Sunod sunod na tumulo ang mga luha niyang kanina niya pa sinusubukang pigilan. He wiped his tears with his other hand while trying his best to focus on the road since he was still driving. "I think it's better if we just go home, Ivan. I badly need to rest." I sighed heavily. "C-Camille... babe, I'm sorry. Sa lahat. I'm sorry kung wala ako kanina. That was my mistake... I-I'm so sorry, babe. I'm s-sorry." he cried, his voice broke and his shoulders started to shake. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong sabihin sa kanya na magiging okay ang lahat. Na magiging okay kami. Pero parang hindi na, eh. Hindi ko na alam. "Please, ihatid mo na ako pauwi." I pleaded. Umiling siya at pinakalma ang sarili habang patuloy pa'rin sa pagmamaneho. "Ivan-" "Mahal kita." putol niya sa'kin. "Mahal na mahal kita, Camille." Hindi ako umimik. Tahimik akong nagpunas ng luha at tumingin sa labas ng bintana. "Mahal din naman kita." I smiled sadly. Napalingon siya sa'kin at ngumiti, inabot niya ang kamay ko at hinayaan ko lang siya. "We promised each other not to give up, right?" paalala niya. Napahigpit ang hawak ko sa kamay niya at napapikit ako ng mariin. "Naiintindihan ko kung ayaw mo na. Alam ko namang kasalanan ko." mahinang sabi niya at tumingin ulit sa kalsada. "Pero sana maintindihan mo 'rin ako kung ayaw kong bumitaw. Camille, mahal na mahal kita. Itong relasyon natin na 'to? Hindi ko 'to isusuko." seryosong sabi niya. I bit my lower lip to stop myself from crying pero tumulo pa'rin ang mga luha ko. "Liligawan ulit kita. Tulad ng dati." ngumiti siya. "I'll win you back, babe. I promise, paghihirapan kong makuha ka ulit." he seriously said which made me cry even harder. Tumango ako at napahigpit lalo ang kapit sa kamay niya. It wouldn't hurt giving him a chance, right? Mas masasaktan ako kung titiisin ko siya. Mas mahihirapan din ako. At alam ko namang may kasalanan din ako. Siguro kung sinabi ko sa kanya 'yung ginawa ni Eugene 'nung una palang, baka hindi siya nag isip ng masama. Naiintindihan ko din naman siya, eh. We both made mistakes. Pareho kaming may kasalanan sa mga nangyari and we have no one else to blame but us. I guess what really matters now is how we'll fix it. Maybe, we can still save our realtionship. His grip on my hand tightened and he lifted it close to hiss lips for him to kiss the back of my palm. Napangiti ako at nagpunas ng luha, hinayaan lang siya sa ginagawa. "Saan ba tayo pupunta?" I asked, much calmer now. "Sabi ko nga, babawi ako sa'yo. So, I'll take you out for dinner tonight." he smiled. Napangiti ako tumango. We ate tapsilog. Gabi na pero naisipan namin na gusto namin kumain ng gano'n kaya naghanap talaga kami. Buti nalang may nakita kaming pansitan na may tapsilog sa menu. "May naalala ako." he chuckled. Uminom ako sa iced tea ko at tinignan siya. "Naalala mo 'nung grade 9 tayo tapos nag date tayo?" he asked. Napanguso ako at bahagyang natawa. "Alin doon? Sa pagkakaalala ko, nagde-date tayo every weekends." Natawa siya at napatango. "Yeah. Pero naalala mo 'nung nag date tayo sa tapsilogan malapit sa bahay nila Chase?" he asked specifically. Parang nabulunan ako sa sarili kong laway at nanlaki ang mga mata. "Ivan!" I hissed and laughed. I remember that day so clearly! Hindi pa alam ng kahit sino na kami na ni Ivan noon. What everyone knew was we were just 'bestfriends' but then Chase came buy, inutusan daw siyang bumili ng coke. Of all places, doon niya naisipang bumili ng coke! Saktong pagdating niya, nakayakap ako sa bewang ni Ivan havang nakahalik siya sa sentido ko. Nasa sulok naman kami kaya hindi namin alam kung paano kami nakita ng gunggong! Napaamin tuloy kami ng wala sa oras. Malas lang dahil kasama niya sila Kurt at mga kaibigan nila ni Ivan dahil may gagawin daw silang project. Palagi na tuloy kaming inaasar simula 'non. Buti nalang at napakiusapan sila ni Ivan na 'wag ipagkakalat. Pero nakakahiya pa'rin talaga! "I miss those days. Those days when we had no other problems but to keep our relationship a secret." he chuckled. Napangiti ako at sumubo sa pagkain ko. Tumango ako habang ngumunguya. "Sana maayos pa natin." he said meaningfully. Napayuko ako at napainom ulit sa inumin ko. Maayos din natin 'to, Ivan. Hindi pa sa ngayon, pero balang araw. Babalik din tayo sa dati at magiging masaya ulit tayo. Basta 'wag ka lang sumuko. We talked about our memories while eating. I think it was helpful. Mas nare-realize ko na deserve din namin ng second chance. Kasi madami na din maming pinagdaanan, eh. Naging masaya naman kami. Tahimik kami habang nasa byahe kami pauwi. Maya-maya ay nagsalita si Ivan kaya napalingon ako sa kanya. "Thank you for tonight, Babe. Ang daming nangyari ngayong araw na 'to pero thank you kasi nandito ka pa'rin. Alam kong hindi pa tayo tuluyang nagkakaayos, but I'm still really happy." he smiled softly. I bit my lower lip before smiling back. "Gusto ko din namang magkaayos tayo, Ivan. Hindi pa siguro ngayon, pero hindi naman tayo nagmamadali. We can take things slow." "We will. Basta in the end, we'll be together. No matter what happens." he said softly and glanced at me before smiling tenderly. I smiled back and nodded. Akala ko, okay na. Akala ko, maaayos na. But I shouldn't have expected too much. Because right when I thought everything was going good, but no. May mabilis na sasakyan na pagewang-gewang na sumalubong sa'min 'nung pauwi na kami. Sinubukang iiwas ni Ivan ang sasakyan niya, but it was raining so the road was slippery. He wasn't able to manuever the car smoothly at nagdire-diretso sa isang puno. Napatili ako at wala sa sariling napahawak sa kamay ni Ivan. Nagmamadali niya akong yinakap subukang protektahan but the impact was too much. The next thing I heard was a loud crash and I felt broken glass on some parts of my skin. Pumikit ako dahil sa takot at mahigpit na yinakap si Ivan. He groaned and I heard another loud bang and I felt his grip on me loosen. Nanghihina na din ako kaya napapahiwalay na din ako sa kanya pero sinubukan ko pa'ring kumapit. "I love you. I'm sorry." Those were the last words I heard him whisper before my eyes closed.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
👍🏻
10/09/2024
1really good
19/06/2024
1beautiful
29/01/2024
0Tingnan Lahat