35.

"Anak, you're awake... Thank God you're awake!"
Nagmamadaling yinakap ako ni mommy at hinalikan sa tuktok ng ulo ko. Lumapit din si Daddy at marahang hinaplos ang buhok ko. He sighed heavily and lightly kissed my forehead.
"How are you feeling, 'nak?" mahinang tanong niya. Napalinga-linga ako at napansing wala ako sa bahay. I'm in a hospital room. I can tell by just looking at the white walls around me.
Si Ivan? Where's Ivan? Ligtas ba siya? Okay lang ba siya?
"Si Ivan po? Okay lang ba siya? Ma, gusto ko siyang makita. Baka napahamak siya, gusto ko siyang makita." nag aalalang sabi ko at sinubukang tumayo pero agad hinawakan ni daddy ang balikat ko.
"Why, anak? What happened?" he asked worriedly. Natulala ako at inisip ulit ang nangyari.
Bigla akong naiyak dahil bumalik sa'kin ang takot na naramdaman ko 'nung bumangga kami.
"Bumangga kami sa puno kasi iniwasan niya 'yung sasakyan. Y-Yinakap niya ako para... para h-hindi ako masyadong saktan at tamaan... Ma, kamusta siya? Gusto ko siyang makita." kinakabahang sabi ko at nagpunas ng luha. Wala na akong pakialam sa sarili ko dahil ayos lang naman ako. Ang importante sa'kin ngayon ay ang malaman ko kung ligtas ba si Ivan at kung ano ang kalagayan niya.
"A-Anak..." nagtataka niya akong tinignan. Pinakalma ko ang sarili ko at tinitigan din siya, inaantay siyang magsalita.
"Mom? Dad?" tawag ko nang hindi sila umimik.
"Hindi naman kayo naaksidente. Naiwasan naman ni Ivan 'yung sasakyan, anak. Nahimatay ka lang dahil nauntog ka sa dashboard ng sasakyan dahil sa pagpreno niya at hindi ka naka-seat belt kaya dinala ka niya dito." seryosong sabi niya.
"P-Po? Ma, sigurado akong tumama kami sa puno!" sabi ko at sinuri ang katawan ko. Bakit wala akong sugat?
"Seah, ano ba nangyari?" nagtatakang tanong niya. Napatitig ako sa kaniya ng matagal, naguguluhan sa tinawag niya sa'kin.
"Why are you calling me by my first name, Mom?" tanong ko. She suddenly stilled because of my question, pati si daddy ay mukhang natigilan.
"Seah, that's what we use now, right?" she reminded. Nangunot ang noo ko at umiling.
"I-I don't understand..." nagtatakang sabi ko.
"Excuse me." singit ng isang babae sa likod. She was wearing a doctor's coat so I assumed she's a doctor.
"Hija, hanggang saan ang naaalala mo?" the doctor asked.
"Hanggang sa naaksidente po kami ni Ivan. 'Yung tumama po kami sa puno." sagot ko. "K-Kamusta po siya?" I asked again. She sighed and smiled a bit.
"He's outside. I'll go call him." sabi niya. Tinawag niya din palabas sila mommy dahil mag uusap daw sila.
"Babe." napalingon ako sa pinto nang marinig ang pamilyar na boses ni Ivan.
"Hey," he called softly and walked closer. He caressed my hair and smiled softly.
Nangunot ang noo ko at matagal siyang tinitigan. "Why do you look different?" nagtatakang tanong ko at hinaplos ang pisngi niya.
Nangunot ang noo niya at tinitigan din ako. "Seah, what do you mean?" he chuckled a bit. Nagtaka ako nang tawagin niya din akong Seah. Ano ba nangyayari?
Bahagya akong lumayo at sinuri ang katawan niya. Wala din ba siyang galos? Sa pagkakaalala ko  natamaan siya sa ulo mismo 'nung hinarangan niya ako. Bakit parang okay naman siya ngayon? Bakit parang walang nangyari? Panaginip lang ba 'yun?
Matagal akong nakatitig sa kanya, iniisip kung ano ba talaga ang nangyari. He sighed and hugged me tight.
"Anong nararamdaman mo, Babe? May masakit ba sa'yo? Sorry, ha? Dahil sa pagmamaneho ko, napahamak nanaman kita-"
"Nanaman?" nagtatakang putol ko at bahagyang lumayo. Ngayon palang naman nangyari 'to, ah?
"Oo. Nanaman. Dapat nagtanda na ako 'nung una tayong naaksidente noon at parehas na nagka-amnesia. Dapat binabagalan ko na ang pagmamaneho para-"
"Amnesia?" naguguluhan kong tanong.
"Oo, 'di ba?" nangunot ang noo niya. Sinubukan kong isipin kung ano ang sinasabi niya pero bigla akong napahawak sa ulo ko nang bigla 'yong sumakit, parang pinupukpok.
"Hey, are you okay?" tanong niya at hinawakan ako sa balikat. Umiling ako at napangiwi.
"My head hurts so bad!" reklamo ko at mahigpit na napahawak sa balikat niya.
Pinindot niya ang bed alarm sa gilid ng kama at maya-maya ay dumating na 'yung doctor kanina, sa likod niya naman sila daddy.
"What happened?" seryosong tanong niya at lumapit sa'kin. Napalayo si Ivan pero hindi nawala ang nag aalalang tingin niya.
May pinainom naman sa'king gamot kaya naramdaman kong unti-unti nang nawawala ang sakit ng ulo ko.
"Are you okay now?" tanong ng doctor habang umiinom ako ng tubig. Tumango ako at inabot kay mommy ang baso na wala nang laman.
"Seah..." tawag ni doc. Napatitig ako sa kanya ng matagal, nagtataka kung bakit niya 'ko tinawag ng gano'n.
"Camille?" she called later on.
"Po?" I asked her. Napaawang ang labi niya at napabuntong hininga. Pati sila Mommy ay napaiwas ng tingin.
"Hija, I have something to tell you pero 'wag kang mabibigla." she said carefully, tumango naman ako. "'Yung aksidenteng naaalala mo, that was already years ago. You had amnesia after that and I was your doctor." seryosong sabi niya. Nangunot ang noo ko at nagtatakang napatingin 'kila Mommy na nakaiwas ng tingin.
"You were emotionally unstable back then kaya naapektuhan ang utak mo, causing you to lose your memories. Malala din ang tama mo kaya dinala ka sa ibang bansa for better treatment. Kakauwi niyo lang dito sa Pilipinas almost two years ago." she explained. Hindi ako umimik at tahimik na napatingin kay Ivan na nakatingin din pala sa'kin.
"It's been almost two tears na  nandito ka at madami nang nangyari. Nakilala mo din si Ivan pero hindi mo alam about sa nangyari noon. Ang sabi naman ng boyfriend mo,  unti-unti ka naman nang nakakaalala lately pero mukhang nakalimutan mo ang nangyari nitong nakaraan dahil sa pagkakauntog mo kahapon."
"P-Po? Naguguluhan ako... so you're saying that I lost almost two years of my memory?" kunot noo kong tanong. Tumango siya at ngumiti ng tipid.
Napapikit ako ng mariin at napahilot sa sentido nang makaramdam ulit ako ng kaunting kirot.
"I suggest not thinking about it too much. Baka mas lumala 'yang pagsakit ng ulo mo. Maaalala mo nalang 'yan ng kusa. I also suggest that you hang out with people you've been hanging out with recently, in hopes that being with them might trigger some of your lost memories." she smiled. Tumango ako at tipid na ngumiti.
May mga binilin pa siya at in-explain sa'kin bago kami pinayagang umuwi na. Sila Mommy ang nag asikaso ng bill at si Ivan naman ay sinamahan akong mag antay sa waiting area malapit sa parking lot.
Magkatapat kami ng upuan at tahimik lang, walang umiimik. Napabuntong hininga ako at pinaglaruan ang mga daliri ko hanggang sa nauna na siyang nagsalita,
"Camille..." panimula niya. Nag angat ako ng tingin at tinitigan siya, inaantay ang sasabihin niya.
"I know in your memories, kakatapos lang ng away natin at kagabi lang tayo naaksidente." he sighed. Napakagat ako sa labi ko at nag iwas ng tingin.
"W-We were supposed to go on a date yesterday." sabi niya at napansin ko ang panginginig ng boses niya. "We were happy. May binigay pa ako sa'yong scrap book na regalo ko dapat sa'yo noon."
Napatingin ulit ako sa kanya at nakita kong nakatingala na siya, sinusubukang magpigil ng luha.
"Chelseah... ikaw na ngayon si Chelseah." ngumiti siya. "Pero kahit nagpalit ka ng pangalan at nawala ang mga alaala mo, ikaw pa'rin si Camille. Ikaw pa'rin 'yung Camille na minahal ko simula pagkabata at sigurado akong mamahalin ko hanggang pagtanda. Kaya siguro mabilis kitang minahal 'nung nagkita tayo after years of being away from each other. Kasi kahit nakalimutan kita... kahit nawala ka sa mga alaala ko, naalala ka pa'rin nito." he pointed at his chest.
"Mahal na mahal ka nito, eh. Mahal na mahal kita." he smiled and a tear dropped from his eye.
"Pero nakakalungkot lang na kapag kasama kita, napapahamak ka. You almost d-died because of me... Minsan naiisip ko, hindi na ako nakakabuti sa'yo. Pero sinusubukan naman kitang protektahan sa abot ng makakaya ko, eh." he said sadly.
"I-Ivan, hindi ka naman-"
"I'm s-sorry." napayuko siya at tahimik na umiyak. Parang kumirot ang puso ko na makita siyang gano'n.
"Kung 'di dahil sa'kin... hindi ka nahihirapan ng ganito, eh." he sobbed. I smiled sadly and stood up to sit beside him.
"Hindi mo naman kasalanan lahat, Ivan. Tsaka 'di ba nga, susubukan naman nating ayusin 'to?" I said softly. Tumango naman siya at nag angat muli ng tingin, marahang nagpupunas ng luha.
"Aayusin natin 'to." he said with finality which made me smile.
"Magiging masaya din tayo pagkatapos ng lahat ng 'to. Pangako, mahal. Malalagpasan din natin 'to ng magkasama."
Napangiti ako sa sinabi niya. Hinaplos ni Ivan ang pisngi ko nang may tumulong luha doon.
"Babawi ako sa'yo." he said softly ang kissed my forehead.
Dumiretso kami nila Mommy sa bahay habang si Ivan naman ay umuwi na din. Nakadapa ako sa kama ko, tinitignan ang mga story drafts na nasa laptop ko. Nabanggit kasi ni Ivan kanina na madami na daw akong natapos at may mga published na libro na daw ako. Bago na ang laptop ko ngayon. Siguro binili ko ito noon? Hindi ko talaga maalala.
"Anak?" mula sa laptop, napatinigin ako sa pinto nang marinig si daddy at ang pagkatok niya.
"Bukas po 'yan, 'dy!" sigaw ko. agad naman siyang pumasok kaya nginitian ko siya. "Bakit po?" I asked and closed my laptop. Umayos ako ng upo at nag indian seat nalang sa kama ko, siya naman ay umupo sa gilid.
"Gusto sana kitang makausap... tungkol kay Ivan." seryosong sabi niya. I tilted my head, waiting for him to talk again.
"How's your relationship with him?" he asked.
"Okay naman po kami 'dy. Bakit po?"
"Look, as your father, I just want you to be safe." panimula niya. "I know you love your boyfriend. Pero anak, siguro sa ngayon, mas mabuting layuan mo muna siya?"
"P-Po? 'Dy, okay naman kami, ah?" naguguluhan kong tanong.
"I know, anak. It's just that... hanggat maaari sana, huwag ka munang sumama masyado sa kanya. Just look at what happened." he said worriedly.
"Pero daddy-"
"Fine. I'll let him visit you here at home. Pero hanggang dito lang kayo at hindi kayo aalis." putol niya sa'kin. "Sa ngayon, gusto kong patunayan niya muna ang sarili niya sa'yo at sa'min ng mommy mo. At isa pa, kailangan ko din siyang makausap. Naiintindihan mo naman siguro ako, 'no?" he asked.
I bit my lower lip and nodded a bit. Okay na siguro 'yung ganito. Mabuti nga't hindi siya nagalit kay Ivan dahil sa mga nangyari.
Kinabukasan, hinayaan nga ni daddy na puntahan ako ni Ivan. Dumating siya na may dalang boquet at cake. Natatawa pa ako kasi ang seryoso ng tingin sa kanya ni daddy.
"'Dy." kinalabit ko siya dahil parang nangangawit na si Ivan sa cake na inaabot niya.
"Thank you, Ivan." singit ni mommy dahil parang walang balak si daddy na kuhanin mula sa kanya 'yon.
"Anak, sabihin mo mag uusap kami sa living room." Dad sighed and went inside. Mom smiled at Ivan apologetically before following daddy inside. Napangiwi ako at tinitigan si Ivan na linalaro ang mga bulaklak sa boquet na hawak niya.
"For you." sabi niya at inabot 'yun sa'kin. White roses, my favorite.
"Thank you!" I smiled and pulled him inside. "Pasensya ka na kay daddy, ah?" I laughed a bit. He nodded and smiled at me.
Tinulungan ko si Mommy na nasa kusina at naghahanda ng meryenda habang si daddy at Ivan naman ay nag uusap na sa salas.
Buhat ang pitcher na may lamang iced tea ay naglakad ako palapit sa kanila pero hindi pa ako nakakarating doon ay narinig ko na ang sinasabi ni daddy.
"Hindi kita gusto para sa anak ko. Sa totoo lang, hijo, she deserves better, ano? Kasi napansin ko, palagi siyang napapahamak kapag kasama ka. She almost got raped years ago, tapos after that, she caught you cheating. Hinayaan kong ayusin niyo 'yun noon. Kasi sabi mo nagkamali ka at mahal mo ang anak ko. Pinagbigyan kita. Pero anong nangyari? In the same night, she lost her memories because of you." seryosong sabi ni daddy.
"I'm sorry, Sir. I know, it was all my fault. But please believe me when I say that I love your daughter. I really do, sir." Ivan sighed.
"I know. And I'm sorry too, Ivan, but I think it's better if you just stay away from her."

Komento sa Aklat (57)

  • avatar
    Nancy C. Tabuena

    👍🏻

    10/09/2024

      1
  • avatar
    Trisha Rocero

    really good

    19/06/2024

      1
  • avatar
    Charlene Joy Cangas Masayao

    beautiful

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata