logo text

Epilogue.

"I'm nervous." sabi ko kay Ivan nang makasakay kami sa sasakyan niya. He chuckled and reached for my hand to hold it. He kissed the back of my palm and smiled softly.
"Don't be. I'm sure they'll love you as much as they love your stories." he said. Ngumuso ako at tumango bago bumitaw sa kanya para ayusin ang seat belt ko. He did the same before starting the car.
"I'm excited." nakangiting sabi niya habang nagmamaneho.
"Mas excited ka pa kaysa sa 'kin, 'no?" I teased. He laughed and nodded happily.
"Siyempre naman! Dati kasi, pangarap mo lang 'yung ganito... Magkaroon ng published book, have your own book signing event, and to meet  your readers. Ngayon, reality na. And I'm really happy for you." he sincerely said.
"Kaya nga. Parang kailan lang... Pero kinakabahan talaga ako. Kasi first time kong magpapakita." I groaned.
May meet and greet event kasi ako sa mall mamaya and finally, I'm introducing myself as C. 
Napilit lang ako ni Ivan at ng manager ko. Wala naman talaga akong balak na magpakilala pero dahil sa kanilang dalawa, naisip ko na mas magandang makilala ako ng mga taong sumusuporta sa'kin at sa mga gawa ko.
"Gusto mo ba, ako nalang magpapakilalang si C?" asar niya. Napairap ako at pinalo ang balikat niya.
"Joke lang, babe. Pero 'wag ka nga kasing kabahan! Mahal ka naman ng mga readers mo. Pero siyempre, mas mahal kita." he said and winked at me.
"Ivan!" I groaned and laughed.
Nang makarating kami sa bookstore ng mall kung saan gaganapin ang event ay agad akong sinalubong ni Hannah, manager ko. 
"Are you excited? Kasi ako, oo!" nakangiting sabi niya.
"Medyo kinakabahan pero kaya na!" I laughed. Napalingon ako kay Ivan na nakaakbay sa'kin, tahimik na inaantay akong matapos sa kausap ko.
"Hannah, si Ivan nga pala, boyfriend ko. Ivan, si Hannah, manager ko." pakilala ko sa kanila.
"Oh, wait... is he the guy from your novel?" nakangiting tanong ni Hannah. I smiled at her and nodded. Ivan's brows creased a bit but when Hannah offered her hand, he immediately shook it and ignored what she said.
May thirty minutes pa bago ang start ng event kaya dumaan muna kami ni Ivan sa café dito sa mall para bumili ng iced coffee.
Nang makabalik kami ay madami nang taong nakapila. Karamihan sa kanila ay may hawak na mga libro. Sa malapit sa pinto ng library, may maliit na stage at sa gitna ay may lamesa at upuan. Sa isang gilid 'nun ay patong-patong na libro na medyo natakpan ng puting tela. Sa kabila naman ay isang Malaking poster na nagsasabi lang ng about sa meet and greet at sa details ko bilang si C. May mga fan arts din na nakadikit sa paligid as decorations. 
I sighed happily... this was once just my dream. Pangarap ko lang 'to noon pero ngayon, ito na. Nasa harap ko na. And I can't explain how thankful and grateful I am for this.
"Woah... That's a lot of readers and supporters, babe." Ivan chuckled and kissed my temple. Napangiti naman ako at tumango, napapatingin sa mga libro kong hawak ng mga tao sa paligid.
"Seah, start na. Halika, introduce na kita." tawag sa'kin ni Hannah. I looked at Ivan and he smiled.
"Good luck, babe. Dito lang ako." he smiled and kissed my forehead.
While walking, my eyes automatically shifted at the spot where me and Ivan first saw each other after years of being separated, realizing that it was also the same spot where we first saw each other when we were kids...
Oh, how fast time flies. I still can't believe that even after all these years, we would still end up with each other.
"So I know, her identity has been a secret ever since her first novel... but! Finally! C has decided to introduce herself already!" napalingon ako kay Hannah nang magsalita siya gamit ang mic na malapit sa lamesa na pagpwe-pwestuhan ko mamaya. Nasa isang gilid naman ako, katabi ang ilan sa mga readers ko na walang alam na ako and author na inaabangan nila.
"Actually, matagal ko na siyang pinipilit magpakilala, eh. Para hindi ako 'yung palaging humaharap sa inyo kapag may bago siyang libro, gano'n!" sabi ni Hannah kaya nagtawanan kaming lahat. Siya kasi palagi ang nagpapakita kapag may bago akong libro, siya din ang admin ng group page ko. Basically, matagal na siyang kilala ng mga readers ko as my manager and admin.
"So, ayun, finally! Oh, mag thank you naman kayo sa'kin, ah!" she smirked and we all laughed again.
"OMG, OMG, I'm so excited!" rinig kong sabi ng babaeng katabi ko. Napalingon ako sa kanya at nakitang pinapalo na niya ang balikat ng lalaking kasama niya. Sa kabilang kamay niya naman ay hawak niya ang ilan sa mga librong sinulat ko.
"Matagal ko na siyang idol! Gosh I'm so excited, 'di ako makahinga!" she said and I laughed. Napalingon tuloy siya sa'kin.
"Ay, ate, don't mind me nalang po. A little OA lang talaga ako! I just really love Author C, eh! Naging fan na ako simula pa 'nung first novel niya!" tumawa siya.
"It's okay." I smiled at her. She looks familiar. Parang nakita ko na siya noon... Artista ba siya? I think I saw her on a billboard somewhere.
Napatango siya at ngumuso para magpigil ng ngiti. Nakikita ko ang excitement sa mga mata niya.
"And, uh... pinapasabi din pala ni C na-" naputol ang sasabihin ko nang tawagin na ako ni Hannah. Napalingon ulit sa'kin ang babae,
"Ano po?" kunot noo niyang tanong. Bumaling ako sa stage at sinenyasan saglit si Hannah.
"Pinapasabi ni C na mahal ka din niya." I smiled at her and left to go near my manager.
"Meet Miss Chelseah, or as we all now her... Author C!" msayang sabi ni Hannah at inabutan ako ng isa pang mic.
Lumakas ang tilian nang kumaway ako. Medyo nakakaagaw na tuloy kami ng atensyon sa ibang taong nasa mall.
Napalingon ako sa babaeng katabi ko kanina at nakitang nakanganga na siya habang nakatitig sa'kin. I laughed and winked at her which made her squeal.
"Halla, omg, omg! I think pwede na akong mamamatay, Brent! Saksakin mo na ako, now na!" sabi niya sa kasama niya at tumalon-talon. I laughed and shook my head. Natatawang napailing din ang kasama niya bago siya inakbayan at binulungan ng kung ano para patigilin. 
"Hi!" I greeted them. They all cheered and clapped their hands which made me smile wider.
"First of all, I would like to thank you all for coming today. Thank you for your overwhelming love and support for me and my novels." panimula ko.
"So the last time I checked, I already made four novels and I'm currently writing the another one." I said, talking about the novel that has been in my drafts for so long at hindi ko matapos-tapos.
"Last year ko pa yata 'yun sinimulan pero 'di ko pa tapos. Hopefully, by next year, matapos na siya... Anyways, so siguro nagtataka kayo kung bakit ngayon lang ako nagpakita at nagpakilala. You all know me as 'C', not as who I really am. Well, let me introduce myself now. I'm Chelseah Camille Perez, also known as 'CallmeC'... I started writing at the age of 16, I think? I made stories for fun. I love reading so it somehow inspired me to write my own. At first, I never really had the courage to share my works to others. For some reason, nahihiya ako... but there was this one guy I was comfortable enough to share my works to."
"When I was in 7th grade, I met a boy, same as my age. I was inside this very bookstore, looking for a good book to read. That was how I met him. He asked me if I had any plans on buying the book that I was holding, when I said 'yes', he just said something and left." napairap ako, naaalala 'yung araw na 'yun. That was years ago but I remember it so vividly, even after once losing memories about it.
"So after no'n, dumiretso ako sa coffee shop. Guess what? The same guy saw me there and he even asked if he could sit with me because there were no more vacant seats!" I laughed. 'Yung mga nakikinig naman, parang kinikilig na.
"Of course, I said yes. We talked and we found out na 'yung school na balak niyang pasukan ay ang school kung saan ako nag aaral. Then not so surprisingly, we became classmates. Then he became my best friend. We had same interests, specially when it comes to reading. So when I started to try writing, he was the first one to read all of my works. He... believed in me. He told me that I have a future in writing. He supported me, he lifted up my spirits and because of him, I had the confidence to share my stories to others." I sighed and smiled.
"I would like to take this opportunity to give a special thanks to that person." I smiled and looked for Ivan in the crowd.
"He was the first person who supported me since day one. The first person who believed in me before I can even believe in myself. I wouldn't be here without him." sabi ko at tinignan si Ivan na nakatayo sa isang gilid. Nang magtagpo ang mga mata namin ay ngumiti ako.
He never stopped supporting me. Kaya siguro kahit 'nung nagka-amnesia ako at nakalimutan ko siya, I still had the courage to write. His love and support was somewhere deep within my heart...
And even after he lost his memories, he still found me as C... and I was still his favorite author.
"You will always be my favorite author."
 Like what he promised.
"I would like to give a special 'thank you' to my boyfriend and my bestfriend, Ivan. Babe, thank you for your never ending love and support." I smiled at him. 
Nagtilian naman ang mga audience. Ang iba ay napatingin sa gawi ni Ivan at may mga naririnig akong nagsasabing ang gwapo daw niya. Of course!
Nang kumalma sila, sinenyasan ko naman si Hannah na malawak ang ngiti, mukhang kinikilig din. 
"We also have a very big announcement!" nakangiting sabi ni Hannah at sinenyasan ako pabalik. Ngumiti naman ako at kinuha ang isang libro ni Ivan mula sa bag ko at itinaas para makita nila.
"You see, when I was in senior high, I completed my first novel. 'Always'. It's based on mine and Ivan's love story." I giggled. Napatingin ulit ako kay Ivan at nakangiti siya pero kita ang gulat sa mga mata niya.
"Me and Ivan posted this on a website before, but I think it's gone now. It was also supposed to be a published book but due to unwanted events, it got cancelled. Now, I have decided to publish it again."
"You see, this book means so much to me and Ivan. This book contains our love story from the first time we met until our senior high school years. This specific book contains all of our teenage memories together. It's like a teenage diary for the both of us." I smiled. Linapag ko ang libro sa lamesa at kinuha ang reprint version.
"I am happy to announce that my first book, 'Always', will now be available in all bookstores nationwide!" masayang sabi ko at tinaas ang reprint version.
May kaunting changes kaming ginawa, but the plot stayed the same. It's still based on mine and Ivan's story. Ang binago lang namin ay ang book cover. Picture pa'rin naman namin ni Ivan, pero kita na ng malinaw ang mukha namin.
May mga highschool pictures din kaming siningit. Since it's based on our story, at dahil may mga naitabing mga picture namin si Ivan, hindi kami nahirapan sa kung anong picture ang isisingit sa bawat chapter. The scrapbook he made years ago really helped a lot.
"I dedicate this book to you, babe." I smiled and glanced at Ivan. Natawa ako nang makita naluluha na siya.
My cry-baby...
"I love you." I said sweetly and the audience started squealing again.
"I love you more." Ivan mouthed and wiped his tears. Natawa ako at nagsimula na ding maiyak dahil sa kanya.
The booksigning was so fun! Gabi na nang matapos kami at bago umuwi, napagpasyahan namin ni Ivan na kumain muna sa labas para mag celebrate.
"I'm so happy." nakangiting sabi niya habang naglalakad kami sa isang park.
"Really? Why?" I asked and hugged his waist. Tumigil siya sa paglalakad at yinakap din ang baywang ko.
"Kasi natupad na ang pangarap ko." he mumbled. Nangunot ang noo ko at matagal siyang tinitigan.
"What do you mean?" I asked. Sa pagkakaalala ko, 'yung akin ang natupad ngayon, eh.
"Pangarap ko ang makita kang may hawak na libro, pinapakita sa mga readers mo. Pinangarap ko na balang araw, makita kita, sa harap ng maraming tao, pumipirma ng mga librong ikaw mismo ang sumulat. And all of that happened today." he smiled softly.
"Pero ako ang may pangarap no'n, 'di ba?" I asked.
"My dream is to see your dreams coming true, babe. Your happiness is all that matters to me."
Sa sobrang lambing ng boses niya, napanguso ako at sumubsub sa dibdib niya dahil naiiyak ako. Sobrang na-touch ako sa sinabi niya.
He's so selfless. Ngayon ko lang din narealize na kahit noon, wala siyang sinabing pangarap niya. Palaging pangarap ko ang iniisip niya. He would always tell me na as long as I'm happy, masaya na din siya... 
Mahal na mahal ko siya...
Kaya siguro sa kabila ng lahat ng nangyari... even after that night, nagawa ko pa'rin siyang patawarin. Kasi alam kong mahal niya ako. What happened before was his mistake... but I was still ready to forgive him. I was hurt, but I love him too much that I can't let him go.
And I guess I can consider our relationship a mature one. We make mistakes, we argue, but at the end of the day... we know how to listen. We know how to understand... we know how to forgive. 
When we got separated, when we forgot about everything that happened between us... when we became strangers to each other... somehow, we still found our way back into each other's arms... we found each other at the same place where we first met...
It's amazing how destiny works... it fascinates me.
"Uwi na tayo?" pag aaya ni Ivan at inakbayan ako. Tumango naman ako at sumunod sa kanya.
"You know, I think we should live together, 'no? We're at the right age, papayagan naman na siguro tayo." I suggested while walking. Medyo malayo kasi ang parking lot sa pwesto namin ngayon.
"Ayaw ko." umiling siya. Napanguso ako at napakagat sa labi ko.
"B-Bakit?" takang tanong ko. Sumeryoso ang mukha niya at matalim na tinitigan ako.
"Are you my wife?" he asked and raised his brows. Malungkot naman akong umiling.
"Exactly." he shrugged. Napatango ako at hihiwalay na sana sa kanya pero mas hinila niya ako palapit.
"I want to marry you first before we can start living together. Gusto ko, sa sariling bahay na natin bilang mag asawa kita iuuwi." dagdag niya kaya nakahinga ako ng maluwag. 
Agad akong napangiti at sumubsob sa tagiliran niya. He chuckled and hugged me while walking.
"Kinkiilig ka nanaman?" tanong niya at sinundot ang tagiliran ko.
"Ivan!" sita ko pero hindi siya tumigil at mas kiniliti ako. Tumatawang lumayo naman ako sa kanya para makaiwas.
"Halika na dito, hindi na kita kikilitiin." he laughed and opened his arms for a hug. Tumawa ako at umiling bago tumakbo ulit. Nasa may highway na kami kaya nauna akong tumawid para iwan siya sa kabila.
"Babe!" sigaw niya, biglang seryoso na kaya natigil ako. Liningon ko siya at nakita kong mas bumilis ang takbo niya papalapit sa'kin.
I heard a loud honk from a vehicle which made me look at my side.
'Yun nalang ang gulat ko nang makitang may mabilis na truck na papalapit sa'kin. Bago pa ako mabangga ay naramdaman ko na ang pagtulak sa'kin ng kung sino.
The next thing I knew was I was on the cold ground, panting, trying to catch my breath.
I tried my best to open my eyes and when I did, I saw people around me. Tinagilid ko ang ulo ko at nakita si Ivan na nakahiga na din sa semento, mas malayo sa'kin. Agad akong kinabahan nang makitang malapit siya sa truck na muntik nang bumangga sa'kin.
Dali-dali akong tumayo para lapitan siya. Sinita pa ako ng mga nasa paligid pero hindi ko sila pinansin. Lumapit ako kay Ivan at agad nanlumo nang makita ang itsura niya.
No...
"Ivan..." kinakabahang tawag ko at hinaplos ang pisngi niya.
His face was covered with his own blood as he laid there... looking so weak and helpless.
"Babe..." I called desperately and cupped his cheeks.
"Open your eyes... please." I said and started sobbing.
"B-Babe..." mahinang tawag niya. Parang nabuhayan ako ng diwa dahil doon at dali-dali siyang hinalikan sa noo.
"Y-You're awake. Please... stay with me... dadalhin kita sa hospital." I said and took my phone out of my bag to call an ambulance. Hindi ko alam kung may tumawag na ba ng ambulansya sa dami ng tao na nasa paligid... pero gusto kong makasiguro. Buhay na ni Ivan ang nakasalalay dito.
I heard him groan kaya napabaling ulit ako sa kanya. Tinaas niya ang kamay para haplusin ang pisngi ko.
"I-I love you... so much. Please take care of yourself for me when I'm gone." mahinang sabi niya. Umiling ako at hinawakan ang palad niyang nasa pisngi ko.
"Tigilan mo ako Ivan. Lumaban ka. Save your energy, please." pagmamakaawa ko habang umiiyak.
 "I don't think I can, babe. But always remember that... I love you... I always will." he softly said and his hand suddenly fell. His eyes closed and my heart skipped a beat.
Sumandal ako sa dibdib niya at umiyak, umiiling. Hindi... Ayaw ko...
He was no longer breathing and I can no longer feel his heartbeat.
He's gone.
I knew that all stories will come to an end. 
And the end of it may be a good one... or a bad one.
His last breath was how ours ended...
"Babe!" reklamo ko at sinabunutan siya. Natawa siya at agad akong yinakap sa bewang para patigilin.
"Joke lang naman." he laughed.
"Siraulo ka! Eh kung ako kaya mismo papatay sa'yo, 'no!" I hissed and hit him again.
"Para lang naman may thrill!" he laughed again.
"Based on true story 'to tapos lalagyan mo ng scene na namatay ka? Eh ba't buhay ka pa ngayon, ha?" inirapan ko siya at inagaw ang laptop ko. Napailing ako at dinelete lahat ng mga tinaype niyang wala namang katotohanan. Baliw kasi!
"Patapos ko na nga lang, inistorbo mo pa ako." reklamo ko at umayos ng upo.
"Okay, hindi na po, babe." he laughed and kissed my cheek. Napanguso ako at sumandal nalang sa dibdib niya.
Nakatambay lang kami sa kwarto, tinatapos ko ang magiging sequel para sa 'Always'.
Ito na 'yung part na nagkakilala kami ni Ivan sa bookstore after years of being separated dahil sa aksidente. May mga binago lang kaming parts, tulad ng kay Eugene at sa mga nangyari 'nung gabing 'yon. We just didn't want to publicize it anymore. We were doing our best to forget about that night.
Ang linagay nalang naming dahilan ng car accident ay dahil nag aaway kami habang nagmamaneho siya.
"Tapos mo na trabaho mo?" I asked him while typing. Tumango naman siya at hinalikan ang leeg ko.
"Tinapos ko na kanina." sabi niya at mas hinigpitan ang yakap sa'kin.
"Magpahinga ka kaya muna?" I suggested. Umiling naman siya at bahagyang hinaplos ang tiyan ko.
"Baka bigla kayong magutom." he smiled. I pouted and shook my head.
"Nope. Kakakain lang namin kanina ni baby." I smiled at him.
"Yeah, pero baka bigla ka nanamang mag crave ng kung ano." he cuckled.
"I'm good. Busog pa kami. You can rest, daddy. I'll just wake you up whenever I need anything." I smiled and kissed his forehead.
"You sure?" he asked. Tumango naman ako at nginitian siya bago tinuloy ang tinatype ko.
Umayos siya ng higa at yinakap ang tiyan ko. Naramdaman ko pang hinalikan niya 'yon bago sumandal sa tagiliran ko at pumikit.
Tinapos ko muna ang epilogue na tina-type ko at tinabi ang laptop sa bedside table, as slowly as I can para hindi magising si Ivan.
Sumandal ako sa headboard ng kama at marahang hinaplos ang buhok niya.
He was asleep with his face buried on the side of my stomach. Ganito siya palagi kapag natutulog. Para daw mayakap niya kami parehas ni baby.
I smiled and stared at the ring on my finger. We got married last year and found out that I was two moths pregnant just last week. Simula no'n, halos ayaw na akong lubayan ni Ivan. Inuwi na din niya dito sa bahay ang trabaho niya para may kasama daw ako. Ako naman, tinuloy ko ang gusto ko... maging full time writer. Kaya madalas, nandito lang ako sa bahay. Minsan, kapag wala na akong magawa dito, magluluto ako para dalhan si Ivan sa opisina at tatambay nalang ako doon.
I smiled and fixed my position. Tumapat ako kay Ivan at inayos ang braso niya na nasa tiyan ko. I hugged his waist and lightly kissed his lips.
"I love you, babe..." he whispered in his sleep which made me smile... I'm happy with my life with him. He's the best husband for me.
Our relationship has gone through so much struggles and problems. It's amazing how in the end, we still chose to be together.
Maybe that's what happens when you really love someone. That even after everything... even after all of the pain, struggles, arguments... you will still choose to be with that person.
What matters is if you choose to give up or fight with the person you love.
And we chose to fight... because we knew that the love that we have was worth fighting for... the love that we have is definitely one for the books... and it wasn't the type of love that you would let go that easily. It was worth keeping.
I know that at the end of the day, our love will always find a way. And we will always find our way back to each other. Because that's what true love is.

Komento sa Aklat (57)

  • avatar
    Nancy C. Tabuena

    👍🏻

    10/09/2024

      1
  • avatar
    Trisha Rocero

    really good

    19/06/2024

      1
  • avatar
    Charlene Joy Cangas Masayao

    beautiful

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata