at bahagya akong tinanguan.
“I just want to ask you something if you don’t mind,” I uttered.
Tumingin muna siya sa suot na relo bago muling bumaling sa akin.
“Sige just get straight to the point. May importanteng gagawin pa ako sa hospital ayaw kong malate,” anito. “Ano bang itatanong ninyo at sinadiya niyo pa talaga ako rito?”
“I just want to know kung may alam ka ba sa buhay ni Olivia at sa anak niyang si Jorge?”
Natigilan naman siya sa tanong ko. Sinipat niya ako at tiningnan mula ulo hanggang paa.
“Bakit gusto mong malaman ang buhay ni Olivia at nang anak niya?”
“I’m her college friend. I haven’t heard anything from her these past few years so I want to know.”

“Anong pangalan mo?”
“I’m Kiely Trinity–.”
“Wala akong alam sa kanila puwede na kayong umalis.” Akma siyang aalis ngunit pinigilan ko siya.
“Doc Sesil please kahit konting information lang about sa naging buhay ni Olivia. Hindi ko kasi alam kung saan siya pupuntahan.”
“Sinabi ko nang wala akong alam–.”
“Stop lying Doc Sesil. I saw you always talked to her child,” Farah interjected.

“Hindi ko alam ang sinasabi mo.”
“Please Doc Sesil I just really want to know what happened to my friend? Bakit nagkagano’n ang buhay niya.”
She took a deep breath. “Fine, I’ll give you their address wala akong karapatang magkuwento about sa buhay nila. Kung gusto mong masagot lahat ng tanong mo ikaw na mismo ang magtanong sa kanila.”
I grinned upon hearing what she’d said.
*****
UMUSBONG ang matinding kaba sa dibdib ko nang makita ko kung anong klaseng kapaligiran ang meron sa lugar na tinitirahan ni Olivia. It was a narrow street with walls on both sides. May masangsang ring amoy dahil sa kanal na bagong linis pa lang.
“Kity ‘wag na kaya tayong tumuloy mukang hindi safe riyan sa loob eh,” nag-aalinlangang sabi ni Farah, humigpit ang hawak niya sa braso ko habang nakasilip sa makipot na eskinita.
“Hindi naman siguro titira rito si Olivia kung hindi dito safe ‘di ba? Nandito na tayo subukan na natin.”
“Pa’no kung may mangyaring masama sa’tin riyan sa loob?”
“Kung mangyari man ‘yan iniisip mo hindi naman siguro lahat nang tao rito ay masama. Pero kung hindi ka talaga kumportable na sumama sa akin papasok sa loob puwede namang ako na lang, hintayin mo na lang ako sa sasakyan.”
“Joke lang hindi naman kita puwedeng pabayaan ‘no ako kaya ang nagyaya sa’yo na puntahan ang kaibigan mo kaya responsibilidad kita. Ano tara na?”
Tumango ako. Pagpasok pa lang namin sa eskinita ay halos lahat nang makakasalubong namin ay hindi na maalis ang paningin sa’min. Maging ang mga nagchichismisan sa kanto ng eskinita ay panay ang bulungan habang nakatingin sa gawi namin.
Kahit kinakabahan dahil hindi ako sanay sa ganitong lugar ay nilakas ko pa rin ang loob ko. Nagtanong kami sa isang matanda na kasalukuyang nagwawalis sa harap ng kaniyang bahay kung saan ang eksaktong lugar ng address na ibinigay sa amin ni Doc Sesil.
“Limang bahay pagkatapos nito hija.”
“Maraming salamat po,” sabi ko.
“Walang anuman, hija.”
Sabay kaming nakahinga ng maluwag ni Farah dahil hindi na namin kailangang lumayo pa. Kagaya nga ng sabi ni lola ay nagtungo kami papunta sa panglimang bahay kapansin-pansin na ang mga katabi nitong bahay ay sarado lahat ng pinto at bintana ngunit bukas naman ang ilaw sa loob. Binalewala ko na lamang ‘yon dahil hindi naman ‘yon ang sadiya ko.
Hindi pa kami nakakalagpas sa pangapat na bahay ay rinig na rinig ko na kaagad ang malakas na iyak ng isang bata at hindi ako puwedeng magkami na si Jorge ‘yon kasunod nito ang galit na boses ni Olivia.
“Letche kang bata ka, malas ka talaga sa buhay ko! Sana ‘tinuloy ko na lang ang pagpapalaglag ko sa’yo no’n! Wala ka nang ginawang tama! Malas ka! Wala akong pakialam kung ipakulong pa ako ng mga Barrameda basta hindi ko matatanggap na anak kita!” gigil na gigil na sabi ni Olivia.
“M-mama tama na po,” umiiyak na turan ni Jorge, naabutan namin ‘tong nakadapa sa ibabaw ng lamesa habang paulit-ulit na pinapalo ni Olivia ng sintiron na hawak niya.
“Manahimik ka! Huwag mo akong tatawaging Mama dahil hindi kita anak! Nagkandamalas-malas na ang buhay ko nang dumating ka sa buhay ko! Mas pipiliin ko pang makulong kaysa dumating ka sa buhay ko! Letche ka!”
“Ano ang ibig mong sabihin Olivia?”

NIKEINKSHA | SUSHI

Komento sa Aklat (3)

  • avatar
    BalquinMilyn

    So super nice ng story.. Love it

    06/05/2025

      0
  • avatar
    ShayHanie Bint Alimon

    wow I like the story su pretty

    20/05/2024

      0
  • avatar
    Mae Jacobo

    Lovely

    24/04/2022

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata