Homepage/Butterflies of Bliss/
CHAPTER 33: Bar
KIELY’S POV
“YOU bitch! How dare you?!” Yolan’s voice echoed throughout the whole garden as she exclaimed those words.
Kumalas sa pagkakayakap sa akin si River kaya nilingon ko si Yolan. Ngunit hindi ko pa tuluyang naiikot ang ulo ko palingon sa kaniya ng hilahin niya ang buhok ko palayo kay River.
Napapikit ako at napahawak sa kamay niyang nakahawak sa buhok ko dahil nakaramdam ako ng sobrang hapdi ng anit ko. Kinaladkad niya ako patungo sa damuhan habang paulit-ulit niya akong minumura. Pabato niya akong tinapon sa mga damo dahilan upang mapahiga ako doon. Hindi pa ako tuluyang nakakarecover ng bigla siang umupo sa tiyan ko at saka ako sinabunutan.
“Bitch! Sabi ko na nga ba at aagawin mo na naman ang akin! Malandi ka!”
Inabot ko rin ang buhok niya at saka sinabunutan din siya pabalik. Nakaramdam ako ng hapdi sa braso at muka ko dahil sa mga kalmot niya dito. Pilit na inilalayo ni River si Yolan sa akin. Pansin ko na marami nang nakapalibot sa amin ang iba ay tinutulungan si River na inilalayo si Yolan sa akin.
Patuloy pa rin si Yolan sa pagpupumiglas habang masama pa rin ang tingin sa akin. May mga tumulong sa akin na tulayo dahil nga sa pagkakahiga ko sa damuhan.
“Hayop kang malandi ka! Mang-aagaw ka! Hindi ka na nahiya alam mo namang may fiancé na ang kinakalantari mo, nilalandi mo pa rin!” Yolan furiously exclaimed.
“Yolan, enough!” River rebuke.
“Wala kang alam kaya pwede ba bago ka kumuda alamin mo muna kung anong totoong nangyari!” sigaw ko sa kaniya pabalik.
Pake siyang tumawa na parang nakakatawa ang sinabi ko.
“I saw everything! I saw you hugging my fiancé! Hindi pa ba sapat na dahilan ‘yun para sugurin kitang malandi ka?!”
“I said enough! Umuwi na tayo!”
Bumaling si Yolan kay River, “Talagang kinakampihan mo ba ang babaeng ‘to ha. Ako ang fiancé mo kaya wag mo akong sisigaw-sigawan!”
“Kasi wala naman talaga siyang ginagawang masama! I hugged her, okay? So, shut up umuwi na tayo!”
“At talagang pinagtanggol mo pa,” tumingin siya saakin ng masama at saka akmang susugurin na naman ako ngunit napigilan siya ni River, “Bitawan mo ‘ko! Kailangang maturuan ng leksiyon ang babaeng ‘yan!”
Sabay-sabay kaming napalingon nang biglang sunod-sunod na lumbas papunta sa gawi namin sina Kuya Kyrus together with my cousins. Una kong napansin sina Kuya Gideon at Kuya Titan na parehas seryoso ang muka. Kasunod nito ang iba ko pang pinsan na bakas ang pag-aalala sa muka.
Shit!
“What the fuck is happening here?” seryosong tanong ni Kuya Gideon nang makasingit siya sa mga taong nakapalibot sa akin.
Kuya Kyrus and Kuya Kendrick rushed through my direction when they saw me. Narinig ko ang mga malulutong na mura nilanang makita nila ang mga kalmot sa braso at muka ko.
“Who did this to her?” tanong ni Kuya Desmond habang nakaturo sa akin.
“Ako, bakit ha? Malandi ‘yang babaeng ‘yan e. Masyadong makati alam niya namang may fiancé na ang tao nilalandi niya pa rin!” bulyaw na naman ni Yolan.
“Yolan shut up! Fuck this!” River looks pissed.
Magsasalita sana ako para depensahan ko ang sarili ko pero pinigilan ako ni Kuya Kendrick at umiling.
“Did you know that we can sue you for causing trouble in our territory and for hurting her?” seryosong sabi ni Kuya Titan at saka niluwagan ang necktie na suot niya.
“Bakit ako lang? Ako lang ba ang gumawa ng gulo dito?!”
Lumapit sa amin si Kuya August na bakas ang pag aalala sa mata habang tinitingnan ang kabuuan ko.
“Ipasok mo na siya sa loob kailangan magamot ‘yang mga sugat niya baka magkaimpeksiyon ‘yan,” Kuya August said to Kuya Kendrick.
Agad namang tumalima si Kuya Kendrick. Hindi sana ako sasama dahil gusto kong makita kung anong gagawin nila kay Yolan pero hindi ako hinayaan ni Kuya. Nagtama ang paningin ni River ngunit siya na ang nag iwas ng tingin.
“Sa likod tayo dadaan hindi alam ng ibang bisita ang nagyayari kaya hanggat maari huwag ka munang magpapakita na ganyan ang kalagayan mo lalo na’t may media ang nasa paligid ngayon.”
Tanging tango lang ang itinugon ko. Medyo lumalala na kasi ang pagkahapdi ng mga sugat ko ngayon lalo na itong nasa braso ko. Nangangamba pa rin ako dahil baka kung anong gawin nila kay Yolan at River. I know that I have fault too kasi tama naman si Yolan alam kong may fiancé na si River pero hindi pa rin ako lumayo.
Alam ko namang hindi ko nilalandi si River pero naguiguilty pa rin ako dahil pakiramdam ko nasira ko ang party ni Mamita na pinaghirapan ng mga Tita ko at ni Mama.
Pumasok kami sa isang kwarto sa baba. Hindi ako pwdeng dalhin sa kwarto ko dahil hindi kami pwedeng dumaan sa hagdan dahil kasalukuyan paring tuloy-tuloy ang party.
“Sir Kendrick, ma’am Kity!” bungad sa amin pagbukas ng pinto.
Nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino ‘yun. Kahit nakakaramdam ako ng hapdi ngayon dahil sa mga sugat ko ay hindi ko mapigilang mapangiti.
“Margarita!” I rushed towards her direction and hugged her. She immediately hugged me back.
“Ma’am Kity namiss ko po kayo!” mangiyak-ngiyak na sabi ni Margarita at saka hinigpitan ang pagkakayakap sa akin dahilan upang mapadaing ako, “Hala, sorry po ma’am. Okay ka lang ba?”
Tumago naman ako at saka pilit na ngumiti.
“Margarita I’ll leave Kity to you, please treat her wound and don’t let her leave this room,” seryosong sabi ni Kuya at saka hinubad ang gray niyang tuxedo at saka iniabot ito sa akin.
“Opo, sir.”
Lumabas si Kuya na nakasuot lang white long sleeve polo.
“Ma’am Kity sandali lang po ah kukuha lang po ako ng first aid kit,” paalam ni Margarita at saka nagtungo sa isang drawer at nagkalkal doon.
Ngayon ko lang napansin na nakasemi-formal attire din siya kagaya ko. She’s wearing a spaghetti strap white fitted dress and her hairdo was ponytailed. Tumingkayad siya at saka nagkalkal naman sa itaas na drawer.
Pagkatapos ay bumalik siyang may dalang cotton balls at alcohol. Hindi naman ako takot sa mga ‘yon hindi kagaya ng iba dahil ako rin naman ang gumagamot sa sarili gamit ang mga ‘yan ng nasa Germany pa ‘ko.
“Tiisin mo po ma’am, bibilisan mo lang po para hindi ka masyadong masaktan.”
“Okay.”
Sinimulan na akong gamutin ni Margarita. Napapangiwi pa ako dahil alam kong medyo malalim ang mga kalmot sa’kin ni Yolan. Sa kalagitnaan ng paggagamot sa akin ni Margarita ay meron akong biglang naalalang itanong.
“Margarita, can you tell me what happened here for the past seven years that I was away?” tanong ko.
Natigilan naman siya sa paggamot sa sugat ko at saka tumuwid ng pagkakaupo.
“Sige po, ma’am. Ano po bang gusto niyong malaman?”
Umayos din ako ng pagkakaupo bago magsalita, “Gusto kong malaman kung anong sumunod na nagyari dito pagkatapos kong umalis papunta sa Germany.”
Parang biglang may dumaan na anghel dahil literal siyang hindi gumalaw at animo’y hindi inaasahan ang tanong ko. Kumunot ang noo ko at nagtataka siyang tiningnan.
“Hey, is there a problem?” I asked and frowned.
Paulit-ulit naman siyang umiling, “W-wala po, um, about po sa tanong mo ma’am wala po kasi akong karapatang magsalita o magkwento about sa nangyari pagkatapos niyong umalis.”
Umusbong ang kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi niya.
“Why?”
“Hindi ko rin po pwedeng sabihin kung bakit.”
Sa sinabing ‘yun ni Margarita ay mas lalo akong naguluhan. Anong pumipigil sa kaniya na magkwento tungkol sa mga nangyari pitong taon na ang nakakaraan especially sa nangyari matapos kong umalis papuntang Germany? Meron ba akong hindi nalalaman? Meron bang hindi sinasabi sa’kin ang pamilya ko?
“Totoo bang nakulong na ang nasa scandal video, Margarita?” subok na tanong kong muli.
Namutla siya at biglang nanginig ang mga kamay. Kinagat niya ang pangibabang labi niya at saka yumuko. I knew it! Meron talaga akong hindi nalalaman dito.
“M-ma’am pasensiya na po hindi ko po talagang pwedeng sabihin ang nalalaman ko.”
“Can you at least tell me why? Sino bang pumipigil sayo na sabihin sakin ang alam mo?”
Huminga siya ng malalim at saka nagtungo sa pinto para siguraduhing nakalock ‘yun pagkatapos ay bumalik siya sa pwesto niya at saka hinawakan ang kamay ko.
“Ma’am hindi ko talaga pwedeng sabihin ang lahat ng alam ko pero isa lang po ang masasabi ko sa inyo,” seryoso siyang tumingin sa mata ko, “Hindi po nakulong ang nasa scandal video…
FIVE DAYS had past but all I could do was to think about what Margarita told me at sahil doon ay marami na namang nabuong tanong sa utak ko na hindi masagot. Deretso kong ininom ang inorder kong vodka. At saka muling nagsalin sa basong hawak ko. Kanina pa kami dito nag iinuman pero hindi pa rin ako tinatamaan ng alak na iniinom ko.
“Sumayaw naman tayo, Kity. Para ka namang broken riyan kung makainom namiss ka namin kaya pagbigyan mo na kami!” sabi ni Ruby habang hinihila ang braso ko.
“Oo nga naman, Kity,” sigunda rin ni Naomi habang nakikipagharutan sa katabi niyang lalaki.
“I don’t know how to dance,” natatawang tugon ko ngunit hindi pa rin ako tinigilan ni Ruby.
“Ano naman? Kahit hindi ka marunong sumayaw wala namang mangjujudge sayo dito. We’re here to have fun so, let’s have fun, right?!”
“Yeah!” tugon ng mga kasama namin.
“Fine,” sabi ko at tumayo ininom ko muna ang bagong salin kong vodka at saka sumama sa kanila papunta sa dance floor.
Kasama ko ngayon ang dati kong mga kaklase nung college ako sa St. Laurent College nang malaman daw nilang nakauwi na ko ay plinano daw nila agad ang bar hopping naming ‘to. Ito na ang pangapat na bar na napuntahan namin ngayong gabi pero hindi pa rin ako nalalasing hindi kagaya ng mga kasama ko na medyo may tama na.
Pagkatapos ng isang oras na pagliliwaliw sa bar na ‘yun ay lumabas na kami para lumipat sa panghuling bar na pupuntahan namin. Sabi nila ay doon daw mas masayang uminom dahil maraming gwapo at masasarap ang mga alak. Mabuti na lang talaga at may dala silang van na may driver dahil hindi naman pwedeng sila ang magdrive dahil lasing na sila.
Mabilis naman kaming nakarating sa sinasabi nilang bar dahil hindi naman ito kalayuan sa bar na pinanggalingan namin. Natigilan ako nang mapagtanto kung saan kami pumunta.
“Tara na sobrang tagal na din nung last akong uminom dito sa EmpeBar,” bulaslas ni Bella.
“Same sobrang busy kasi sa trabaho,” sang-ayon naman ni Sophie.
Ito ang lugar na pinakahuli kong pinuntahan seven years ago. Hinding-hindi ko makakalimutan ang lugar na ‘to dahil dito ko napatunayang tapos na talaga kami ni Rver noon.
“Okay ka lang Kity? Para kang nakakita ng multo,” pansin sa akin Benjamin habang nakahawak sa bewang ni Sophie.
“H-ha? Oo okay lang ako tara na!”
Pagpasok pa lang namin sa entrance ay sobrang wild na ng dance floor. Unlike sa mga naunang bar na napuntahan namin ay ngayon ko lang napansin na mas malaki pala ang bar na ‘to. No wonder na mas maraming gustong pumunta dito.
Pumuwesto kami sa may mga sofa. Agad namang lumapit sa amin ang waiter ng pindutin ni Naomi ang bell. Omorder si Naomi ng iba’t-ibang alak.
“Ang dami naman nun hindi na namin kayang bayaran ang lahat ng inorder mo,” pabulong sa sabi ni Bella.
“Sino bang may sabi na pagbabayarin ko kayo? Of course ako ang magbabayad ng lahat ng onorder ko,” nakangiting sabi ni Naomi.
“Anong nakain mo at nanglibre ka aber?” tuya ni Sophie.
“Wala lang masaya lang ako kasi nandito na ulit si Kity,” aniya.
Napangiti naman ako. Nang dumating ang lahat ng inorder ni Naomi ay nagsiinuman na ulit kami. Mas matapang ang mga alak dito kaya bawat inom ko ay humahagod talaga sa lalamunan ko.
Nang nakakalahati na kami ng mga alak ay nararamdaman ko na naumiikot na ang paningin ko. Pumikit ako at saka hinilot ang ulo ko. Muli na namang nagyaya sina Ruby na sumayaw kaya sumama ulit ako. Dala siguro ng alak kaya mas naging hyper ako habang sumasayaw kasama ng mga kaibigan ko.
Umalis si Naomi ngunit pagbalik niya ay may dala na siyang mga bote ng alak. Habang sumasayaw kami sa dance floor ay umiinom kami ng alak. Nang maramdaman ko na humahapdi na ang paa ko ay mag isa akong bumalik sa pwest namin. Naabutan ko doon na naglalambingan sina Benjamin at Sophie.
“Oh, ayaw mo namang sumayaw Kity?” tanong ni Sophie nang mapansin niyang nakabalik na ako.
Pabagsak akong umupo sa couch at saka hinubad ang suot kong ankle strap heels bago sumagot.
“Oo mamaya naman namamanhid na kasi ‘tong paa ko.”
Muli na naman akong uminom ng alak. Gusto kong sulitin ang mga oras na nakakainom na naman ako ng mga alcoholic beverage dahil siguradong pagbalik ko sa Germany ay hindi ko na naman ulit matitikman ang mga alak dahil busy na naman ako sa trabaho.
“Sayang wala si Dave,” biglang sabi ni Sophie habang nakatingin sa mga kaibigan naming nagsasaya pa rin sa dance floor.
“Yeah, and also Olivia,” I said while my eyes were closed.
Hindi naman sila tumugon. Hindi ko na lang sila pinansin dahil umiikot na talaga ang paningin ko dala ng kalasingan. Nang maging okay ulit ang pakiramdam ko ay uminom na naman ako at bumalik kina Naomi.
“Akala ko hindi ka na babalik!” pasigaw na tuya ni Ruby.
“I’m not weak,” pagmamayabang ko.
Halos kalahating oras din akong sumasayaw sa dance floor, hindi ko na alam kung nasan ang mga kaibigan ko. Ang alam ko na lang ay may kasayaw akong lalaki ngayon.
Nakangiti ako habang nakahawak sa balikat ng lalaking kasayaw ko. Kahit lasing ako ay malinaw pa rin ang paningin ko kaya nakikita ko ang muka niya kapag tinatamaan siya ng disco lights.
“What’s your name, mister?” nakangiting tanong ko habang patuloy paring sumasayaw.
“I’m Michael, what about you gorgeous?” he asked back with his British accent.
“I’m Kiely, nice to meet you, Michael.”
“Nice to meet you too, sweetheart. What a gorgeous name, just like you.”
“Oh, thank you.”
Sa kalagitnaan ng pagsasayaw namin ni Michael ay nagulat ako ng bigla na lang may humila sa braso ko at saka ako inilayo kay Michael.
“Fuck you, motherfucker!”
NIKEINKSHA | SUSHII-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (3)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
So super nice ng story.. Love it
06/05/2025
0wow I like the story su pretty
20/05/2024
0Lovely
24/04/2022
1Tingnan Lahat