36.

"Nessa." napalingon ako sa pintuan ng apartment ko nang marinig ko ang boses ni Ash at sunod-sunod na pagkatok.
Agad akong nagpunas ng luha at nag-ayos ng sarili bago ako tumayo at naglakad papunta sa pinto. "Ashllyne, anong ginagawa mo dito?" tanong ko. 
"A-Are you okay? Umiiyak ka ba?" she asked when she saw my eyes. I was supposed to deny it but when I saw how worried she was, I gave up and hugged her tight ang started crying on her shoulder.
Dinala niya muna ako sa sofa atsaka siya pumunta sa pinto at sinara bago bumalik sa'kin. "Hey, anong problema?" she asked softly.
"W-wala na kami ni Isaac." I answered while crying. Nakita ko namang nagulat siya at naguguluhang tumingin sa mga mata ko.
"A-Ano?!"  
"Kahapon... naghiwalay na kami k-kahapon." I sobbed. Agad naman niya akong yinakap ng mahigpit at sinubukang patahanin.
"Shh, magkaka-ayos 'din kayo. Kayo pa ba? Eh, hindi niyo nga matiis ang isa't-isa, eh." pagpapagaan niya sa loob ko. Napangiti naman ako at tumango-tango.
Sana nga maayos pa. Pero parang malabo. Baka nga kasama niya na 'yung babae niya ngayon, eh. Hindi na nga siya nagpaparamdam.
"Bakit ka nga pala nandito?" tanong ko nang matapos na ang drama ko.
"I just want to say sorry. Sa mga nasabi ko noon. Nadala lang ako, I didn't mean it that way." she smiled at me. Tumango naman ako at hinawakan ang kamay niya,
"Okay lang. Naiintindihan kita." I told her. Nag-usap pa kami ng tungkol sa kanila ni Dexter hanggang sa ibalik niya nanaman sa'kin ang topic.
Naiyak tuloy ako ulit at napayakap sa kanya. "H-He cheated on me and-"
"What?" gulat niyang tanong. 
"N-Nakita siya ni Amber sa bar, may kasama siyang babae. Nakuhanan niya pa ng picture." I told her.
"Nessa, that's impossible. Hindi magagawa sa'yo ni Isaac. Mahal na mahal ka niya at nakita ko 'yun." she convinced.
"Nakita ko, Ash. 'Nung nalaman ko, pinuntahan ko siya sa kanila. Tapos doon... naabutan ko siya. With the same girl and he looks so happy. Na parang may malaking bagay na ginawa para sa kanya 'yung babae." pagkwento ko.
"Nag-explain ba siya?" she asked me.
"He tried but I didn't listen. Ayaw ko. Kasi natatakot ako na baka aminin niya na totoong may babae nga siya. Natatakot akong marinig mula sa kanya na ayaw na niya sa'kin at may mahal siyang iba. Hindi ko kaya." umiiyak na sabi ko.
And I think that was my mistake. Hindi ako nakinig... hindi ko sinubukan.
"I cant blame you. Naranasan ko na din 'yan. Pero Nessa, hindi masasagot 'yang mga tanong sa utak mo kung hindi mo susubukang makinig. Kahit masakit, subukan mong makinig sa explanation niya." she said. Tumango naman ako at mas hinigpitan ang yakap sa kanya.
Makinig. Sige, susubukan ko. Pero paano? Hindi na nga kami nag usap simula nang maghiwalay kami.
Kinabukasan, nagising ako dahil sa ingay na galing sa cellphone ko.
"Habit mo na ba ang sirain ang tulog ko kada umaga?" naiinis kong tanong nang masagot ang tawag. Si Bryce nanaman!
"Hello? Nessa, si Dexter 'to." oh, akala ko 'yung bwisit na pinsan ko nanaman.
"Bakit, ano meron?" I asked. Hindi na ako galit sa kanila, bati naman na kami ni Ash, eh.
"Nakita mo ba si Ash? Wala kasi siya dito, pati mga gamit niya." he asked, he sounds so worried.
"Ha? I was with her yesterday, ang alam ko dumiretso siya sa inyo." I said and stood up.
"Oo, umuwi siya. Pero ngayon, bigla nanaman siyang nawala. I-Iniwan niya nanaman y-yata ako." kinakabahang sabi niya.
The tone of his voice was different. He sounded scared. Siguro, hindi na talaga maaalis ang trauma niya sa pag iwan sa kanya ni Ashllyne noon.
"What? No, Dex, just think positive, okay? Hindi ka naman siguro iiwan 'nun ulit. Tutulong ako sa paghahanap, sunduin niyo ako." I told him. Um-oo naman siya at binaba ang tawag.
Bago ako pumasok sa banyo para maligo, tinext ko muna si Ash, baka sakaling mag reply. Luckily, she did.
From: Ashieee.
Please tell him I'm fine. Huwag niya na akong hanapin, just tell him I left. And remind him to take care of himself for the meantime.
Huminga ako ng malalim at pumasok sa banyo para dali-daling maligo.
"Hindi na pala ako sasama, uhm, may pupuntahan pa kasi ako, sorry." sabi ko kay Dexter nang matawagan ko ulit siya.
"Oh, it's okay. Ingat ka sa pupuntahan mo. Sino ba kasama mo? Gusto mo magpasama kay Isaac?" he asked which made me roll my eyes.
"Alam mo? Sana hindi mo na mahanap si Ash. Bwisit ka!" inis kong sabi at binabaan siya ng tawag pero bago 'yun, narinig ko pa ang tawa niya at ng mga kaibigan niya. Mga epal talaga.
Naisipan kong puntahan si Ash sa bahay nila mismo kahit sobrang layo at ilang oras ang byahe. Siguro naman nadun siya. Nagpahatid nalang ako sa family driver namin, buti pumayag sila mommy.
"My gosh, Ash! Hindi mo ba talaga naisip na pati kami nag-alala para sa'yo?!" panenermon ko nang makita ko na siya.
"My gosh, Nessa! Sasabihin ko 'din naman." she rolled her eyes and gestured me to come in.
"What are you up to?" I asked her with a glare. May binabalak 'tong isang 'to, eh. Sigurado ako.
Hindi niya ako pinansin. Kumuha siya ng telepono at may tinawagan.
"Kuya, lalabas lang kami saglit ni Nessa." sabi niya sa kausap niya sa telepono.
"Where are we going?" tanong ko at tinaasan siya ng kilay.
"Can you call Isaac? I need to talk to them."
"Oh, wow. How insensitive. Asking your friend to talk to her ex? Good one!" wow, ang galing! Napatampal naman siya sa noo nang ma-realize ang nangyari kaya sinabi niyang si Bryce nalang daw.
"Hello, Bryce? Busy kayo?" I asked when he answered his phone.
"Not really. Bukas nalang namin itutuloy na hanapin si Ash. The guys have, uhm, other plans. Bakit?"
"Hindi naman daw, ano daw kailangan mo?" tanong ko kay Ashllyne.
"I need to talk to them. All of them except Dexter." sagot niya.
"Kakausapin daw kayo ni Ash, except kay Dexter."
"Wait, you're with Ash?" gulat na tanong ni Bryce. "Well, we're at the bar right now, umiinom kasama sila Dexter."
"Boba, nasa bar sila ngayon. Kasama daw nila si Dexter na nag-iinom." sabi ko naman kay Ashllyne.
"E'di takasan nila!" she answered. I rolled my eyes at her and talked to Bryce. Sinabi niyang sa bahay nalang daw nila kami magkita.
"Oh, andito na pala kayo." bati ni Bryce nang makarating kami sa bahay nila ni Lia. Naabutan niya kaming tinitignan ang displays sa living room nila.
"Hey'yow, what's up?!" sigaw ni Chase kaya agad siyang binatukan ni Ivan at sinita. Naggantihan sila doon, nakisali pa si Kurt.
"Wait, andito si Ash!" gulat-gulatan na sabi ni Chase nang makita niya si Ash sa tabi ko. "Sabi ko na nga ba, hindi mo kami matitiis, eh." aniya.
"Asan si Dexter?" balewalang tanong niya.
"Miss mo na? Andun sa kwarto ni Bryce. Lasing na lasing!" Ivan laughed. 
"Si Isaac, nasaan?" she asked. Napatingin tuloy ako sa likod nila at napansing wala siya doon.
"Nakipagsabayan kay Divera. Ayun, tulog sa guest room." sagot ni Kurt kaya nanlaki ang mga mata ko.
"What?!" I screamed and looked at Bryce who just shrugged.
"Sorry, ayaw papigil, eh."
I glared at them, one by one, before going upstairs to look for Isaac. Naabutan ko siya sa guest room, kinakausap 'yung kisame. Akala ko ba tulog siya?
"Tapos sabi niya hindi ko siya mahal? Huh, mahal na mahal ko 'yon, pare! Kahit ilang beses akong hiwalayan 'non, liligawan ko pa'rin siya!" lasing na sabi niya.
"Akala niya nambababae ako? Ulol, siya lang nag-iisang babae sa buhay ko, tangena! Mas mahal ko pa 'yon kesa sa kapatid kong panget! Ay, gagi, kambal pala kami." he said and laughed like a moron.
"Nessa, my labs! Balik ka na sa'kin, mahal ko! Hindi ko na kaya, napaka-sakit sa powzo!" sigaw niya at biglang umiyak.
What the heck?!
Napairap nalang ako at tumakbo na pababa. Para siyang tanga, nakakainis.
"I'm back! What did I miss?" I asked them when I got back.
"Oh, bakit nandito ka na agad?" tanong ni Chase.
"Please tell your friend once he's sober, he's annoying." sumimangot ako.
We started talking about Ashllyne's so called 'paghihiganti' after that. 
Her plan was successful. Not only did they make up, they also got engaged!
First, Lia got narried. And now Ashllyne is freakin' engaged! Tapos ako... nevermind.
"Ang harot niyo, gutom na kami!" Chase yelled out of no where. Napairap nalang ako at binaba ang camera na hawak ko.
Kainan na after 'nun kaya nagkanya-kanyang kuha na kami ng pagkain namin. Nasa kabilang table sila Ash, kausap ang parents niya. I smiled when I saw how happy they both were. After all they've been through, they deserve a happy ending. I'm just so happy for them.
'Nung wala nang kausap sila Ash, tsaka nalang kami lumapit sa kanila.
"Tagumpay ang paghihiganti ni Ms. Tuazon! Naks, soon to be Mrs. Divera, ah?" Chase laughed.
"Congrats!" masayang sabi ko naman.
"Kayo na ba sunod? Ay, break na nga pala." pangaasar ni Chase kaya agad siyang binatukan ni Isaac.
"Mag break 'din sana kayo ni Camryn." I said and crossed my arms.
Nag-asaran pa kami doon bago naisipan magsiuwian na. Habang naglalakad ako palabas ng venue, naabutan ko si Isaac na nakatayo sa isang gilid at tinitignan ako. I ignored him and just kept walking but he held my wrist and pulled me.
"Aray, bitawan mo nga 'ko." inis kong sabi sa kanya. Hindi niya ako pinansin at hinila lang papunta sa kung saan.
"Ano ba?!" inis kong tanong nang bitawan niya na ako. He sighed and hugged me tight.
"Pakinggan mo naman ako, Vanessa. Please." he pleaded while hugging me. Naramdaman ko din na namamasa na ang balikat ko, umiiyak na siya.
He seemed so desperate for me to listen to him.
"Sige. Pagbibigyan kita. Makikinig ako." walang emosyong sabi ko kaya agad siyang humiwalay sa'kin at nagpunas ng luha.
"Mahal..." mahinang sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Hindi kita linoloko. Maniwala ka." he convinced.
Napakagat ako sa ibabang labi ko at nag iwas ng tingin. I can't stand here while seeing his tears. I feel so weak seeing him cry.
"'Yung babaeng kasama ko, pinsan ko 'yun. Hindi lang halata, pero mas matanda sa'kin ng apat na taon 'yun. Nagpatulong kasi kami sa kanya ni Bryce para ma-cancel ang annulment na pinapa-pirma ni Lia."
"H-Ha?" gulat kong tanong.
"She's a lawyer. Siya lang talaga kilala naming makakatulong kaya siya ang linapitan namin. Maniwala ka, mahal. Lahat ng ginawa ko... ginawa ko 'yun para sa'yo. Para sa'tin. Please, maniwala ka." umiiyak na sabi niya at yinakap ako ng mahigpit.

Komento sa Aklat (3)

  • avatar
    Allisonlee Paule

    thanks

    06/10/2023

      0
  • avatar
    Shacie Ann Oineza Cuyos

    talagang deserve nitong basahin ♡

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Ariaaaaan

    I will read this soon, More stories to come! 🥺❤️

    09/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata