Chapter 7

Nakangiti ako habang nagrereply sa mg chats ni Warren. Galing ako sa studio at pauwi na, naisipan ko lang na dumaan sa cementery para bisitahin ang puntod ng mom ko.
Habang naglalakad ay napansin kong kanina pa nakasunod sa akin ang isang lalaking naka itim. He's being annoying, nakaka wala sa mood. Kaya naghanap ako nang madilim na lugar para turuan siya nang leksyon.
Tumigil ako kung saan wala na talagang makakakitang bubugbugin ko ang taong ito. 
"Ano ang kailangan mo?" dahan dahan akong lumingon at nagpanggap na mahina a5 kinakabahan.
"Alam mo palang sinusundan kita, bakit ka pumunta sa tagong lugar?" Unti-unting luminaw ang mukha niya na nasisilawan ng buwan. Isa siyang makisig, gwapo, at mukhang malakas. 
Siguro nandito siya hindi para sa atensyon ko.
"Anong kailangan mo?" inis na tanong ko sa kaniya.
"Ayown! Ipinakita mo na rin ang totoo mong kulay. May nag-utos sa aking patayin at gahasain ka. Hindi naman masama ang katawan mo kaya siguradong hindi ako mabo-bored," nakangising sabi niya at lumapit sa akin. Tsk, sayang pa naman ang lalaking ito. Siguradong pagkakaguluhan siya ng mga babae kung hindi lang killer.
"Tsk. Mali ka ng kinalaban." sabi ko at nilabas ang kutsilyo ko, pero bigla niya akong sinugod. Sa bilis niya, hindi agad ako nakapag handa kaya tanging pagsangga lang ang nagawa ko at hindi nakailag sa suntok niya.
Sobrang lakas niya,  dahilan para tumilapon ang payat kong katawan sa lupa.
"Ang hina mo naman pala, boring!" sabi nito, kaya lalo akong nainis. Tumayo ako ngunit hindi niya ako hinayaan at malakas na sinikmuraan.
"I'm sorry, but you'll have to die tonight," bulong niya habang nakangisi. Hindi pa niya ako hinayaang makagalaw at sinipa niya ako. Hindi ako papayag na dito mamatay.
Warren...
"You look so pitiful, but beautiful," nakangising sabi niya habang naglalakad palapit sa akin. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kutsilyo ko at sinamaan siya ng tingin.
Nng makalapit siya agad ko siyang sinugod, nakaiwas agd siya ngunit nagawa ko siyang sugatan sa braso. Hindi ordinaryo mga weapons ko. They all have poisons. Kaya't kahit maliit na sugat lang maaring nakamamatay.
"You, Bitch!" sigaw niya at sinugod ako ngunit ngayon, madali ko nang maiwasan ang mga atake niya.
"How dare you touch me, you lowly creature!" Inis na sigaw ko sa kaniya. At tinarak sa tyan niya ang kutsilyo ko.
"Bitch!" bulong niya. Nagulat ako nang bigla siyang bumunot ng baril at itinutok iyon sa akin.
"I'll take you down too," sabi niya at ipuputok na sana nang may sumipa sa kamay niya.
"How dare you hurt my woman!" malamig na sabi ng lalaking gumawa nun. Nagulat ako sa pagdating niya, ngunit pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko nang marinig ko ang boses niya. 
"AAAAHHH!" malakas na sigaw ng lalaking gustong pumatay sa akin nang tinapakan nito ang tyan niyang may sugat at naruon pa ang kutsilyo ko.
Hindi tinigilan ng lalaking naka hood ang pagtadyak nito sa tyan nang lalaking iyon hanggang sa mawalan na ito ng malay.
"Sino ka?" agad kong tanong rito. Napahawak ako sa dibdib ko nang makaramdam iyon ng kirot.
"Kilala ba kita?" muling tanong ko.
"Kilala mo ako. Kilalang kilala," sagot nito nang hindi man lang humaharap sa akin o ipakita man lang ang mukha niya.
"Ipakita mo mukha mo!" sigaw ko sa kaniya at sinugod siya ngunit nasalo niya kamay ko at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya at itinulak siya ngunit hindi ko magawa sa sobrang lakas niya.
"Bitawan mo ako!" inis na sigaw ko. 
"I missed you," bulong niya.
"Damn you!" sigaw ko at inuntog ang ulo niya. Agad naman niya akong nabitawan at lumayo.
"Hey, that hurts!" reklamo niya habang hinihimas ang ulo niya.
"Sino ka ba?" tanong ko uli sa kaniya.
"It's nice to see you again, Raffy," bulong niya at umalis. Susundan ko sana siya ngunit tumunog phone ko. Tumatawag si Warren. 
"Wifey! Anong nangyari, nag-aalala ako," bungad ni warren. Napangiti ako nang marinig ko ang boses niya. 
"Ayus lang ako Warren, anong gusto mong snacks, bibilhan kita," sabi ko.
"Ikaw!" agad na sagot niya kaya natawa ako.
"Sure, uuwi na ako agad sa'yo," sabi ko at binaba ang phone. Napatingin ako sa lalaking nasa lupa. Siguro ay patay na siya, kaya tinalikuran ko nalang ang katawan niya at tinawagan si yuhan para asikasuhin ang nangyari.
Third person's POV.
Napayuko ang mga ibang tauhan ng isang babae nang simulan niyang basagin lahat ng nahahawakan niya.
"How f*c*ng stupid you all are! Pinadala ko isa sa malalakas sa inyo pero hindi niyo kayang patayin ang isang babae lang?" galit na sigaw nito sa mg tauhan niya.
"May dumating daw, para tulung-" natigil ang sasabihin nito nang barilin siya ng babae.
"Sino nagsabing pwede kang mangatwiran?" galit na galit nitong sabi. Tinapon niya sa inis ang baril niya at umupo. Para kumalma.
"Good day, my beloved sister!" masayang bati nang isang lalaking kakarating lang habang may hawak na envelope. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ng babae.
"Anong ginagawa mo dito, kurt? And i told you, you're not my brother so stop calling me sister!" sigaw nito sa kaniya. "My only brother is him," dugtong nito.
"Chill, lil sis, dad is calling for us," sabi ni kurt.
"F-for what?" agad na lummbot ang expression ng babae nang marinig niya ang dahilan ni kurt.
"Who knows? Ask him yourself," nakangising  sagot ni kurt. Wala sa itsura nila ang pagiging pamilya. Tanging takot at galit lamang ang mararamdaman nila sa isa't isa.
"Ugh, I hate this life. Kuya Warren, I miss you," bulong ng babae nang maiwan na lamang siyang mag isa sa kwarto niya.
Rafaelia's POV.
"Achoo!" bahing ni warren.
"Anong problema? Nilalamig ka ba?" nag-aalalang tanong ko sa kaniya at hinawakan ang noo niya pero ayos naman siya.
"Wala lang ito. Siguro ay may umiisip tungkol sa akin," nakangiting sabi niya.
"Paano mo naman nasabi?" tanong ko.
"Sabi sa akin ni yaya."
"Sa tingin mo may umiisip tungkol sa iyo? Ano naman ang paguusapan nila tungkol sa iyo?" 
"They are probably bad mouthing me," naka-pout na sabi niya.
"Bawal ang mang-hinala sa kapwa," sabi ko at tinapik noo niya.
"Hindi na iyon kahinahinala dahil totoo naman."
"Warren, kahit na ano ka pa man, ikaw pa rin si warren na fiancé ko. Di'ba hubby?" nakangising sabi ko dahilan para mamula ang pisngi at tenga niya.
"Napakabait mo wifey," malapad ang ngiti niyang sabi at niyakap ako. 
Hindi nga sabi ako mabait eh! I just killed a man hours ago.
"Uhh, hello? Stop flirting, respect for the singles!" reklamo ni yuhan.
"Wala namang nagsabing makilamon ka rito," Inirapan ko siya.
"How cruel, baby. I'm just here for a talk, pero ayaw kang ipahiram ng damulag mo nang di natatapos kumain."
"Stop complaining if you don't want to wait outside the house," sabi ko rito at ngumiti kay Warren.
"Too cruel, Rafa, so cruel." Hindi na lamang namin pinansin pa si yuhan.
After naming kumain at magligpit, saka ako nagpaalam kay Warren na mag-uusap lamang kami ni yuhan.
"Sandali lang muna warren maguusap lang kami ni yuhan," nakangiting sabi ko kay warren. Naka-pout lang siya at hindi sumagot. Bumuntong hininga ako at dinala siya sa malayo kay yuhan.
"Pumayag ka na. Hintayin mo na lang ako sa kwarto natin, okay?" nakangiting sabi ko. Ngumiti siya at tumango. 
"Halika na yuhan," sabi ko at hinila siya sa labas ng bahay. Nang makalabas na kami ay sumeryoso ang mukha niya.
Pumasok muna kami sa kotse bago nag usap.
"Kilala mo ang asawa ng governor hindi ba?" tanong niya. Naalala ko 'yong babaeng nakilala ko sa bahay ng governor na may ibang lalaki.
"Oo." Sagot ko.
"Ano sa tingin mo sa kaniya? Ang ugali niya?" tanong niya.
"May lalaki siya pero sa ipinakita niya, ayokong magbigay ng kahit anong opinyon tungkol sa kaniya." 
"Bakit, anong tungkol sa kaniya?" tanong ko.
"Kailangan natin siyang iligtas. Marami siyang nalalaman tungkol sa governor at ang mga krimeng ginawa nito," sabi niya.
"Bakit ano ba ang nangyari at kailangan siyang iligtas?" walang ganang tanong ko.
"Ipinahamak siya ng anak ng governor tungkol sa lihim niyang pakikipagrelasyon sa empleyado ng asawa niya. Nakakulong siya sa basement ng bahay nila at kailangan natin siyang iligtas," paliwanag niya. Naalala ko ang batang nakita ko nung mga araw na iyon. Hindi ko akalain na magiging dahilan siya ng isa nanamang problema.
Kung nalaman ko ang nung una, pinatahimik ko na sana siya nung una palang.
"That smile is creepy, Rafa. We don't need to kill anyone. We just have to rescue the wife," paalala ni yuhan sa akin napairap naman ako sa sinabi niya.
"Nasan na ang lalaki niya?" tanong ko. 
"Patay na. Pinahirapan siya ng governor bago mamatay sa harap ni julia," sabi niya.  Napangisi naman ako sa narinig. They got what they deserve. Mabuti man o masama, cheating is not a good thing. 
"I told you, stop smiling like that, it's creepy. Paano kung makita ka ni Warren nang ganiyan?" agad kong sinamaan ng tingin si yuhan sa sinabi niya.
"I won't show it to him nalang, I'll play as a good girl infront of him."

Komento sa Aklat (117)

  • avatar
    GirlyMine

    Woah the blurb is superb peri grabe din ang first few chaps 😍 Sobrang exciting, cannot wait to finish this one.

    02/06/2022

      0
  • avatar
    GoddessNiMaster

    HIGHLY RECOMMENDED STORY TO EVERYONE!

    02/06/2022

      0
  • avatar
    Grayyy

    This is one of the highly recommended story that I have read so far. The plot is really commendable. It is well-written that made me to turn more pages. Kudos to author for writing this!

    01/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata