Muli akong napabuntong hininga habang nakatitig sa kawalan. Ito ang unang pagkakataon na sinira ko ang misyon, ngayong napag isip isip ko na ang mga ginawa at sinabi ko kay Yuhan kagabi, na-realize ko ang pagkakamali ko. "Wifey, kanina ka pa bumubuntong hininga, may problema ka ba?" malambing na tanong sa akin ni Warren. "Wala namang problema, Warren. Nag-iisip lamang ako," sagot ko at ngumiti sa kaniya. Sa ngayon, inalis muna ako ni Yuhan sa Mission dahil sa mga sinabi ko kagabi. Pag-isipan ko raw muna ang mga sinabi ko. Anong gagawin ko? I clearly know how i feel about Warren. I want to protect him no matter what, pero, tama bang isuko ko ang lahat para sa lalaking ilang buwan ko lamang nakikilala? Ilang taon kong pinaghirapan ang kinatatayuan ko ngayon. Kahit anong mangyari ipaghihigante ko ang pagkamatay ng mom ko. "Warren, kung papipiliin ka, ako o yung pangarap mo, ano pipiliin mo?" Wala sa sarili kong naitanong kay Warren ang komplikadong tanong na iyon. "Ikaw po pangarap ko, paano yun?" inosenteng tanong niya. Natawa naman ako sa sagot niya. Para na ring pick up line yun kung 'di lang siya inosenteng cute. "Wifey, naisip ko lang na masayang lumabas tayong tatlo ni Rechelle, punta tayo sa amusement park!" biglaang suhestyon niya. Rechelle? Napansin ko rin na ang tahimik ni Rechelle. Kahit na minsan ay masama pa rin ang tingin niya sa akin, hindi na siya gumagawa ng gulo o sumisigaw. Rechelle's Family was slaughtered by a group of mafia. Ang hindi ko alam ay kung bakit galit na galit siya sa akin. Pero gusto ko siyang alagaan. Nung una, gusto ko lang siyang i train para maging katulad ko at tulungan siyang makapag higanti. Pero habang pinapanood siya, napag-disisyonan kong gusto ko siyang manatiling simpleng bata, at lumaking simpleng babae. Hindi niya kaylangang maging katulad kong marumi. Sila ni Warren, po-protektahan ko silang dalawa kahit anong mangyari. "Sige ba,"nakangiting sagot ko sa gusto ni Warren. Somehow, I feel like i wanted to be a normal girl. I wish I could be normal but... "Rechelle, 'wag kang lalayo sa amin para hindi ka mawala, okay?" Muling paalala ni Warren kay Rechelle. "Opo," mahinang sagot ni Rechelle. Habang tumatagal nagiging madali na ring kausap si Rechelle at labis akong natutuwa run. Buong araw kaming namasyal at sumakay sa iba't ibang rides. Habang pinapanood silang dalawang magsaya, may na realize ako. "Rechelle, Warren, gusto ko nang kalimutan ang lahat at mamuhay kasama kayong dalawa." Parehong nanlaki ang mga mata nilang dalawa sa biglaang sinabi ko. "A-anong ibig mo--" Hindi naituloy ni Warren ang balak niyang sabihin nang bigla kaming makarinig ng putok. Nagulat nalang ako nang makita ko si Rechelle na bumagsak sa lupa. Mabilis akong lumuhod at sinalo siya bago pa man bumagsak sa lupa ang maliit niyang katawan. Nanginig ang buong katawan ko sa takot habang hawak ang ulo ni Rechelle na walang malay. Nanghina ang buong katawan ko nang makitang may dugo siya. "R-rechelle," rinig kong bulong ni Warren. Pinipigilan kong lamunin ako ng nararamdaman kong takot at sinubukan kong pigilan ang pagdurugo ng tagiliran ni Rechelle. Maya maya ay napaligiran na kaming tatlo ng mga lalaking naka itim. Hindi ko mabilang ang dami nila pero siguro ay higit sa sampu. "Warren, hawakan mo muna si R-rechelle, I'll handle them," bulong ko kay Warren at binigay sa kaniya si Rechelle. "No, you won't be able to handle this alone." Nagulat ako sa biglang tono ni Warren. "I guess, I can't hide it from you anymore. I'm sorry, rafa." Hindi ko alam ano magiging reaction ko sa mga sinabi niya. Binaba niya si Rechelle at ngumiti sa akin. "For now, let's protect her together," sabi niya. Hindi ko pa alam ang isasagot ko ngunit wala nga kami sa sitwasyon para mag usap muna. "How dare you harm my child!" Tumaas ang mga balahibo ko sa seryosong boses ni Warren. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Nagulat ako nang naglabas siya ng baril at nagpaputok sa mga lalaking nakatayo sa 'di kalayuan. "Warren," bulong ko. Mabilis kong binuhat si Rechelle at dinala sa ligtas na lugar. Tinawagan ko si Yuhan, mabilis naman siyang sumagot at papunta na siya. Lalong dumami ang putukan na parang higit sa dalawampu ang mga baril na pumuputok. Ayaw ko mag isip ng masama pero hindi ko maiwasan. Pagdating na pagdating ni yuhan, agad akong pumunta kung asan si Warren. Naabutan ko si Warren na nakatayo lang habang napapaligiran ng mga lalaking naka-itim. "Warren?" kinakabahang tawag ko sa kaniya. Gulat siyang napatingin sa akin at mabilis akong linapitan. "Why are you here? How about Rechelle?" tanong niya sa akin, pero hindi ko siya sinagot at binaling ang tingin sa mga lalaking kasama niya. "T-they are my bodyguards." Hindi pa rin ako sumagot sa kaniya at nanatiling nakatitig sa mga lalaki sa likod niya. I don't like this feeling, it's as if i wanted to slaughter them. "Are you sure they are your men?" tanong ko. Tila nagdadalawang isip, tumango pa rin siya. Malamig ko siyang sinulyapan at tumalikod. "Liar," mahinang bulong ko pero sapat para marinig niya at mapansin niya ang galit ko. Mabilis akong bumalik kay yuhan na ginagamot si Rechelle. Halata ang labis na pag aalala sa mukha niya. "I stopped the bleeding, but she lost too much blood. She'll need blood transfusion. " paliwanag niya. "Don't, worry Rechelle. We have the same blood type, I can give her my blood she needs. For now, let's get her to my hospital." Tumango ako at tinulungan siya sa mga ginagawa niya. "I'll get the car, ready," sabat naman ni Warren. Sandaling nanlaki ang mga mata ni Yuhan pero hindi siya nagsalita. Nasa hospital na kami. Right now, nakaupo lang kami ni Warren at hindi nag-uusap. Hinihintay na bumalik si Yuhan. "I'm sorry," biglang saad ni Warren, pero hindi ko pa rin siya linilingon. "I have my reasons, so please don't hate me," dagdag niya pa ngunit 'di ko siya pinansin. I hate people who lies to me. "I'll explain everything once we get home, please?" I noded. "She's okay, now. I'm glad i made it in time," saad ni Yuhan habang may di maipaliwanag na expression sa mukha niya. Ngayon ko lang nakita si Yuhan na mag-alala nang sobra sa ibang tao maliban sa akin. Minsan, nagtataka ako ano ba talaga ang koneksyon ni Rechelle sa kaniya. He may care for her mother's wish, but i didn't think he will care so much for Rechelle. After Rechelle's mother, Aira died, he spent 3 months looking for Rechelle, to fulfill Aira's wish to take care of Rechelle. "I'll leave Rechelle to you, Yuhan. May bagay pa akong kailangan asikasuhin," sabi ko at sinulyapan si Warren. Mukha namang naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Pagdating namin sa bahay, umupo ako sa sofa at tumingin sa kaniya na nakatayo at 'di mapakali. "H-hindi ko alam saan magsisimula," pabulong na saad niya. "Simulan mo sa pag-upo," nanatiling malamig ang boses ko. Ngayon lang naging malamig ang boses ko kay Warren. "Ahm, actually, hindi ko totoong daddy si papa. He's my uncle, and he adopted me after my parents died. And my sister was... I don't know, if she's dead or alive." Paninimula niya. Though, hindi ko alam anong connect nito sa pagsisinungaling niya ngunit interesado rin ako sa kwento niya. "It was my sister's birthday. We were attacked, marami ang napahamak at nadamay sa nangyari. My parents were killed infront of me and my sister." So, isa si mom sa mga nadamay sa pagkaka atake sa kanila? What the hell, so it was their fault. "I wanted to get revenge. I had to pretend to be a fool, para hindi ako idamay ng pumatay sa kanila. I'm sorry i lied," paliwanag niya. So, he's just like me after all. Dahil sa parehong trahedya na nangyari sa amin, naging ganito kami. Tadhana ba ito o sumpa. "Bakit mo sinasabi ang lahat ng ito ngayon? Why did you expose your secret?" takang tanong ko sa kaniya. Even I, can't tell hin what I really am. Why does he trust me so much? "Gagawin ko ang lahat para sa iyo Rafaelia. Dahil mahal kita." Nagulat ako sa sinabi niya. Lagi niyang sinasabi iyon nung nagpapanggap pa siya, pero hindi ko sineseryoso iyon. Ngayong sinasabi niya ito habang pinapakita ang tunay niyang kulay, hindi maiwasan ng puso kong tumibok nang sobrang bilis. "A-at ano naman ang nagustuhan mo sa akin? Bakit ako pa?" tanong ko. "Sino ba ang hindi magkakagusto sa iyo? Ikaw ang unang tao na hindi hinusgahan ang pagka-isip bata ko. Hindi ka rin nagreklamo sa lahat ng ginagawa ko sa iyo. At ikaw, ang dahilan kung bakit buhay pa rin ako ngayon, utang ko sa iyo ang buhat ko." "Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko. Wala akong maalalang pagkakataon na nailigtas ko si Warren sa pagitan ng buhay at kamatayan. "You saved my life, 20 years ago, but you probably don't remember because of your amnesia." "How did you know that?"
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (117)
GirlyMine
Woah the blurb is superb peri grabe din ang first few chaps 😍 Sobrang exciting, cannot wait to finish this one.
02/06/2022
0
GoddessNiMaster
HIGHLY RECOMMENDED STORY TO EVERYONE!
02/06/2022
0
Grayyy
This is one of the highly recommended story that I have read so far. The plot is really commendable. It is well-written that made me to turn more pages. Kudos to author for writing this!
Woah the blurb is superb peri grabe din ang first few chaps 😍 Sobrang exciting, cannot wait to finish this one.
02/06/2022
0HIGHLY RECOMMENDED STORY TO EVERYONE!
02/06/2022
0This is one of the highly recommended story that I have read so far. The plot is really commendable. It is well-written that made me to turn more pages. Kudos to author for writing this!
01/06/2022
0Tingnan Lahat