18.

"Anak, wake up. Seah..." I opened my eyes and saw my mom right in front of me. She smiled and caressed my hair a bit.
"You're sweating. Are you still having the same dream again?" she asked with concern. Agad naman akong umayos ng upo at ngumiti ng tipid.
"Yes, mom." I sighed. I've been getting unusual dreams for about a month now and it confuses me so much.
"Nag usap na ba kayo ni Ivan?" she suddenly asked. Napangiwi naman ako at umiling.
"Busy pa po siya, eh. Business training, sabi niya." I sighed. Isang buwan na din kaming hindi nakakapag usap. Naiintindihan ko naman. Alam kong marami silang ginagawa at marami siyang kailangan tapusin. And besides, isang buwan nalang naman na daw 'yun
"Mom, 'yung about sa box po pala..." I teied to ask again. Pinakita ko kasi sa kanya noon at palagi niyang iniiwas lang ang topic.
"Anak-"
"Ma, can you please just answer my question? You've been avoiding that question for about a month now. Gusto ko lang naman malaman, bakit may picture na ganun? At bakit nasa kwarto ko?" I asked frustratedly.
"Seah, as much as I want to answer your question, hindi ko din naman alam kung ano ang isasagot." she sighed.
"What do you mean?" I asked.
"It's up to you to find out, I guess? Basta, wala akong alam sa box na 'yun. You can also ask your dad, you'll get the same answer." she smiled a bit.
"But-"
"Breakfast is ready. Sumunod ka na sa baba, okay?" putol niya sa sasabihin ko at lumabas na ng kwarto. I sighed and just stood up to get ready dahil may lakad kami ngayon nila Camryn.
"Babe, may project nanaman daw kami!"
"Oh, bakit parang nagrereklamo ka?"
"Eh, nakakatamad! Sasabog na yata utak ko."
"Anong project ba 'yan? Maybe I can help?"
"Report po. Help mo ako please."
"Tutulungan kita, okay? Huwag ka na magpa-cute."
"Bakit, bawal magpa-cute sa boyfriend ko? E'di sige, bahala ka."
"Joke lang naman. Ang sinasabi ko lang, hindi mo na kailangan magpa-cute kasi cute ka naman na talaga."
"Hoy, tigilan mo ako sa pambobola mo, ha? Just help me already!"
"Ang tamad nga naman ng prinsesa ko, oo. Patingin nga."
"Ayan, tapos ayan, tapos ito, at ito pa."
"Ang dami naman! Baka gusto mong gawan natin ng report 'tong buong libro mo?"
"Ih, babe naman! Help me na nga! Dali, para 'rin naman sa future natin 'yan."
"Ginamit mo pa talaga future natin. Oh, kiss mo muna ako para ganahan ako."
"Hmm, daming arte!"
"Huy, tulala ka nanaman! Isang buwan ka nang ganyan, aba! Ganyan ba talaga kapag nalalayo sa jowa, dai?" biglang sabi ni Camryn kaya napabalik ako sa ulirat ko.
"Ha?"
"Seah, what's up with you? Parang palaging malalim 'yang iniisip mo, bigla-bigla ka nalang natutulala." Ella asked and sat on a bench. Nasa mall kasi kami ngayon.
"Wala, wala. Ang weird lang kasi..." mahina kong sabi at umupo sa tabi niya.
"Weird? Weird ang alin?" tanong naman ni Camryn at umupo sa tabi ko.
"Wala-"
"Just tell us already." Ella rolled her eyes.
"Okay, okay. Fine. First, I saw a box in Ivan's room. May mga letters from a girl named Camille. May pictures pa ng isang babae." pagkwe-kwento ko.
"Really? Ano itsura?" interesadong tanong ni Ella.
"Ewan. Hindi kita mukha. Pero long hair tapos medyo maputi siya." I shrugged.
"Sigurado naman akong mas maganda ka dun! Bagay na bagay mo nga 'yang shoulder length hair mo. At maputi ka din naman, ah!" Camryn said. Natawa naman ako at napailing.
"Tell us more." pangungulit ni Ella.
"Sa kwarto ko-" naputol ang sasabihin ko dahil may biglang tumawag sa akin.
"Oh, ayan na pala jowa mo, eh. Sige, sagutin mo na muna." ngumiti si Cam. Tumayo naman ako saglit para sagutin 'yung tawag ni Ivan.
"Hey." I greeted first.
"I miss you!" bati niya which made me smile a bit. Ang tagal na naming hindi nagkita dahil sobrang busy talaga siya.
"Busy ka pa'rin ba?" I asked him.
"Kaunti nalang. Siguro next week, mapupuntahan na ulit kita. Babawi ako sa'yo, promise."
"Naiintindihan ko naman, Ivan. Buti nga nakakatawag ka pa, eh." I sighed.
"Siyempre naman. Hindi na nga kita nakikita tapos hindi pa kita matatawagan? Hindi pwede 'yun, siyempre." he chuckled a bit.
"Oh, sige na. Ituloy mo na 'yung ginagawa mo, 'di ba may report ka pa? Tapusin mo na 'yun. I'll see you soon." paalam ko na.
"Yup, I promise, babawi talaga ako. I love you."
"I love you too." I said and ended the call. I sighed heavily before going back where Ella and Cam were seated at.
Nalulungkot lang talaga ako na hindi na kami nagkikita ni Ivan. Isang buwan nang ganun. Kung kailan maraming bumabagabag sa isip ko, ngayon ko pa siya hindi mahagilap at makausap ng maayos.
"Oh, bakit parang hindi ka 'man lang masaya?" ngumiwi si Cam nang makaupo ako.
"Busy pa'rin?" tanong naman ni ella. Bahagya nalang akong tumango at ngumiti kaunti. Camryn sighed while Ella just rolled her eyes and crossed her arms.
"Ituloy mo nalang 'yung kwento mo." she said and massaged her head.
"So I was cleaning my room last month. Inayos ko 'yung mga extra boxes na hindi ko pa naayos noon." panimula ko.
"Ang then there was this small box that had old books inside. I'm sure those books aren't mine." I shrugged.
"I also saw other stuff along with it. Hairclips, wallet, an old necklace-"
"Anong itusura 'nung ano... 'nung kwintas?" Ella asked and looked away.
"Sira na siya, eh. Mukhang napugtas. Gold yata siya tapos may infinity pendant." I told her. Tumango naman siya at hindi na nagsalita.
"'Yun lang? Wala nang ibang laman?" Camryn asked this time.
"Meron pa... envelope. May lamang picture at maliit na scented paper." I bit my lower lip.
"Ano meron sa picture at sa papel?" Ella asked without looking at me.
"'Ivan and Camille. Always.'" I sighed. Napatakip sa bibig si Camryn at nanlaki ang mga mata.
"Paano... hindi ko gets, Seah." Camryn said. She looks so shocked and confused.
"Paano nakarating 'yun sa kwarto mo?" puno ng pagtataka niyang tanong.
"'Yung picture. Ano 'yung picture?" Ella asked and this time, she looked at me.
"Ivan. When he was I think in high school. May kasama siya, eh. Babae. Ka-edad niya."
"Halla... sino? Namukhaan mo ba?" tanong ni Camryn at hinawakan ang kamay ko.
"Yeah. I know her." I sighed heavily.
"It was... me."

Komento sa Aklat (57)

  • avatar
    Nancy C. Tabuena

    👍🏻

    10/09/2024

      1
  • avatar
    Trisha Rocero

    really good

    19/06/2024

      1
  • avatar
    Charlene Joy Cangas Masayao

    beautiful

    29/01/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata