08.

"Nessa, parang tahimik ka yata? Kanina ko pa napapansin." biglang sabi ni Ash habang inaantay ang pagkain na in-order namin.
Pagkatapos kasi kanina ng performance nila Isaac ay nag-aya sila Chase na kumain sa labas para mag-celebrate.
"Ha? Ah, medyo sumama lang pakiramdam ko." pagpapalusot ko nalang. Tumango naman siya at nakipag-usap na kay Dexter.
"Nessa, okay ba performance ko? Ang galing ko, noh?" nakangiting sabi ni Isaac at umupo sa tabi ko.
"Oo. Good job, Froggy." I said and smiled a little.
"Bakit parang 'di ka proud? Ang liit ng ngiti mo, oh." parang batang sabi niya at nginuso ang labi ko.
"Halikan ko 'yan, eh." bulong niya kaya natawa ako ng sarkastiko.
"Huwag na, baka mas malambot labi ni Amber. Siya nalang halikan mo." bitter kong bulong kaya napatigil ako. Saan naman galing 'yun?!
"Op, narinig ko 'yun! Wait, nagseselos ka ba?" gulat niyang bulong pabalik.
"Ako? Nagseselos? Funny." I rolled my eyes.
"Aminin mo na kase." pang-aasar niya pa.
"Hindi ako nagseselos. Bakit naman ako magseselos, wala naman akong karapatan." wala sa sariling bulong ko. Nessa, ano ba?! Umayos ka!
"Ay, nagseselos Prinsesa ko." nakangisi niyang sabi.
"Prinsesa mo? Eww." ngumiwi ako.
Pero bakit ako kinikilig?!
"Sabi mo, palaka ako. E'di ikaw Prinsesa ko. Kiss mo ako, tignan mo, po-pogi ako." mahinang sabi niya at ngumuso. Para kaming tangang nagbubulungan dito dahil baka marinig kami nila Ash na katapat lang namin.
"Kadiri ka. I would never kiss you! Like, eww!" nandidiring sabi ko.
"A'sus, alam ko namang crush mo ako-"
"Hoy! Ayan na po 'yung pagkain. Parang bubuyog 'tong dalawang 'to." pagpapapansin ni Ash. Napalayo tuloy kami ni Isaac sa isa't-isa.
"Ano ba topic niyo? Kanina pa kayo bulong ng bulong diyan." tanong ni Chase at sumubo sa fries na nasa harap niya.
"Ha? Wala, nag-aasaran lang." palusot ko nalang at kumagat sa burger na para sa'kin.
"Ay, oo nga pala. Di'ba sabi mo walang kissing scene? Bawal ka pa sa ganung scene. I'm telling mom." nakangising sabi ni Lia.
"Then tell her. Baka nga mag-celebrate pa siya." walang ganang sabi ni Isaac at uminom sa soda niya.
"Oo nga pala." tumango si Lia. Napansin ko naman ang pagtataka sa mukha ng iba naming kasama pero binalewala ko nalang. Someday, they'll know.
"Uhm, Bryce." pagtawag ni Lia sa pinsan ko'ng kanina pa tahimik na kumakain. Agad naman siyang napalingon at nagtaas ng kilay.
"Kakainin mo pa 'yan? Akin nalang." nakangiting sabi ni Lia at tinuro ang cake na nakalaan para kay Bryce.
"Ang patay gutom mo naman." asar ni Isaac.
"E'di huwag." umirap si Lia at humalukipkip.
"No, no. You can have it. Hindi naman ako mahilig sa matamis." agad na sabi ni Bryce at tinulak ang platito na may cake papalapit kay Lia.
Liar. He likes sweets kaya!
"Halla! Thank you, Bryce!" masayang pagpapasalamat ni Lia at linantakan ang cake. Napakagat nalang ako sa labi ko para magpigil ng ngiti nang mapansing nakangiti si Bryce habang nakatingin sa kanya.
Alam ko namang may gusto si Bryce kay Lia, eh. It's too obvious. Siguro, indenial or torpe lang talaga siya.
Tahimik kaming kumakain nang biglang may tumawag kay Isaac kaya tumayo siya saglit at nagpaalam para sagutin 'yun.
"Sino ba 'yun? Kumakain, eh." iritang sabi ni Lia at uminom sa milkshake niya.
Sinundan ko ng tingin si Isaac at napansing nakangiti siya habang kausap ang kung sino 'mang tumawag. Napaiwas lang ako ng tingin nang makitang binulsa na niya ang phone niya at pabalik na siya sa lamesa namin.
"Sino 'yun?" tanong ni Ivan.
"Si Amber, she's just congratulating me." nakangiting sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain.
"Oh, eh bakit ngiting-ngiti ka yata? Nako, iba na 'yan!" pang-aasar ni Chase.
"Paanong iba? Masama ba ngumiti?" natatawang tanong ni Isaac.
"Wala, kumain ka nalang." sagot ni Chase at natatawang umiling.
"Huy, Vanessa. Bakit parang iniiwasan mo 'ko? Ano meron?" takang tanong ni Isaac kinabukasan nang makita niya 'ko dito sa room.
"Iniiwasan? Bakit naman kita iiwasan?" natatawang tanong ko.
"Simula kasi kahapon sa restaurant, hindi mo na 'ko kinausap." ngumuso soya at umupo sa tabi ko.
"Paano kita kakausapin kung nasa cellphone mo lang naman atensyon mo?" umirap ako. May ka-text siya, eh. Ayoko namang istorbohin siya.
"Si Amber kasi, eh. Sorry." bigla niyang sabi.
"Ha? Bakit ka naman nagso-sorry? Wala namang issue doon, ah? Mas okay nga 'yun, eh. Nagiging close na nga kayo." I smiled.
"Bakit parang hindi okay sa'yo?" he asked with his brows creased. "Parang ayaw mo."
"Kakasabi ko nga lang, mas okay 'yun." natatawang sabi ko.
"Hindi mo 'man lang ba sasabihin na layuan ko siya, ganun?" parang batang tanong niya.
"Bakit naman?" tanong ko. Napailing lang siya at nag-iwas ng tingin. Maya-maya ay tumayo at lumabas na ng room.
"Oh, umagang-umaga, bakit naka-simangot 'yun?" tanong ni Ash na kakapasok lang. Nakasalubong niya siguro si Isaac kanina.
"Ewan, okay naman siya kanina." I answered.
"Ms. Fuentes?" napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang apilyedo ko.
"Ay, ma'am. Good morning po." nakangiting bati ko sa adviser namin na kaka-pasok lang.
"Ma'am magkla-klase na po ba tayo? May one hour pa po, wala pa 'yung iba." sabi ni Ash.
"Ah, hindi pa. May kinuha lang ako." she answered and smiled. "Vanessa, pwedeng pakihatid ito sa theatre room? Iabot mo kay Shirleen." nakangiting sabi niya at may inabot sa'king papel.
"Ay, opo ma'am. Sige po." nakangiti kong sabi at agad tumayo.
"Thank you, anak." she smiled. Nginitian niya 'din si Ash at ang iba naming kaklase na nasa room bago siya umalis.
"Samahan kita, gusto mo?" tanong ni Ash.
"Hindi na, okay lang. Thank you." I smiled. Tumango naman siya at naglabas ng notebook. Mag-aaral siguro 'to.
Paglabas ko ay nakasalubong ko pa si Dexter. Tinanong niya pa kung nasaan si Ash.
Nang makarating sa theatre room ay agad kong nakita si Camille, member ng theatre. Siya 'yung gumanap na nanay ni Juliet 'nung play. Ang alam ko nga, secret girlfriend 'to ni Ivan, eh. Ewan ko lang kung totoo. Basta sabi ni Chase.
"Oh, Vanessa. What brings you here?" nakangiting tanong niya.
"Ay, iaabot ko lang sana 'to kay Shirleen. Is she here?" I asked her. Tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko bago ako hinila papasok.
"Pres! Si Nessa, hinahanap ka." nakangiting sabi niya at tinuro ako.
"Oh, what's up?" Shirleen smiled.
"Pinapaabot ni Ma'am Delfina." sabi ko at binigay sa kanya ang papel.
"Ah, oo. Sige, thank you!" pagpapasalamat niya at binasa 'yun.
Nag-usap kami kaunti ni Camille hanggang sa nagpaalam na ako. Naglalakad ako paalis doon hanggang sa napadaan ako sa rose garden at napansing may nag-uusap doon.
Oh, si Froggy at Amber pala.
Aalis na sana ako nang marinig ko ang tawanan nila. Parang may nanghila sa'kin na sumilip at makinig kaya agad akong nagtago sa gilid.
Wala akong masyadong maintindihan, puro tawanan lang ang naririnig ko na malinaw. Agad naman akong napa-iwas ng tingin nang nakita kong nagyakapan sila.
Dali-dali akong umalis doon dahil nakita kong paalis na sila, baka makita pa nila ako. Tumatakbo akong bumalik ng room pero hindi pa ako nakakarating doon ay tumigil na ako dahil hinihingal ako.
Umupo ako saglit sa isang bench at tinignan ang relo ko. May thirty minutes pa naman bago mag-start ang classes. Pwede pa 'kong tumambay muna dito.
Napabalik ang tingin ko sa dinaanan ko kanina at naalala ang nakitang ngitian at tawanan nila Isaac. Parang ang bigat sa pakiramdam.
Why am I feeling like this? Bakit parang nasasaktan ako sa nakita ko? Hindi naman dapat, di'ba?
"You're starting to fall in love, Nessa. Kahit i-deny mo pa sa sarili mo, I can see it. Kapag pumupunta tayo sa kanila, sa tingin mo ba hindi ko napapansing lagi mong hinahanap si Isaac kapag hindi ka niya sinasalubong sa gate nila? Kapag nan'dun tayo sa bahay nila, palagi kitang nakikitang nakatingin sa kanya! At kahit palagi kayong nag-aaway at nag-aasaran, nakikita kong natutuwa ka kahit papaano."
Bigla ko nalang naalala lahat ng sinabi sa'kin ni Bryce noon. Is it even possible? Aren't I too young to even fall in love? At kung totoo nga, bakit si Isaac pa?
Why did I end up falling in love with a man who I knew from the start, can't be mine?

Komento sa Aklat (3)

  • avatar
    Allisonlee Paule

    thanks

    06/10/2023

      0
  • avatar
    Shacie Ann Oineza Cuyos

    talagang deserve nitong basahin ♡

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Ariaaaaan

    I will read this soon, More stories to come! 🥺❤️

    09/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata