37.

"Where are we going?" tanong ko habang nagmamaneho si Ivan. Pansin kong maingat na ang pagmamaneho niya ngayon para siguro maiwasan na maaksidente kami ulit.
"Sa café ni mom, pupunta dun doon mga kaibigan natin, gusto ka daw nila makita. Nauna na nga daw sila Bryce doon, eh." sagot niya. Napangiti ako at excited na hinarap siya.
"Talaga? Halla, na-miss ko na din sila. Sana nando'n din sila Vanessa!" sabi ko.
"Their girlfriends will be there, don't worry." he chuckled. "Do you remember Camryn?" he asked and glanced at me for a second. My brows creased and I shook my head.
"Hindi, eh. Sino siya?" I asked. He sighed heavily and smiled a bit.
"Bagong kaibigan niyo ni Ella. Sa pagkakaalala ko sa kwento mo, nakabangga niyo muna siya sa mall pero naging kaibigan niyo na 'nung nakita niyo siya sa school." pagkwe-kwento niya.
Nang makarating kami sa café na sinasabi ni Ivan ay nahagilap ko na kaagad sila Ella dahil malapit lang sila sa entrance.
Bumaba na ako at agad namang sumunod si Ivan. Bahagya niya akong inakbayan habang naglalakad kami papasok.
"Ikaw interior designer ng café na 'to." he whispered.
"T-Talaga?" gulat kong tanong at tumingin sa paligid. May mga book shelves sa gilid at maganda 'yung color ng mga furniture. Pati 'yung colors ng wall at ibang decorations sa loob.
"Yep." he smiled.
"Seah!" tili ni Nessa nang makita niya ako. Dali-dali siyang tumakbo sa'kin at yumakap.
"Kamusta? Grabe, ano ba nangyari?!" nag aalala niyang tanong at humiwalay sa'kin. She held my shoulders and examined my body.
"Buti at wala kang galos dahil mauupakan ko talaga si Ivan." she sighed. Natawa ako at napatingin sa likod niya.
"Ash." I smiled. Ngumuso siya at lumapit sa'kin para mayakap ako.
"I'm glad you remember us now. But sad because you lost some of your memories again." she sighed and hugged me tighter. I hugged her back and sighed. Hinanap ko si Lia pero sabi ni Bryce, nag bakasyon lang daw saglit. Hindi ko alam kung bakit tumawa sila 'nung sinabi niya 'yun pero hindi ko nalang pinansin.
Nang humiwalay siya ay agad namang yumakap sa'kin ang mga tinik na  kaibigan ni Ivan.
"Ay, na-miss ka namin!" masayang sabi ni Chase.
"Itago niyo na nga kasi sasakyan ni Fernandez, para iwas aksidente!" tumatawang sabi naman ni Kurt. Nagsitanguan naman ang ibang mga gunggong.
Nang humiwalay sila sa'kin ay napadako ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa table nila kanina. She was laughing while watching us.
Napansin yata nila Nessa na nakatingin ako sa kanya kaya linapitan niya 'yon.
"Seah, this is Camryn. Kaibigan din natin siya, we met her last year." pagpapakilala ni Nessa. Tumayo naman si Camryn at lumapit sa'kin.
"Hello." she greeted carefully. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero bigla ko nalang siyang yinakap. I just felt like I wanted to.
Bahagya siyang natigilan pero maya-maya'y yumakap na din pabalik.
"Kinabahan ako, akala ko 'di mo ako papansinin, dai!" she sighed. Nagtawanan ang mga kaibigan namin, pati ako ay natawa na din.
"Magaan loob ko sa'yo, eh. Ramdam ko na kaibigan talaga kita." I smiled at her. Ngumiti siya at lumingkis sa braso ko at dinaldal ako bigla. Natuwa ako dahil madali lang siyang pakisamahan, no wonder she became our friend.
We spent the rest of the afternoon in the café, just talking and sharing random stories. We had a wonderful time just laughing together. It was fun being with them.
Nagsialisan na din kami nang mag six na ng hapon dahil medyo madilim na sa labas. Mas mabuti nang mag ingat. Hangga't maari, ayaw na sana namin ni Ivan na gabihin sa daan.
"Do you want to have dinner first?" he asked while driving.
"Ha? Gabi na Ivan, sigurado ka ba?" I asked. He sighed and nodded a bit.
"Mag iingat naman na ako." he smiled. Tumango ako at sumandal nalang sa upuan ko.
Dinala niya ako sa isang garden resto, malapit lang din 'to sa'min. Sa rooftop area kami dumiretso. Kami lang ang nando'n sa taas dahil nasa baba lahat, pero okay lang, mas maganda nga 'yun, eh.
Iniwan muna ako ni Ivan para um-order ng makakain. Habang wala siya, inilibot ko nalang ang tingin sa paligid. May mga fairy lights na nagkalat kaya maliwanag, madami ding magagandang halaman. May mga vines na nakasabit sa poste and maraming tables pero wala namang ibang nakaupo.
Linabas ko ang cellphone ko at pinicturan ang isang gilid bago pinost sa IG story ko. Bihira nalang ako mag post doon kasi 'di naman ako masyadong mahilig mag picture. Bago na nga ang account ko, eh. Gumawa siguro ako noon.
Sa account ko  dati, ang mga pictures lang sa feed ko ay mga stolen pictures ko na si Ivan ang kumukuha, sine-send niya lang sa'kin. May mga pictures din kaming magkasama.
Naisipan ko tuloy i-stalk ang bago kong account ko para tignan kung ano ang mga post ko these past few years.
I visited my feed and smiled when I saw so many unfamiliar posts. Ang pinaka previous ay two months ago. Ang isa, stolen picture ni Ivan na may hawak na menu, nasa restaurant siguro kami nito. I swiped left and saw a picture of me, smiling while holding a knife and a fork, sa harap ko naman ang mga pagkain.
@seah.perez my date.
The next picture was a stolen picture of me, hugging Ivan's neck whil he was reading something. Saan naman galing 'to?
@seah.perez reading buddy!
Napatampal ako sa noo ko. Ganito na ba ako ka-harot? Ako ba talaga 'to? Oh my gosh, ano ba 'to?
"Ang cute natin diyan." napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang may biglang bumulong sa tenga ko. Ivan chuckled and placed a tray of food in front of me.
"Nagulat ako sa'yo." inirapan ko siya. He sat in front of me and leaned on the table to peek at my phone.
"Tignan mo stories archive mo." sabi niya at kinalikot ang cellphone ko. Linapit ko 'yun sa kanya para hindi na siya mahirapan.
"What the heck?!" gulat kong sabi. Tumawa siya at umayos ng upo, sumandal sa upuan niya at pinagkrus ang mga braso.
Nangunot ang noo ko at binalik ang tingin sa cellphone ko. Bakit ganito?!
Maraming pictures namin ni Ivan. Stolen pictures, mga pictures na nakahalik siya sa pisngi ko or vice versa, pictures na magkayakap kami. Basta, puro gano'n!
Kung gaano kami ka-lowkey noong high school, ganito naman kami ka-showy for the past two years!
"Ang harot, omg!" napatampal ulit ako sa noo. Tinawanan ako ni Ivan at bigla nalang akong pinicturan gamit ang cellphone niya.
Umirap ako at linagay sa bag ko ang cellphone ko. Ang landi mo naman, Chelseah Camille!
"Hindi 'yon maharot, babe! Mahal mo lang talaga ako at gwapo ako kaya todo flex ka!" pang aasar ni Ivan.
I made a face and shoved a piece of garlic bread in his mouth to shut him up.
Tahimik kaming kumakain, tumigil na din siya sa pang aasar, finally!
"How's the food?" he asked. Ngumiti ako at uminom sa iced coffee ko. Gabi na pero pinapainom ako ni Ivan ng kape! 'Di naman na ako nagreklamo kasi gusto ko din naman.
"It's good! I like it here!" masayang sabi ko at pinunasan ng tissue ang labi ko dahil tapos na akong kumain.
"I'm glad you liked it. Pina-reserve ko pa 'tong buong rooftop para sa'tin." ngumiti siya.
"What?" gulat kong tanong. Kaya pala walang ibang tao dito sa taas kung 'di kami!
"Dapat nga ipapaayos ko pa 'to kaso wala nang time kasi kanina ko lang naisipang dalhin ka dito."
"Hindi mo naman na kailangan gawin 'to, Ivan. Okay na ako sa sinpleng dinner." I told him. Biglang sumeryoso ang mukha niya.
"Hindi mo ba nagustuhan?" he asked.
Agad akong umiling. "Nagustuhan ko, siyempre!" dali-dali kong sabi. "Pero hindi mo naman na kailangan gumastos, lalo na't wala namang okasyon." I added.
His eyes softened and bigla nalang siyang napayuko. My brows creased because of his reaction. Bakit parang nalungkot siya sa sinabi ko?
"Fuck, this is all my fault." mahinang bulong niya pero narinig ko pa'rin dahil magkalapit lang kami.
"Ivan?" I called. He looked up at me and I noticed some unshed tears forming in his eyes.
"Are you okay?" I asked softly. Malungkot siyang ngumiti at umiling.
"I-It's our first anniversary t-today, but you f-forgot." his voice broke and he suddenly cried in front of me.
My lips parted and I hurriedly stood up and went beside him. Hinawakan ko ang balikat niya para sana patahanin siya pero mas lalo siyang naiyak.
"Kung sana hindi nangyari 'yung mga nangyari noon, hindi mangyayari lahat ng 'to ngayon. Siguro... siguro masaya tayo ngayon at wala kang mga alalalang nakalimutan."
"Masaya naman tayo ngayon, ah?" I told him and tried to wipe his tears.
"Pero may kulang pa'rin. Y-Your memories... 'yung mga alaalang nakalimutan mo? Those were all so precious. Kasi doon natin napatunayan na kahit anong mangyari, magkahiwalay 'man tayo, makalimot 'man tayo, babalik pa'rin tayo sa isa't isa. P-Pero dahil sa'kin, nakalimutan mo din 'yun." umiiyak na sabi niya.
"Ivan, please stop crying." ayaw kong nakikita siyang ganito kasi nasasaktan ako. He was always the happy and jowful one. Seeing him like this makes my heart ache.
"Natatakot ako. Kasi baka iwan mo na ako. Baka ma-realize mo na hindi na ako makakabuti sa'yo. Baka ma-realize mo na ayaw mo na sa'kin kasi lagi kitang napapahamak. Baka ma-realize mo na hindi mo na ako m-mahal." his voice broke.
"Ano ba 'yang mga pinagsasasabi mo, Ivan?" tanong ko. Hindi pa'rin ba siya nakaka-move on sa aksidenteng 'yon?!
"Mahal kita, okay?! Sa tingin mo ba, papatawarin pa kita kung hindi na kita mahal? Kung ayaw ko na sa'yo, matagal na sana kitang iniwan! I should've left you the moment I found out about everything that happened in the past! Pero nandito pa'rin naman ako, ah? Hindi pa ba sapat 'yun para mapatunayan na mahal kita? I stayed with you even after everything because I love you!" I shouted at him.
"I-I'm sorry." napayuko siya. He started sobbing at hindi ko na napigilan ang sarili kong maiyak din.
"Hindi ko lang maiwasang isipin na kung sana, hindi tayo naaksidente noon, baka natupad na natin mga pangarap natin." he laughed sadly.
"Siguro, kasal na sana tayo ngayon, tapos may sarili na tayong pamilya, tulad ng pinangako ko sa'yo. Baka masaya tayo ngayon-"
"Bakit? Hindi ba tayo masaya ngayon, Ivan? Masaya naman ako, ah? Ikaw ba, hindi?" I asked him.
"M-Masaya ako, siyempre! Pero-"
"Masaya ka pero may 'pero'? Paano ka naging masaya niya'n kung parang hindi ka sigurado? Kung parang hindi ka kuntento? Alam mo, Ivan? Ako, masaya ako. Masaya ako kasi kasama pa'rin kita. Masaya ako kasi nandito ka pa'rin. Pero sa nangyayari ngayon? Hindi na ako natutuwa. Because you keep on blaming yourself about the things that happened before. Hindi mo naman ginusto 'yun, 'di ba? Aksidente 'yung nangyari, Ivan. At nagkaayos tayo bago nangyari 'yon!"
Nag angat siya ng tingin, he's still crying. Matagal niya akong tinitigan bago hinawakan ang kamay ko at pinisil. Ngumiti siya at nagpunas ng luha gamit ang isa pang kamay.
"Masaya ako. Masaya ako kasi nandito ka kasama ko. Masaya ako kasi hindi mo ako iniwan. At masaya ako dahil sa kabila ng lahat, mahal mo pa'rin ako." he smiled.
Agad niya akong yinakap ng mahigpit, ako naman ay binaon ang mukha sa dibdib niya bago siya yinakap pabalik. He kissed the top of my head. "Masaya ako. Wala nang 'pero, pero'." bulong niya.
I smiled and hugged him tighter. Mag sasalita pa sana ako pero biglang sumakit ang ulo ko, dahilan kung bakit mas napakapit ako sa kanya.
"Hey, are you okay?" he asked softly.
I closed my eyes tightly and in what seems like a heartbeat, I saw two years of my life flash before my eyes.
Oh my gosh...
"Naaalala ko na lahat." I cried.

Komento sa Aklat (57)

  • avatar
    Nancy C. Tabuena

    👍🏻

    10/09/2024

      1
  • avatar
    Trisha Rocero

    really good

    19/06/2024

      1
  • avatar
    Charlene Joy Cangas Masayao

    beautiful

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata