"Dito ka daw muna, sabi ni Doc." mahinang sabi ni mommy at umupo sa upuan sa tabi ko. Tumango lang ako at huminga ng malalim. "Are you okay, anak?" she asked and caressed my hair. "I'm not." I chuckled a bit. Humawak ako sa sentido ko at huminga ng malalim. "I feel like my mind's about to explode!" "Anak, we're really sorry for hiding all of these from you. Gusto ko 'man i-explain sa'yo lahat, hindi ko naman alam kung ano talaga ang nangyari. Ang sabi lang ni Ella, hindi niyo masyadong pinagkalat 'yung relasyon niyo noon. Kaunting mga kaibigan niyo lang ang nakakaalam pero hindi din naman nila alam lahat." she said and held my hand. "Ella? May alam dito si Ella? Who else knew about this?" takang tanong ko. "Ella and all your other friends only knew that you two were in a relationship but, they don't know how it happened. Kayo lang ni Ivan ang nakakaalam kung paano kayo nagkakilala, paano kayo naging magkaibigan, kung paano naging kayo." "How aboit the accident? Does anyone know why and how that happened?" I asked. "Galing daw kayo noon sa isang bar? Tapos sa pagkakakita daw ni Kurt, 'yung isang kaibigan ni Ivan, magkaaway daw yata kayo. Isaac, his other friend, also saw you two yelling at each other before getting inside Ivan's car." she sighed and held my hand. "Hindi mo pa'rin ba naaalala lahat?" she asked softly. Agad akong umiling at huminga ng malalim. "Si Ivan po pala, nasaan?" I asked her. "Lumabas saglit para bumili ng makakain mo. He'll probably back a few minutes from now." she answered and smiled a bit. Tumango ako at tumunganga nalang sa kisame. I closed my eyes and dug deep inside my head. If there's one thing I'm sure of, it's that I need to remember. Everything. "Babe, saan ka galing kanina?" tanong ni Ivan at umupo sa tabi ko. "Lunch? Kasabay ko si Ella." I shrugged. "Si Ella lang?" tanong niya at pinaningkitan ako ng mata. Ngumuso ako at umiling. "Kasama din namin si Eugene kasi-" "Si Eugene nanaman?" humalukipkip siya. Tumawa ako at hinawakan ang kamay niya. "For a project lang naman." I laughed a bit. Yumakap ako sa braso niya at hinalikan siya sa pisngi. "Eugene and I are friends. That's it! Alam mo namang ikaw lang love ko, so bakit ka nagseselos? Hmm?" malambing kong tanong. "Selos? Ako nagseselos? Nah-uh." umiling siya. I giggled and pinched his cheeks. "You look cute! But stop being jelous, Ivan. You know how much I love you. I only treat Eugene as a friend-" "Well, he likes you." walang ganang sabi niya. Ngumuso ako at umiling. "How do you know about that, huh? I swear, kaibigan lang din tingin sa'kin 'non!" umirap ako at sumandal sa balikat niya. "Just try your best to avoid him. I can see the way he stares at you and I don't like it." seryosong sabi niya at inakbayan ako. Tumango ako at sumandal sa braso niyang nakapulipot sa'kin. "Okay, okay. Fine. If you say so. But he's my groupmate sa project so I basically have no choice but to be with him for the rest of the week." I shrugged. He sighed and kissed my temple. "It's fine. I honestly just don't want him around you. But, I don't want to be too possesive to actually tell you to stay away from him." he chuckled. "Ay, babe! Naiwan ko pala 'yung isang notebook ko sa library natin. Pwede ba natin daanan mamaya bago mo ako ihatid pauwi? I badly need it." sabi ko nang maalala ko. "The blue one?" he specified. I nodded and smiled. "Okay, let's go?" he asked and stood up. Tumango at tumayo na habang nakahawak pa'rin sa kamay niya. Bumitaw siya saglit para isuot sa likod ang bag niya. Kinuha niya ang bag ko at sinuot 'yun sa dibdib niya bago hinawakan ulit ang kamay ko at hinila ako paalis ng field na inuupuan namin kanina. "You can stay there for a while. Sa sususnod na bukas pa naman ang uwi nila Mommy galing Batangas." sabi ni Ivan habang naglalakad kami sa hallway palabas ng school. "Yeah, sure. Ang boring din kasi sa bahay." ngumuso ako. "You always say that." he chuckled and squeezed my hand. I giggled and nodded. Nang makarating kami sa parking lot ay agad kaming dumiretso sa sasakyan ni Ivan. Regalo 'yun sa kanya ng mga magulang niya 'nung eighteenth birthday niya last year. "I want coffee! May coffee pa ba sa inyo, babe?" tanong ko habang inaayos ang seatbelt ko. "Simula nang maging girlfriend kita, palagi kong sinisiguradong may kape sa bahay." he chuckled and started driving. "Mahilig lang talaga ako sa kape!" I laughed and reached to hold his hand. He smiled and intertwined our hands together. Nang makarating kami sa bahay nila ay nauna akong pumasok sa kwarto niya habang siya ay dumiretso sa kusina para makakuha ng makakakain namin at para maipagtimpla ako ng kape. Humiga muna ako sa kama niya at in-on ang TV niya para makanood ako habang inaantay siya. Parang everytime na aalis ang mga magulang ni Ivan, pinapapunta niya ako dito, eh. Simula nang matapos niya kasi 'yung library 'namin', palagi niya nang sinasabi na mas magandang dito nalang kami sa kanila tumambay. Hindi naman napapansin nila mommy na palagi akong umaalis kasi palagi din naman silang wala sa bahay. Kapag nagtatanong naman sila, sinasabi ko nalang na pupunta ako 'kila Ella. Nasanay na ako sa pasikot-sikot dito sa kwarto ni Ivan. May mga extra damit din ako sa cabinet niya kasi minsan, kapag may chance, dito ako natutulog. But before you think of something else, Ivan knows how to respect my femenity. He never touches me inapropriately and he knows when I'm uncomfortable or not. Kapag natutulog ako dito, madalas ay mas gugustuhin niyang sa couch siya. Kung hindi ko pa siya kukulitin, hindi niya talaga ako tatabihan. "Babe, ito na coffee mo, oh." Ivan smiled. He closed the door behind him and walked closer to me and placed a tray with food on his night stand. Umayos ako ng upo at ngumiti sa kanya. "Thank you, baby!" I smiled sweetly and kissed his cheeks. He smiled and sat beside me before wrapping his arms around my waist. We ended up watching a movie in his room while cuddling on his bed. I must admit, I really miss our bonding. We've been busy lately and we don't have much time to hang out anymore. Kaya nga gusto ko din bumawi, eh. Madalas kasi, ako 'yung palaging busy. He was kissing my shoulder blades while I was resting my back against his chest when my phone suddenly rang. Kinuha ko ang remote para mai-pause ang pinapanood namin habang si Ivan naman ay inabot ang cellphone ko na nakapatong sa night stand. Tinignan niya saglit kung sino ang tumatawag at agad namang napasimangot. "Bakit? Who's calling?" I asked him. Huminga siya ng malalim at inabot sa'kin ang cellphone ko. "Si Eugene." Ngumuso ako at sinagot ang tawag habang siya ay bumalik nalang sa pwesto niya kanina. "Hello, Eugene? Napatawag ka?" I asked. "Uh, Camille, busy ka ba ngayon?" tanong niya. Napatingin ako kay Ivan na tahimik na nagce-cellphone habang inaantay akong matapos dito sa kausap ko. "Medyo, pero hindi naman masyado, bakit?" "Kailangan na kasi nating tapusin 'yung report, Camille. Okay lang ba na pumunta ka sa school ngayon? Pinapunta ko din si Ella at iba nating groupmates. On the way na daw sila." he informed me. "Kailangan ba talagang ngayon na, Eugene? Next week pa naman kailangan 'yan, ah?" nagtatakang tanong ko. At isa pa, malapit nang mag seven ng gabi! Masyadong late at sigurado akong hindi ako papayagan ni Ivan. "Camille, kailangan talaga. Aalis ako bukas kasama ang parents ko so absent ako for a few days. Saktong pagbalik ko, araw na ng presentation." he sighed. Napahilot ako sa sentido ko kaya napatingin sa'kin si Ivan. "Is everything okay?" mahinang tanong niya. Nguniti naman ako kaunti at tumango. "Eugene, gabi na kasi, eh. Hindi ba pwedeng ipabukas nalang 'yan? Baka hindi na ako payagan." "Camille, saglit lang 'to. Kaunting details nalang ang aayusin. Makakauwi ka din a few minutes after eight." pangungumbinsi niya. Huminga ako ng malalim at tumango nalang kaunti. "Sige. Pero uuwi din ako kaagad, ah." sabi ko at binaba ang tawag. "Going somewhere?" Ivan asked. I bit my lower lip and nodded a bit. "Para sa project, sabi ni Eugene-" "Saan daw? Babe, gabi na." seryosong sabi niya. "I know, I know. Sinubukan kong tumanggi kaso sabi niya papunta na daw 'yung iba naming groupmates. Nakakahiya naman kung ako lang ang hindi pupunta, 'di ba?" I told him. He massaged his temple and sighed heavily. "Sasama ako. Ako maghahatid sa'yo." simpleng sabi niya at tumayo. Tumango naman ako at inayos ang sarili ko ng mabilisan. "Bakit ba kasi kailangang ngayong gabi pa? Pwede namang bukas, ah." naiinis na sabi ni Ivan habang nagmamaneho. I just shrugged and stayed silent. Medyo naiinis din ako kasi bihira na nga kami magkasama ni Ivan these past few days, naiistorbo pa. I can really relate to why he's so annoyed right now. "Babe, alam kong naiinis ka. Ganito nalang, uhm, sa inyo nalang ako matutulog ngayon! Tatawag ako kay mommy mamaya para sabihin na kay Ella muna ulit ako." I said and held his hand. Tumango siya kaunti at ngumiti ng tipid. "Sasamahan pa ba kita sa loob?" tanong niya nang makarating kami sa parking lot ng Rosewell. "Okay na, babe. Antayin mo nalang ako dito." I smiled and leaned to kiss his cheek. Tumango siya at hinalikan ako sa sentido. "Call me when you need anything." bulong niya at mabilis akong hinalikan sa labi. Nang makapasok ako sa school ay agad kong linabas ang cellphone ko para ma-text si Eugene. To: Eugene I'm already here. Where are you? Nang ma-send ko 'yun ay agad ko namang sinunod si Ella, To: Ella na may attitude School na ako. Papunta ka na ba? From: Ella na may attitude School? It's 7pm, I'm in my room. Wdym? To: Ella na may attitude Sabi ni Eugene, tatapusin na daw natin 'yung project. Hindi ka ba niya tinawagan kanina? From: Ella na may attitude No. Wala naman siyang sinasabi. Tinanong ko pa siya kanina, sabi niya bukas nalang daw natin ituloy. Magrereply pa sana ako sa kanya pero nag vibrate bigla ang cellphone ko at may lumabas na notification na nagsasabing may message daw galing kay Eugene. From: Eugene Nasa open field kami, punta ka nalang dito. :) I sighed heavily and just went there. Nagtataka pa'rin ako kasi sabi ni Eugene, nasabihan niya na si Ella pero ang sabi naman ni Ella, walang nasabi sa kanya. Nang makarating ako doon ay isang tao lang ang nakita ko. Bakit niya sinabing 'kami' kung mag isa lang siya? "Eugene?" mahinang tawag ko. Humarap siya sa'kin nang nakangiti kaya napangiwi ako. "Where are the others?" I asked. He sighed and suddenly took out a sunflower. "Wala, tayong dalawa lang." he chuckled and walked closer to me. Bahagya akong napanganga at umatras pero mas lumapit siya. "Camille, ayaw ko nang magpaligoy-ligoy. I don't know if you've noticed already but... I like you." he smiled and held my right hand. Sinubukan ko 'yong bawiin pero mas hinigpitan niya ang pagkakahawak. He smiled widely and suddenly leaned closer to me. "I like you." ulit niya at tumingin sa mga mata ko. Akala ko ay lalayo na siya pero agad nanlaki ang mga mata ko nang sunggaban niya ng halik ang aking mga labi. Sa sobrang gulat ay agad ko siyang tinulak palayo at sinampal. Nakita ko ding nagulat siya doon kaya napalunok ako. "I-I'm sorry..." tulala kong sabi at humakbang palayo sa kanya. "Hey, it's okay. I think I kind of shocked you a bit." he chuckled. "I just wanted to ask if I can court you-" "Hindi mo dapat ako hinalikan." madiin kong sabi sa kanya. Napatingin ako sa paligid para tignan kung may ibang nakakita pero mukhang kami nalang talaga ang tao dito sa field. "Oh, sorry about that." he chuckled like it wasn't a big deal. "So, can I court you?" tanong niya pa ulit. "Eugene, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak mo at kung bakit mo ako hinalikan-" "It's because I like you, Camille." nakangiting putol niya sa'kin. Umiling ako at napasabunot sa buhok ko. "Damn you." mahinang sabi ko at marahas na pinunasan ang labi ko. "I don't like you! May boyfriend na ako, Eugene!" sigaw ko. Nakita kong nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Fuck, I feel like I just cheated on him." inis na sabi ko at pumikit ng mariin habang nakasabunot ang isang kamay sa buhok. It was an accidental kiss, I know. But it was still a kiss! And technically, he plotted it. So basically, it wasn't even accidental! "Look, I'm sorry about the kiss." he apologized but it sounded fake. "I swear, I didn't know you had a boyfriend." he chuckled a bit, parang natatawa pa. "So totoo pala ang rumors, huh? Boyfriend mo si Ivan? I really thought you two were just close friends." tumawa siya. Alam kong hindi alam ng lahat kung anong meron sa'min ni Ivan. Most of our schoolmates think we're dating but we never confirmed anything so they just settled with thinking that we're just really close. "Tangina." mahinang mura ko at tumakbo na paalis doon. Narinig ko pang tinawag ako ni Eugene pero hindi ko na siya pinansin. Nang makasakay ako sa sasakyan ni Ivan ay agad akong naghanap ng tubig at uminom. Nagtatakang pinapanood niya naman ako. "What happened? Tapos na ba kaagad?" he asked. Umiling ako at binaba ang bote. "B-Bukas nalang daw itutuloy. Balik na tayo sa inyo? Nagugutom na ako, eh." I smiled at him. "Babe, are you okay? Did something happen? Why do you look so bothered?" he asked softly and caressed my cheek. I held his hand and shook my head. "Okay lang ako, Ivan. Let's go? Gutom na talaga ako." I chuckled. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya pero tumango nalang siya at nagsimulang nagmaneho. "Hey, I'm back." napamulat ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan at ang boses ni Ivan. Ngumiti si Mommy at tumayo para si Ivan naman ang umupo sa tabi ko. "How are you feeling?" he asked softly. Instead of answering, I just stared at him. Alam kaya niya 'yung tungkol sa ginawa ni Eugene? 'Yun din ba 'yung gabi ng aksidente namin? I'm not really sure if that's it but I feel like there's still something missing. Pakiramdam ko, may nangyari pa matapos 'non. Did he find out about it? Did I tell him? Nagalit ba siya? What happened after? I just want everything to be clear now. I just want to remember everything. But I have a feeling that whatever happened in the past is something painful. Something that's just not worth forgetting. And I want to know what it is, no matter how painful it may be.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
👍🏻
10/09/2024
1really good
19/06/2024
1beautiful
29/01/2024
0Tingnan Lahat