"Okay ka lang?" napaangat ako ng tingin nang tanungin ako ni Ivan. I smiled at him and hugged his waist tighter. "Okay na po." I sighed. I guess I shouldn't think about Camille too much. Kung sino 'man siya, siguro naman wala na siyang kinalaman sa buhay ni Ivan. "Namumutla ka, oh. May masakit ba sa'yo?" he asked while caressing my hair. "Ha? Wala, wala. Okay lang ako." I smiled to assure him. "Bakit mo pala natanong 'yung tungkol kay Camille kanina?" tanong niya bigla. I sighed and showed him the picture I saw earlier. Humiwalay din ako saglit sa kanya para maipakita ang box na nakita ko kanina sa ilalim ng shelf. "Ito pa, oh." I said and handed it to him. His brows furrowed but he still opened it. He opened one of the letters and stared at it for so long. He suddenly held his head which made me worry. "Hey, are you okay?" tanong ko at hinawakan siya sa balikat. He suddenly stared at me which made me nervous a bit. "Ano meron? Bakit ganyan ka makatingin?" I asked and bit my lower lip. Pumikit siya ng mariin at umiling, "Sorry, medyo sumakit lang 'yung ulo ko." he smiled a little. Binalik na niya ang mga letter sa box, pati 'yung picture ni Camille ay sinama niya doon. "Saan mo nakita 'tong box na 'to?" he asked. "Sa ilalim ng shelf. Nahulog kasi 'yung picture mula sa libro kanina tapos 'nung pupulutin ko na, nakita ko 'yan." I shrugged. Tumango naman siya at ngumiti kaunti, "Ituloy mo nalang 'yung binabasa mo. Itatanong ko nalang kay mommy kung kanino itong box." sabi niya. Tumango naman ako at nagbasa nalang ulit. Ganun din ang ginawa niya kaya wala nang umimik sa'min. "Huy, okay ka lang ba? Ano ba 'yan?" tanong ni Camryn at nakisilip sa cellphone ko. Kanina ko pa kasi tinititigan 'yung picture namin ni Ivan. Nandito kami ngayon sa café ni Tita Irah, kaming tatlo nila Ella. Sasamahan namin mamaya si Camryn mag enroll. "Okay lang." I sighed and looked at the counter where Ella was at. Siya nalang daw ang mago-order, eh. "Bakit parang malungkot ka? Halla, hindi ka na ba masaya sa relasyon niyo ni Ivan?" napatakip siya sa bunganga niya. "Ha? Hindi, hindi. Masaya ako, siyempre. May bumabagabag lang talaga sa'kin." I smiled a little. "Pwede mo naman sabihin sa'kin kung gusto mo." she smiled at me. I sighed and smiled back. "Feeling ko kasi may hindi sinasabi sa'kin si Ivan, eh." sabi ko sa kanya. "Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong niya. "May nakita kasi akong box sa may library sa kwarto niya. Ito, oh." I showed her the picture I took on my phone. "Papel at roses? Ano naman 'yan?" her brows furrowed while looking at it. "Puro love letters. From a girl named Camille. Ang sabi sa'kin ni Ivan 'nung kakakilala palang namin, palagi daw niyang napapanaginipan 'yung si Camille." pagkwekwento ko. "Girlfriend niya dati?" "Hindi niya daw sure, eh. Sa panaginip niya lang naman daw nakikita." I shrugged. "Try mo kaya siyang tanungin? Baka alam niya kung ano isasagot sa mga tanong mo." sabi niya naman. "Tinanong ko na. Sabi niya itatanong niya pa daw kay Tita kung kanino 'yung box. Sabi niya din na kalimutan nalang daw namin 'yung tungkol kay Camille, kaso hindi ko naman makakalimutan 'yun nang basta basta." huminga ako ng malalim. "Ikaw ba? Ano balak mo gawin?" "Gusto ko lang naman malaman kung sino talaga si Camille. Kung sino ba talaga siya sa buhay ni Ivan at kung ano ba talaga sila dati. Kasi alam kong totoo siya, eh. Hindi lang siya sa panaginip ni Ivan. I know she exists in real life. "So ano nga ang gagawin mo?" tanong niya kaya napaisip ako. "Hindi ko alam, Cam. Pero gusto kong malaman. Hindi ko naman siya matanong kasi parang hindi din niya alam." "Ang gulo naman 'nun. Hindi kaya nagka-amnesia si Ivan noon tapos nakalimutan niya 'yung si Camille. Ganun kaya mga nangyayari sa mga pinapanood ko sa TV." wala sa sariling sabi niya. "Amnesia?" I laughed a bit. Wala namang nababanggit si Ivan sa'kin na ganun, eh. "Oo nga! Kasi ang daming pruweba na totoong tao nga si Camille. Ikaw na din mismo ang nagsabi. At 'yung mga letters na nakita mo! That's enough proof, Seah. I-try mo kaya siyang tanungin? Baka naaksidente siya noon tapos malala 'yung tama sa utak." ngumuso siya kaunti. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa mga sinasabi niya. As a girl who loves to read books, amnesia plots and incidents aren't new to me. Stories with plots like, nakalimutan 'nung bidang babae 'yung lalaki dahil sa isang accident o kaya naman, nakalimutan 'nung bidang lalaki 'yung babae dahil sa trauma. Amnesia is a very used plot in fiction but I've never really encountered amnesia in real life. I've never talked to someone with amnesia before. I haven't met one yet. "Sige. Pagiisipan ko. Pwede ko naman siyang tanungin kapag nagkita kami." I sighed. There's nothing wrong with asking so I guess I might just consider asking him about it. Bumalik na din si Ella maya-maya kaya natapos na din ang usapan namin tungkol doon at natuon sa iba. "Ivan, where are you?" tanong ko nang matawagan ko siya. After a few days of thinking wether I should ask him or not, I've finally decided to just ask him. "Sa Rosewell, why?" tanong niya. "Nasa school ka? Bakit, ano ginagawa mo diyan?" I asked him. "Business training with my friends. Lunch break namin ngayon." he informed me. "Ha? Tungkol saan 'yan? Para saan?" parang may nabanggit yata sa'kin si Ella na ganun noon. Kasali din yata siya? "Dagdag knowledge lang about business. Two months lang siya, parang summer class, ganun. 'Di ba nabanggit ko na sa'yo noon?" he explained and asked. "Oh, yeah. Naalala ko na. Kasali nga din yata si Ella diyan?" tanong ko. "Yeah, pero sa kabilang class siya." "Oh, I see. Ingat ka diyan, ha? And call me kapag may time ka. I miss you na. Ilang araw na din tayong hindi nagkita." I pouted a bit. "I miss you more. Babawi ako after this. Dalawang buwan lang naman and then, we can spend the rest of our summer together. What do you think?" He asked with excitement. "I'd love that. Sige na, eat your lunch na po." "Yup, I'll call you later tonight. I love you!" paalam niya at ibinaba ang tawag. Huminga ako ng malalim at ibinaba muna sa kama ko ang cellphone ko. Mukhang busy ngayon si Ivan kaya naisip ko na kapag may time nalang siguro kami mag-uusap. Maglilinis nalang muna ako ng kwarto ko dahil marami pang mga kahon dito na hindi pa naayos simula nang lumipat kami. Inuna ko muna 'yung mga malalaki na puro damit at sapatos ang laman. After that, inayos ko na ang medyo maliliit. Mga libro, lumang stationery, essentials, room decors. Inayos ko muna lahat at ina-arrange sa kwarto ko para maayos tignan. "Three more boxes to go." I sighed. Maliliit nalang naman na 'yung mga 'yun kaya kaunti nalang at matatapos na ako. "Mga libro nanaman." I chuckled a bit. Nang mabuksan ko na ang pangalawang box ay puro lumang rose ang sumalubong sa'kin. "Kanino 'to?" I asked myself. Sure naman ako na hindi ito 'yung mga binigay ni Ivan sa'kin kasi nasa kulay white na wooden box 'yung mga 'yun. "Hmm, baka 'kila mommy tapos nahalo lang sa mga gamit ko." I shrugged and set it aside. Binuksan ko naman ang third box at puro libro nanaman ang laman. "Ha? I don't recognize any of these." I mumbled while looking at them. I'm sure I don't own them. I don't remember buying any of them. "Wait, this looks like the book I saw in my dream. 'Yung binigay 'nung boy sa girlfriend niya." my brows furrowed. I flipped through the pages but there was no name or even book marks in it. May iba pang laman ang box like hair ties and hair clips. May wallet pa pero 'nung tinignan ko, wala namang laman. I saw a small silk bag at the side so I opened it and saw a gold chain. Mukhang sira pa 'yung lock kasi napugtas. I also saw something shining from the inside so I took it out. I stared at the small infinity pendant and slowly realized that it looks exactly like Ivan's necklace pendant. "Who the heck owns this box?" I asked my self while checking the box for labels. At the very bottom of the box, I found an envelope. With shaking hands, I opened it and saw an old picture and a piece of scented paper. I looked at the paper first and read what was written on it with black pen ink. 'Ivan and Camille. Always.' Wait, what? After minutes of staring at the piece of paper in my hand, I decided to look at the photo. It was a picture of two teenagers, both smiling widely. They looked like a couple. I stared at the guy first and my eyes widened when I recognized who it was. Ivan. But who is this girl he's with? After staring at the picture for more than a minute, I finally recognized who she was. "No... this can't be. This doesn't make any sense at all..."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
👍🏻
10/09/2024
1really good
19/06/2024
1beautiful
29/01/2024
0Tingnan Lahat