29.

"Looove!" tili ko nang bigla akong kilitiin ni Isaac. Nananahimik akong nagii-sketch dito sa lamesa ko tapos bigla siyang mangingiliti.
"Date tayo." sabi niya habang patuloy pa'rin sa pangingiliti sa'kin.
"Oo na. OMG, put me down!" sigaw ko dahil bigla niya akong binuhat, 'bridal style'.
"Ang gaan mo pala." he chuckled and kissed the tip of my nose. Linabas niya ako ng kwarto at diniretso ako sa salas. Umupo siya sa sofa habang buhat pa'rin ako. 
"Saan mo gusto pumunta?" tanong niya habang inaamoy ang leeg ko. Nakatalikod kasi ako sa kanya, nakasandal ang likod ko sa dibdib niya habang nakasaklot sa kanya.
Umayos ako ng upo, pagilid na nakaupo sa lap niya para matitigan siya, "Kahit saan na, bahala ka." I shrugged and played with his hair.
"Sige, bihis ka na. Maliligo lang ako saglit." sabi niya at tinulungan akong tumayo. Tumango ako at dumiretso na sa kwarto ko para magbihis. Naligo na kasi ako kaninang umaga, siya nalang ang mabaho. May mga damit naman siya dito sa apartment ko kasi dito siya natutulog kapag trip niya kaya hindi na niya problema ang susuutin.
"Saan tayo pupunta?" I asked when we got inside of his car.
"Opening daw ng bagong café nila Ivan, gusto mo i-try? Nag lunch naman na tayo kanina." he suggested.
"Okay, sige." I nodded and held his free hand. He smiled and started driving with his other hand. Nasanay na 'din kami na ganito, nagmamaneho siya habang hawak ko ang isang kamay niya at linalaro ang mga daliri niya. 
"Mahal, daan muna tayo sa NBS. May bibilhin lang ako saglit." sabi ko nang makapasok kami sa mall.
"Ano bibilhin mo?" he asked and raised a brow.
"Sketchbook lang." I smiled and held his hand. Tumango naman siya at binitawan ang kamay ko para maakbayan nalang ako. Ngumiti naman ako at humawak sa bewang niya habang naglalakad kami.
"Anong sketchbook ba kailangan mo?" he asked when we were at the papers and notebooks section. 
"Wait," sabi ko at nagtingin muna. Kumuha ako ng dalawa bago umalis doon at dumiretso sa rack ng highlighters.
"Oh, bakit ka nandiyan?" tanong niya nang makitang nagte-test na ako sa papel na nandoon.
"Bigla kong naalala, ubos na pala highlighters ko." I smiled and took a set of mildliners.
Napadako ang tingin ko sa rack ng colored pens at nakitang may stock na sila ng gel pens na matagal ko nang gusto.
"Akala ko ba sketchbook lang?" natatawang tanong ni Isaac nang lumapit ako doon. I ignored him and took a pack of ten.
"Tara na, baka kung ano pa makita ko." I chuckled and pulled him towards the counter. Habang naglalakad kami papunta doon, nakakita ako ng isang set ng acrylic paint tubes na siyang ikinanguso ko.
"Sige na, kunin mo na." natatawang sabi ni Isaac nang makita ang tinitignan ko. I smiled widely and walked towards it. Pagbalik ko sa kanya ay napansin kong may tatlong paint brush at dalwang canvas na sa basket.
"Oh, para saan 'yan?" tanong ko. 
"Paubos na mga canvas mo tapos luma na 'din mga paint brush mo." he smiled and walked towards the counter. Wala sa sarili akong napangiti dahil, ewan ko. Basta natutuwa ako.
He's really supportive when it comes to my hobby, which is painting. Madalas, binibilhan niya ako ng mga canvas and painting supplies kapag napapansin niyang paubos na ang stocks ko.
"Saan ba 'yung café nila Ivan?" tanong ko nang makalabas na kami. Umakbay siya sa'kin habang dala-dala sa isang kamay ang paper bag ng mga binili ko.
"Sa second floor pa yata, mahal." sagot niya habang naglalakad kami. Tumango nalang ako at sinundan siya.
"The interior, omg." bulalas ko nang makarating kami doon. It's very calm and aesthetic to look at. 
"The whole place smells like coffee." Isaac said which made look at him.
"It's a café, what do you expect?" I said and rolled my eyes.
"Bro, I'm glad you came." nakangiting sabi ni Ivan nang makita niya kami. The two did their classic 'Thorns handshake' and laughed. Ivan smiled at me and lightly kissed my cheek.
"I like the place. It's so calm and-"
"It smells like coffee." putol sa'kin ni Isaac.
"Dude, It's a café." umirap si Ivan.
"Sino interior designer niyo?" I asked him. He suddenly smiled widely and looked around the whole place before looking at us again,
"Si Seah. You know her, right?" he asked while smiling.
"Oh, y-yeah. Siya 'yung bagong student sa school." I smiled a little.
"Are you courting her?" tanong naman ni Isaac na mas nagpalapad sa ngiti ni Ivan.
"Yeah." he nodded.
"But you barely even know her. How long have you two been talking? Four, five months?" dagdag na tanong ni Isaac kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Three months palang, actually. But you know what's weird, bro? I feel like I've known her for more than three months." his brows furrowed. "I know, it's weird." he chuckled. Magsasalita pa sana si Isaac pero sinamaan ko siya ng tingin kaya hindi nalang siya umimik.
"Sige, balik na ako sa kusina. Tinutulungan ko pa kasi si mommy. Order na kayo, it's on me." he clicked his tongue and winked at us which made me roll my eyes.
"'Di ka cute." I told him which made Isaac laugh.
"Sabi ko nga." Ivan chuckled and waved at us before walking away.
"Upo ka na, ako na mago-order." nakangiting sabi sa'kin ni Isaac at inabot sa'kin ang paper bag ng mga binili ko kanina.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain ng cake na in-order niya. Si Ivan daw kasi nag bake 'nun kaya 'yun ang in-order niya tapos dalawang milkshake.
"Ganito kasi, mahal. Clarify ko, okay." pigil niya sa sinasabi ko. Pinag uusapan kasi namin ang mga future plans namin at ang dami kong apela sa mga suggestions niya.
"Pagka-graduate natin ng college, maghahanap tayo ng trabaho natin tapos pag iipunan natin 'yung magiging bahay natin sa future," tinaas niya ang kamay niya at nagbilang gamit ang mga daliri niya.
"Kapag okay na 'yun, may bahay na tayo at stable na ang trabaho natin pareho, tsaka kita pakakasalan." he grinned while staring at his finger.
"Tapos tsaka kita bubuntisin- aray!" sigaw niya dahil bintukan ko siya agad. Buti nalang kaunti lang ang tao dito sa may pwesto namin.
"Tigilan mo nga 'ko." umirap ako na siyang ikinatawa niya.
"Basta, 'yun ang plano." ngumisi siya at sumandal sa upuan niya. "Ilang anak ba gusto mo?" tanong niya kaya napatigil ako. 
"Ano ba 'tong topic natin?" I laughed. "Hmm... okay na siguro 'yung dalawa o tatlo? Kung papalarin, kambal. Parang kayo ni Lia." I smiled.
"Balang araw, mahal." he smiled sweetly and reached for my hand. "I love you." he said sweetly.
"I love you more." I answered.
"Kung dadating 'yung araw na magkaka-problema tayo... hindi tayo susuko, ha? Lalaban tayo. Hindi natin gagawin 'yung parang noon na binitawan natin ang isa't-isa. Ipangako mo 'yan." he softly said and kissed the back of my palm.
"I promise." I smiled and stood up to reach his face and be able to kiss his lips.

Komento sa Aklat (3)

  • avatar
    Allisonlee Paule

    thanks

    06/10/2023

      0
  • avatar
    Shacie Ann Oineza Cuyos

    talagang deserve nitong basahin ♡

    31/07/2022

      0
  • avatar
    Ariaaaaan

    I will read this soon, More stories to come! 🥺❤️

    09/05/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata